Sa opisina ng CEO.Parehong nakaupo nang tahimik sina Yvonne Xavier at Wendy Sorrell. Nang marinig nilang bumukas ang pinto, sabay silang tumayo.Isang matandang babae ang nakatayo sa harap nila. Parehong kinabahan sina Yvonne at Wendy dahil medyo nakakatakot ang aura ng babae. Hindi normal na tao ang kanyang seryosong presensya, at nangingibabaw sa buong kwarto.Si Yvonne na nagmula sa isang established background ay nanigas sa kanyang kinatatayuan, habang si Wendy na mula sa isang normal na pamilya ay hindi naglakas-loob na umimik.Tumingin si Thea York kina Yvonne at Wendy. Maganda ang mga secretary ng CEO; hindi nakapagtatakang ang kanyang kept man, si Wyatt Johnson, ay hindi umuwi kagabi."Sino ka? Ito ang opisina ng CEO. Paano mo magawang pumasok nang ganon-ganon lang?" Pinakalma ni Yvonne ang sarili at nagtanong, habang nakataas ang isang kilay.Mapanghamong tiningnan ni Thea si Yvonne. "Anong karapatan ng p*kp*k na tulad mo na tanungin kung sino ako? Sabihan niyo ang CEO
"Hindi ko alam kung saang basura gawa ang lalaki mo pero huwag kang mag-alala, wala akong interes na makipag-kumpitensya sa isang dominatrix!" Bagaman dumudugo ang mga labi ni Yvonne mula sa bugbog na inabot niya, hindi siya nagpigil.Sa sandaling iyon, alam ni Wendy Sorrell na kailangan niyang kumilos, o baka mabugbog si Yvonne doon hanggang mamatay siya. Hindi siya naglakas-loob na lumaban, at kaya lamang niyang sumugod kay Yvonne at tumayo sa harap niya. Mahina niyang sinabi, "Miss Xavier, huwag ka na sanang magsalita pa. Hintayin nating bumalik ang CEO. Hindi pwedeng palagi mong pasan ang lahat, siya ang CEO...""Pinoprotektahan mo siya pero sinasabi mong hindi mo inaagaw ang lalaki ko?" Malamig na tumawa si Thea York saka humarap kay Wendy. "Lumuhod ka rin, ikaw na baboy ka, kung hindi ay tuturuan din kita ng leksyon!"Naguguluhan si Wendy, ngunit nang makita niyang iniinda ni Yvonne ang sakit, wala siyang magawa hindi lumuhod. Kung patuloy siyang magmamatigas, baka sapitin din
"Sa tingin mo ba ay nasa capital ka?" Malamig na nagsalita si Harvey York. "Sa tingin mo ba ay parang pamilya York ang lugar na ito na pwede kang maglaro ng mga trick at mambully ng iba?""Ay? Hindi ba?" Puno ng paghamak ang mga mata ni Thea York. "Kahit na hindi ito ang lungsod, isa ka lamang basurang tinapon na ng pamilya. Sa palagay mo ba ay mananalo ka laban sa akin?"Tumingin si Harvey sa kanyang mga bodyguard at nangutya. "Sa palagay mo ba ay matatalo ako ng mga basurang dinala mo dito?"Kuyta nj Thea, "Harvey, narinig king naging live-in son-in-law ka ng kung anumang pamilya Zimmer na yan. Huwag mo akong sisihin na hindi kita binalaan. Kung mangangahas kang gumalaw, pagbabayarin ko ang buong pamilya sa iyong kasalanan!""At saka, dahil buhay ka pa, gusto kong sabihin ito sa mukha mo: Akin ang York Enterprise. Regalo ko ito sa asong iyon na pag-aari ko. Kung mangangahas kang pumasok dito sa susunod, ipapabasag ko sa ibang tao ang mga binti mo!"Aso niya?Tumingin sina Yvonn
"Nagtataka ka ba kung bakit may ganon akong mga skill?" Ngumisi si Harvey.Gulat na gulat si Thea York at gulong-gulong bumagsak sa sofa. Bumilis ang kanyang paghinga nang tanungin niya, "Paano ito nangyari?""Simple lang naman. Kung wala akong mga skills na ito, hindi lamang ako pinalayas tatlong taon na ang nakalipas, patay na ako. Naiintindihan mo ba?" Dahan-dahang sinabi ni Harvey.Nanlaki ang mga mata ni Thea. Hindi niya alam kung bakit nagawang mabuhay ni Harvey tatlong taon na ang nakakaraan, ngunit ngayon alam na niya.Karaniwang pinapatay ng pamilya York ang isang abandonadong tagapagmana, nang walang pag-aalinlangan. Bakit nila siya pinayagan na maging isang live-in son-in-law? Isa siyang panganib para sa kanila.Subalit, hindi nila kayang iligpit ang abandonadong tagapagmanang ito. Hindi ba kaya ng pamilya York na kunin ang buhay niya?Sa sitwasyong ito, hindi ba dapat naglagay ng patibong ang pamilya kahit papano?"Harvey ... Inaamin kong mababa ang tingin ko sa iyo.
