"Ako?" Napahinto si Harvey York sa kinauupuan niya, pagkatapos ay tumawa siya pagkatapos marinig ang mga salita ni Marcel York. "Hinihingan mo ba ako ng payo? O isa tong klase ng pagsusulit?" "Mahalaga ba yun?" "Kung talagang nanghihingi ka ng payo, payo ko na sirain mo ang buong pamilya. "Pero kung isa lang tong pagsusulit, sasabihin ko sa'yo na manatili ka sa direksyong kinatatayuan mo. "Medyo mapanganib ang payo ko at magiging masaklap talaga kung hindi ka mag-iingat. "Syempre, kung may tapang at awtoridad ka para paluhurin ang buong pamilya, magiging tama ka kahit na anong gawin mo." "Sirain ang pamilya? "Kung walang pagkawasak, walang paglikha… "Mas magandang magdusa ngayon kaysa lalo pang magdusa…" bulong ni Marcel sa sarili niya. Para sa kanya, sina Vince York at ang iba pa ay isang napakamapaminsalang pwersa sa loob ng pamilya. Pero kung tinanggal sila, malamang ay mahihiwalay sa dalawa ang pamilya. Tiyak rin na mamamatay si Marcel kasabay nito… Pero k
Walang pakialam si Harvey York nang umalis siya ng garden villa. Alam niya na malaki ang naging epekto ng mga salita niya kay Marcel York. Hindi siguro kailanman naisip ni Marcel na hayaan si Queenie York na kunin ang posisyon niya. Pagkatapos itong sabihing, kung magdedesisyon si Marcel, tiyak na magkakaroon ng malaking eksena sa araw ng kaarawan ni Grandma York. Hindi interesado si Harvey sa okasyong iyon, pero maski siya ay gustong manghingi ng imbitasyon mula kay Selena Judd para roon. Lalo na't hindi masasaksihan ang ganito kalaking palabas sa kung saan-saan lang. Nang iniisip ni Harvey ang sitwasyong, isang hindi rehistradong Toyota Alphard ang biglang huminto sa tabi niya. Pagkatapos bumukas ng pinto ng kotse, isang babaeng may maikling buhok at nakasuot ng uniporme ang lumabas nang may malamig na ekspresyon sa mukha niya. May hawak siyang laptop na may lamang maraming larawan ni Harvey. Pagkatapos ikumpara si Harvey sa mga larawan, kalmado siyang nagtanong, "I
Ang lalaki ay walang iba kundi si Noah York, ang head mismo ng third house. Naglakad si Noah papunta sa sala at naningkit sandali ang mga mata niya kay Harvey York bago nagsabing, "Sir York, tama? Magaling ka." Tumawa si Harvey bago sinindihan ang cigar na hawak niya. "Masyado ka namang mabait, Third Lord York. "Ang lalaking kagaya ko ay walang lugar para pamanghain ang isang malaking karakter na kagaya mo. "Hindi ako nararapat na makatanggap ng papuri." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Noah. Hindi niya inasahan na ganito kayabang si Harvey. Tinago ni Noah ang gulat niya bago simpleng umupo sa harapan ni Harvey. "Ang prince ng South Light sa ganito kamurang edad…" sabi ni Noah habang tinitignan niyang maigi si Harvey. "Nagawa mong umakyat sa ranggo ng Longmen sa loob lang rin ng maikling panahon… "Wala akong nakamit na ganitong mga bagay noong nasa edad ko ako. "Sa nakababatang henerasyon, nakamamangha ka. "Sa puntong to, walang binatbat sa'yo ang ingrato kon
"Ano? Pinapunta mo ba ako dito para lang pangaralan ako?" kalmadong tanong ni Harvey. "Sinasabi mong umatras ako?" Nang marinig ang pagiging kalmado ng tono ni Harvey, sumandal sa sofa si Noah York habang naniningkit ang mga mata. 'Ang isang Kjng of Arms ng Country H ay umaasa sa isang tao ng Nanyang para suportahan siya…'Tingin ba talaga niya ang lakas na niya?' Kaagad na nagkaroon ng opinyon si Noah kay Harvey. Inabot niya ang kanyang kamay upang sumenyas. Hindi nagtagal ay bumukas ang mga pinto, at makikita ang tatlong guwardiyang nakaitim na may dalang plato. Naningkit ang mata ni Noah kay Harvey. "Hindi ako naparito para pangaralan ka, at hindi rin ako nandito para maghiganti. "Pareho tayong makikinabang sa gusto kong gawin. Isa itong magandang kasunduan. "Siguradong pareho tayong matutuwa sa kalalabasan nito." Pinatunog ni Noah ang kanyang daliri, at inilabas ng unang guwardiya ang isang kahoy na platong nakabaloy ng pulang tela. Isang makalumang aklat ang m
