Napagtanto ni Harvey York na halos alas sais na ng gabi pagkatapos niyang ilabas ang kanyang phone.Dahil sa nahpaphinga siya, naka-silent mode ang kanyang phone. Ilang beses siyang tinawagan ni Leslie Clark, pero hindi sinagot ni Harvey ang mga tawag niya. Baka napahamak na ito.Gayunpaman, kaya naman hanapin ni Leslie kung nasaan si Harvey.Sobrang nakakahiya naman kung walang mahahanap si Leslie na isang tao gamit ng kanyang estado at kapangyarihan.Nagpalit ng damit si Harvey bago binuksan ang pinto. Nakita si Leslie na nakasuot ng isang itim na Chanel dress sa harapan ni Harvey.Kahit na maikli ang buhok nito, nailabas pa din ng itim na dress ang kanyang seksi at natatanging aura.Kahit si Harvey ay hindi mapigilan na tumingin ng isa pang beses ng may pagsang-ayon.“Tatawag na sana ako ng room services, Ms. Clarke. Mabuti pang samahan mo akong kumain.”Walang alinlangan na kumuha ng pagkain si Harvey ng pagkain. Pagkatapos na madala ang pagkain, kumain na siya habang n
Pagsapit ng alas otso ng gabi, sa isang office building sa outer ring ng Hong Kong.Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng Clarke family. Ang taunang renta sa lugar na ito ay nakakatakot.Sa kabilang banda naman, may isang hanging garden sa tuktok ng gusali. Ang hardin ay berdeng berde. Talaga naman na isa itong nakakamanghang tanawin.Ito ang lugar na kung saan nilagay ng Clarke family ang lahat ng kanilang lakas. Dahil sa biglang pagpupulong, pansamantalang nakatalaga dito si Leslie Clarke.Dahil dun, malakas ang loob ni Leslie na hindi siya mahihirapan na asikasuhin ang lahat kung sakaling may sumubok na gumawa ng kahit na ano o kaya naman gumawa ng malaking gulo dito.Pagkatapos makarating ni Harvey York sa office building sakay ng isang van na may plakang 00001, mahinahon niyang tiningnan ang kanyang paligid.Kahit na gabi na, marami pa ding tao sa lugar na ito. Maraming mga white-collar workers ang makikitang naglalakad sa paligid ng mga kalye.Naningkit ang mga mata ni Harve
Nagulat si Harvey York.“Mula pala siya sa Bauer family?”Tumango si Leslie Clarke.“Iyon ang dahilan kung bakit medyo naiipit ako ngayon. Bukod sa galing siya sa Bauer family, pero galing din siya sa parehong henerasyon ng master ng Longmen mismo. Kahit ang master ay kailangan siyang tawaging kuya,” sabi niya.Ngumiti si Harey pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito.“Nakakatawa naman. Kung ganun, ang vice head ng law enforcement ng Longmen ay ang kuya ng master ng Longmen. Nagiging komplikado na ang lahat…“Pero malinaw naman na balak gamitin ni Carrie Kennedy na kasangkapan ang kuya ng master!“Alam niya na hindi ako papalag sa Law Enforcement ng Longmen. Kung gusto niya talaga na makipagbati, sumuko na lang siya.“Pero dahil pinapunta niya si Haider Bauer sa Hong Kong, nangangahulugan lang iyon ginagamit niya ang kanyang katauhan para pabagsakin ako!“Nakakapanghinayang lang na masyado pang walang karanasan si Carrie. Kung kaya akong pigilan ng isang kagaya ni Haider, il
