Pagkatapos ng kalahating oras, sa loob ng presidential suite ng Three Seasons Hotel sa top floor. Hindi na umuuwi rito si Harvey ngunit maayos pa rin ang security dito. Sa kabuuan ng pamamalagi ni Aurora rito, pinoprotektahan siya ng Dragon Palace. Sa umpisa pa lang, walang nakakaalam na narito siya. Nakaupo si Harvey sa hanging garden at kumuha ng isang tasa ng Black Tea. Uminit at guminhawa ang pakiramdam niya. Nakaupo si Aurora sa harapan niya nang nanginginig. Nginitian siya ni Harvey at binigyan siya ng tsaa. "Heto, Miss Celebrity. Inumin mo to para medyo matanggal ang stress mo.""Ito ang Iceberg Tea. Kaka-import lang nito rito ngayong taon. Ang isang pound nito ay nagkakahalagang seventy-six thousand dollars sa merkado." Walang gana si Aurora na tikman ang tsaa. Kinuha niya ang tasa habang nanginginig pa rin ang katawan niya at ininom niya ang tsaa sa isang lagukan. Hindi napigilan ni Harvey na bumuntong-hininga. Naawa siya kay Aurora na hindi man lang kayang suli
Sa umpisa, hindi gustong maniwala ni Aurora kay Harvey. Pagkatapos, naalala niya kung paano siyang na-blacklist sa isang simpleng text di kalaunan. At saka nakatira si Harvey sa top floor ng Three Seasons Hotel. Sinasabing tanging royalty lang ang pwedeng mag-book ng presidential suite. Sapat na ang mga detalyeng ito para ipaliwanag ang marami sa mga problema niya. Ang lakas ni Harvey ay sapat na para patunayan na may kapangyarihan siya para panatilihing ligtas si Aurora. Lalo na't ang Dragon Palace at Longmen's branch ay makakapangyarihang organisasyon sa loob ng Hong Kong at Las Vegas. Maliban rito, ang mga first-in-command mula Hong Kong at Las Vegas ay parehong may magandang relasyon kay Harvey. Naglaho ang pag-aalinlangan ni Aurora. Sobra siyang napahanga. Kung mapapalapit siya kay Harvey at makukuha ang tiwala niya, makakabalik siya bilang pinakasikat na celebrity ng Country H sa isang salita lang niya. Nagngitngit ang ngipin niya at tahimik na nagsabing, "Anong
Kalmadong tumawa si Harvey bago uminom ulit ng kanyang Black Tea. Nang nakita niyang walang nagawa ang pagkumbinsi niya, mas lalong nanginig ang katawan ni Aurora. "Sir York, alam ko na kayo ng mga tao mo ay may lason na kayang mangontrol ng tao!" "Bakit di mo rin ako lasunin? Sa ganitong paraan, hindi kita tatraydurin!" "Wala akong takas! Kung hindi ako makikipagtulungan sa'yo at wala ang proteksyon mo, masasagasaan ako ng kotse sa sandaling lumabas ako rito!" "Hindi sa hindi kita gustong bigyan ng kahit na ano, Sir York! Hindi ko lang talaga alam kung anong ibibigay ko!" "Una sa lahat," kalmadong sabi ni Harvey, "Wala akong ganung klase ng lason. Kahit na meron, paano mo naisip na gagamitin ko ang lason sa'yo lalo na't walang halaga ang buhay mo?" "Pangalawa, nagbabago ang tao. Ang mga traydor sa sarili nilang bansa kagaya mo ay mas mabilis magbago. "Bakit kita poprotektahan lalo na kung hindi ka nangangako ng katapatan sa'kin?" "Iniisip mo ba ito'y para malabanan k
"Ang mga komentong ginawa ko sa Durin." "Ang paggawa ng gulo para kay Queenie sa Seaside Restaurant." "Ang insidente sa Victoria Harbor plaza at ang mga ghostwriter." "Inutos sa'kin ni Mateo ang lahat ng yun." "Syempre, wala akong kahit na anong pruweba. Hindi malinaw na babanggitin ni Mateo ang mga utos niya. Sa halip, ipapahiwatig niya lang sa'kin ang mga yun." "Minsan, matutulog ako kasama ng isang matandang lalaki dahil sinabi niya. Papasayahin ko ang lalaking yun buong gabi nang hindi man lang nalalaman ang pangalan niya…" "Iyon ang dahilan kaya wala talaga akong masyadong nalalaman." "Ang alam ko lang ay tatlong bagay. Pero hindi ako sigurado kung magagamit mo ang mga yun.""Sabihin mo sa'kin. Ako ang huhusga diyan," kalmadong sabi ni Harvey. Seryosong tinitigan ni Aurora si Harvey bago tahimik na sumagot, "Una, si Jason ang deputy commander ng Knights Templar. Dahil isa siyang lalaki mula sa Country H at may koneksyon sa royalty ng The Empire, may sarili siyang
