"Nagbibiro ka yata, Sir York. "Hindi nga natin kilala kung sino ang master ni Akio Yashiro. "Kahit na kilala natin, siya ang dating sovereign, at tiyak na isa siyang God of War at isa ring Sword Saint, tama?"Paano mo nagawang mahanap ang ganitong klase ng tao sa loob lang ng isang araw? "Hindi ka nga lumabas ng Hong Kong! Hindi ka talaga umalis!" "Hindi ko siya hinanap. Pinuntahan niya ako kaya niligpit ko siya. "Kilala mo rin siya. "Siya si Jacknife, ang lalaking nagtago sa likod ni Grandma York sa loob nang maraming taon." Napahinto si Julian York pagkatapos marinig ang pangalang iyon bago siya nagpakita ng gulat. Si Jacknife ay isa sa pinakapinagkakatiwalaang tauhan ni Grandma York. Niligpit niya ang napakaraming taong sumuway kay Grandma York sa harap ng publiko at nang palihim. Isa rin siya sa pinakatapat na sumusuporta kay Vince York at ang pangunahing pinagkukunan ng lakas ng hukbo niya. Ngunit, siya rin ang dating sovereign ng Shindan Way…Kahit si Julian
Tumawa si Harvey York at kalmadong sumagot, "Una, kailangan naming siguraduhing wala kang paraan para makatakas. "Magsasalita ka lang naman pag alam mong yun ang makabubuti sa'yo." Nanlaki ang mga mata ni Akio Yashiro pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. "Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin," sabi niya bago bahagyang ngumiti. "Wala lang yun." Ngumiti pabalik si Harvey. "Pero sa tingin ko may dapat akong sabihin sa'yo. "Pumatay ako ng tao ngayong araw. "Jacknife ang pangalan niya." Galit na napaupo si Akio pagkatapos marinig ang pangalang iyon. Pero dahil sa pagkakatali sa kanya, tumalbog pabalik sa kama ang katawan niya. Pagkatapos magulat nang ilang sandali, bumuntong-hininga si Akio. "Hindi ako maniniwala kung ibang tao ang nagsabi sa'kin niyan. "Pero kung ikaw, maniniwala ako sa'yo. "Paano binuko ng master ko ang sarili niya?" "Ginamit niya ang Zephyr Slash pagkatapos mapansing hindi niya ko kayang talunin," kalmadong sagot ni Harvey.
Makikita ang isang seryosong titig sa mga mata ni Harvey York. "Ikaw ba ang nagtayo ng organisasyon?" "Oo at hindi." Dahan-dahang inalala ni Akio Yashiro ang mga nangyari. "Ang Misfortune ay itinayo sa kalagitnaan ng Great Recession ng Island Nations. "Nagsimula ng giyera ang mga higher-ups at sinubukan naming makinabang sa labanan ng Country H. "Ngunit iba pa ang panahon noon. Malaki na ang iniangat ng Country H. Hindi pa masyadong maunlad ang bansang ito noon, pero hindi ito basta na lang masasamantala ng Island Nations. "Napagpasyahan ng mga higher-ups na itumba ang mga malalaking tao ng Country H kung gusto nilang gumamit ng pwersa laban sa Country H. "Mula sa royal court, business industry, mga mayayamang pamilya, at scientific community… "Sa madaling salita, ang bawat isang magaling na tao sa mga larangang iyon ang pinuntirya namin. "Ang pagtatayo ng Misfortune ay para maitumba ang mga taong iyon sa pamamagitan ng 'aksidente', para masira ang political at econ
"Syempre. Hindi ako masyadong naghanda para sa isang bagong-silang na anak. Isang simpleng aksidente lang ang kailangan ko. "Tagumpay ang plano. Namatay ang bata nang ganito na lang. "Binubulabog pa rin ako nito hanggang ngayon. "Wala akong masyadong integridad, ngunit ang pagpatay ng isang sanggol ay sobra na para sa akin. "Simula ng araw na iyon, binuwag ko ang Misfortune at ginamit ko muli ang luma kong pangalan." "Sinabi ba sa'yo ng master mo kung bakit niya ito ginawa?" tanong ni Harvey York. "Oo."Ibinunyag ni Akio Yashiro ang isang nakakabiglang pahayag. "Gusto niya itong mangyari. "Sa ganitong paraan, ang head house ang magiging panakip-butas sa insidenteng ito. Ang pamilya ay magkakagulo." Nanigas si Harvey. Sigurado siyang ang head house ang may pakana ng insidenteng ito. Ang pinakamakikinabang sa pagkamatay ng anak ni Marcel York ay walang-iba kundi si Vince York, ang binatang mula sa head house. Ngunit ibinunyag ni Akio na si Jacknife mismo ang nag-ut