Pagkatapos marinig ang sinabi nito, mahinahon na nagtanong si Harvey York, “Nagtrabaho siya para sa Empire of the Sun that Never Sets?”“Balewala lang sa akin ang prinsesa ng kanilang maharlika. Halata naman na wala din akong pakialam tungkol sa isang tauhan na kagaya niya na sinasamantala ang kanyang pagiging matanda.” Nagpatuloy lang si Harvey sa paglalakad pagkatapos niyang magsalita.Hindi nagtagal, nakarating silang dalawa sa hanging garden gamit ang elevator.Ang lugar ay halos anim na libo at limang daang square feet, na puno ng malalagong mga halaman.Isang guest room na may halos dalawang libong square feet ang makikita sa gitna ng hardin. Mga kilalang calligraphy at painting ang nakasabit sa mga pader, habang mga tradisyunal na mga inukit na golden-silk phoebe wood na muwebles ang nakaayos sa buong kwarto. Ang buong lugar ay may maganda at natatanging itsura. Isa nga talaga itong natatanging lugar.Pero sa mga sandaling ito, napakagulo ng lugar na ito. Maraming mam
”Hindi mo dapat bastusin ng ganyan si Sir York, ang branch leader ng Longmen, Carrie Kennedy,” sabi ni Elmer.Natigilan siya sandali matapos niyang makita sila Harvey York at Leslie Clarke bago niya namukhaan ang mga ito. Kahit na hindi ito ang una nilang pagkikita, natural lang na binasa niya ang mga dokumento tungkol kay Harvey dahil nandoon siya para suportahan si Haider Bauer. Kasabay nito, alam niya na dumating na ang tunay na master.Nagpakita ng mainit na ngiti si Elmer habang nakatingin kay Harvey.“Ang lalaking ito ay ang maalamat na Branch Leader York. May nagsabi din na siya ang prinsipe ng South Light o kung anuman yun. May pambihira siyang karakter!“Ang isang lalaki na kagaya niya ay isang tao na hindi pwedeng hamunin ng mga taong kagaya niyo na mula sa Law Enforcement ng Longmen!”Mukhang pinapagalitan ni Elmer si Carrie, pero hindi niya sinusubukan na sisihin din ito. Si Elmer ay nagsasalita ng may malungkot na tono sa mga sandaling ito.Isinalaysay niya ang pag
Natural lang na sa mga mata ni Elmer Evans, gamit ng paglitaw niya at suporta ni Haider Bauer…Kung gagawing basehan ang kapangyarihan at pagkatao ni Elmer sa Hong Kong at ang awtoridad ni Haider, magiging kasing dali lang tulad sa pagpisa sa isang langgam kung gusto nilang patayin si Harvey York.Pero kahit na ano pa, mas mahalaga na tapusin muna nila ang negosasyon. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Napangiti si Leslie Clarke matapos niyang ang mga salitang ito.“Totoo yan. Kayong dalawa ang may gusto na papuntahin siya dito. Hindi niyo pwedeng aksayahin ang pagkakataon na ito para lang maglaban kayong dalawa, tama? ‘Paano kung pag-usapan muna natin ang tungkol sa negosyo?”Mukhang humupa na kahit paano ang galit ni Haider makalipas ang ilang sandali. Pagkatapos, tinitigan niya ng maigi si Harvey at tinuro ito sa sandaling iyon.“Maswerte ka, bata! Magpasalamat ka kay Elder Evans at sa Clarke family dahil pinigilan nila ako…“Kung hindi, nasampal ko na ang isang mayabang n
”Alam ko din na kaya kang patayin ni Maki Takei, pero ginamit mo ang pangalan ng Longmen para mapigilan siya bago mo siya sinunggaban habang hindi ka niya napapansin! “Isa kang walang hiya, Harvey York! Nasaan ang iyong moralidad?!Galit na galit na tinuro ni Haider Bauer si Harvey.Natigilan si Harvey pagkatapos niyang marinig ang mga salitang iyon bago niya tiningnan si Carrie Kennedy ng may buong interes.Bago pa man lumingon palayo, sila Carrie at ang mga disipulo sa likuran niya ay nagpakita ng masayang mga tingin kay Harvey. Wala sa kanila ang nangahas na tumingin sa kanya sa mga mata sa mga sandaling iyon.Halata naman na nagsinungaling si Carrie para magpakita si Haider.Hindi niya sinabi na pinabagsak ni Harvey ang buong Takei family gamit lang ng isang wasiwas ng kanyang espada.Wala siyang binanggit na kung ano tungkol sa pagpatay ni Harvey sa ilang dosena nilang mga tauhan sa isang sipa lang, kasama na si Maki…Ngunit nakahanap din siya ng dahilan para sabihin na g
