"Isang kasunduan?" Nanigas si Yvonne, tulala. Kahit alam niyang may masamang balak si Hector, hindi niya nagawang pigilan ang kanyang sarili dahil sa pag-aalala niya kay Harvey. Walang-bahalang itinaas ni Hector ang isang manipis at mahabang sigarilyo at humipak. "Sa huli, isa pa ring Islander si Ms. Miwa." "Maaaring hindi mahalaga ang kamatayan niya, depende kung gusto ng mga Islander.""Alam mong may koneksyon ako sa mga Islander. Sa isang salita ko lang, pwede ko silang patigilin sa paghahabol sa pagkamatay ni Miwa. Gamit nito, magkakaroon ka ng pagkakataong mapigilan ang sitwasyon.""Atsaka, may ilan akong kilalang tao sa Mordu Police Station. Kapag binigyan mo ako ng kalahating oras, mapapagawa ko sila ng testimonya para sa bawat testigo." "Kaya ko pang burahin ang ilang mga matibay na ebidensya na parang bula.""Mawawala rin ang usap-usapan sa media makalipas ang kalahating oras.""Sa maikling panahon, ang ating malakas na Sir York ay lalabas nang walang problema, m
Lumamig ang paligid ng unang sangay ng Mordu Police Station, habang ang main hall ay naging magulo. Sa loob ng interrogation room, nagpapanggap na tulog si Harvey sa upuan, habang nakahalukipkip ang kanyang braso. Buong araw siyang nakakulong dito. Pagkatapos siyang sipain sa loob at bigyan ng pagkain at tubig sa piling oras, walang kumausap sa kanya. Hula ni Harvey na nakatuon ang pansin ng pulis sa mga testimonya at ebidensyang laban sa kanya. Ang ilan pa ay naghahanap ng palatandaan na nag-utos si Harvey na ipagbawal si Miwa. Kahit na siya ang tinatawag na salarin, walang kumastigo sa kanya. Walang nakakaalam kung isa ba itong sikolohikal na taktika, o kung talagang sinusubukan ng pulis na pagtagpiin ang lahat… Kahit makalipas ang dalawampu't apat na oras, walang nagpunta para makita si Harvey. Hindi ito problema kay Harvey. Marami na siyang nakita sa buhay niya. Pagkatapos magpahinga, sinimulan ni Harvey na suriin ang detalye ng insidente. Hinala niya na ilang ara
Talagang kakaiba si Hector. Kahit paano, sa mata ni Harvey, may karapatan si Hector na hamunin siya. Kraaaaak! Sa sandaling sinusubukan pang unawain ni Harvey ang lahat, biglang bumukas ang pinto. Tatlong imbestigador ang pumasok, punong-puno ng sigla. Ang imbestigador na pumasok ay ang umaresto kay Harvey. Tinitigan nito si Harvey nang naniningkit ang mata at seryosong sinabi, "Harvey York, handa ka na bang magtapat?" "Ang gawin ang mga bagay nang walang alinlangan sa ganito kamurang edad… ang mga taong tulad mo ay sakot sa lipunan!" "Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala. Ang pangalan ko ay Kristan Duncan. Pinsan ako ni Garry, ang mixed martial arts champion! Ako ang squad leader ng Mordu Police Station's first branch!" "Nakiusap sa akin ang pinsan ko na bantayan ka nang maigi noong binisita niya ako." "Pero tingin ko hindi ko na kailangang magbigay-galang sa mga taong tulad mo!" "Kinamumuhian ka nang sobra ng pinsan ko, pero para sa kapakanan ni Ms. Xavier, kai
