Binigyan ng dealer si Harvey ng isa pang baraha. Isa na naman itong alas. Mayroon siyang kabuuang labing-isang puntos. Nanlaki ang mata ng madla. Maging si Jason Leo ay nanigas sa sandaling iyon. Kapag mas mababa pa rin sa dalawampu't-isa ang puntos ni Harvey pagkatapos ng isa pang baraha, panalo na siya! "Isa pa!" sinabi ni Harvey habang nakatingin sa kanya ang lahat. Mayroon siyang kabuuang dalawampu’t-isang puntos. Kahit ano pa ang nakatagong baraha, pinatalo ni Harvey ang sarili niya.Nagulat nang sobra ang madla pagkatapos ibunyag ni Harvey ang nakatago niyang baraha.Si Harvey ay may siyam, isang sampu, at nakakuha siya ng alas. Ang kabuuang dalawampung puntos ay isang malaking numero, pangalawa lamang sa Blackjack.Sa ganito kagandang sitwasyon, humingi pa rin siya ng isa pang baraha at natalo dahil dito! Anong ibig-sabihin nito? Gusto bang mamatay ni Harvey?“Hahaha! Ganyan ka ba katakot sa akin?“Humihingi ka pa ng isa pang baraha kahit may twenty points ka na
Napalunok ang lahat nang marinig ang sinabi ni Jason Leo.Hindi na ito ang King of Gambling Tournament. Ang laban na ito ang magdidikta kung sinong magiging bagong hari ng Hong Kong at Las Vegas! Kapag nanalo si Harvey York, ang top four family ng Hong Kong ay magbibigay-galang sa kanya sa pagtataboy kay Jason! At kapag nanalo si Jason, makukuha niya ang lahat ng pinaghirapan ni Harvey.Sa lakas niya, hindi problema sa kanya na sirain ang mga York ng Hong Kong at bumuo ng isang bagong tagong pamilya.Kalmadong sumulyap si Harvey kay Jason. “Hanggang ngayon ang liit pa rin ng mga taya mo, Young Master Leo? Minamaliit mo pa rin ba ako?“Kung gusto mong maglaro, kailangan nating taasan ang taya.“Kapag natalo ako, ibibigay ko sa’yo ang lahat ng mayroon ako, kasama na ang nasa Mordu at Buckwood!“Makakagawa ka ng isang bagong hidden family gamit ang lahat ng ito! “Pero kapag natalo ka, isa lamang ang gusto ko, ang buhay mo.“Handa ka bang maglaro?”Sapat na ang mga salita n
Kalmadong tumingin si Harvey sa kanyang nakatagong baraha. Mukhang wala siyang balak na magdagdag. Napalaktaw ng tibok ang puso ni Jason Leo nang makita niya ito. Pinatunog niya ang kanyang daliri pagkatapos. Klak! Naging mapanglaw ang mga mata ni Harvey. Pagkatapos ay bumalik sa dati ang kanyang ekspresyon. Tumawa nang malakas si Jason nang makita niya ang nangyari. "Harvey, kung gusto mong manalo, mabuti pa at magdagdag ka ng baraha! Kung hindi, siguradong matatalo kita dito!" Malinaw na naniniwala talaga si Jason na mapapabunot niya ulit ng baraha si Harvey gamit ng kanyang mild hypnosis. Makikitang nahihirapan si Harvey bago niya isigaw, "Isa pa!" Ngumiti ang dealer bago muling magbigay ng baraha kay Harvey. Ito ay isang dos. Nanigas si Jason pagkatapos makita ang baraha. Hindi niya inakalang makakakuha si Harvey ng ganito kababang numero. Pagkatapos huminga nang malalim, kumalma si Jason. "Mayroon ka na lamang tatlong puntos sa ngayon, Harvey! Kahit mayroon
Malakas ang epekto pagkatapos ng tatlong pitik. Nagsimulang tumagaktak ang malamig na pawis sa noo ni Harvey Hork habang mukha siyang nababahala. Pagkatapos makita ang nangyari, alam na ni Jason Leo na hindi na masyadong tumatalab ang mild hypnosis kay Harvey. Kailangan niyang pahirapan si Harvey…Wala siyang magagawa kundi gumatong sa apoy.“Bakit hindi natin taasan ang taya?”Makikita ang ngiti sa mukha ni Jason. “Kapag nagdagdag ka pa ng isa pang baraha at nanalo laban sa akin, i-cacancel ko ang engagement namin ni Queenie York! Ano sa tingin mo?!”Galit na tumayo si Queenie.“Huwag mong gawin ‘yan, Harvey!” sigaw ni Queenie.Matutukoy ng kahit sino na masyado nang maraming baraha si Harvey.“Kapag nanalo tayo ngayong round, mapapanalunan natin ang lahat! Walang kwenta ang kasal kumpara dito!” sigaw ni Leslie Clarke. “Huwag kang magpadalos-dalos, Sir York!” sigaw ni Yoana Mendoza. “Bukod diyan, pwede akong maging alipin mo! Kakagatin ko kahit sinong gusto mo!” kalmado
