"Ano na? Kumusta ang proof of allegiance ko?" "Kung sapat na'to, pwede mo bang sabihin sa'kin kung paano mo ko poprotektahan?" Tinitigan nang masama ni Aurora si Harvey. Kung hindi nakataya ang buhay niya sa sitwasyong ito, hindi niya magsasalita nang ganun kadali. Ngayong nagawa na niya ito, trinaydor niya pareho sina Jason at Mateo. Mula sa sandaling iyon, wala na siyang magagawa kundi sundan ang landas na ito hanggang sa huli. "Hindi naman masyadong mahirap na protektahan ka," sabi ni Harvey. "Halimbawa: ang van driver na banda roon ay nagmula sa Nanyang Gang." "Ang mga pulis na dumaan ay mula sa Clarke Family.""Sa akin silang lahat." "H*yop ka!" Napahinto si Aurora bago tumayo ulit at tinuro si Harvey gamit ng nanginginig niyang daliri nang puno ng galit ang mukha niya. Nang matapos na siyang ibuhos ang galit, bumuntong-hininga siya at namomroblemang bumalik sa upuan niya. Sa sandaling ibinigay niya ang lahat ng impormasyong iyon, wala nang daan pabalik. Hab
Puno ng mga bouquet ng mga sariwang bulaklak ang buong ward na may mga mabubuting salitang nakasulat sa mga card na kasama nito. Sinasabing ang mga tagahanga ni Aurora ang nagpadala ng mga ito, pero walang nakakaalam sa katotohanan. May hawak na bouquet ng mga lily si Mateo nang tinulak niya ang pinto pagbukas. Naningkit ang mga mata niya kay Aurora, na nakahiga sa kama nang may nanghihinang itsura, bago ngumiti. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Aurora?" Sa maikling sandali, lumitaw sa utak niya ang isang bakas ng pagkamuhi. 'Paano siyang swinerte? Nailigtas siya ng isang mangingisda?!' 'Inimbestigahan ko ang buong pamilya ng lalaking iyon. Totoong tao siya. Dumadaan siya sa Victoria Harbor bawat isang araw. Habang pinagsisisihan ni Mateo na hindi niya napansin ang maliit na detalyeng iyon, naisip niyang sayang na sayang ang kabuuan ng sitwasyon. Lalo na't mahalaga ang oras para sa buong plano. Kung namatay si Aurora kagabi, mapapalaki niya ang problema laban kay Queenie
Pagkatapos umalis ni Mateo, pumasok si Harvey sa ward nang nakasuot ng puting coat at face mask. Noong una ay halos walang kabuhay-buhay si Aurora, ngunit napuno siya ng sigla sa sandaling nakita niya si Harvey at kaagad siyang umupo. "Ginawa ko ang lahat ng inutos mo sa'kin." "Hindi ba dapat kang tumupad sa kasunduan?" "Sa tingin ko dapat lang gumawa ng ibang pagkatao para sa'kin at bigyan ako ng ligtas na lugar na mapagtataguan." "Kung hindi, mapapatay ako kaagad." Balisa si Aurora sa pag-aalala. Natural na nararamdaman niya ang kagustuhan ni Mateo na pumatay nang nandito siya ilang minuto ang nakaraan. "Ang hirap namang maging mabuting tao sa panahong to," sabi ni Harvey. "Trinaydor mo ang sarili mong bansa sa pamamagitan ng paninira sa social media, pero hindi ka man lang natatakot.""Alam mong walang masyadong pakialam ang mga tao rito tungkol dun…" "Pero pagkatapos mong magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa The Empire, sa sobrang takot mo ay desperado kang t
"Maging maayos ka pagdating mo sa Nanyang Gang. Kaibigan ko si Head Cobb, pero kapag nagalit mo siya, kaya ka niyang palayasin sa teritoryo niya." Binigyan siya ng Harvey ng kalmadong paalala. "Wag kang mag-alala. Aktres ako, hindi tanga." "Sinusubukan kong iligtas ang sarili ko. Mabuti na nga at hindi ako mapipilitang maglakbay sa kung saan-saan nang walang patutunguhan. Hindi ako tanga para itapon ang buhay ko nang basta-basta na lang." Pagkatapos bumuntong-hininga, tumingin si Aurora kay Harvey at biglang may naalala. "Oo nga pala. Meron akong di maintindihan. Pwede mo kong sabihan na ipagtanggol si Queenie at tapusin kaagad ang opinyon ng publiko." "Bakit di mo ko hayaang gawin yun?""Habang walang pressure mula sa publiko, tiyak na makakaisip si Mateo ng bagong ideya para labanan si Queenie," sagot ni Harvey. "Kesa magsayang ako ng oras sa kanya, mas gugustuhin ko pang manatili ang opinyong ito." "Kapag kailangan kita, kukunin kita ulit." "Iyon ang dahilan kaya
