”Ganoon din kami!”Sa sandaling ito, isang grupo ng tao ang lumabas. Sila ay hindi mga York mula Hong Kong, pero sila ay mga kilalang mga tao mula sa batang henerasyon sa loob ng Hong Kong at Las Vegas.Si Matthew Flynn, Elis Parason, Carol Parker at iba pa ay lumitaw.Ligtas sabihin na ang mga elite ng batang henerasyon ay lahat nagtipon dito sa sandaling ito. Ito ay talagang magandang tanawin.Si Harvey York ay nanonood ng palabas na puno ng interes.Tinapakan niya ang marami sa mga tauhan ni Vince York at hinatak ang marami pa na nanatiling walang kinakampihan sa kanyang panig.Pero hindi niya inasahan si Vince ay may ganitong malaking impluwensya.Tulad ng inaasahan mula sa batang lord ng mga York ng Hong Kong!Sa malapitang tingin, nakita ni Harvey na lahat ng mga house ng pamilya ay nandito, maliban sa pangapat na house.Habang ang mga tao ay sumisigaw ng malakas, may mga taong sumilip sa kanilang mga balkonahe para tignan kung ano ang nangyayari.Si Margot Patel, Abel
Malinaw na naintindihan ni Margot Patel ang katotohanan na iyon.Alam niya ng maigi na si Marcel York ay walang paraan para asikasuhin ang sitwasyon na ito kung nagpakita siya mismo.“Masyado mo siyang pinipilit!” Nanlalamig na sinabi ni Margot.Umiling si Vince York.“Hindi totoo iyan, Secretary Patel!”“Bakit ko naman gagawin iyan?”“Tinatrato ko lagi si Lord York ng magalang at matapat! Wala akong masamang hangad!”“Nalulungkot lang ako na binigo ko siya dahil sa aking maling pagtuturo sa aking mga junior! Lahat ng ito ay nangyari dahil sa akin!”“Umaasa lang ako na sila ay hindi maparusahan dahil dito! Kasalanan ko ito!”“Nandyan ang Law Enforcement ng mga York para asikasuhin ang insidente ni Julian York. Bibigyan ka nila ng paliwanag pagkatapos,” Walang pakialam na sinabi ni Margot.“Para sa iyong kaparusahhan at paglahok sa sitwasyon, wala akong masasabi, pati na si Lord York. Tanging ang Law Enforcent lang!”“Pero bakit ka nandito sinusubukan na pilitin siya sa paghi
Kaagad na sumama ang ekspresyon ni Vince York. Hindi siya naniniwala na babayaran lang siya ni Harvey York ng isang simpleng regalo. Nang tanungin sana niya si Harvey, pinitik ni Harvey ang mga daliri niya bago lumitaw mula sa pagtatago ang ilang disipulo ng Longmen dala ang isang kahon. "Nandito ang mga larawan ni Young Lord York kasama ng fiance niya!" "Hindi pa niya nababanggit kung sino ang partner niya, di ba?" "Hindi ba interesado kayong lahat?" Lumapit ang mga disipulo sa mga reporter at iniabot sa kanila ang mga larawan nang may maiinit na ngiti. Medyo nag-aalangan ang mga reporter nang kinuha nila ang mga larawan… Ngunit sumigla ang mga mata nila nang nakita nila ang mga tao sa larawan. Nakikita sa likuran ang Victoria Harbor. Ang lalaki ay walang iba kundi ang matipuno at personableng si Vince. Kahit na hindi makilala ng maraming tao kung sino ang babae… Mukhang malambing ng ngiti sa mukha niya na para bang nagmula ito sa puso niya. Napakaraming tanong s
"H*yop ka!" Galit na sumigaw si Vince York. Ang para bang simpleng ginawa ni Harvey York ay sapat na para sirain ang buong plano niya. Tumalon siya para subukang agawin ang mga larawan mula kay Harvey. Pak! Sinampal ni Harvey ang mukha ni Vince gamit ng likod ng kamay niya, na kaagad na nagpatalsik sa kanya sa malayo. "Pasensya ka na, Young Lord York. Nasanay akong manampal ng tao. Hindi yun sinasadya," sabi ni Harvey nang may nagsisising ekspresyon. Nanahimik ang madla pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. 'Hindi niya sinasadyang sampalin si Vince?''Anong punto ng pagpapalusot niya?!' 'Iniisip ba niyang tanga si Vince?'Tumumba si Vince sa lapag nang may masamang ekspresyon sa mukha niya. Pagkatapos ay sumugod siya at sumigaw, "Dali! Patayin niyo siya!" Inabandona na ni Vince ang mga plano niya sa sandaling ito. Sobra siyang nagalit sa pulang bakas ng kamay sa mukha niya. Hindi siya kakalma hangga't di niya nakikita ang walang buhay na katawan ni Harvey na
