Si Sakura, na sinampal kanina, ay bumalik sa upuan niya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Hector pagkatapos makita ang malamig niyang ekspresyon. "Patawad, Young Master Thompson. Masyado akong nagpadalos-dalos!" "Hindi ko alam kung gaano ka-importante ang bagay na yun!" "Para ipakita ang paghingi ko ng tawad, magbabayad ang Miyamoto Corporation ng fifteen billion dollars." Nanginig ang mga mata ni Sakura nang sinabi niya ang mga salitang iyon. Lalo na't labing-limang bilyong dolyar iyon, hindi lang ito basta isandaan at limampung dolyar. Kahit na masagana ang Miyamoto Corporation sa Island Nations, tiyak na magsasanhi ng malaking pinsala sa kumpanya ang paglabas niya ng labing-limang bilyong dolyar. Pero wala siyang ibang magagawa. Kung maapektuhan ng pera ang kolaborasyon nila ni Hector, magiging masama ang sitwasyon para sa kanya. Mas gugustuhin niyang magtapon ng pera kaysa harapin ang kahihinatnan nito. "Kalimutan na natin ang tungkol dito." Pagkatapos mar
Habang aligaga sina Hector at Sakura sa kanilang intimasya, initsa ni Harvey ang bank card niya. Sa sandaling iyon, nagsalita si Tyson mula sa isang tabi. "Sir York, bakit mo binigay sa kanila ang Longetivity Elixir?" "Kung talagang mala-diyos ang bagay na yun kagaya ng sabi mo, dapat kinuha na natin yun!" Tinignan ni Harvey si Tyson bago tumawa. "Talaga bang naniniwala ka na may ganung bagay?' Napahinto si Tyson. Hindi siya nakakibo nang maayos. "Kung talagang gumagana ang Longetivity Elixir, si Ziusudra na sana ang unang imortal na nilalang sa mundong to." "Mukhang misteryoso ang bagay na yun, pero mercury lang yun. Sa madaling salita, isa tong quicksilver, isang materyal na nakikita sa thermometer. Kulay itim lang to dahil sa mahinang purification technology noong sinaunang panahon." Mukhang nagtaka si Tyson. Dahil sinabi na ito ni Harvey, wala siyang dahilan para pagdudahan siya. Kung nalaman ni Hector na bumili siya ng mercury sa halagang labing-limang dolyar,
Bahagyang nanigas ang lahat pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. Nanginig ang mga mata nila habang tinignan nila si Harvey nang may naguguluhang ekspresyon. 'May kayamanan ba siya? O kaya niya lang mag-print ng pera kapag gusto niya?' ‘Fifteen billion dollars?!’'Iniisip niya lang ba na isandaan at limampung dolyar lang yun?!' Maraming tao ang gustong tumayo at sampalin si Harvey sa sandaling iyon. Sinong nasa tamang pag-iisip ang maghahamon ng isang tao nang ganito? Napahinto rin si Yvonne, pero pagkatapos ng ilang segundo, ngumiti siya. Inisip niya na hahayaan muna siya ni Harvey na maglaro sandali, pero lumabas na kaagad niyang ginamit ang pamatay na paraan. Si Hector na kalmado kanina at si Sakura na kasing lamig ng yelo ang mukha ay hindi napigilang tumayo. Sinasalamin ng masamang titig nila kay Harvey ang kagustuhan nilang pagpunit-punitin siya. Sumosobra na si Harvey!Fifteen billion dollars sa pinakaunang bid?! “Harvey York!”Si Sakura, na halos h