"Ano? Diba babarilin mo ako?" Hinawi ni Harvey ang kanyang paa at pinagpatong ang kanyang binti, habang ang kanyang mukha ay wala pa ring emosyon. Ang imbestigador ay natakot at nagalit. Sa huli, napagpasyahan nitong umupo. Ang isa pang imbestigador, na may maikling buhok, ay nagsindi ng isang sigarilyo at humipak. Ibinuga niya ang sigarilyo sa mukha ni Harvey. "Harvey, tama?" seryoso nitong tanong. "Alam na namin ang nangyari." "Pinagbantaan mo ang biktima sa evening banquet nt Malone family, sinasabi mo na balak mo siyang i-blacklist!" "Higit dalawampung tao ang tumestigo na sinabi mo ang mga salitang iyon. Imposibleng maitatanggi mo pa ang katotohanang ito." Umiling si Harvey. "Diba sinabi ng squad leader mo na dapat inaalagaan niyo ako? Ginagawa niyo ba 'yan?" kalmadong tanong ni Harvey. "Kapag ang isang simpleng usapan ay pwedeng gamitin bilang ebidensya, magiging sobrang dali sana ang lahat ng kaso sa mundo, diba?" "Sinasabi mo bang hindi ka aamin?!" galit n
"Hindi naniniwala ang biktima na magagawa no talaga ang ganitong bagay. Kaya, pinatingin mo siya sa iyong villa upang patunayan ang iyong lakas." "Gamit ang iyong hundred and fifty dollar mansion, nagawa mong magbigay ng matinding pinsala sa biktima." "Pagbalik mo sa villa ng Malone family, tinakot mo ang biktima na magpunta sa kwarto mo para mapagsamantalahan ito sa banyo." "Dahil sa ginawa mo, nahiya nang sobra ang biktima at napagpasyahang magpakamayay." "Ito mismo ang nangyari!" "May mga testigo ay ebidensya pang magpapatunay nito!" "Hindi ka pa rin ba aamin, Harvey York?!" Napakaarogante ng ikinilos ni Kristan, para bang ayon talaga sa sinabi niya ang nangyari. Pumalakpak si Harvey sa paghanga. "Magaling! Napakagaling!" sinabi ni Harvey, talagang nagulat siya. "Akala ko mga palabas lang sa TV ang may ganyang kwento. Hindi ko inakalang makakagawa ka pa ng mas magandang storya, Squad Leader Duncan!" "Pero ayos lang ba kung maglilista ako ng ilang butas sa hinuh
"Kung sinasabi mong wala akong karapatan, naniniwala akong matatanggap niyo rin kaagad ang legal letter ko." "Higit sa lahat, tinatanggalan niyo ako ng karapatan." Ngumiti ng bahagya si Harvey, at walang bahalang uminom sa papel na baso sa lamesa. Sinuri ni Kristan si Harvey at suminghal, "Tulad ng inaasahan sa isang matalinong kriminal. Alam na alam mo talaga ang batas ng bansa!" "Pero dahil alam mo ang batas, bakit mo ginawa 'yun?!" "Sasabihin ko sa'yo ngayon na: matibay na pruweba ang mga ebidensya dito! Hindi ka na makakatakas dito, kahit gaano pa karami ang nalalaman mo!" "Huwag kang umasang poprotektahan kita para sa pinsan ko!" "Bahala na ang pagprotekta sa'yo, gagawin ko ang aking makakaya para maparusahan ka nang malubha!" "Doon ko lang maipapakita ang respeto ko sa batas!" Nagmamataas si Kristan, para lang mapigilan si Harvey na kumapit sa kanya. Tulad ng kanina, tumawa lang si Harvey. "Hindi naman sa mababa ang tingin ko sa'yo, Squad Leader Kristan. Per
”Ayon sa aking nalalaman, ang tanging tao sa loob ng Mordu na nagngangalang Lynch ay ang first-in-command, si Benjamin Lynch! Huwag mo sabihin sakin na tinawagan mo si Sir Lynch mismo ngayon?”Inasar ni Kristan si Harvey na may nanlalamig na tingin, sinusubukan na pahiyain si Harvey.“Kung si Sir Lynch ay talagang ang siyang sumagot sa tawag mo, kakainin ko ang buong phone ko!”Kasunod ng pangaasar ni Kristan, ang dalawa pang inspector ay nandidiring nakatingin kay Harvey‘Ang isang suspect sa pagpatay ay nagpapanggap na siya ay isang kilalang tao?’‘Sa tingin niya ba maaayos niya ang problema sa pagtawag ng isang tao?’‘Anong kalokohan!’Ngumiti ng maliit si Harvey, walang pakialam na magbigay ng diretsong sagot.“Tinawagan ko nga si Master Lynch.”“Sabi niya ipaadala niya ang kanyang pinaka pinagkakatiwalaang tauhan ara ayusin ang problema.”“Hanggal ka! Sinusubukan mo ba na magsinungaling sa amin?!”Binigyan ng mapanglait na titig ni Kristan si Harvey.“Si Sir Lynch ay a
