Tumabi ang madla para padaanin si Tyson Woods, at nakakatakot siyang pumasok. Tinitigan niya si Wyatt at tumawa.“Oo, gusto namin. Paano kung bigyan mo kami ng ilang milyong dolyar bilang pocket change?”“Nagbibiro lang ako at sa tingin mo ay seryoso ako? Ang lakas ng loob niyong pumunta dito para sa pera? Sino ako sa tingin niyo? Niliitan ni Wyatt ang tingin niya sa kanila. Mas madaling makipag-usap sa kanila kung pera lang ang habol nila. Alam na dapat ng iba ang kanyang pagkakakilanlan, kaya nagduda siyang maglalakas-loob silang hawakan siya ngayong siya ang bagong CEO ng York Enterprise.“Wala akong pake kung sino ka! Kung hindi mo iaabot ang pera, babaliin ko ang mga buto mo! Bahala ka kung saan ka maghahanap ng pera,” sigaw ni Tyson, saka niya sinipa ang coffee table kaya nahati ito sa kalahati.“Ah!” Napasigaw si Cecilia sa takot, nanginginig ang kanyang katawan.“Pwede ba! Mag-ingay ka pa diyan at pupunitin ko ang bibig mo!" Malamig na tinitigan ni Tyson si Cecilia.Agad
“Harvey York… Bakit nandito ang walang silbing basurang tulad mo dito?” Angal ni Wyatt Johnson.Naunang nagsalita si Tyson bago pa man maibuka ni Harvey ang kanyang bibig. “Si Sir Boss ang boss ko, bastusin mo siya ulo at sisiguraduhin kong hindi ka na makakapaglakad ulit!”Napatigil si Wyatt. Boss niya ang walang kwentang basurang iyon? ‘Paano ito nangyari? Isang malaking biro ba ito? Hinire ba ni Harvey ang mga taong ito para magpanggap at takutin kami?’Galit na tumalon si Wyatt at dinuro si Harvey."Ang galing mong live-in son-in-law! Ang kapal ng mukha mong kumuha ng mga tao para takutin kami?! Kilala mo ba ako? Ako ang CEO ng York Enterprise! Malulugi ang pamilya Zimmer dahil sa iyo bukas! Pagbabayaran mo ito!"Tumayo din si Cecilia at binigyan nang masamang tingin si Harvey. "Sasabihin ko kay Mandy ang lahat ng tungkol dito para palayasin ka niya sa pamilya—wala ka ring magiging lugar para mamalimos ng pagkain."Matapos makita si Harvey, natural na nagkaroon muli sina Wyat
Sa sandaling iyon, nakaupo si sa sahig si Cecilia, nanigas sa pagkagulat. Palaging mapagmalaki ang babaeng iyon, kaya't medyo may kamalayan siya sa sitwasyon.‘Si Harvey York nga talaga ang boss nila. Hindi ba magalang sa kanya ang taong nasa lead nila? Paano ito nangyari? Isa lamang siya walang silbing live-in son-in-law!’‘Sa nakalipas na tatlong taon, kapag pupunta ako sa bahay ni Mandy, laging naghuhugas ng paa ang basurang ito sa banyo. Kaya ko ring utusan ang basurang ito na labhan ang mga sapatos at medyas kong ayaw kong labhan. Pero… Hindi ako makapaniwala na isa siyang gangster boss...Talagang ginulat ng insidenteng iyon si Cecilia. Ngayon alam na niya ang kanyang pagkakakilanlan, tatapusin ba ni Harvey ang buhay niya dito?Natakot si Cecilia para sa kanyang buhay. Malulupit at brutal ang mga taong nakatira sa mga kalsada—kung talagang may gusto silang gawin, wala ring makakakaalam kung bigla siyang mawala.“Harvey… Sir York…” Lumuhod si Cecilia sa harap ni Harvey at niy
Sa opisina ng CEO.Parehong nakaupo nang tahimik sina Yvonne Xavier at Wendy Sorrell. Nang marinig nilang bumukas ang pinto, sabay silang tumayo.Isang matandang babae ang nakatayo sa harap nila. Parehong kinabahan sina Yvonne at Wendy dahil medyo nakakatakot ang aura ng babae. Hindi normal na tao ang kanyang seryosong presensya, at nangingibabaw sa buong kwarto.Si Yvonne na nagmula sa isang established background ay nanigas sa kanyang kinatatayuan, habang si Wendy na mula sa isang normal na pamilya ay hindi naglakas-loob na umimik.Tumingin si Thea York kina Yvonne at Wendy. Maganda ang mga secretary ng CEO; hindi nakapagtatakang ang kanyang kept man, si Wyatt Johnson, ay hindi umuwi kagabi."Sino ka? Ito ang opisina ng CEO. Paano mo magawang pumasok nang ganon-ganon lang?" Pinakalma ni Yvonne ang sarili at nagtanong, habang nakataas ang isang kilay.Mapanghamong tiningnan ni Thea si Yvonne. "Anong karapatan ng p*kp*k na tulad mo na tanungin kung sino ako? Sabihan niyo ang CEO