Nginitian ni Harvey si Hector, pagkatapos ay nilingon ang ulo niya sa direksyon ng auctioneer. "Dahil hindi na gusto ni Young Master Thompson ang lupa, sa tingin ko wala nang ibang kayang humamon sa'kin." "Bakit hindi mo pa rin hinahampas ang martilyo?" Sandaling napahinto ang auctioneer. Isang segundo lang, natauhan siya at kinaway ang maliit niyang martilyo. "Ang Land H mula Lujiazui, fifteen billion dollars mula kay Sir York!" sigaw niya nang puno ng sabik. “Going once!”“Going twice!”“Going thrice!”"Inaanunsyo ko na ngayon na si Sir York na ang may-ari ng Land H mula Lujiazui!" Pumalakpak ang lahat na kasing lakas ng kulog. Kahit na ano pa ang mangyari kay Harvey mamaya, tiyak na makikilala siya sa kahit saan dahil sa laban niya kay Hector. May ilang mayayamang babae pa nga ang interesadong nakatingin kay Harvey habang nag-iisip sila ng paraan para mapalapit sa kanya at makuha ang pera niya bago siya mamatay. Si Hector, na nakaupo sa gitnang hanay, ay tumayo
Dumaan sa highway ang kotse, pagkatapos ay nagmaneho pabalik sa Fragrant Hill villa ng urban district. Sa sandaling papunta pa lang ito sa loob ng garahe ng villa, biglang bumagal ang pagpapatakbo ng driver. Kumunot ang noo ni George Zabel na nakaupo sa harapan. "Sir York, may mali. Napapalibutan ng mga pulis ang villa." "Dapat ba tayong pumunta sa ibang lugar para magpahinga sa ngayon o…?" Tinitigan ni Harvey mula sa bintana ng kotse ang mga kotse ng pulis na may maliliwanag na ilaw at ang mga inspector na tumatakbo sa kung saan-saan. Naningkit ang mga mata niya. May nangyari sa loob ng villa—isang malaking pangyayari! Pagkatapos ng ilang sandali, bumuntong-hininga si Harvey. "Nagpadalos-dalos na ang minamahal nating Young Master Thompson ngayon." "Kahit na ganun, nakakamangha ang kapangyarihan niya." "Gaano katagal na ba? Kalahating oras? Kanina pa niya plinano na mangyari ito." "Pero hindi ko alam kung plinano niya ito bago o pagkatapos ng ahctiot." "King gi
Kumatok ang inspector na namumuno sa grupo sa likurang bintana ng kotse para senyasan ang lahat na bumaba ng kotse. Binuksan ni Harvey ang pinto ng kotse at bumaba habang sinasadyang nagpakita ng nagtatakang ekspresyon. "Isa akong mamamayan na sumusunod sa batas, inspector. Maaari ko bang matanong bakit niyo hinaharangan ang dinadaanan ko?" Pagkatapos tignan ang larawan na nilabas nila bago titigan si Harvey, malamig na nagsabi ang inspector, "Hulihin niyo siya!" Gustong bumaba ni Yvonne ng kotse, pero tinignan siya ni Harvey bago tinanong ulit ang inspector. "Sa panahong to, dapat nagbibigay kayo ng dahilan sa pag-aresto niyo. Di ba, inspector?" "Hindi naman tama na basta-basta niyo na lang akong huhulihin nang may seryosong mukha, di ba?" "Hindi ka ba natatakot na ipakalat ng media ang paggamit mo sa batas para sa sarili mong kagustuhan?' Sandaling napahinto ang inspector sa pagiging kalmado ni Harvey. "Harvey York, tama? Wala ka bang ideya kung anong nagawa mo?" Ma
Hindi inasahan ng inspector na namumuno sa aresto na mananatiling kalmado si Harvey sa kabila ng sitwasyon. Bahagyang kumunot ang noo niya, pagkatapos ay kinaway niya ang kamay niya. "Magbigay kayo ng daan, hayaan niyong makaalis ang iba!" Tinignan ni Harvey si Tyson. Hindi nagtagal ay pumasok ang kotse sa garahe. Ngumiti si Harvey. Simple siyang pumasok sa isa sa mga kotse ng pulis nang hindi nagpapadalos-dalos. Vrooooom!Hindi nagtagal, umalis ang mga kotse na umaresto kay Harvey. Para naman sa Fragrant Hill, ilang inspectors ang nagpaiwan para panatilihin ang kaayusan rito habang kumukuha sila ng ebidensya. …Alas tres ng hapon. Mordu Police Station’s first branch.Pumasok sina Rachel at Aiden kasama ng ilan pang iba pagkatapos iparada ang mga kotse nila. Si Yvonne, na sinasamahan ng iba pa, ay nakitang lumabas ng iba. Dumating din sina Kelly, Hazel, June, at ang iba pa na dumalo sa evening banquet nitong nakaraang gabi. Napahinto sina Rachel at Aiden pagkatap