Hindi nagtagal, sumenyas si Haider Bauer, at lumapit ang kanyang mga tauhan. Na may kasamang lumalangitngit na tunog ng bakal, ang mga tauhan ay nilabas ang kanilang mga espada habang pinanlilisikan si Harvey York.Kaagad na pumangit ang ekspresyon ni Leslie Clarke pagkatapos makita ang pangyayari na ito.“Vice Head Bauer, walang sinuman ang pwedeng kumuha sa badge ko dahil ang master ng Longm,en mismo ang nagbigay sa akin nito,” mahinahon na paliwanag ni Harvey.‘Isa pa, sa tingin niyo ba talaga ay dapat akong humingi ng tawad sa kanila?“Anong karapatan meron sila para gawin ko ang bagay na yun?”“Ano? Sa tingin mo ba ay isa kang bigatin o ano?”Dumilim ang mukha ni Haider.“Ito lang ang masasabi ko sayo, Harvey. Kanina ko pa ginagalang ang master ng Longmen sa pamamagitan ng hindi paglumpo sayo at pagbato sayo sa Island Nations!“Kaya huwag mo kong sasagarin!“Baka mas mahaba na ang pasensya ko dahil matanda na ako. Kung bata-bata pa ako, baka napugutan na kita ng ulo at pi
"Pero nang malaman kong ang pinuno ay may kinalaman sa pagkamatay ni Quill Gibson, agad akong nawalan ng interes sa mental cultivation technique.“Alam ko kung sino ang taong pupuntiryahin niya—mas mahalaga ka kaysa sa simpleng technique lang!"Iyon ang dahilan kung bakit agad kitang ini-report sa foster father ko."Binigyan ka niya ng tatlong benepisyo, umaasa siyang tatanggapin mo ang kabaitan ng Way of Water"Bahagyang ngumiti si Alani Carlson nang niluwagan niya ang kanyang yukata upang sabihin kay Harvey York na maaari niyang kunin ang kahit ano.Parang walang pakialam si Harvey nang makita ang magandang tanawin sa harap niya."Mga philanthropist ba ang lahat ng mga Islander?"Sinukuan niyo na ang mental cultivation technique, at binibigyan mo ako ng napakaraming benepisyo?"Masyado lang bang maganda ang tingin ko sa mundo? O masyado lang kayong mabait?”"May mga bagay na hindi na kailangan ng karagdagang paliwanag, Sir York," sagot ni Alani na may ngiti."Dahil sinukuan
Ang tunog ay tila umaabot sa damdamin ng kasiyahan at pagiging malapit ng isang dalaga, na nagpapasigla sa mga primal na instinto ng isang lalaki.Nakakunot ang noo ni Harvey York habang pinipitik ang kanyang daliri. Isang hindi nakikitang alon ng hangin ang agad na nagbukas ng pinto.Creak!Isang nakakatakot na sigaw ang umalingawngaw, sinira nito ang mood at pinutol ang tunog ng harp.Pumasok si Harvey, nakayakap ang mga braso.Mga telang seda ang nakasabit sa paligid, na nagpapakita lamang ng mga bahagi ng silid.Kasabay nito, hindi bababa sa isang daang kandila ang sinindihan sa paligid, na nagbigay ng napaka-romantikong tanawin.Isang babae ang nakasandal sa isang alpa na nakabuyangyang ang kanyang mga balikat. Ang kanyang kaawa-awang tingin ay nakatuon kay Harvey na para bang nalulungkot siya na hindi niya nauunawaan ang alindog ng tanawin.Ito ay si Alani Carlson!Gayunpaman, siya ay kumikilos na malayo sa kanyang karaniwang ugali.Napalitan ng kabaitan ang matigas na
