”Alam ko din na kaya kang patayin ni Maki Takei, pero ginamit mo ang pangalan ng Longmen para mapigilan siya bago mo siya sinunggaban habang hindi ka niya napapansin! “Isa kang walang hiya, Harvey York! Nasaan ang iyong moralidad?!Galit na galit na tinuro ni Haider Bauer si Harvey.Natigilan si Harvey pagkatapos niyang marinig ang mga salitang iyon bago niya tiningnan si Carrie Kennedy ng may buong interes.Bago pa man lumingon palayo, sila Carrie at ang mga disipulo sa likuran niya ay nagpakita ng masayang mga tingin kay Harvey. Wala sa kanila ang nangahas na tumingin sa kanya sa mga mata sa mga sandaling iyon.Halata naman na nagsinungaling si Carrie para magpakita si Haider.Hindi niya sinabi na pinabagsak ni Harvey ang buong Takei family gamit lang ng isang wasiwas ng kanyang espada.Wala siyang binanggit na kung ano tungkol sa pagpatay ni Harvey sa ilang dosena nilang mga tauhan sa isang sipa lang, kasama na si Maki…Ngunit nakahanap din siya ng dahilan para sabihin na g
Hindi nagtagal, sumenyas si Haider Bauer, at lumapit ang kanyang mga tauhan. Na may kasamang lumalangitngit na tunog ng bakal, ang mga tauhan ay nilabas ang kanilang mga espada habang pinanlilisikan si Harvey York.Kaagad na pumangit ang ekspresyon ni Leslie Clarke pagkatapos makita ang pangyayari na ito.“Vice Head Bauer, walang sinuman ang pwedeng kumuha sa badge ko dahil ang master ng Longm,en mismo ang nagbigay sa akin nito,” mahinahon na paliwanag ni Harvey.‘Isa pa, sa tingin niyo ba talaga ay dapat akong humingi ng tawad sa kanila?“Anong karapatan meron sila para gawin ko ang bagay na yun?”“Ano? Sa tingin mo ba ay isa kang bigatin o ano?”Dumilim ang mukha ni Haider.“Ito lang ang masasabi ko sayo, Harvey. Kanina ko pa ginagalang ang master ng Longmen sa pamamagitan ng hindi paglumpo sayo at pagbato sayo sa Island Nations!“Kaya huwag mo kong sasagarin!“Baka mas mahaba na ang pasensya ko dahil matanda na ako. Kung bata-bata pa ako, baka napugutan na kita ng ulo at pi
Nagpumiglas si Haider Bauer habang nakadiin siya sa sahig. Bumakat ang palad at paa sa kanyang mukha, kaya nagmukha siyang kawawa at miserable. Sinubukan niyang gumapang palayo. Ngunit diniin siya ng paa ni Harvey sa sahig. Wala siyang magawa kundi manginig sa sahig. Kinuskos ng mga tao ang mga mata nila at hindi sika makapaniwala. Sinampal pa ng ilan ang kanilang sarili para masigurong hindi sila nananaginip. Nanghina ang mga disipulo ng Law Enforcement of Longmen. Walang nag-akalang magiging ganito katapang si Harvey. Masama nang sinampal ni Harvey si Haider sa mukha, ngunit inapakan niya pa ito. Napakabastos ng ginawa niya. Hindi lamang ang Elder Group ng Longmen ang binastos ni Harvey, binastos rin niya ang buong Bauer family. Nahimasmasan si Elmer Evans habang gulat na gulat pa rin ang lahat. "Anong ginagawa mo Harvey?!" galit na sigaw niya. "Ang kapal ng mukha?! "Ang tapang mo ah! "Hayop ka! Ang kapal naman ng mukha mong galawin ang pinuno ng Law Enforcement
"Ikaw…" Gustong-gustong patayin ni Haider Bauer ei Harvey York, ngunit nagdedeliryo na siya sa matinding sakit. Punong-puno siya ng hinagpis sa sandaling ito… Siya ang vice head ny Law Enforcement ng Longmen at isang miyembro ng Bauer family. Noon pa man ay nakatataas na siya noong nasa Flutwell o Longmen pa siya. Maraming tao ang gumagalang sa kanya saan man siya magpunta. Naniniwala siyang magagamit niya ang kapangyarihan ng dalawa niyang pagkatao para magawa niya ang kahit anong gusto niya kahit saan siya magpunta. Hindi niya inakalang makakabangga niya ang isang taong magtatapang na bastusin siya habang pinapahirapan siya. Patuloy na niyuyurakan ang reputasyon at dignidad ni Haider. Sa mga oras na iyon, hiling niya na sana mamatay na siya. Hindi na siya nagtapang na hamunin pa si Harvey. Natatakot siya na baka hindi tumigil si Harvey sa pagpapahirap sa kanya. "Mukhang may nakapag-isip na nang tama. Siguro naman alam mo na ngayon kung ano ang dapat at hindi mo dapat
