Si Wyatt Johnson ang kanyang kept man. Wala siyang awang pinahirapan ni Thea sa mga nagdaang araw hanggang sa siya ay napagod. Ni hindi man siya naglakas-loob na itaas ang kanyang boses sa harap niya, paano niya siya sasampalin ngayon?Subalit, kung hindi niya siya sasampalin, si Tyson Woods ang gugulpi sa babaeng iyon."Dapat masiyahan si Yvonne Xavier sa lakas mo. Kung hindi siya masisiyahan, hindi namin bibilangin ang sampal na iyon. Kakailanganin mong tandaan iyan kapag bubugbugin mo siya," kaswal na paalala ni Harvey York kay Wyatt.Nanginginig si Wyatt nang tumayo siya. Tumingin siya kay Harvey, saka lumingon kay Thea. Hindi niya kayang hampasin siya matapos niyang itaas ang kanyang kamay.Pinikit ni Thea ang kanyang mga mata at sumigaw, "Wyatt, kung malakas ang loob mong saktan ako sa pangalawang pagkakataon, iiwanan kita!"Napangisi si Wyatt. Matagal na siyang kept man niya. Umasa siya sa matandang babaeng ito at pinayagan siyang pahiyain nito. Matagal nang aawala ang kany
Matapos ang masusing check-up ni Ella Graves, nalaman nilang hingi ganon ka-seryoso ang mga injury ni Yvonne Xavier. Kailangan lang niyang magpahinga ng sampu hanggang labing limang araw at fully recovered na siya.Hindi rin ganoon ka-seryoso ang mga sugat ni Wendy Sorrell. Tantiya ni Ella ay kakailanganin lamang niya ng tatlong araw na pahinga.Gayunpaman, paniguradong pareho silang hindi makakapasok sa trabaho. Kailangan nilang magpagaling sa bahay.Sumang-ayon si Yvonne na siya at si Wendy ay dapat magpahinga at pagalingin ang mga sugat nila. Kailangang ni Harvey na personal niyang asikasuhin ang mga bagay sa York Enterprise.***Pagkalipas ng isang linggo, nakabalik na si Wendy sa trabaho. Kailangan pa ni Yvonne ng ilang araw pang pahinga.Medyo naintindihan ni Wendy ang mga gawain ni Yvonne, kaya sa mga tagubilin ni Yvonne, pansamantala niyang kinuha niya ang trabaho niya.Sa CEO’s office, tumitingin sa ilang mga dokumento si Harvey nang maingat na kumatok sa pintuan si Wen
Nagkatingin ang mga miyembro ng pamilya Zimmer sa isa’t isa. Narinig nila ang tungkol dito at narinig din nila na opisyal na inimbitahan ng mga Naiswell ang bagong CEO ng York Enterprise para sumali sa antique fair.Nakatanggap ang lahat ng first-class na pamiyla sa Niumhi ng imbitasyon sa event, pero wala pang natatanggap ang pamilya Zimmer. Marahil ay hindi pa sila napapansin ng mga Naiswell.Ang mga Naiswell—ang first-class family sa provincial town. Napaka-sukdulan nila at mataas ang tingin ng lahat ng pamilya sa kanila kahit manatili sila sa Niumhi. Isang malaking karangalan ang makatanggap ng imbitasyon sa Antique Fair. Bagaman may nakamit ang pamilya Zimmer ngayong taon, kailangan pa rin nilang magsumikap kung nais nilang seryosohin sila ng mga Naiswell.Bagaman naisip ito ng pamilya Zimmer, hindi ito inisip ni Senior Zimmer. Tinambol niya ang mga daliri niya sa mesa at sinabi, “Kayong lahat, sa wakas ay may mga achievement tayo sa taong ito. Ang commercial center project pat
"Wala akong ibig sabihin. Napakahusay mo lang talaga ngayon. Kaya mong maglutas ng napakaraming problema. Hindi mahirap para sa iyo ang maliit na bagay na ito, ‘di ba?" Ngumiti si Zack at nagtanong.“Oo nga, tama si Zack! Sinasabi ngayon ng lahat na ikaw ang pinaka-makapangyarihang tao sa pamilya Zimmer. Kung sabagay, ikaw ang nakakuha ng investment ng York Enterprise sa Niumhi!”“Kung si Mandy iyon, siguradong magtatagumpay siya!”“Mandy, hindi namin sinusubukang ma-stress ka. Minsan, pwedeng maging motivation ang pressure, kung alam mo lang.”Hindi naka-imik si Mandy.Sinusubukan ni Zack na pahirapan si Mandy. Maraming miyembro ng pamilya Zimmer ang sumang-ayon din sa kanya nang marinig ang kanyang sinabi.Sa madaling sabi, ayaw niyang gumawa ng ganoong nakakahiyang bagay. Isa pa, kamakailan ay masyadong strikto si Mandy sa financial management ng kumpanya. Maraming miyembro ng pamilya Zimmer ang hindi makakurakot sa kita ng kumpanya, at hindi sila sanay dito. Kung kaya, ayaw n