Ngumiti si Kairi Patel."Basta alam mo kung ano ang hinaharap mo."Nababahala ako na baka mahulog ka sa malambing na yakap ng iba."Kung ganun nga, baka sumama na lang kami sa pagbagsak mo."Tumawa nang malakas si Harvey York."Huwag kang mag-alala. Gusto akong patayin ng babaeng iyon. Hindi niya gagawin ‘yun.”“Mahirap sabihin ‘yan.”Sumimangot si Kairi."Ang mga babaeng katulad niya ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kanilang mga layunin!""Hindi ba may mga kilalang eksperto tulad ng Kawashima family noong Second World War?"Tumawa si Harvey."Huwag ka nang mag-alala. May karanasan ako. Walang dahilan para pag-usapan natin ‘to…“Bumalik na lang tayo sa Heaven’s Gate.“May kaugnayan ba si Layton Surrey sa Patel family?”Binuklat ni Harvey ang mga pahina ng mga dokumento. Naging mausisa siya matapos makita ang ilang kasaysayan sa pagitan nina Layton at ng Patel family.“Oo, pero ilang dekada na ang nakalipas mula noon."Ang mga sama ng loob ng na
Habang nag-uusap nang matagal sina Layton at Zaid Surrey…Itinapon na ni Harvey York ang name card sa basurahan.Nag-scroll siya sa kanyang laptop, tinitingnan ang ilang impormasyon tungkol kay Layton.Hindi nagtagal ay umingay ang kanyang telepono. Kairi Patel, na hindi nakipag-ugnayan sa loob ng ilang araw, tumawag.Kinuha ni Harvey ang video call bago makita ang isang napakaakit-akit na babae sa isang damit na nakaupo sa isang upuan habang pinapaikot-ikot ang kanyang baso ng alak.Ang nakakaakit na tanawin ay magpapahingal sa sinumang lalaki.Si Kairi ay isang tunay na anghel. Ang isang walumpung taong gulang na lalaki ay malamang na makaramdam ng panibagong sigla pagkatapos makita siya.Dahan-dahang umiwas si Harvey bago mabilis na ibinaling ang kanyang atensyon sa mga dokumento sa harap niya.“Ano'ng nangyayari? Medyo gabi na."Hindi ka pa tapos sa sitwasyon sa Golden Sands, hindi ba?"Ngumiti si Kairi."Hindi naman sa ayaw ko. Si Blaine John ay medyo masyadong maingat
Kumunot ang noo ni Zaid Surrey."Sinabi niya na hindi siya makikipagtulungan sayo kung may kinalaman ka sa pagkamatay ni Quill Gibson!“Ibibigay din niya ang technique sa sandaling mapatunayan natin na inosente ka!"Kung hindi... magiging walang silbi ito kahit na makuha mo ang technique."Sinabi ni Zaid kay Layton Surrey ang lahat ng sinabi ni Harvey York, upang matiyak na hindi siya magkamali ng intindi.“Anong ibig sabihin nun?”Hindi rin ito naintindihan ni Layton.Nautal si Zaid.“Sinabi niya… SInabi niya na…”“Ano? Sabihin mo na.”Napalunok si Zaid sa kaba."Sabi niya... na ang isang patay na tao ay wala namang silbi sa teknik na iyon."Nagtaka si Layton at tumawa."Gaya ng inaasahan mula sa isang binatang tulad niya. Kinekwestyon niya din ako sa puntong ito…”Nagalit si Layton.Matagal na siyang nasa mataas na posisyon. Namumuhay siya nang walang ginagawa ngunit hindi niya papayagang tanungin ng iba ang kanyang awtoridad!"Kung aaminin ko man na ako'y kasangkot,
Nagsalita si Zaid Surrey habang bahagyang nakangiti.Ngayong ipinakita na niya ang kanyang tunay na kulay, naging sobrang pranka siya.Ngumiti si Harvey York pabalik kay Zaid."Pinagbabantaan mo ba ako?"Ininom ni Zaid ang kanyang tsaa.“Mali ka ng iniisip! Bakit ko gagawin ‘yun?“Pinapaalalahanan lang kita!“Lalo na, umaasa ako na makipagtulungan sayo.“Matagal ko na rin namang kinasusuklaman ang Lowe family at ang Bowie family.”Hinagis ni Harvey ang kanyang tasa sa lupa, at nabasag ito.Kumibot ang mga mata ni Zaid at tumingin siyang maigi kay Harvey. Wala siyang ideya kung paano pipili si Harvey."Kung pinagbabantaan mo ako, ibig sabihin hindi mo kayang patunayan na inosente kayo.“At kung ganun nga, ibig sabihin ay may kinalaman rin dito si Layton.“At dahil mukhang iyon nga ang totoo, ipaabot mo na lang sa kanya ang mensahe ko dahil sa kabaitan mo.”“Hindi niya makukuha ang technique. Kung sabagay, wala itong magiging silbi kahit na makuha niya ito.”Napahinto si Z