Nagpakahirap na tumayo si Elmer Evans bago titigan nang masama si Harvey York at Leslie Clarke. "Maghintay ka lang, Leslie! Pagsisisihan mo ito!" sigaw ni Elmer habang nagkakaskasan ang kanyang ngipin. Pagkatapos ay tinuro niya ang langit. "Dadalhin ko pababa ang first-in-command ng Hong Kong at sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo ang ginawa niyo ngayon! "Ako ang dating governor dito! May kapangyarihan ako! "Kapag sinumbong ko kayo sa royalty nt Empire of the Sun that Never Sets, lagot na kayo!" Natawa si Leslie nang hindi sumasagot. "The Empire of the Sun that Never Sets? "Lagot na kami, sabi mo?" Dahan-dahang naglakad si Harvey palapit kay Elmer habang mukhang nang-aasar. "Tawagan mo pala sila. Tanungin mo sa kanila kung mangingialam ba sila sa mga ginagawa namin dito! "Kami, ang mga tao ng Country H, ay nakatayo sa itaas ng mundo, habang ikaw ay nabubuhay sa anino nila! "Sinasabi mo bang ang mga taong tulad mo ay pwedeng maging governor? "Kalokohan! "Isa
"Pakiramdam mo ba ang taas mo na dahil lang nagtatrabaho ka para sa isang tagalabas? "O tingin mo ang lahat ay katulad mo, na lulumuhod nang walang-alinlangan kapag nakikita sila?" Pak! Lalong nainis si Harvey York habang nagsasalita siya. Sinampal niya sa mukha si Elmer Evans at muli itong tumalsik. Magang-maga na ang mukha ni Elmer. Pagkatapos gumapang nang nanghihina, kusa itong umatras nang ilang hakbang nang mukhang naiinis pagkatapos makitang lumalapit si Harvey sa kanya. "Bibigyan kita ng isang pagkakataon para humingi ng tawad. 'Wag kang umasang makakaalis ka dito ng buhay kapag hindi mo ginawa. "Sinisiguro ko na ikaw at si Haider Bauer ay ililibing nang sabay sa susunod na taon." "Ikaw…" Nanginginig sa galit si Elmer. Gusto niyang magsalita, ngunit pagkatapos titigan si Harvey at maramdaman ang namamaga niyang mukha, nilunok niya ang bawat salitang gusto niyang sabihin. Sinasabing awtoridad, kapangyarihan, kayamanan, at koneksyon ang pinakamahalagang bagay sa
Makalipas ang isang sandali, si Haider Bauer, Elmer Evans, at ang iba ay umalis habang naiinis. Suminghal si Leslie Clarke habang hawak ang 150,000,000 check."Ang pagtatagpong ito ay isang matinding palpak, Sir York. "Akala ko maaayos mo na ang lahat sa pagitan niyo! "Pero hindi mo lang sila binastos, inubos mo pa ang pera nila! "Ang dalawang matandang iyon ay tumawag nang maraming beses bago makuha ang ganito kalaking pera!" Walang masabi si Leslie. Nagpunta ang dalawang ito upang magyabang ng kapangyarihan, ngunit wala silang dalang kahit magkano sa sandaling ito. Kailangan pa nilang mangutang ng ganito kalaki sa sinumang kakilala nila! Ang pagpilit sa kanila ni Harvey York na magbayad ay isang pinsalang mas malala pa sa pambabastos sa kanila. Katumbas ito ng pagnanakaw ng ipon nila. Ibig-sabihin nito imposibleng makasundo pa nila ito sa susunod. "Huwag kang mag-alala. Kahit hindi kami magkabangga, kamumuhian pa rin naman nila ako nang sobra. "Higit sa lahat
"Kung ganoon, siguradong babaguhin ni Vince York ang kanyang stratehiya pagkatapos niyang magreklamo tungkol dito! "At kapag sinubukan ni Vince na patagalin ito dahil tingin niya masyado kang mahirap itumba, iisipin ng matatanda na hindi niya sinusubukang ipaghiganti ang mga ito. "Kasabay nito, kung titingnan ang magandang reputasyon ng dalawa, baka magkaroon sila ng pagkakataong utuin ang mga pwersa ni Vince at sirain ang tiwala ng mga ito. "Kapag napagpasyahan ni Vince na kumilos dahil sa nangyari ngayon, siguradong mabubunyag niya ang mga butas sa kanyang plano! "Baka magkaroon ka ng pagkakataong tuluyan siyang itumba. "Madaling sabihing planado mo na ito sa sandaling pumasok ka ng gusaling ito. "Ito ang kahulugan ng manalo sa isang laban nang hindi man lang lumilitaw…" Pagkatapos ay inabot ni Leslie Clarke wng cheke kay Harvey York habang nagsasalita. Akala niya masyadong pinapalala ni Harvey ang sitwasyon at nagpapadalos-dalos… Ngunit pagkatapos matanggap ang men
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai