"Syempre. Hindi ako masyadong naghanda para sa isang bagong-silang na anak. Isang simpleng aksidente lang ang kailangan ko. "Tagumpay ang plano. Namatay ang bata nang ganito na lang. "Binubulabog pa rin ako nito hanggang ngayon. "Wala akong masyadong integridad, ngunit ang pagpatay ng isang sanggol ay sobra na para sa akin. "Simula ng araw na iyon, binuwag ko ang Misfortune at ginamit ko muli ang luma kong pangalan." "Sinabi ba sa'yo ng master mo kung bakit niya ito ginawa?" tanong ni Harvey York. "Oo."Ibinunyag ni Akio Yashiro ang isang nakakabiglang pahayag. "Gusto niya itong mangyari. "Sa ganitong paraan, ang head house ang magiging panakip-butas sa insidenteng ito. Ang pamilya ay magkakagulo." Nanigas si Harvey. Sigurado siyang ang head house ang may pakana ng insidenteng ito. Ang pinakamakikinabang sa pagkamatay ng anak ni Marcel York ay walang-iba kundi si Vince York, ang binatang mula sa head house. Ngunit ibinunyag ni Akio na si Jacknife mismo ang nag-ut
Makalipas ang isang oras, lumabas si Harvey York ng silid nang mukhang seryoso. Si Julian York na nakabuntot sa likuran niya, ay siniguro munang mga tao niya ang nasa likod niya bago magmukhang seryoso. "Sir York, Tingin mo ba nagsasabi ng totoo si Akio Yashiro? "Talaga bang si Jacknife ang nagpakana ng buong bagay na ito noong nakaraang sampung taon?" Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon. "Siguro totoo ang sinasabi niya. Higit sa lahat, nasa kamay na natin siya. Patay naman na ang pinakamalaking alas niya. "Kung gusto niyang mabuhay, mabuti pa at makipagtulungan siya sa akin. Hindi na niya kailangan pang magsinungaling sa ganitong sitwasyon. "Wala naman siyang makukuha dito." Tumango si Julian bago kumunot ang noo. "Kung ganoon, paano naman si Vince? "Ang mga Islander ba talaga ang nasa likod ng pag-angat ng head house? "Kapag kumalat ang balita tungkol dito, magkakagulo ang mga York ng Hong Kong!" "Hindi na mahalaga 'yan. "Kung totoo ito, dapat natin itong a
"Bukod pa riyan, kapag binigay niya ang lahat ng detalye at ebidensyang kailangan…" "Maituturing ito bilang sabotahe. Kung ganoon, binebenta niya ang kanyang mga higher-ups. "Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan na siyang makuha pa ang tiwala nila. "Kapag pinilit pa natin nang kaunti, baka labanan pa ni Akio Yashiro at ng mga tao niya mula sa Shindan Way ang Five Schools of Martial Arts… "Kapag nangyari ito, ibibigay natin kay Akio ang lahat ng gusto niya. "Hindi lamang natin siya papalayain, ngunit hahanap din tayo ng paraan para makabawi si Akio. "Dahil ginagamit ng mga Islander si Vince para gumawa ng gulo dito… "Ipapadala lang natin si Akio sa ganitong dahilan. Tingnan natin kung sinong mas magaling. "Kung walang opinyon dito si Lord York, ayos lang din sana sa akin na pakawalan si Akio." Syempre, may hindi pa sinasabi si Harvey York. Kung gagawa ng problema si Akio pagkatapos siyang pakawalan… Magiging napakadali para kay Harvey na patayin ito. "Napakagandang p
"Siya 'yun Elijah! Ang tagal na niya akong pinag-iinitan! "Hindi lamang niya pinatay ang mga kaibigan natin, ang Takei family…"Pinatapon niya pa ang kapatid ko! "Sinampal niya rin ako sa mukha!"Kailangan mo akong tulungang makaalis dito!" Naningkit ang mata ng lalaking nakaitim at humakbang siya paharap bago titigan nang masama si Harvey York. "Ang kapal naman ng mukha mong banggain si Carol Parker nang ganito, mokong ka?! "Matapang ka. Aaminin ko! "Harapin mo rin ako kung matapang ka talaga!" Naglakad ang lalaki patungko kay Harvey bago sindihan ang isang manipis na sigarilyo. Pagkatapos ay humipak ito sa harapan mismo ni Harvey. "Tara! Halika dito! Sampalin mo ako! "Diba magaling ka?!" Malinaw na natutukoy ni Harvey na ginagamit ang taong ito para galitin siga. "Tigilan mo ang paghahanap ng gulo. "Hindi ko hilig manamantala ng bata." "Anong sinabi mo?!" "Hindi mo ba ako kilala?!" Sumabog sa galit si Elijah York. Malinaw na hinahamon ang kanyang digni
“Elijah!”Nagulantang si Carol Parker matapos niyang makita si Elijah York na tumalsik. Kaagad niya itong nilapitan para tulungan itong tumayo. Dinala niya si Elijah dito para makapaghiganti siya, pero hindi niya inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat. “Walang hiya!“Ang lakas naman ng loob mo na saktan ako?!” sigaw ni Elijah habang nahihirapan na tumayo. Hindi pa siya labis na napahiya ng ganito sa buong buhay niya. Bukod sa sinampal siya ni Harvey York sa mukha, nadungisan pati ang kanyang dangal at dignidad. Galit na galit na sumigaw si Elijah bago niya pinulot ang mga chako mula sa lapag at sinugod si Harvey. Pak! Kalmadong pinangsampal ni Harvey ang likod ng kanyang kamay sa mukha nito uli. Sumigaw sa sakit si Elijah habang tumalsik siya. Ang kanyang mukha ay sirang sira sa sandaling bumagsak itong muli sa lupa. “Young Master York!”Ang mga mata ni Carol ay kumibot-kibot nung nakita niya kung ano ang nangyari. Isa itong nakakatakot na eksena.
