”Secretary ng CEO?" Naguluhan ang babaeng receptionist. "Maaari ko bang malaman kung sino ka..."Ngayon, tinatamasa ng York Enterprise ang prestihiyosong posisyon sa Niumhi. Maraming tao na nais makilala si Yvonne Xavier ay palaging kumikilos sa magalang na paraan. Ito ang first time na nakilala niya ang taong tulad ni Wyatt Johnson na kumilos sa paraang dominante at mabangis."Bibigyan ko siya ng tatlong minuto. Pag hindi siya lumabas pagkatapos noon, hindi na siya magiging secretary ng CEO. " Malamig na ngumiti si Wyatt. Sa araw na iyon, nagpunta siya roon upang sapilitang agawin ang kapangyarihan at katayuan. Paano nangyaring siya ay maging mabait at magiliw?Ngunit ang babaeng receptionist ay natulala kay Wyatt sa gulat. ‘Nababaliw ba ang taong ito? Hindi ba niya alam na si Yvonne ang pinaka pinagkakatiwalaang tao ng misteryosong bagong CEO?'“Sir, ito ang York Enterprise. Bagaman hindi kita kilala, hindi mo pwedeng sabihin ang kalokohang gaya niyan. Hindi welcome sa aming kump
Napahawak ang babaeng receptionits sa kanyang pisngi dahil sa sakit. Sa sandaling iyon, takot na takot siya sa pagiging dominante ni Wyatt Johnson na hindi niya magawang magsalita.Matagal na siyang babaeng receptionist. Ito nga talaga ang first time na nakita niya ang isang sobrang mapagmataas at padalos-dalos na tao."Ayokong ulitin ang kakasabi ko lang." Malamig na sabi ni Wyatt. Sa oras ding iyon, sumulyap siya sa mga security guard na lumapit. "Kung nais mong magdusa nang labis, lumapit ka lang sa akin hangga't kaya mong tiisin ang mga kahihinatnan!"Nagkatinginan ang mga security guard. Natakot sila sa dominasyon ni Wyatt, at hindi nila magawang magsalita sa sandaling iyon dahil sa malalim na pang-aapi."Ta ... tatawagan ko si Miss Xavier sa…"Ang babaeng receptionist ay nagdayal ng contact number sa opisina ni Yvonne Xavier. Bagaman hindi niya kilala kung sino ang taong nakatayo sa harap niya, alam niya na kailangan niyang hilingin kay Miss Xavier na pumunta. Kung hindi, ba
Si Wyatt Johnson ay walang intensyon na magsalita gaano ng kalokohan. Itinapon niya ang appointment document mismo kay Yvonne Xavier."Mula ngayon, anuman ang sasabihin ko, mangyayari sa kumpanyang ito. Sana ito ang huling beses na masasampal siya. Kung sumuway pa siya, hindi lang sampal ang aabutin niya sa susunod. "Kinuha ni Yvonne ang dokumento nang hindi namamalayan. Matapos niyang basahin ang nilalaman ng dokumento, bigla siyang natigilan.Ito ay isang dokumento na pirmado ng mga York, at ang nilalaman nito ay binabalangkas ang appointment ni Wyatt bilang CEO ng York Enterprise…'Paano... ito naging posible?'Hindi ba si Mr. York ang umupo sa pwesto mga ilang araw na ang nakakalipas? Isa pa, bakit in-appoint ng mga York ang isang hindi kilala at walang kwentang tao upang maging CEO? Hindi ba ito kalokohan? '"Saan mo nakuha ang dokumentong ito? Alam mo dapat ang parusa sa pamemeke ng dokumento, tama ba? " Sinabi ni Yvonne na may malalim na boses."Pamemeke? Kailangan ko ba
