Naningkit ang mata ni Harvey bago magtanong, "Alam mo ba ang sagot sa tanong na 'yan?" Suminghal si Aurora. "Aminin man ito ng Leo family o hindi, sa The Empire pa rin sila. Pero hindi ko alam sa ibang mga pamilya." "Hindi ko inakalang mas marami kang alam sa akin," sinabi ni Harvey. "Isipin mo nang maigi. Tingnan mo kung may nakalimutan ka." "Hindi ko alam kung kailan mo ako makikita ulit." "Kung may tinatago ka pa, baka mawalan na ito ng halaga paglipas ng panahon." Hindi nagbago ang ekspresyon ni Aurora sa kabila ng mga sinasabi ni Harvey. "Ito lamang ang naiisip ko sa ngayon. Sinabi ko sa'yo ang lahat ng ito nang hindi nanghihingi ng kapalit para mapatunayan na may bisa pa ako…" sinabi niya nang mahina habang nakatingin sa mata ni Harvey. "Kapag trinato mo ako nang maayos, baka makaisip ako ng iba." "Halimbawa: Nabalitaan kong si Jason at Vince ay matalik na magkaibigan." "Dalawang magkaibigan bilang God of War. Talagang hindi sila matitinag!" Naging seryoso
Pagsapit ng gabi. Sa Hong Kong International Airport. Isang eroplanong mula sa The Empire ang palapag na. Daan-daang fighter jet ang makikitang kasama ng eroplano. Ang lahat ng ito ay mula rin sa The Empire. Ang buong paliparan ay nakasara.Sinasabi sa usap-usapan na para masiguro ang kaligtasan sa paliparan, ang top four family ng Hong Kong ay ginamit ang kapangyarihan ng kanilang pamilya para kumuha ng halos sampung libong tao para ipasara ang lugar. Sa madaling salita, ang tagal na mula noong magtulungan nang ganito ang mga pamilya. Ang lahat ng ito ay dahil sa pagdating ng isang makapangyarihang tao. Bukod sa mga pinakamahalagang tao ng mga York ng Hong Kong, alam ng buong social circle ng pamilya na ang hari ng The Empire at ang deputy commander ng Knights Templay ay parating na. Marami ang hindi nakakaalam na ang maalamat na taong ito ay walang iba kundi si Jason mismo. Sa sandaling ito, walang makalapit sa paliparan. Maraming mga taong nagtatangkang alagaan
Hindi nagtagal, maraming taong nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ang nagpakita kay Mateo. Isang babae na nakasuot ng maharlikang kasuotan, na may kasamang kaswal tingnan na lalaki, ang nakatayo sa gitna ng mga tao. Ang mukha ng babae ay napakaganda. Mukhang may halo siyang lahi; matangos ang kanyang ilong, at ang kanyang mga mata ay kasing ganda ng isang ipinintang larawan. Ang kanyang face mask ang nagbigay sa kanya ng misteryoso ngunit nakakaakit na itsura. Siya ay walang iba kung hindi ang ikaapat na tagapagmana ng maharlikang pamilya ng Imperyo, ang ikaapat na prinsesa. Ang lalaki naman na nasa likuran niya ay isang makisig na lalaki na may tangkad na limang talampakan at siyam na pulgada, na may mukha na kasing talas ng patalim. Mukha siyang napakakisig, pero may nakakatakot na pakiramdam ang mararamdaman sa buong katauhan niya. Ang pakiramdam na ito ang nagpapaluhod sa lahat ng mga tao na ansa paligid niya. Siya ay ang baron ng Imperyo, ang deputy commander ng Knig
Ngumisi si Mateo bago dahan-dahan na tumayo ng tuwid. “Huwag kayong mag-alala, Young Master Leo. Mabagal man ako, ngunit sisiguraduhin kong matatapos ko ang aking misyon sa lalong madaling panahon!”“Bigyan niyo pa ako ng dalawa pang araw! Ipapakita ko sa inyo ang isang bagong Hong Kong!” “Sana nga,” patamad na sinabi ni Jason. ‘Pero kahit na hindi mo ito nagawa, hindi na ito mahalaga.”“May mga bagay na dapat ako na mismo ang umasikaso nung una pa lang.”Pagkatapos ay pinitik ni Jason ang abo ng kanyang tabako bago siya sumenyas, na naging senyales para kay Mateo na sundan siya sa labas. “Noon, tinuturing ako na isang bata at masiglang lalaki nung nakarating ako sa Leo family mula Hong Kong,” saad ni Jason ng mahinahon habang naglalakad.“Kinamumuhian ako ng pamilya, pero matapang pa din akong lumaban para sa pangalan na Leo. Mapagmataas ako!”“Gusto ko na ang Leo family ay maging ang top rated family sa parehong Hong Kong at Las Vegas!” “Binago ko ang buong hugis ng is