"Hahahaha!""Sumakit tiyan ko sa kanya. Napakagaling niyang magyabang! Sa hitsura niya na ganito, ang kapal ng mukha niyang sabihin na personal siyang inimbitahan ni Miss Naiswell? "“Harvey, anong akala mo sa sarili mo? Isang business mogul o isang big boss? Sinabi mong inimbita ka ni Rosalie? Nangangarap ka ng gising! ""Kung ganon, bakit hindi mo sabihin na ikaw ang CEO ng York Enterprise? Pwede mong sabihin na ang invitation card mula sa mga Naiswell ay inihatid sa iyong opisina. Paniniwalaan ka pa namin! Hahaha! "Ang buong pamilya Zimmer ay humalakhak sa pangungutya sa kanya. Ang kapal talaga ng mukha ng live-in na manugang na ito! Lakas ng loob niya na sabihin ang mga ganoong bagay.Gayunpaman, napaka-kalmado ni Harvey nang harapin ang nasabing pangungutya. Alam na alam niya sa sarili niya na hindi siya nagmamayabang o nagbibiro.Sa sandaling iyon, si Mandy lamang ang nakasimangot at biglang napasulyap kay Harvey. May kutob siya na hindi nagmamayabang si Harvey. Hindi siy
Tila madidispatya na ni Mandy ang live-in na manugang na ito at makakahanap na ng ibang asawang makakatulong sa kanya.Si Zack ay nakapa-alisto sa sandaling iyon.“Lolo, gusto mo ba talagang hayaang ipagpatuloy ni Harvey ang kanyang kalokohan? Siguro may nag-utos sa kanya na isabotahe ang bagay na ito, doon lamang hindi ito makakaapekto sa karangalan ng isang tao sa pamilyang Zimmer, "masungit na iminungkahi ni Zack.Malamig na sumulyap sa kanya si Senior Zimmer. Ipinakita nito kung gaano kakitid ang pag-iisip ni Zack, dahil halata na pinupuntirya pa rin niya si Mandy.Gayunpaman, maaaring tama rin si Zack. Siguro inutusan ni Mandy si Harvey na gawin ito.Sa sandaling iyon, lihim na nababahala si Senior Zimmer kay Mandy. Napasulyap ito ng malamig kay Harvey at sinabi, “Harvey, lugar ito upang pag-usapan ang mga usapin sa pang-negosyo. Kung nais mong gumawa ng stand-up comedy, makalabas ka na. ”"Senior Zimmer, akala mo siguro nagbibiro ako, ngunit katotohanan ang sinabi ko sa iyo
Bahagyang tumango si Harvey at hindi na nagsalita pa. Bumalik siya sa kanyang upuan.Sinulyapan niya si Mandy, medyo nakaramdam ng inis. ‘Kung sinabi mo lang sana sa akin ngayon lang, baka iba sana ang ugali nila. Hindi mo ba naiintindihan kung bakit ako tumayo? 'Medyo tuliro si Harvey. Hindi rin maintindihan ni Mandy ang kanyang saloobin. Palihim niyang kinatagpo si Ella ilang araw ang nakakaraan. Nang nakita niya ang babaeng iyon, na may magandang mukha dahil tinatrato niya ang bawat pasyente ng magaan, pakiramdam niya ay parang may tumusok na kutsilyo sa kanyang puso.Sa ganoong mga pangyayari, hindi niya kayang harapin si Harvey, ni wala siyang masabing mabuti sa kanya.Sinabing kapag nagmahal ang mga babae, nagiging zero ang kanilang IQ. Gayunpaman, sa sandaling nagselos sila, nagiging negative ang kanilang IQ.Tiyak na, isa pang dahilan ay tingin ni Mandy kay Harvey ay kanyang pag-aari sa nakaraang tatlong taon. Paano niya isusuko ang kanyang pag-aari?‘Hindi mo ba ito mai
Nanginginig si Senior Zimmer habang hawak niya sa kanyang kamay ang invitation card. Hindi pa rin siya kumakalma kahit umalis na ang lalaki.Ang mga Naiswell ay minsang nagdaos ng kahalintulad na Antique Fair sa Niumhi dati. Noong panahon na iyon, ang pamilya Zimmer ay nag-isip ng mga hindi mabilang na paraan upang makilahok sa event. Gayunman, sila ay hinamak at iniwanan.Palaging nasa isip ni Senior Zimmer iyon, na siya ring dahilan kung bakit nais niyang lumahok sa Antique Fair na ito.Ang mga Naiswell ay talagang nagpadala ng tao upang ihatid ang invitation card, na isang malaking tagumpay para sa pamilya Zimmer!Sa mga second-class na pamilya sa Niumhi, tanging ang pamilyang Zimmer lang ang makakagawa ng pag-unlad na iyon."Sa wakas nagawa natin! Malapit na tayong maging first-class na pamilya! Kinilala na tayo ng mga Naiswell! ” Sabik na sabi ni Senior Zimmer.“Lolo, pakitingnan kung ano ang mga requirements! Dapat sundin natin sila! " Tuwang tuwa din si Zack.Kahit siya n