Kumunot ang noo ni Kelly at umiling pagkatapos. "Imposible!""Mahilig magyabang ang batang 'yun, pero mabuti ang kalooban niya.""Imposibleng pipilitin niya si Ms. Fujihara na gumawa ng kahit ano."Bumuntong-hininga si Yvonne. "Kaya kong tumestigo dito. Nagpunta si Ms. Miwa sa kwarto ni Harvey kagabi. Sinabi niya na nasira daw ang kanyang shower kaya gusto niyang maligo sa kwarto ni Harvey." "Naipaalam ko na ito sa mga pulis. Bibigyan nila ng patas na trato si Harvey.""Nasira ang shower head? Talagang gagawa ka ng ganyang palusot?" Tumingin si June ng mapanghamak kay Yvonne. "Ms. Xavier. Maaaring isa ka ngang malaking tao at napakataas ng katayuan mo, pero wala ka talagang karanasan sa buhay!" "Kailan lang ginawa itong villa! Kahit ang mga furniture ay hindi pa nagagamit. Tapos sasabihin mong nasira ang shower head sa unang araw? Talaga bang may ganitong pagkakataon?" "Bahala na ako; pati ang mga pulis hindi maniniwala sa'yo!" "Tingin mo ba tanga kami?" Kumunot a
Sa wakas itinikom na ni Amora Foster ang kanyang bibig.Isang pakiramdam ng katapatan ang agad na pumalit sa paghihiganti laban kay Harvey York. Nagpasya siyang sumama sa kanya hanggang sa pinakamasakit na dulo.“Salamat sa pagtitiwala sa akin, Master York!" sigaw niya nang masigla."Pero sa tingin ko, wala akong sapat na kapangyarihan para kumbinsihin ang buong pamilya...""Tulad ng sinabi mo, natatakot akong hindi susuportahan ng pamilya ang hindi tamang pag-angat ko."Hinaplos ni Harvey ang mukha ni Amora na may ngiti."Huwag kalimutan, ako ang pinakamahusay na eksperto sa geomancy sa lungsod.""Destinado kang mapunta sa mataas na posisyon."Maging tiwala sa sarili mo."Bumalik ka at kausapin mo ang iyong ama."Sabihin mo sa kanya na makinig sa iyo kung gusto niyang ipamuhay ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa karangalan at kayamanan."Makikinabang tayong tatlo dito."Malakas na inalog ni Amora ang kanyang kamay, na hindi pinapansin ang kanyang mga sugat."Huwag m
Si Mandy Zimmer ay nakaramdam ng panghihina matapos makita ang isang walang awa at matatag na babae.Si Harvey York, sa kabilang banda, ay medyo humahanga.Hindi lang si Amora ang walang awa sa iba, kundi lalo pa sa kanyang sarili.Mga tao na tulad nila ay nakatakdang umakyat lamang sa kapangyarihan."Nakikita ko na ang iyong sinseridad ngayon..."Dahan-dahang naglakad si Harvey patungo kay Amora bago inayos ang kanyang mga braso na may banayad na ngiti."Madali lang para sa akin na harapin ang sumpa ng iyong ama."“Gayunpaman, kahit gaano pa ako ka-mapagbigay, hindi ko naman basta-basta magagawa 'yan nang libre pagkatapos ng lahat ng ginawa ninyong dalawa sa akin, di ba?”Nagpakita si Amora ng halo-halong emosyon bago huminga nang malalim."Pangalanan mo ang kahit anong gusto mo, Master York!"Hinugot ni Harvey ang tatlong daliri.Mayroon akong tatlong simpleng kondisyon."Number one, gusto kong magtago si Brayan pagkatapos siyang gamutin. Ayokong makita siya sa lahat ng p