Sa Taiping Mountain.Ang Victoria Harbor ay malinaw na makikita mula sa mountaintop villa ng Leo family.Ang lugar ay punong puno ng makukulay na ilaw, at iba’t ibang klase ng wine ang nakahain. Isa itong marangyang eksena. Si Melissa, na umangat na sa kapangyarihan sa loob ng Leo family, ay nakaupo sa itaas ng bulwagan. Lasing na lasing na siya.“Pagpalain nawa ng Diyos ang Leo family!” Masaya niyang sinigaw.“Kanina lang, may balita mula sa airport.”‘Ang ikaapat na prinsesa ng Imperyo at ang deputy commander ng Knights Templar, na si Jason Leo, ay sumang-ayon na bisitahin tayo pagkatapos na dumating mula Walsh!”“Talagang pinagpala tayo!”“Sa pamamagitan ng proteksyon ng Imperyo, ang ating pamilya ay nakatadhana na manguna sa top four families ng Hong Kong!” Si Quinton, na nakatayo sa ibaba ni Melissa, ay bahagyang nakangiti. Alam niya ang tungkol sa makapangyarihan na taong inimbitahan ni Vince, pero wala siyang impormasyon tungkol sa nakaraan ng lalaki. Gayunpaman a
Nung nakita ng mga Leo kung sino ang lalaki, lahat sila ay nagulat at nahirapan na huminga.‘Hindi ba’t… Hindi ba’t si Jason yan?!” May taong nakakilala kay Jason, ang lalaki na dating may magandang hinaharap sa Hong Kong at Las Vegas anim na taon na ang nakakaraan, ay sinigaw ito. Sa isang iglap, ang tingin ng lahat ay nabaling kay Jason. “Siya yun?!”“Paano naging posible to?!”Maraming bagay ang sumagi sa isipan ng karamihan. Hindi nila nagawang bumalik sa katinuan mula sa matinding pagkabigla.Hindi pinansin ni Jason ang naguguluhan na tingin ng mga tao, at naglakad lang papunta kay Melissa. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang babae na nasa harapan niya, na mukhang nanigas sa kinatatayuan nito. “Narinig ko na ang matandang bastardo, na si Alan, ay nalagay sa house arrest ng dahil sayo,” sinabi niya ng medyo nakangiti. “Ang p*tang Chris ay nabura din dahil sayo.”“Ang galing mo, Melissa.”Isang makahulugan na ngiti ang namutawi sa labi ni Jason.Kumibot-kibot
Alas dyis na ng gabi. Walang makikita sa madilim na kalangitan sa gabi. Nilamon ng kadiliman ang Hong Kong. Ang lahat ay nabalot ng madilim na mga ulap. Para bang may malakas na ulan na parating. Talagang isa itong nakakapag-alalang pangitain. Pumasok si Harvey sa garden villa ng mga York pagkatapos matanggap ang tawag ni Queenie na sinasabing gusto siyang makita ni Marcel. Kaagad siyang pumunta pagkatapos niyang marinig ito. Lalo na, ilang araw na siyang nanirahan sa garden villa. Sa madaling salita, madalas silang magkita ni Marcel dito. Hindi naman tatawag si Queenie kung hindi ito isang mahalagang bagay.Ng makarating siya doon, may nakahanda ng mga pagkain at inumin sa hapagkainan ng villa. Hindi ginalaw ni Marcel ang kanyang mga kubyertos matapos niyang makita na dumating sib Harvey. May hawak siyang ilang mga larawan, at inabot ito kay Harvey nung lumapit si Harvey. Tumango si Harvey sa kanila Selena at Queenie, na nasa harapan niya, bago lumingon para tingnan
Kung ang mga mayayamang pamilya sa parehong Hong Kong at Las Vegas ay kasali, si Harvey ay wala masyadong interes sa sitwasyon.Pero matapos na sabihin ni Marcel ang tunay na intensyon ni Jason sa pagbabalik, hindi mapigilan ni Harvey na sumimangot.Sinipa lang ni Harvey ang ilang mga Islander palabas ng Hong Kong at Las Vegas, pero si Jason ay nagpakita na lang.Base sa resume ni Jason, kinakatawan niya ang western army na sumasakop sa importanteng lugar sa Country H.Pakiramdam ni Harvey na kailangan niyang magmatyag matapos mapagtanto ang katotohanang ito.“Gusto mo akong tumawag at ipabalik siya sa The Empire?” Tanong ni Harvey.Ang Empire ay may utang pa sa kanyang pabor. Kung gusto ni Harvey, ang pinakamatandang princess ng The Empire, si Victoria, ay siguradong gagawin ang kanyang sinabi.Pero maliban kung ito ay tuluyang kailangan, ayaw na gamitin ni Harvey ang pabor na ito. Kung hindi niya titipirin ang kanyang mga pabor, magkakaroon siya ng kaunting pagkakataon para hu