Naging maasim ang timpla ni Yvonne Xavier. Hindi siya kaswal na babae! Maski si Harvey York hindi kailanman sasabihin ang ganoong bagay.Gayunpaman, ang mga salitang iyon na galing sa isang tulad ni Wyatt Johnson ay ikinagalit ni Yvonne.Halos nagtitimpi siya ang kanyang galit habang sinabi niya, "Tinawagan ko na ang pamilyang York upang i-verify ang iyong pagkakakilanlan, kung ikaw ang bagong CEO o hindi. Gayunpaman, ang mga titulong CEO at secretary ay mga herarkyal na relasyon lamang dito, kaya't please matuto kang rumespeto! ""Respeto?" Ngumisi si Wyatt. 'Minsan, ang pagrenda ng tao ay isang kapanapanabik na proseso — Si Yvonne ay magagalitin, kaya't interesante na siya ay rendahan.'Biglang tumayo si Wyatt mula sa kanyang upuan at marahas na sinara ang pintuan ng opisina.Tumalon si Yvonne, kumabog ang puso niya. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo, Wyatt Johnson?""Ano sa palagay mo ang ginagawa ko?" Ngumiti ng mahalay si Wyatt kay Yvonne, at nagpatuloy, "Hindi ba kakasabi
“Lumayo ka sa akin! Huwag mo akong hawakan!""Mas gugustuhin mo pa ang pwersahan kaysa ang pakiusapan, ha?" Sinampal ni Wyatt si Yvonne sa kanyang mukha at marahas na sinabunot ang kanyang buhok.Sumigaw si Yvonne ng isang dumadaing na iyak, at mas na-excite si Wyatt. Ang old witch na nagpapahirap sa kanya nitong mga nagdaang araw - ang kanyang karangalang itinapon sa lupa at inapakan ng paulit-ulit.Sa sandaling iyon, naramdaman niya na naibalik niya ang kanyang pride bilang isang lalaki."Mukhang hindi nakipaglaro sa’yo ang huling CEO, hmm? Well, masisiyahan akong kunin ang opurtunidad na iyon! "Sa kapangyarihang tinatamasa ni Wyatt wala siyang pakialam sa mga kahihinatnan. Siya ang CEO ng York Enterprise, ano ang pinakamasamang maaaring ibunga ng pakikipagsiping sa isang secretary?Patuloy na nagpupumiglas si Yvonne, at ang kanyang sigaw ay umalingawngaw sa buong opisina.Si Wendy Sorell ay patungo sa opisina upang i-report ang kanyang progress matapos ayusin ang kanyang mga
"Gawin mo iyan kung kaya mo! Gusto kong makita kung gaano ka kamakapangyarihan,’ bulyaw ni Yvonne, nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata sa lalaking nasa harapan niya."Sige, huwag niyo isiping makakalimutan ko kayong dalawa! Pagbabayarin ko kayong dalawa kapag nakumpirma ang aking pagkakakilanlan!" Medyo nahihilo si Wyatt sa puntong iyon, kaya wala siyang ibang nagawa kahit gusto niya. Tumingin siya nang masama sa kanila, saka mabilis na umalis sa building.Sa opisina ng CEO, blangkong nagkatiningan sina Wendy at Yvonne sa isa't isa—hindi nila inakala na may ganitong bagay na maaaring mangyari.“Miss Xavier, anong nangyari? Nasaan si Mr. York? May nangyari ba sa kanya?”Labis na nag-aalala si Wendy; ilang araw nang wala si Harvey, pagkatapos ay biglang may isang bagong CEO na nahalal. Ligtas ba si Harvey?“Ayos lang ang CEO,” nag-aalangan na sinabi ni Yvonne. Mabilis niyang tinawagan si Harvey, ngunit hindi siya sumagot.“Ano ang dapat nating gawin?” Nagsimulang mag-panic si W
“Ikaw…” Nag-panic ang boss. Masyadong kalmado ang lalaking nasa harapan niya! Hindi siya matalo ng lahat ng tauhan niya, kaya ano ang kaya niyang gawin mag-isa?“Ano… Ano ang gusto mo?” Bulong ng boss, habang natatakot para kanyang buhay.“Ang katotohanan,” kalmadong sinabi ni Harvey. “Kung sasabihin mo sa akin ang gusto kong malaman, hahayaan kitang mabuhay. Kung hindi, huwag mo akong sisihin sa mga susunod na mangyayari.”"Siyempre..." Pumatak ang pawis ng boss sa kanyang mukha. Sobrang nakakatakot ang aura ng binatang nasa harapan niya na wala siyang malay na yumuko. “B… Boss! Anuman ang gusto mong malaman, sasabihin ko sa iyo!"“Isang babae ang kumausap sa amin na tapusin ka. Mukha siyang mayaman at meron lang siyang isang kahilingan: ang lumpuhin ka. Kung hindi ka daw titino, sabi niyang tatapusin niya din daw ang buhay mo.”“Tatapusin ang buhay ko?” Napatawa si Harvey. “Galing ba siya sa pamilya York?”“Wala kaming alam—ginagawa lamang namin ang sinabi sa amin para makuha a