Naningkit ang mata ni Harvey bago magtanong, "Alam mo ba ang sagot sa tanong na 'yan?" Suminghal si Aurora. "Aminin man ito ng Leo family o hindi, sa The Empire pa rin sila. Pero hindi ko alam sa ibang mga pamilya." "Hindi ko inakalang mas marami kang alam sa akin," sinabi ni Harvey. "Isipin mo nang maigi. Tingnan mo kung may nakalimutan ka." "Hindi ko alam kung kailan mo ako makikita ulit." "Kung may tinatago ka pa, baka mawalan na ito ng halaga paglipas ng panahon." Hindi nagbago ang ekspresyon ni Aurora sa kabila ng mga sinasabi ni Harvey. "Ito lamang ang naiisip ko sa ngayon. Sinabi ko sa'yo ang lahat ng ito nang hindi nanghihingi ng kapalit para mapatunayan na may bisa pa ako…" sinabi niya nang mahina habang nakatingin sa mata ni Harvey. "Kapag trinato mo ako nang maayos, baka makaisip ako ng iba." "Halimbawa: Nabalitaan kong si Jason at Vince ay matalik na magkaibigan." "Dalawang magkaibigan bilang God of War. Talagang hindi sila matitinag!" Naging seryoso
Pagsapit ng gabi. Sa Hong Kong International Airport. Isang eroplanong mula sa The Empire ang palapag na. Daan-daang fighter jet ang makikitang kasama ng eroplano. Ang lahat ng ito ay mula rin sa The Empire. Ang buong paliparan ay nakasara.Sinasabi sa usap-usapan na para masiguro ang kaligtasan sa paliparan, ang top four family ng Hong Kong ay ginamit ang kapangyarihan ng kanilang pamilya para kumuha ng halos sampung libong tao para ipasara ang lugar. Sa madaling salita, ang tagal na mula noong magtulungan nang ganito ang mga pamilya. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagdating ng isang makapangyarihang tao. Bukod sa mga pinakamahalagang tao ng mga York ng Hong Kong, alam ng buong social circle ng pamilya na ang hari ng The Empire at ang deputy commander ng Knights Templay ay parating na. Marami ang hindi nakakaalam na ang maalamat na taong ito ay walang iba kundi si Jason mismo. Sa sandaling ito, walang makalapit sa paliparan. Maraming mga taong nagtatangkang alagaan
Hindi nagtagal, maraming taong nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ang nagpakita kay Mateo. Isang babae na nakasuot ng maharlikang kasuotan, na may kasamang kaswal tingnan na lalaki, ang nakatayo sa gitna ng mga tao. Ang mukha ng babae ay napakaganda. Mukhang may halo siyang lahi; matangos ang kanyang ilong, at ang kanyang mga mata ay kasing ganda ng isang ipinintang larawan. Ang kanyang face mask ang nagbigay sa kanya ng misteryoso ngunit nakakaakit na itsura. Siya ay walang iba kung hindi ang ikaapat na tagapagmana ng maharlikang pamilya ng Imperyo, ang ikaapat na prinsesa. Ang lalaki naman na nasa likuran niya ay isang makisig na lalaki na may tangkad na limang talampakan at siyam na pulgada, na may mukha na kasing talas ng patalim. Mukha siyang napakakisig, pero may nakakatakot na pakiramdam ang mararamdaman sa buong katauhan niya. Ang pakiramdam na ito ang nagpapaluhod sa lahat ng mga tao na ansa paligid niya. Siya ay ang baron ng Imperyo, ang deputy commander ng Knig
Ngumisi si Mateo bago dahan-dahan na tumayo ng tuwid. “Huwag kayong mag-alala, Young Master Leo. Mabagal man ako, ngunit sisiguraduhin kong matatapos ko ang aking misyon sa lalong madaling panahon!”“Bigyan niyo pa ako ng dalawa pang araw! Ipapakita ko sa inyo ang isang bagong Hong Kong!” “Sana nga,” patamad na sinabi ni Jason. ‘Pero kahit na hindi mo ito nagawa, hindi na ito mahalaga.”“May mga bagay na dapat ako na mismo ang umasikaso nung una pa lang.”Pagkatapos ay pinitik ni Jason ang abo ng kanyang tabako bago siya sumenyas, na naging senyales para kay Mateo na sundan siya sa labas. “Noon, tinuturing ako na isang bata at masiglang lalaki nung nakarating ako sa Leo family mula Hong Kong,” saad ni Jason ng mahinahon habang naglalakad.“Kinamumuhian ako ng pamilya, pero matapang pa din akong lumaban para sa pangalan na Leo. Mapagmataas ako!”“Gusto ko na ang Leo family ay maging ang top rated family sa parehong Hong Kong at Las Vegas!” “Binago ko ang buong hugis ng is