Sa madaling salita, ayaw ni Noah York na masira ang kinabukasan ni Julian York dahil sa insidenteng ito. Handa na siyang kumilos dahil nasira ang plano ni Vince York. "Alam kong mahihirapan kang gawin ito dahil kay Selena Judd. "Pero ang lapit mo nang maging isang God of War. Magiging kakampi mo rin ako! "At ang kailangan mo lang gawin ay tumestigo! "Wala nang mas magandang pagkakataon kundi ngayon!" Tumawa si Harvey nang hindi sumasagot. Tiningnan niya ang huling plato at sinabi, "Kung ganoon, ano pala itong huling plato? "Anong nasa loob niyan?" Laging hinuhuli ang pinakamagandang alas. Gustong malaman ni Harvey kung ano pang iaalok ni Noah, pati na ang mga kondisyong hihingiin nito. "Ito ay sampung equity transfer contact." Inangat mismo ni Noah ang tela bago ihagis qng mga kontrata sa tapat ng lamesa ni Harvey. "Ang mga shares na ito ay mula sa sampung pinakamalaking kompanya sa Hong Kong market. Magiging top-rated family ka agad. "Ikaw ang magiging ikalim
"Oo nga pala. Balita ko maganda rin ang relasyon mo sa apo ni Dean Cobb. "Sa kasalukuyan mong kalagayan, talagang hindi ka nararapat sa kanya. "Pero kapag ikaw na ang fifth master, hindi na ito problema. "Saang mundo tatanggi ang isang babae sa isang lalaking luamaban gamit ng sarili nitong kamay para maging fifth master ng Hong Kong?" Nagpapakita si Noah York ng lambing na para bang nakatingin siya sa isang magiting na tao. Pakiramdam niya parang siya lang ang nakakakita sa tunay na kulay ni Harvey York. Walang pakialam si Harvey. Hindi siya interesado sa mga alok nito. Kumunot ang noo niya at ngumiti. "Matanda na tayo,Third Lord York. Maaaring maloloko mo ang mga bata sa mga pangako mong ito… "Pero siguradong mas mahirap akong maloko. "Hindi ko hilig ang ganitong maduming pamamalakad, pero sasabihin ko sa'yo na pinapain mo lang ako sa kasikatan at yaman na ito. "Kapag binigay ko kay Selena Judd ang impormasyong iyan at gumuho ang pamilya dahil dito, aangat si Ju
Kinuha ni Harvey York ang phone mula sa kabilang lamesa at tumingin sa ilang mga larawan nang nakangiti. "Aaminin ko. Nakakabilib na handa kang isakripisyo ang sarili mong anak para sa sarili mong kapakanan. "Pero gusto mong maging son-in-law mo ako? "Huwag na nating pag-usapan kung gusto ko ba o hindi… "Kahit pumayag ako, siguradong pipigilan at dudurugin mo ako pagkatapos mo akong gamitin, tama? "Siguro ngayon mo lang naisip na patahimikin ako sa pamamagitan ng pamilya mo. "Siguradong hindi alam ng anak mo na binenta siya ng sariling ama niya sa sandaling ito. "Hindi ko maintindihan noon kung bakit ang layo ng loob ng mga mayayamang pamilya sa isa't isa, pero ngayon naiintindihan ko na." Binagsak ni Harvey ang phone sa lamesa, tapos naningkit ang kanyang mata habang magkapatong ang kanyang binti. "Talagang magaganda ang mga alok mo, Third Lord York. "Sayang lang at ayaw kong makipagtulungan sa isang basurang tulad mo."Kaya tatanggi ako sa alok mo." Bang!Gali
Muling humipak si Noah York sa kanyang sigarilyo at tumayo. "Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa'yo. "Dapat ba kitang tawaging ignorante? "O masyado ka lang masigla dahil bata ka pa? "Kahit ano pa man, tuturuan kita ng leksyon ngayon. "Ipapaalam ko sa'yo ang kahulugan ng pagkakaroon ng ibang taong mas mataas sa'yo!" Sa sandaling ito, hindi na nagpapanggap si Noah na isa siyang negosyante. Isa siyang tunay na nakatataas. Isa pang determinado at malupit na tao. Natawa si Harvey. "Tingin mo magagalaw mo ako gamit ng mga taong ito, Third Lord York? "Hindi pa ito sapat diba?" "Sapat na 'yan. Mapapaluhod ka nila nang maayos." Tumingin si Noah sa babae sa tabi niya at kalmadong sinabi, "Snow, ipakita mo sa lalaking ito kung anong itsura ng isang tunay na King of Arms. "Ipaalam mo sa kanya na ang palpak niyang kung fu ay walang halaga sa ating mayayamang pamilya. "Oo nga pala. Baliin mo lang ang braso't binti niya. Huwag mo muna siyang patayin. Hinihintay ko pa