Makalipas ang isang oras, lumabas si Harvey York ng silid nang mukhang seryoso. Si Julian York na nakabuntot sa likuran niya, ay siniguro munang mga tao niya ang nasa likod niya bago magmukhang seryoso. "Sir York, Tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Akio Yashiro? "Talaga bang si Jacknife ang nagpakana ng buong bagay na ito noong nakaraang sampung taon?" Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon. "Siguro totoo ang sinasabi niya. Higit sa lahat, nasa kamay na natin siya. Patay naman na ang pinakamalaking alas niya. "Kung gusto niyang mabuhay, mabuti pa at makipagtulungan siya sa akin. Hindi na niya kailangan pang magsinungaling sa ganitong sitwasyon. "Wala naman siyang makukuha dito." Tumango si Julian bago kumunot ang noo. "Kung ganoon, paano naman si Vince? "Ang mga Islander ba talaga ang nasa likod ng pag-angat ng head house? "Kapag kumalat ang balita tungkol dito, magkakagulo ang mga York ng Hong Kong!" "Hindi na mahalaga 'yan. "Kung totoo ito, dapat natin itong a
"Bukod pa riyan, kapag binigay niya ang lahat ng detalye at ebidensyang kailangan…" "Maituturing ito bilang sabotahe. Kung ganoon, binebenta niya ang kanyang mga higher-ups. "Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan na siyang makuha pa ang tiwala nila. "Kapag pinilit pa natin nang kaunti, baka labanan pa ni Akio Yashiro at ng mga tao niya mula sa Shindan Way ang Five Schools of Martial Arts… "Kapag nangyari ito, ibibigay natin kay Akio ang lahat ng gusto niya. "Hindi lamang natin siya papalayain, ngunit hahanap din tayo ng paraan para makabawi si Akio. "Dahil ginagamit ng mga Islander si Vince para gumawa ng gulo dito… "Ipapadala lang natin si Akio sa ganitong dahilan. Tingnan natin kung sinong mas magaling. "Kung walang opinyon dito si Lord York, ayos lang din sana sa akin na pakawalan si Akio." Syempre, may hindi pa sinasabi si Harvey York. Kung gagawa ng problema si Akio pagkatapos siyang pakawalan… Magiging napakadali para kay Harvey na patayin ito. "Napakagandang p
"Siya 'yun Elijah! Ang tagal na niya akong pinag-iinitan! "Hindi lamang niya pinatay ang mga kaibigan natin, ang Takei family…"Pinatapon niya pa ang kapatid ko! "Sinampal niya rin ako sa mukha!"Kailangan mo akong tulungang makaalis dito!" Naningkit ang mata ng lalaking nakaitim at humakbang siya paharap bago titigan nang masama si Harvey York. "Ang kapal naman ng mukha mong banggain si Carol Parker nang ganito, mokong ka?! "Matapang ka. Aaminin ko! "Harapin mo rin ako kung matapang ka talaga!" Naglakad ang lalaki patungko kay Harvey bago sindihan ang isang manipis na sigarilyo. Pagkatapos ay humipak ito sa harapan mismo ni Harvey. "Tara! Halika dito! Sampalin mo ako! "Diba magaling ka?!" Malinaw na natutukoy ni Harvey na ginagamit ang taong ito para galitin siga. "Tigilan mo ang paghahanap ng gulo. "Hindi ko hilig manamantala ng bata." "Anong sinabi mo?!" "Hindi mo ba ako kilala?!" Sumabog sa galit si Elijah York. Malinaw na hinahamon ang kanyang digni
“Elijah!”Nagulantang si Carol Parker matapos niyang makita si Elijah York na tumalsik. Kaagad niya itong nilapitan para tulungan itong tumayo. Dinala niya si Elijah dito para makapaghiganti siya, pero hindi niya inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat. “Walang hiya!“Ang lakas naman ng loob mo na saktan ako?!” sigaw ni Elijah habang nahihirapan na tumayo. Hindi pa siya labis na napahiya ng ganito sa buong buhay niya. Bukod sa sinampal siya ni Harvey York sa mukha, nadungisan pati ang kanyang dangal at dignidad. Galit na galit na sumigaw si Elijah bago niya pinulot ang mga chako mula sa lapag at sinugod si Harvey. Pak! Kalmadong pinangsampal ni Harvey ang likod ng kanyang kamay sa mukha nito uli. Sumigaw sa sakit si Elijah habang tumalsik siya. Ang kanyang mukha ay sirang sira sa sandaling bumagsak itong muli sa lupa. “Young Master York!”Ang mga mata ni Carol ay kumibot-kibot nung nakita niya kung ano ang nangyari. Isa itong nakakatakot na eksena.