Biglaang natapos ang kaguluhan… Sobrang biglaang nangyari ng insidente. Maski si Marcel York ay walang paraan na ayusin ito sa sandaling ito. Malinaw na dahil dinala paalis si Vince York, simula pa lang ito. Nagpadala si Margo Patel ng malaking grupo ng Lord's Guardians sa buong lugar para tiyaking hindi mangyayari ulit ang mga ganitong insidente. Nagkibit-balikat si Harvey York bago siya bumalik sa kwarto niya. Naghalo ang dagat at langit at gumawa ng isang magandang tanawin… Nang manghihingi sana ng pagkain si Harvey, narinig mula sa pinto niya ang ilang mga katok. Nakita si Margot na nakasuot ng gown sa labas ng kwarto. "Sir York, iniimbitahan ka ni Lord York na kumain ng hapunan. Gusto mo ba siyang samahan?"Ang babae sa harapan niya ay may magandang katawan at itsura… Nararamdaman ang kanyang malamig na aura mula sa malakas niyang personalidad… Hindi napigilan ni Harvey na mamangha sa kabutihang loob ni Selena Judd. Hindi niya inaasahang hahayaan niya ang isan
Maski si Harvey York na nakita na ang pinakamasarap na pagkain sa mundo ay hindi napigilang mapahanga. "Ang sarap ng pagkakaluto rito." Tinaas ni Marcel York ang mukha niya para tignan si Harvey nang may mainit na ngiti. "Simpleng lutong-bahay lang to. Mabuti at mukhang nagustuhan mo." Nanlaki ang mga mata ni Harvey pagkatapos marinig ang mga salitang iyon bago tumingin pabalik sa ginisang labanos. Ang sukat ng bawat isang piraso ng labanos ay iisang-iisa. Maski ang kulay ng mga labanos ay magkakapareho rin. Ang simpleng plating ay meron ring hindi mapaliwanag na pakiramdam. Isa nga itong pagpapakita ng galing! Tiyak na sinasanay ni Marcel ang paggamit ng bakal na patalim sa loob ng ilang dosenang taon… Hindi niya intensyong magpakita ng kahit na ano, pero alam ni Harvey na isa siyang God of War base sa pagkaing nasa harapan niya. Si Marcel ay hindi lang rin isang pekeng God of War. Tunay siyang malakas. Nang hinahangaan ni Harvey ang lakas ni Marcel, naningkit ang
Pagkatapos manahimik sandali, tahimik na sumagot si Harvey York, "May tanong ako. Malakas ka pa, at kaya mong pamunuan ang mga York ng Hong Kong nang sampu lang taon. "Bakit gustong-gusto kang mapalayas sa posisyon mo ng pamilya mo?" Bahagyang kumislap ang mga mata ni Marcel York. "Nagbabasa ka ba ng kasaysayan, Sir York?" "Medyo, parang ganun na nga," sagot ni Harvey habang tumatango. Ngumiti si Marcel. "Mapapaunawa ng kasaysayan sa tao ang dahilan sa pag-angat at pagbagsak ng bansa. Kapag kinumpara mo ang sarili mo sa iba, magkakaroon ka ng ideya tungkol sa tama at mali. "Ang mga kabataan ngayon ay hindi man lang nagbabasa ng kasaysayan. "Humaling sila sa kamunduhan. Ibang-iba sila sa'ming mga nakatatandang tao." Pinag-isipan ni Marcel ang sitwasyon bago bahagyang ngumiti. "Dahil nagbasa ka ng kasaysayan, dapat alam mo ang tungkol sa golden age ng tatlong emperador ng Whip Dynasty, tama?" Tumango si Harvey "Lagpasan na natin ang founding emperor. "Sa halip,
"Ako?" Napahinto si Harvey York sa kinauupuan niya, pagkatapos ay tumawa siya pagkatapos marinig ang mga salita ni Marcel York. "Hinihingan mo ba ako ng payo? O isa tong klase ng pagsusulit?" "Mahalaga ba yun?" "Kung talagang nanghihingi ka ng payo, payo ko na sirain mo ang buong pamilya. "Pero kung isa lang tong pagsusulit, sasabihin ko sa'yo na manatili ka sa direksyong kinatatayuan mo. "Medyo mapanganib ang payo ko at magiging masaklap talaga kung hindi ka mag-iingat. "Syempre, kung may tapang at awtoridad ka para paluhurin ang buong pamilya, magiging tama ka kahit na anong gawin mo." "Sirain ang pamilya? "Kung walang pagkawasak, walang paglikha… "Mas magandang magdusa ngayon kaysa lalo pang magdusa…" bulong ni Marcel sa sarili niya. Para sa kanya, sina Vince York at ang iba pa ay isang napakamapaminsalang pwersa sa loob ng pamilya. Pero kung tinanggal sila, malamang ay mahihiwalay sa dalawa ang pamilya. Tiyak rin na mamamatay si Marcel kasabay nito… Pero k