Ang palaso ay hindi naman umiilaw, pero medyo nangangamoy pulbura ito. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Harvey bago niya sinipa ang palaso diretso sa may fountain sa may entrance. Isang maliit na pagsabog ang maririnig. Ang lakas ng pagsabog ng palaso ay halatang humina dahil sa tubig. Kung hindi dahil sa liksi ni Harvey, nasabugan na sana siya at nagkapira-piraso sa isang iglap. Nagpakita ng ekspresyon na puno ng poot si Harvey sa mga sandaling ito. Bukod sa may dalang mga nakakubling sandata si Elijah York sa kanyang katawan, wala rin itong pakialam sa paligid niya nung ipinukol niya itong lahat kay Harvey. Pwedeng may masaktan na mga inosente, pero kumilos soya na para bang hindi ito mahalaga. Lumapit si Harvey at tinapakan si Elijah sa may sahig bago pa man ito makatayo. "Hindi ko pwedeng palampasin na lang ang ginawa mo na sa sobrang tanga mo ay ginamit ka ng ibang tao para patayin ako…"Ngunit hindi ka lang malupit para sa bata mong edad, wala ka rin pakialam
Tumingin si Harvey sa babae, naka poker face at mukhang walang emosyon.“Hindi importante kung sino ako. Ang importante ay si Elijah ay sinusubukan akong patayin.”Ang babae ay magiting na tumayo ng diretso bago mayabang na ngumisi kay Harvey.“Matanda ka na! Bakit ka makikipag away sa isang bata?!”“Nasaan ang iyong chivalry?!”“Kahit na kung siya ay mali…”“Kahit na kung mali ang ginawa niya…”“Siya ay bata pa din! Hindi mo ba siya mapapatawad?!”“Bakit mo pa palalakihin ang mga bagay bagay?!”“Wala kang hiya!”“Sigurado ako na lumaban ka simula noong maliit ka pa!”“Pusta ko marami ka rin na ginawang kaguluhan!”“Si Elijah ay educadong tao!”“Atsaka, walang masasaktan sa huli! Tama?”“Sa halip, siya siguro ay gulat sa ngayon!”“Kung may sisisihin tayo, ikaw iyon!” Sabi ng babae na may nanlalamig na ekspresyon.Nanlamig na tumawa si Elijah ng nakita niya na may dumepensa sa kanya.“Pakawalan mo na ako, Harvey.”“Kung hindi, kukunin ko ang senior ko para ipagulpi ka
Slap!Sumandal pababa si Harvey bago sampalin si Elijah sa mukha.Isang hiyaw ng sakit ang maririnig matapos ang malakas na sampal. Tumalsik ang dugo sa paligid kasa ng dalawa sa ngipin ni Elijah.“Sacred martial art training ground?”“Mga York ng Hong Kong?”“Ito ang rason bakit kayo mayabang at mapagmataas?”“Kung iyan ang kaso, kung gayon hayaan mo na sabihin ko sayo. Wala sa mga ito ay may ibig sabihin para sa akin.”“Tutal sinabi mo na siya ay bata lang, tatratuhin ko siyang tulad noon.”“At tutal hindi mo tuturuan ang iyong sariling anak, tuturuan ko siya para sayo!”Sinampal ni Harvey si Elijah sa mukha muli ng siya ay natapos na magsalita. Si Elijah ay sobrang natulala mula sa atake na wala siyang masabi o makafocus sa kanyang tingin.Sumuhodd si Julian diretso dito matapos malaman ang insidente. Gusto niya na may sabihin matapos makita ang kaguluhan na namuo sa harap niya, pero pinili niya na manatiling tahimik sa huli.Alam niya ng maigi kung paano si Harvey magtra