"Hindi ko alam kung saang basura gawa ang lalaki mo pero huwag kang mag-alala, wala akong interes na makipag-kumpitensya sa isang dominatrix!" Bagaman dumudugo ang mga labi ni Yvonne mula sa bugbog na inabot niya, hindi siya nagpigil.Sa sandaling iyon, alam ni Wendy Sorrell na kailangan niyang kumilos, o baka mabugbog si Yvonne doon hanggang mamatay siya. Hindi siya naglakas-loob na lumaban, at kaya lamang niyang sumugod kay Yvonne at tumayo sa harap niya. Mahina niyang sinabi, "Miss Xavier, huwag ka na sanang magsalita pa. Hintayin nating bumalik ang CEO. Hindi pwedeng palagi mong pasan ang lahat, siya ang CEO...""Pinoprotektahan mo siya pero sinasabi mong hindi mo inaagaw ang lalaki ko?" Malamig na tumawa si Thea York saka humarap kay Wendy. "Lumuhod ka rin, ikaw na baboy ka, kung hindi ay tuturuan din kita ng leksyon!"Naguguluhan si Wendy, ngunit nang makita niyang iniinda ni Yvonne ang sakit, wala siyang magawa hindi lumuhod. Kung patuloy siyang magmamatigas, baka sapitin din
"Sa tingin mo ba ay nasa capital ka?" Malamig na nagsalita si Harvey York. "Sa tingin mo ba ay parang pamilya York ang lugar na ito na pwede kang maglaro ng mga trick at mambully ng iba?""Ay? Hindi ba?" Puno ng paghamak ang mga mata ni Thea York. "Kahit na hindi ito ang lungsod, isa ka lamang basurang tinapon na ng pamilya. Sa palagay mo ba ay mananalo ka laban sa akin?"Tumingin si Harvey sa kanyang mga bodyguard at nangutya. "Sa palagay mo ba ay matatalo ako ng mga basurang dinala mo dito?"Kuyta nj Thea, "Harvey, narinig king naging live-in son-in-law ka ng kung anumang pamilya Zimmer na yan. Huwag mo akong sisihin na hindi kita binalaan. Kung mangangahas kang gumalaw, pagbabayarin ko ang buong pamilya sa iyong kasalanan!""At saka, dahil buhay ka pa, gusto kong sabihin ito sa mukha mo: Akin ang York Enterprise. Regalo ko ito sa asong iyon na pag-aari ko. Kung mangangahas kang pumasok dito sa susunod, ipapabasag ko sa ibang tao ang mga binti mo!"Aso niya?Tumingin sina Yvonn
"Nagtataka ka ba kung bakit may ganon akong mga skill?" Ngumisi si Harvey.Gulat na gulat si Thea York at gulong-gulong bumagsak sa sofa. Bumilis ang kanyang paghinga nang tanungin niya, "Paano ito nangyari?""Simple lang naman. Kung wala akong mga skills na ito, hindi lamang ako pinalayas tatlong taon na ang nakalipas, patay na ako. Naiintindihan mo ba?" Dahan-dahang sinabi ni Harvey.Nanlaki ang mga mata ni Thea. Hindi niya alam kung bakit nagawang mabuhay ni Harvey tatlong taon na ang nakakaraan, ngunit ngayon alam na niya.Karaniwang pinapatay ng pamilya York ang isang abandonadong tagapagmana, nang walang pag-aalinlangan. Bakit nila siya pinayagan na maging isang live-in son-in-law? Isa siyang panganib para sa kanila.Subalit, hindi nila kayang iligpit ang abandonadong tagapagmanang ito. Hindi ba kaya ng pamilya York na kunin ang buhay niya?Sa sitwasyong ito, hindi ba dapat naglagay ng patibong ang pamilya kahit papano?"Harvey ... Inaamin kong mababa ang tingin ko sa iyo.
Ngumiti nang mabagsik si Harvey York habang hinawakan ang leeg ni Wyatt Johnson, binuhat niya siya ng isang kamay. Mahina niyang hirit, “Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon? Sa palagay mo ba ay kaya ka talagang ipagtanggol ng matandang p*kp*k na ito?”Malupit siyang tinapon siya ni Harvey.Thud!Nahulog ang dalawa sa mga ipin ni Wyatt, at sumigaw siya na parang isang baboy na kinakatay. Subalit, exclusive floor iyon ng CEO. Walang ibang tao sa paligid bukod sa kanila.Kumirot ang puso ni Thea York sa kanyang nakita, at mabilis niyang hinawakan ang braso ni Harvey. "Bitawan mo siya, Harvey. Siya ang aking precious sweetheart. Kung maglalakas-loob kang saktan siya, sisiguraduhin kong mawawalan ka ng katawan na ilibing!"Sinipa siya ni Harvey at si Thea ay bumagsak sa sahig. Gayunpaman, tumanggi si Thea na sumuko. Niyakap niya ang binti ni Harvey at mahigpit na hinawakan iyon. "Bitawan mo siya! Bitawan mo siya!"Malamig na ngumiti si Harvey. Pinakawalan niya ang kaliwang kamay a