Humalakhak ng malakas si Zaid Surrey.“Napakapranka mong tao!“Tutal nandito na tayo sa puntong ‘to, mabuti pang maging pranka ako!“Matagal nang nasa Heaven’s Gate si Mr. Layton. Sa dinami-rami ng mga tao, alam niya na wala talagang mental cultivation technique!"Ang technique ay isang kwento lamang na kumalat isang daang taon na ang nakalipas upang protektahan ang sacred martial arts training ground!"Pero sa kabila nito, nagawa ni Quill Gibson na iperpekto ang kanyang sirkulasyon ng enerhiya!“Nagtataka si Mr. Layton. Gusto niyang malaman kung anong technique ang natutunan ni Quill para mapabuti ang kanyang martial arts nang ganito.“Gusto niyang malaman…”“Isang bihasang tao si Mr. Layton. Kahanga-hanga na inamin niya na wala talagang mental cultivation technique.”Ngumiti si Zaid.“At paano naman ang deal ko?”“Tatanggapin ko ito, pero sa isang kondisyon.”“Sabihin mo ang anumang gusto mo. Ibibigay ko ito gamit ang lahat ng kapangyarihan ko.”“Hindi mo kailangang gawi
Kalmadong ngumiti si Harvey York."Wala kang karapatan na magsalita tungkol doon. Nandito ka ba para bumisita? O nandito ka para humingi ng paliwanag?“Kung tungkol ito sa una, tatanggapin ka namin ng buong puso."Pero kung hindi, mas mabuti pang pag-isipan mo nang mabuti ang mga kilos mo."Hindi kita bibigyan ng espesyal na pagtrato dahil lang kapatid ka ng pinuno."Ang Great Protector at ang iba pa ay labis na humanga.Sa lahat ng tao sa headquarters ng Heaven’s Gate, siya lamang ang naglakas-loob na kausapin si Zaid Surrey ng ganun.Tumawa si Zaid matapos marinig ang mga salita ni Harvey."Hindi na kailangan ‘yan."“Huwag mong kalimutan! Nasayo ang badge ng pinuno!"Ang iyong badge ay may parehong awtoridad gaya ni Mr. Layton Surrey!“Sa madaling salita, magkakampi tayo!"Hindi lang ako nandito para bumisita..."Nandito rin ako upang ipahayag ang aking paninindigan."Gusto kong makipagtulungan sa inyo at sa Gibson family bilang kapalit ni Mr. Layton."Napahinto ang la
”Hindi niyo kailangang mataranta. Nandito lang ako para bisitahin si Mr. Quill.“Hindi ako nagpunta para gumawa ng gulo.“Iginagalang ko ang aking mga elder, alam niyo ba ‘yun?”Ang lalaki ay nagbigay ng bahagyang ngiti at pumasok."Dumating na ang kapatid ng pinuno, si Zaid Surrey!" sigaw ng isa sa kanyang mga tauhan.Mga regalo at korona ng bulaklak ang agad na pumalibot sa kabaong ni Quill Gibson."Ano?! Ang kapatid ng pinuno?!”"Si Zaid Surrey?! Ang senior ng Heaven’s Gate?!”Hindi napigilan ng mga tao ang mapahagulgol nang marinig nila ang mga salitang iyon.Ang reputasyon ni Zaid ay talagang napakalaki!Hindi siya kabilang sa alinman sa mga pamilya ng Heaven’s Gate. Sinasabi na siya ay isang inabandunang bata na inampon ng pinuno habang naglalakbay sa buong mundo.Mas matagal na siyang kasama ng lider kaysa sinuman. Ang kanyang pagdating ay kumakatawan sa kalooban ng lider!Ang lider, na hindi nakikialam sa mga gawain ng Heaven’s Gate, ay malamang na gagawa na ng hakb