”Bitawan mo siya!”“Bitawan mo si Ms. Amora!”Ang mga mabagsik na lalaking naka-suot ng mga suit ay sumugod pasulong.Ang ilan ay may mga baril na walang safety habang nakatutok kay Harvey York.May mga sumubok na agawin si Amora Foster pero hindi nila mahanap ang tamang anggulo.Agad na sumikip ang atmospera. Isang laban ang malapit nang mangyari.Hindi kailanman papayagan ni Harvey na makakuha ng pagkakataon ang mga taong ito na kumilos pagkatapos ng lahat.Ang mga eksperto na lumapit ay agad na napalipad matapos mapalo. Malinaw na namamaga ang kanilang mga mukha nang bumagsak sila sa lupa."Bitawan mo siya, Harvey!""Patay ka kung hindi mo gagawin!"Charlize inilabas ang kanyang baril bago itinutok ito kay Harvey.Bam!Nagpamalas si Harvey ng mas malaking puwersa sa kanyang paa, na nagpalapit sa mukha ni Amora sa lupa.Pagkatapos, tahimik siyang tumingin sa mga tao sa paligid niya."Sumuko ka, o ang iyong babae ang tatamaan!"Ang mga mabangis na lalaki ay nagtinginan
Huminga ng malalim si Mandy Zimmer."Ito ang pagkakaiba natin!""Wala kang pakialam diyan! Pero ginagawa ko!”"Kaya ka ganyan, dahil sa mga pagkukulang mo! Ikaw ang pinuno ng ikasiyam na sangay, pero palagi kang nilalaro ng mga nakatataas!”"Bobo ka!"May mga opinyon si Amora Foster tungkol kay Mandy."Hihilingin ko ito sa iyo sa huling pagkakataon. Tatawag ka ba sa kanya o hindi?”"Hindi ko gagawin!" Mabagal na sumagot si Mandy."Hindi lang iyon, bibigyan ko ng patas na pahayag ang pamilya mo tungkol dito!"Pak!Sinampal ni Amora si Mandy sa mesa at sinampal ulit sa mukha."Sa loob ng tatlong minuto, wala akong ibang pagpipilian kundi magpatuloy!"Pumalakpak si Amora.Dalawang mabangis na lalaki ang naghubad ng kanilang mga suit na may malupit na tawanan.Ilang iba pa ang nagsimulang mag-set up ng kanilang mga kamera. Ang kanilang mga aksyon ay hindi na kailangang ipaliwanag!"Walang hiya ka, Amora!"Nanginginig si Mandy. Hindi niya inasahan na kayang gawin ni Amora an
Sumimangot si Mandy Zimmer.“Anong kondisyon?”"Alam mo na ang sagot," sagot ni Amora Foster."Malaki na ang mga nagawa namin para sa isang bagay na iyon mula pa noong simula.""Pakisabi kay Harvey na ayusin ang problema ng tatay ko.""Ika nga, ikaw ang makakapagpaniwala sa kanya na gawin iyon, di ba?"Ang mukha ni Mandy ay lumamig bago siya humagulgol ng malalim.“Magsasabi ako ng totoo sa iyo, Ms. Amora!” Ang kontrata ay labis na nakakaakit sa akin!"Gusto ko talaga ito!"“Pero hindi ko lang talaga matanggap ang kondisyon.”"Ako ang nagdala kay Harvey sa Ostrane Five."“Pero ngayon, hindi ko na yata kayang gawin iyon ulit.”"Bukod sa pagpigil na mapahiya siya muli, hindi ka talaga karapat-dapat!""Hindi sulit?"Amora ay bahagyang ngumiti."Hinihingi ko ito sa iyo sa huling pagkakataon.""Pipirmahan mo ba ang kontrata o hindi?""Sabihin mo na lang nang diretso. Huwag ka nang paligoy-ligoy pa.”"Hindi ko ito pipirmahan!" sigaw ni Mandy habang nanginginig ang kanyang u
Sa panghihikayat ni Watson Braff, umalis sina Brayan Foster at Amora Foster na may mga malungkot na ekspresyon.Hindi pa kailanman naranasan ni Brayan ang ganitong kahihiyan sa buong buhay niya.Humigop ng malalim si Amora.“Wala man lang galang si Harvey York sa atin, Ama!” sumigaw siya na may nakakatakot na ekspresyon."Talaga bang magpapakumbaba tayo sa kanyang pintuan ng limang araw?""Nakipag-ugnayan na kami sa lahat ng eksperto sa geomancy sa bansa, pero wala ni isa sa kanila ang kasing maaasahan niya!"“Kung wala siya, natatakot akong hindi natin malulutas ang iyong problema…”"Ano ang gagawin natin ngayon?!"Nang magsalita si Brayan pagkatapos ng mahabang panahon, lumabo ang kanyang mukha."Sa sarili na lang natin tayo makakapagtiwala ngayon...""Gamitin ang lahat ng makakaya natin sa lungsod.""Dalhin mo rito ang babae ni Harvey.""Alalahanin mo, huwag siyang saktan.""Ang layunin namin ay pilitin si Harvey na kumilos.""Kapag ako'y gumaling..."Ang titig ni Bra