Nang lumabas si Vince York para gumawa ng gulo, tiningnan siya ni Harvey York nang seryoso.Si Vince, na gustong hamunin si Harvey, ay hindi mapigilang kahaban.Kusa siyang tumingin kay Jason Leo bago siya biglang may naisip.Tuluyan nang namutla ang mukha ni Jason. Inabot niya ang kanyang kamay habang nakatitig sa mata ni Harvey, pagkatapos ay muli niyang pinatunog ang kanyang daliri.Ang kanyang mild hypnosis, na laging tumatalab noon, ay wala nang epekto. Walang nangyari bukod sa dugo sa bibig ni Jason.Kalmadong ngumiti si Harvey.“Hindi mo na kailangang patunugin ulit ang daliri mo. Walang kwenta ‘yan.“Walang epekto sa akin ang mild hypnosis mo.”Nagbago nang husto ang mukha ni Jason, para bang napansin niyang nahalata na ni Harvey ang ginagawa niya.Huminga siya nang malalim at pinilit na kumalma.“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Harvey.“Kung pagbibintangan mo akong nandadaya, mabuti pa at magpakita ka ng matibay na ebidensya!“Kung hindi kakasuhan kita ng pan
Nakakagulat!Nagulat nang sobra ang lahat ng tao!Ang mga Knights Templar na sinama ni Jason Leo ay nanigas habang nanghihina.Sinampal pa ng isa ang sarili nito nang ilang beses upang masigurong hindi ito nananaginip.Nanatiling kalmado sila Queenie York sa kabila ng nangyari.Ang God of Gambling! Ito ang tunay na God of Gambling! Simula pa lang ay planado na ni Harvey York ang lahat!Si Jason, na kanina pang nagyayabang, ay isa na lamang payaso sa ngayon!Kahit patuloy niyang iniipit si Harvey…Kahit patuloy niyang pinipilit si Harvey na magdagdag ng baraha para manghina ito…Nanalo pa rin si Harvey sa kabila ng lahat! Hindi kapani-paniwala! Talagang nakakagulat ito! Kaagad na natukoy ni Jason na baka simula pa lang ay hindi na apektado ng mild hypnosis si Harvey at nagpapanggap lang ito kanina pa…Para magbayad nang malaki si Jason.“Ace of spades?! Nananaginip ba ako?!“Panalo tayo! Panalo tayo!”Nahimasmasan si Leslie Clarke bago niya ialog ang kanyang kamay n
Habang nagsasalita si Harvey York, dalawang LCD TV ang dahan-dahang bumaba.Ang mga laban ni Mateo Leo ay pinapalabas sa mga TV.Tuwing pinapatunog niya ang kanyang daliri, matutulala ang kalaban bago manghingi ng isa pang baraha. Makikita ang lahat ng ito sa palabas.Ito ang pinakamalaking ebidensya. Walang makakapansin ng kahit anong kakaiba kung isa lang ito.Ngunit dahil marami ito, kahit ang tanga ay may mapapansin pagkatapos makitang paulit-ulitin ito ni Mateo.Hindi nagtagal ay pinalabas na sa TV ang laban ni Jason.Tuwing papatunugin niya ang daliri niya, humihingi pa ng isang baraha si Harvey. Ang lahat ay malinaw na nakita ng mga tao.Napalunok ang madla. Tuluyan silang nagulat bago tumingin nang masama kay Jason.Kaagad na sumama ang mukha ni Jason. Naunawaan niya kung bakit siya natalo noong araw na iyon. Alam na ni Harvey ang gawin niya at pinagplanuhan niya ito.Tinitigan niya nang masama si Mateo. Kung hindi dahil sa pagiging halata nito, hindi sana siya matatal
Ang ekspresyon ni Jason ay biglang nagbago ng makita lahat ng mga baril na nakaturo sa kanya.Nanliit ang kanyang mga mata. Tapos, nanlamig na tumawa.“Ano kung manalo ka laban sa akin, Harvey?”“Gusto mo ang buhay ko? Meron ka bang karapatan para diyan?”“Bilang baron ng The Empire, ang deputy commander ng Knights Templar at isang God of War, wala kang karapatan na kunin ang buhay ko!”Galit na tumayo si Mateo, ang kanyang kamay ay nasa baril na nasa kanyang bewang.“Protektahan si Young Master Leo!”Mga dalawampung descendant ng Knights Templar ang tumayo kaagad sa kanyang utos, ang kanilang mga mata ay mabangis na nakatitig.Sila ay may kakayahan at bawat isa sa kanila ay merong lakas na lumaban ng sampung tao ng magisa.Kahit na kung si Harvey ay mas may higit na tauhan kumpara sa kanila, sila ay walang takot pa din.Ang ekspresyon ni Vince ay nagbago din.“Ininsulto mo si Young Master Leo sa lamesa dati, Harvey! Ang round na ito ay hindi bilang!”“Kung gagawa ka pa din