Buhay na buhay ang mga kalye ng Niumhi sa gitna ng gabi alinsunod sa mga utos ni Tyson Woods. Daan-daang mga kalalakihan ang naglibot sa mga lansangan, dumaan sa napakalaking mga hotel, clubhouse, at entertainment venue. Kahit saan magtago si Wyatt Johnson, mahahanap nila siya.Sa sandaling iyon, si Wyatt ay nasa apartment ni Cecilia Zachary.Hindi siya inabala ng old hag ngayon, kaya sabik siyang bumili ng ilang blue pills, handang ilabas ang kanyang sama ng loob kay Cecilia.Subalit, hindi minadali ni Cecilia ang lahat—naghanda siya ng maayos na candlelight dinner, at in-enjoy silang dalawa ang kanilang pagkain at nilandi ang isa’t isa.Medyo nainip si Wyatt, pero sa kanyang mga mata, si Cecilia ay parang isang dagang nahuli na sa kanyang bitag.“Ay Cecilia, paanong sobrang komportable ko kapag kasama kita?” Nakasandal si Wyatt sa sofa, halos nakapikit ang kanyang mga mata sa kaligayahan habang minamasahe ni Cecilia ang kanyang ulo.Talagang para siyang nasa langit sa pagkakaro
"Hello, Ginoong Braff. Ako si Kensley Quinlan."Ako ay isang direktang inapo ng pamilya, at ako rin ang namamahala sa Golden Cell...""Bilang pansamantalang warden."Ang mga tao ng Golden Cell ay hindi magtatangkang magsalita kahit isang salita matapos makita ang nangingibabaw na asal ni Eliel Braff. Mabilis na huminga ng malalim si Kensley bago humarap sa madla."Ang Golden Cell ay palaging isang makatarungang organisasyon!""Inilabas lang namin ang aming mga armas dahil tumanggi si Harvey York na makipagtulungan sa amin! Kinuha pa niya bilang hostage ang isang tao para lang makaalis dito!"Ang sangay ng Heaven’s Gate sa Golden Sands ay pumasok pa dito para lang palibutan kami!""Sila ang mga hindi makatuwiran!""Nilabas lang namin ang aming mga crossbow dahil kailangan namin!""Kung talagang nandito ka para ipaglaban ang katarungan, dapat si Harvey ang pabagsakin mo!"Siyempre, si Eliel ay isang God of War at ang pangunahing pinuno ng lungsod.Sa kabila nito, nakabawi si K
Kahit si Faceless, na nanatiling kalmado sa buong panahon, ay nagpakita ng kaunting pagkabigla.Akala niya siya ay maingat…Pero hindi niya inaasahan na si Eliel Braff ay nagtatago ng ganitong nakakagulat na lakas mula sa lahat ng oras!Walang pag-aalinlangan, hindi niya mapigilang umatras, handang lumabas sa lugar anumang sandali.Si Kensley Quinlan at Maisie Xavier, na noon ay nag-aasta na parang mataas ang kanilang lipad, ay tila biglang nanghina sa sandaling ito.Akala nila na ang kanilang perpektong plano ay makakapagp corner kay Harvey York.Ngunit ang pagpasok ni Eliel at ang kanyang pagpapakita ng lakas, kasama ang katayuan at posisyon na kanyang kinakatawan, ay nagdulot kay Kensley ng labis na kawalang-kapangyarihan.Walang sinuman ang magtatangkang labanan ang first-in-command ng lungsod, na nanatiling tahimik sa buong panahon.Si Harvey ay huminga ng malalim na may nakaka-impress na ekspresyon sa kanyang mukha.‘Tulad ng inaasahan sa tusong matandang ‘to…‘Hindi na
Si Kensley Quinlan ay huminga ng malalim matapos makita na malapit nang magkasakitan."Sige! Dahil hindi susuko si Darwin Gibson, makikita natin kung sino ang natatakot sa atin!"Makinig kayo sa inyong utos, Golden Cell!""Patayin ang bawat isang trespasser!"Humigit-kumulang isang daang tao ang biglang sumulpot matapos marinig ang kanyang mga utos.Kaunti ang tao kumpara sa sangay ng Heaven’s Gate sa Golden Sands, pero kahanga-hanga pa rin ito.Kasama ng mga kumikislap na baril sa mga bintana sa paligid ng lugar, pinatunayan nito na balak ni Kensley na makipaglaban nang buong lakas.Pagkatapos, tumingin siya kay Harvey York bago huminga ng malalim muli na may seryosong ekspresyon."Binibigyan kita ng kaunting dagdag na oras, Harvey!""Isang minuto!""Kung hindi ka susuko pagkatapos ng isang minuto, lahat dito ay mamamatay!"Hinampas ni Kensley ang kanyang kamay bago agad itinutok ng mga tao sa paligid ang kanilang mga baril kay Harvey.Nagpakita si Harvey ng mapaglarong ng
"Tama yan! Hindi pwedeng mamatay lang ng walang dahilan ang kapatid ko!" Sigaw ni Flawless."Ang daan-daang tao mula sa Faceless Group ay hindi rin pwedeng mamatay nang walang kabuluhan!""Yung taong yun, si Aung, isa ring monghe!""Anong karapatan ni Harvey na gawin 'yon sa kanya?!""Napakasama nito!”Pinagpag ni Flawless ang kanyang mga ngipin, handang alisin si Harvey York anumang sandali."Kung siya ang pumatay kay Aung, ginawa niya ito nang may estilo," sagot ni Darwin Gibson."Dahil tinanggihan niya ang akusasyon, hindi mo siya mapapatunayan kahit na may bundok ng ebidensya.""Para naman sa iyo...""Ang Faceless Group ay pumatay ng napakaraming tao mula pa noon."Sa tingin mo ba may karapatan kang magsalita dito? Sa puntong ito, hindi ka na lang papansinin.”"Ikaw..."Si Flawless ay nag-aapoy sa galit.Si Faceless, na tahimik sa buong oras, ay humakbang pasulong bago malamig na tumitig kay Darwin."Kahit na dumating si Quill Gibson dito ngayon, hindi mo pa rin siya
Karaniwan, ang tatlong Darwins ay hindi magpapaluhod kay Kensley Quinlan.Ang kanyang pagkakakilanlan ay wala ring magiging epekto sa kanya.Ngunit iba ang sitwasyon sa mga sandaling iyon.Si Darwin Gibson ay dumating bilang pansamantalang pinuno upang protektahan ang kanyang mga tao.Sa madaling salita, narito siya para sa katarungan.Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, ang pagkontra sa kanya ay ganap na hindi makatuwiran.Kahit ano pa man ang isipin ng Heaven’s Gate tungkol sa sitwasyon, lalaban ang mga tao hanggang sa huli para sa kanilang reputasyon.Pagkatapos makita ang tanawin, hindi mapigilan ni Harvey York na humanga kay Darwin.Hindi niya inaasahan na magiging ganito kahusay si Darwin sa sandaling kumilos na siya.Kahit ang aktwal na warden ng Golden Cell marahil ay hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyon...Lalo na ang acting warden."Sinusubukan mo bang labanan ako, Darwin?"Mukhang napakasama ng ekspresyon ni Kensley."Pinoprotektahan mo ba ang acting hea
Pumasok ang mga Toyota Prado na may V12 na makina mula sa magkabilang panig, kasama ang mga salita ni Darwin. Ang mga kotse ay malinaw na binago na may malaking kapangyarihan pati na rin hindi matibag na mga depensa.Ang mga ilaw ng kotse ay nagliwanag din sa buong lugar.Pagbukas ng mga pinto ng kotse, agad na dumagsa ang napakaraming tao sa buong lugar.Yung mga tao ay may hawak na mga patalim at baril na may napakabagsik na mga ekspresyon, na parang handa na nilang durugin ang Golden Cell.Kensley Quinlan at ang iba pa ay may malungkot na ekspresyon. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ka-dominante si Darwin para magdala ng grupo ng mga tao dito para magyabang.Sa katunayan, si Quill Gibson ay matagal nang naipit sa Heaven’s Gate.Kung hindi nakapagbigay si Darwin ng paliwanag sa Heaven’s Gate kung bakit niya dinala ang ganitong karaming tao dito, tiyak na magpapakamatay siya."Talagang kahanga-hanga, Ms. Kensley!"Pinagsasakripisyo mo na ang pamilya Gibson sa mismong pa