"Ano na? Kumusta ang proof of allegiance ko?" "Kung sapat na'to, pwede mo bang sabihin sa'kin kung paano mo ko poprotektahan?" Tinitigan nang masama ni Aurora si Harvey. Kung hindi nakataya ang buhay niya sa sitwasyong ito, hindi niya magsasalita nang ganun kadali. Ngayong nagawa na niya ito, trinaydor niya pareho sina Jason at Mateo. Mula sa sandaling iyon, wala na siyang magagawa kundi sundan ang landas na ito hanggang sa huli. "Hindi naman masyadong mahirap na protektahan ka," sabi ni Harvey. "Halimbawa: ang van driver na banda roon ay nagmula sa Nanyang Gang." "Ang mga pulis na dumaan ay mula sa Clarke Family.""Sa akin silang lahat." "H*yop ka!" Napahinto si Aurora bago tumayo ulit at tinuro si Harvey gamit ng nanginginig niyang daliri nang puno ng galit ang mukha niya. Nang matapos na siyang ibuhos ang galit, bumuntong-hininga siya at namomroblemang bumalik sa upuan niya. Sa sandaling ibinigay niya ang lahat ng impormasyong iyon, wala nang daan pabalik. Hab
Puno ng mga bouquet ng mga sariwang bulaklak ang buong ward na may mga mabubuting salitang nakasulat sa mga card na kasama nito. Sinasabing ang mga tagahanga ni Aurora ang nagpadala ng mga ito, pero walang nakakaalam sa katotohanan. May hawak na bouquet ng mga lily si Mateo nang tinulak niya ang pinto pagbukas. Naningkit ang mga mata niya kay Aurora, na nakahiga sa kama nang may nanghihinang itsura, bago ngumiti. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Aurora?" Sa maikling sandali, lumitaw sa utak niya ang isang bakas ng pagkamuhi. 'Paano siyang swinerte? Nailigtas siya ng isang mangingisda?!' 'Inimbestigahan ko ang buong pamilya ng lalaking iyon. Totoong tao siya. Dumadaan siya sa Victoria Harbor bawat isang araw. Habang pinagsisisihan ni Mateo na hindi niya napansin ang maliit na detalyeng iyon, naisip niyang sayang na sayang ang kabuuan ng sitwasyon. Lalo na't mahalaga ang oras para sa buong plano. Kung namatay si Aurora kagabi, mapapalaki niya ang problema laban kay Queenie
Pagkatapos umalis ni Mateo, pumasok si Harvey sa ward nang nakasuot ng puting coat at face mask. Noong una ay halos walang kabuhay-buhay si Aurora, ngunit napuno siya ng sigla sa sandaling nakita niya si Harvey at kaagad siyang umupo. "Ginawa ko ang lahat ng inutos mo sa'kin." "Hindi ba dapat kang tumupad sa kasunduan?" "Sa tingin ko dapat lang gumawa ng ibang pagkatao para sa'kin at bigyan ako ng ligtas na lugar na mapagtataguan." "Kung hindi, mapapatay ako kaagad." Balisa si Aurora sa pag-aalala. Natural na nararamdaman niya ang kagustuhan ni Mateo na pumatay nang nandito siya ilang minuto ang nakaraan. "Ang hirap namang maging mabuting tao sa panahong to," sabi ni Harvey. "Trinaydor mo ang sarili mong bansa sa pamamagitan ng paninira sa social media, pero hindi ka man lang natatakot.""Alam mong walang masyadong pakialam ang mga tao rito tungkol dun…" "Pero pagkatapos mong magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa The Empire, sa sobrang takot mo ay desperado kang t
"Maging maayos ka pagdating mo sa Nanyang Gang. Kaibigan ko si Head Cobb, pero kapag nagalit mo siya, kaya ka niyang palayasin sa teritoryo niya." Binigyan siya ng Harvey ng kalmadong paalala. "Wag kang mag-alala. Aktres ako, hindi tanga." "Sinusubukan kong iligtas ang sarili ko. Mabuti na nga at hindi ako mapipilitang maglakbay sa kung saan-saan nang walang patutunguhan. Hindi ako tanga para itapon ang buhay ko nang basta-basta na lang." Pagkatapos bumuntong-hininga, tumingin si Aurora kay Harvey at biglang may naalala. "Oo nga pala. Meron akong di maintindihan. Pwede mo kong sabihan na ipagtanggol si Queenie at tapusin kaagad ang opinyon ng publiko." "Bakit di mo ko hayaang gawin yun?""Habang walang pressure mula sa publiko, tiyak na makakaisip si Mateo ng bagong ideya para labanan si Queenie," sagot ni Harvey. "Kesa magsayang ako ng oras sa kanya, mas gugustuhin ko pang manatili ang opinyong ito." "Kapag kailangan kita, kukunin kita ulit." "Iyon ang dahilan kaya