”Ano'ng ibig mong sabihin?" sigaw ni Brayan Foster nang malamig."Pinagsasamantalahan lang tayo ni Harvey, akala niya talagang kahanga-hanga siya!""Bakit ka pa magsasalita para sa isang tao na ganyan?"Si Watson Braff ay natigilan. Hindi niya maisip na si Harvey York ay tugma sa paglalarawan na iyon sa unang pagkakataon.Si Soren Braff, na nanatiling tahimik sa buong oras, ay sa wakas ibinaba ang kanyang tasa na may ngiti."Wala namang masyadong nangyari.""Si Harvey ay nais siyang pakainin dahil sa kabutihan, ngunit siya ay pinalayas mula sa bahay habang tinatrato na parang isang manloloko."Ang sekretarya, si Charlize, ay talagang mabait na tao. Dinala niya ang buong grupo ng mga tao sa Fortune Hall para kay Harvey, pagkatapos ay sinubukan niyang sirain ang tindahan nang magkamali siya.“Si Ms. Amora rin. Ginamit niya si Vaughn Thompson laban kay Harvey nang walang pag-aalinlangan.“Sinubukan pa ni Mr. Brayan na gamitin ang pamilya Braff para pabagsakin si Harvey ngayon…”
Si Harvey York ay nagsalita nang kalmado…Ngunit ang kanyang mga salita ay labis na nakakagulat sa lahat ng iba.Ang ama at anak na babae ay nagalit nang labis!Ang yabang!Batay sa reputasyon ng pamilyang Foster, walang sinuman ang magtatangkang maging mayabang sa harap nila!Parang may gusto talagang mamatay si Harvey!Hinahanap niya ang kanyang kamatayan!"Ulitin mo, subukan mo!"Agad na nagbago ang ekspresyon ni Brayan Foster.Gusto niyang lumuhod ang pinuno ng pamilya Foster?!‘Ano bang iniisip niya?!‘Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?!‘Paano niya nagawa 'yon?!"Hayop ka!"Brayan ay nagngingitngit ng may galit."Sino ka ba para tanungin mo ako niyan?!""Matatanggap mo ba akong nakaluhod sa harap mo?!""Natatakot ka ba?!”Mabilis na sinubukan ni Watson Braff na ayusin ang sitwasyon matapos niyang mapagtanto na lumala na ito. Sa wakas, siya ang nagdala kina Brayan at Amora dito.“Mr. Brayan, Harvey, magkaibigan tayo dito, di ba?”"Pag-usapan na lang n
Parehong walang pakundangan na nilapastangan ng bawat panig ang isa't isa gamit ang kanilang mga sarkastikong tono, na bahagyang nagbago sa ekspresyon ni Watson Braff.May karanasan siya pero walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa Golden Sands kamakailan.Sabi nga, malinaw na may malaking alitan batay sa usapan.Bilang tagapamagitan, medyo awkward si Watson. Nag-atubili siya sandali bago huminga nang malalim.“Baka nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan…”"Kung ganun, bakit hindi na lang natin itigil ang alitan para sa akin?""Walang hindi pagkakaintindihan," sagot ni Harvey nang kalmado.“Master York, kamakailan ko lang pinaplano na makipag-negosyo sa pamilya Jean…”May dalawang tao na pagpipilian."Isa sa kanila ay si Mandy Zimmer o Elodie Jean.""Talagang malapit si Elodie kay Young Master John.""Ang makipag-negosyo sa kanya ay malaking bagay para sa akin...""Pero kung si Mandy ang makuha ko, ang kanyang posisyon sa pamilya bilang pinuno ay magiging matatag.""Pero, na