Ngumiti nang mabagsik si Harvey York habang hinawakan ang leeg ni Wyatt Johnson, binuhat niya siya ng isang kamay. Mahina niyang hirit, “Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon? Sa palagay mo ba ay kaya ka talagang ipagtanggol ng matandang p*kp*k na ito?”Malupit siyang tinapon siya ni Harvey.Thud!Nahulog ang dalawa sa mga ipin ni Wyatt, at sumigaw siya na parang isang baboy na kinakatay. Subalit, exclusive floor iyon ng CEO. Walang ibang tao sa paligid bukod sa kanila.Kumirot ang puso ni Thea York sa kanyang nakita, at mabilis niyang hinawakan ang braso ni Harvey. "Bitawan mo siya, Harvey. Siya ang aking precious sweetheart. Kung maglalakas-loob kang saktan siya, sisiguraduhin kong mawawalan ka ng katawan na ilibing!"Sinipa siya ni Harvey at si Thea ay bumagsak sa sahig. Gayunpaman, tumanggi si Thea na sumuko. Niyakap niya ang binti ni Harvey at mahigpit na hinawakan iyon. "Bitawan mo siya! Bitawan mo siya!"Malamig na ngumiti si Harvey. Pinakawalan niya ang kaliwang kamay a
Si Wyatt Johnson ang kanyang kept man. Wala siyang awang pinahirapan ni Thea sa mga nagdaang araw hanggang sa siya ay napagod. Ni hindi man siya naglakas-loob na itaas ang kanyang boses sa harap niya, paano niya siya sasampalin ngayon?Subalit, kung hindi niya siya sasampalin, si Tyson Woods ang gugulpi sa babaeng iyon."Dapat masiyahan si Yvonne Xavier sa lakas mo. Kung hindi siya masisiyahan, hindi namin bibilangin ang sampal na iyon. Kakailanganin mong tandaan iyan kapag bubugbugin mo siya," kaswal na paalala ni Harvey York kay Wyatt.Nanginginig si Wyatt nang tumayo siya. Tumingin siya kay Harvey, saka lumingon kay Thea. Hindi niya kayang hampasin siya matapos niyang itaas ang kanyang kamay.Pinikit ni Thea ang kanyang mga mata at sumigaw, "Wyatt, kung malakas ang loob mong saktan ako sa pangalawang pagkakataon, iiwanan kita!"Napangisi si Wyatt. Matagal na siyang kept man niya. Umasa siya sa matandang babaeng ito at pinayagan siyang pahiyain nito. Matagal nang aawala ang kany
Matapos ang masusing check-up ni Ella Graves, nalaman nilang hingi ganon ka-seryoso ang mga injury ni Yvonne Xavier. Kailangan lang niyang magpahinga ng sampu hanggang labing limang araw at fully recovered na siya.Hindi rin ganoon ka-seryoso ang mga sugat ni Wendy Sorrell. Tantiya ni Ella ay kakailanganin lamang niya ng tatlong araw na pahinga.Gayunpaman, paniguradong pareho silang hindi makakapasok sa trabaho. Kailangan nilang magpagaling sa bahay.Sumang-ayon si Yvonne na siya at si Wendy ay dapat magpahinga at pagalingin ang mga sugat nila. Kailangang ni Harvey na personal niyang asikasuhin ang mga bagay sa York Enterprise.***Pagkalipas ng isang linggo, nakabalik na si Wendy sa trabaho. Kailangan pa ni Yvonne ng ilang araw pang pahinga.Medyo naintindihan ni Wendy ang mga gawain ni Yvonne, kaya sa mga tagubilin ni Yvonne, pansamantala niyang kinuha niya ang trabaho niya.Sa CEO’s office, tumitingin sa ilang mga dokumento si Harvey nang maingat na kumatok sa pintuan si Wen
Nagkatingin ang mga miyembro ng pamilya Zimmer sa isa’t isa. Narinig nila ang tungkol dito at narinig din nila na opisyal na inimbitahan ng mga Naiswell ang bagong CEO ng York Enterprise para sumali sa antique fair.Nakatanggap ang lahat ng first-class na pamiyla sa Niumhi ng imbitasyon sa event, pero wala pang natatanggap ang pamilya Zimmer. Marahil ay hindi pa sila napapansin ng mga Naiswell.Ang mga Naiswell—ang first-class family sa provincial town. Napaka-sukdulan nila at mataas ang tingin ng lahat ng pamilya sa kanila kahit manatili sila sa Niumhi. Isang malaking karangalan ang makatanggap ng imbitasyon sa Antique Fair. Bagaman may nakamit ang pamilya Zimmer ngayong taon, kailangan pa rin nilang magsumikap kung nais nilang seryosohin sila ng mga Naiswell.Bagaman naisip ito ng pamilya Zimmer, hindi ito inisip ni Senior Zimmer. Tinambol niya ang mga daliri niya sa mesa at sinabi, “Kayong lahat, sa wakas ay may mga achievement tayo sa taong ito. Ang commercial center project pat