”Eh? Anong klaseng paraan? " mausisang sumulyap si Senior Zimmer kay Zack Zimmer. Ang apo niyang iyon ay laging may pananaw ngunit mababa ang kakayahan. Anong uri ng alternatibo ang maaaring mayroon siya? Ito ba ay isa na namang uri ng masamang ideya?"Lolo, ang dahilan kung bakit ang yabang ng live-in na manugang ay dahil sa masyadong malambot ang iyong puso. Bukod dito, hindi mo lubos na pinigilan ang kapangyarihan at pangingibabaw ni Mandy Zimmer. ""Alam ko na si Mandy ay lubos na tumulong sa ating mga Zimmer. Bukod dito, siya ang iyong apo, kaya ayaw mong kumilos nang napakalupit. Tutal, hindi mo maaaring isuko ang alinmang panig dahil pareho silang mahalaga sa iyo. Ngunit hindi ito magagawa kung magpapatuloy ito nang ganito. " Sinabi ni Zack na may malalim na tinig, "Hayaan mo akong maging kontrabida kung ganoon."Nang marinig iyon, sumimangot si Senior Zimmer. 'Gusto mo bang payagan kitang maging kontrabida?'"Maaari kayang nais mong ibigay ko sa iyo ang posisyon bilang CEO?
Sa mga Zimmer. Si Lilian Yates ay nakaupo sa kwarto ni Mandy Zimmer, masayang nakatingin sa debit card sa kanyang kamay. Kakabigay lang sa kanya ni Harvey York ng card na iyon. Bukod doon, nagpatulong si Harvey sa finance department ng kanyang tanggapan na mag transfer ng ilang libong dolyar sa debit card na iyon buwan buwan.Habang hinihimas ni Lilian ang debit card sa kanyang kamay, pinayuhan niya si Mandy, "Mandy, sigurado akong naiintindihan mo kung ano ang ibig sabihin ng Senior Zimmer ngayon. Hindi niya hihilingin na idiborsiyo mo si Harvey sa ngayon, ngunit hindi niya hahayaan si Harvey na kumilos pa rin ng ganito! ""Lalaki mo siya, at kailangan mo siyang disiplinahin ng maayos. May kutob akong kakaiba ang kinikilos niya kamakailan. Nakakuha ba siya ng malaking pera mula sa kumpanya ng kanyang kaklase? Kung ganoon, dapat kang mag-isip ng paraan upang makuha ang pera. Alalahanin mo. Ang mga lalaki ay nagiging masama basta may pera sila! "Mayroong konting kunot sa pagitan ng
Sa mga panahong iyon, medyo may mapayapang relasyon si Harvey York sa mga York. Pagkatapos niyang bigyan ng 1.5 bilyong dolyar ang mga York, hindi na sila nakipagkita pa sa kanya ulit. At saka, ang mga taong nilagay sa York Enterprise ng mga York ay tahimik na naintindihan ang sitwasyon, nag-resign at umalis.Noong una, akala ni Harvey ay wala na siyang kahit anong relasyon sa mga York. Pero may mga tao mula sa mga York na biglang pumunta sa Niumhi.“Wala akong pake kung anong gusto mong gawin. Pero wala na akong relasyon sa mga York ngayon. Teritoryo ko na ang Niumhi. Kung gusto mong agawin ang mga pag-aari ko, huwag mo akong sisihin kung wala akong pake kahit magkadugo tayo.” Malamig ang boses ni Harvey, kahit ang kanyang tingin ay mabangis at malamig.***Kinaumagahan, nagsalubong sina Harvey at Mandy Zimmer sa restaurant.Pero wala silang sinabi sa isa’t isa. Sa kasalukuyan, puno si Mandy ng lahat ng klase ng kumplikadong saloobin kay Harvey, kaya't ayaw niyang magsalita.Sa
‘Syempre, kaya kong gawin lahat ng gusto ko nang wala ang old hag sa tabi ko.’Saglit na tumingin si Thea York kay Wyatt Johnson bago siya sumakay sa Bentley at umalis. Maayos siyang pinagsilbihan ng binatang iyon sa mga nakaraang araw. Dahil ginusto ni Wyatt na mapasakamay ang kumpanyang iyon, hindi niya inisip ang pagkuha nito para sa kanya.Pagkatapos ng lahat, subsidiary company lamang ito na matatagpuan sa isang lugar na tulad nito. Kapag nakatagpo nila ng mga York, tiyak na wala silang magagawa maliban sa bumigay at maging sunud-sunuran.***Pagka-alis ni Thea, nilagay ni Wyatt sa likod niya ang mga kamay niya at tumingin sa tower na nasa harapan niya. Napuno siya ng pagkasuklam nang lumakad siya patungo sa tower.“Eh? Wyatt? Bakit wala ka sa restaurant? Bakit ka pumunta sa York Enterprise?” Kung kailan gusto na niyang tumapak sa kumpanya at dumaan sa entrance, nakarinig siya ng isang mahinang marahang boses.Lumingon si Wyatt at tumingin. SI Cecilia Zachary iyon, na kanyan