”Habang may pagkakataon pa para sayo!"Pakawalan mo si Ms. Flawless, at paaalisin ko ang mga tao mo dito!"Kailangan mong manatili dito pagkatapos noon!"Sumusumpa ako sa ngalan ng Golden Cell, sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng patas na paglilitis!”Determinado ang tono ni Kensley Quinlan."Sa ngalan ng Golden Cell?"Tumawa si Harvey York."Wala pang tatlong araw ang lumipas mula nang maging miyembro ka ng Golden Cell, at sinasabi mo 'yan sa akin? Sa tingin mo ba may karapatan kang sabihin yan?"Sasabihin ko sa'yo! Kahit pa sumumpa ka gamit ang pangalan ng pamilya mo, wala rin itong silbi dito!"Tsaka, nagpakasaya lang ako dahil gusto kong makita kung paano niyo ako papanghihinaan ng loob ayon sa mga patakaran...""Pero sa totoo lang, talagang hindi makatuwiran kayo mula simula.""Hindi lang na kinuha mo sina Shay at Prince Gibson para sumuko ako, pero hinayaan mo pa ang Faceless Group na gawin ang gusto nila sa dalawa.""Inaabuso mo ang iyong kapangyarihan para sa mga p
”Ang asawa mo, ang sister-in-law mo, ang mga kaklase mo, mga kaibigan mo, at mga katrabaho mo…“Ang bawat isang tao na nakakakilala sayo ay siguradong mamamatay!“Hindi pagmamalabis kung sasabihin ko na katapusan na ng buong lipi mo!“Hahanapin din nila ang mga taong may kinalaman sayo, na hindi man lang alam kung sino ka, at papatayin nila sila!“Mabuti pang pag-isipan mo ang tungkol dito! Huwag mong sirain ang buong buhay mo para lang sa init ng ulo mo!“Higit pa rito, may lakas ka ba ng loob na patayin si Flawless sa harap namin?“Kapag hindi mo ito ginawa, lalabas pa rin na ikaw ang may sala kung hindi mo kayang patunayan na hindi ikaw ang pumatay sa kanya!“Kapag nangyari ‘yun, hindi mo lang dudungisan ang sarili mong reputasyon, kundi pati na ang reputasyon ng pagkakakilanlan mo, kasama na din ang Martial Arts Alliance ng bansa!"Dahil sa iyo, ang Martial Arts Alliance ng bansa ay maaaring mapalayas ng buong mundo!""Kapag nangyari iyon, wala nang pag-uusapan tungkol sa
”Ikaw…”Galit na galit si Flawless.“Kung ganun, patayin mo ako kung kaya mo!“Bakit pinapatagal mo pa?!”Inangat ni Harvey York ang baba ni Flawless bago niya siya sinampal.“Tama na. Hayaan niyo na silang makaalis.“Malinaw na magkasabwat kayong lahat.“Kung hindi niyo susundin ang sinabi ko, uunahin na kitang patayin!" Kitang-kita ang namumulang bakat ng palad sa mukha ni Flawless habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Maisie Xavier habang hawak niya ang kanyang baril noong tumingin siya ng masama kay Harvey. Wala siyang balak na pakawalan ang kahit na sino.“Tama. May nakalimutan akong sabihin sayo…Bahagyang ngumiti si Harvey.“Hindi gaanong malala ang mga sugat ni Flawless. Iniwasan ko ang mga vital points niya noong binaril ko siya.“Gayunpaman, hindi maiiwasan na medyo kalawangin ang lahat ng mga baril. Kapag hindi siya nabigyan agad ng tetanus shot, baka kailanganing putulin ang magkabilang binti niya pagkatapos nito.