Mahinang ngumiti si Wyatt. Pagkatapos ay kalmado niyang sinabi, “Sinong nagsabing kailangang may apelyido na York ang bagong CEO ng York Enterprise? May York din na apelyido ang live-in husband ni Mandy Zimmer. Sa tingin mo ba ay siya ang bagong CEO?”Puno ng pagdududa ang nakaakit na mukha ni Cecilia Zachary. ‘Nasa katwiran nga ang sinabi niya. Totoo kaya ito?’“Ganito na lang. Hindi pa naman ako nagmamadaling i-take over ang post ngayon. Ngayon, ipagluto mo ako, at hahayaan kitang tingnan sa apartment mo ang appointment document ko. Ano sa palagay mo?” Tiningnan ni Wyatt si Cecilia mula ulo hanggang paa. Puno siya ng pagnanasa sa kanyang isipan.Sa mga nakaraang araw, kasama niya ang old hag na iyon. Labis siyang nandiri. Ngayon ay may bata, maganda at mapang-akit na babaeng nakatayo sa harap niya. Talagang nasabik siya.Hindi tanga si Cecilia. Tiyak na alam niya ang gustong ipahiwatig ni Wyatt. Subalit, nais niyang makasal sa isang mayamang pamilya. Matapos mag-atubili nang ilan
Nang marating nila ang apartment na nirerentahan ni Cecilia Zachary, agad siyang nagbihis sa kanyang damit pambahay. Ginawa nitong mas sexy at perpekto ang kanyang magandang body figure.Nang makita ito, ngumiti si Wyatt Johnson. Halatang inaakit siya. Paanong hindi niya makikita iyon lalo pa’t isa siyang manyak babaero na maraming karanasan?‘Hoy! Mukhang kailangan talaga ng isa na maging mayaman.’Noong nakaraan, isa lamang siyang young master mula sa mga Johnson. Gayunpaman, third class na pamilya lang ang mga Johnson, at hindi ito kayang magbigay sa kanya ng napakaraming resources. Hindi madali nang nagkaroon siya ng crush kay Mandy Zimmer, pero hindi man siya nag-alala tungkol sa kanya.Subalit, iba na ngayon. Sa unang araw na ita-take over niya ang post bilang bagong CEO, may magandang insidenteng nangyari sa kanya. Talagang nakakamangha iyon!Habang nagluluto si Cecilia, lumapit si Wyatt sa kanyang likod at niyakap ang kanyang maliit na baywang. Sinabi niya pagkatapos, “Cec
Pagkaalis ni Wyatt Johnson, umupo si Cecilia Zachary sa sofa na nasa sala habang may baluktot na facial expression. Hindi niya naisip na ganoon si Wyatt.Pinangarap niyang makasal sa isang mayamang pamilya sa loob ng maraming taon. Matagal na niya iyong hinahangad. Pero ibig sabihin ba nito ay kailangan niyang isakripisyo ang sarili para lamang makasal siya sa isang mayamang pamilya?May isa siyang kakilalang pareho rin ang naging karanasan.Medyo taranta at tuliro si Cecilia. Matapos mag-atubili nang sandali, kinuha niya ang kanyang phone ay tinawagan ang kanyang best friend, si Mandy Zimmer.“Mandy, kumusta ang relasyon mo ngayon kay Harvey York?” Saglit na nag-dalawang isip si Cecilia bago siya direktang nagsalita.“Bakit naman bigla mong natanong?” Nagtaka si Mandy dahil hindi niya alam kung anong nangyari.Medyo magulo ang isip ni Cecilia. Sinabi niya, “Gusto ko lang malaman ang isang bagay. Kung nakatira ka lang kasama ang isang lalaki nang walang pisikal na relasyon sa kan
”Secretary ng CEO?" Naguluhan ang babaeng receptionist. "Maaari ko bang malaman kung sino ka..."Ngayon, tinatamasa ng York Enterprise ang prestihiyosong posisyon sa Niumhi. Maraming tao na nais makilala si Yvonne Xavier ay palaging kumikilos sa magalang na paraan. Ito ang first time na nakilala niya ang taong tulad ni Wyatt Johnson na kumilos sa paraang dominante at mabangis."Bibigyan ko siya ng tatlong minuto. Pag hindi siya lumabas pagkatapos noon, hindi na siya magiging secretary ng CEO. " Malamig na ngumiti si Wyatt. Sa araw na iyon, nagpunta siya roon upang sapilitang agawin ang kapangyarihan at katayuan. Paano nangyaring siya ay maging mabait at magiliw?Ngunit ang babaeng receptionist ay natulala kay Wyatt sa gulat. ‘Nababaliw ba ang taong ito? Hindi ba niya alam na si Yvonne ang pinaka pinagkakatiwalaang tao ng misteryosong bagong CEO?'“Sir, ito ang York Enterprise. Bagaman hindi kita kilala, hindi mo pwedeng sabihin ang kalokohang gaya niyan. Hindi welcome sa aming kump