Sa loob ng interrogation room…Si Harvey ay kalmado na umiinom ng premium green tea sa harap niya, nagiingat na hindi magpakita ng masyadong emosyon.Ang chief inspector ng Mordu Central Police Station ay nakatayo sa harap niya ng magalang.“Sir York, sinabi ni Sir Lynch na pumunta ako dito.”“Siya ay kasalukuyan na may meeting sa Wolsing, na dahilan bakit hindi siya makapunta ngayon. Pakiusap huwag mo na itong intindihin.”“Sinabi niya na lahat na ang iyong problema ay problema niya. Sigurado akong bibigyan ko ng hustisya ang lahat.”Ang paguugali ni Otis ay medyo matino. Bilang isang kilalang tao na nagsisilbi sa ilalim ni Benjamin, si Otis ay narinig na si Harvey. Alam niya din na si Benjamin at kanyang asawa a merong utang kay Harvey.Sa kabila ng matinding makapangyarihang tao sa loob ng gobyerno ng Mordu, si Otis ay hindi magawag maging mayabang.Si Kristan at iba pang mga inspector a nanood mula sa malayo, halos matumba sa sahig. Kung alam nila na si Harvey ay may malaka
Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso nang kalmado, tinitingnan si Cullan nang may pag-usisa, na para bang ang huli ay isang ordinaryong tao lamang.Samantala, si Rachel ay nakatayo sa harap ni Harvey na may seryosong ekspresyon. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang espada, handang ibuhos ang lahat kung sakaling may mangyaring masama.Tumawa ng malamig si Cullan nang makita niyang walang tunog si Rachel; mabilis siyang humakbang pasulong upang tapakan siya.Plano niyang dalhin siya sa labas tulad ng gagawin niya sa sinumang ibang tao.Bang, bang, bang!Nagpapaputok si Rachel ng sunud-sunod na bala, ngunit walang nangyari. Mabilis siyang umatras para mag-reload, mukhang natatakot."Kung ang baril lang ang kaya mong ipakita, iminumungkahi kong lumuhod ka at aminin ang iyong mga kasalanan. Hindi pa huli ang lahat. Ito ang aming malaking araw at kami ay mapagbigay, kaya't bibigyan ka namin ng pagkakataon," biglang sinabi ni Emory.Pinapanood niya ang palabas na nakakross a
Ikinulong ni Harvey ang kanyang mga braso habang lumalapit, hindi pinapansin ang mga elitista na nagwawala sa lupa.Ang kanyang mga galaw ay hindi mabilis, ngunit bawat hakbang na kanyang ginawa ay puno ng lakas.Lalong lumakas ang kanyang aura, humahawak sa mga puso ng lahat ng naroroon. Lahat ay nagtinginan; sa karaniwan, tanging isang eksperto sa martial arts lamang ang gagawa ng ganito.Gayunpaman, wala talagang kasanayan si Harvey! Isa lang siyang eksperto sa geomancy na nagmamalaki gamit ang isang badge!"Heh! Pinabagsak mo ang dose-dosenang mga tao ko gamit ang baril... Akala mo ba ay pwede mong ipagmalaki ang iyong lakas sa isang sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts dahil lang diyan?”Kumunot ang noo ni Calvin at malamig na tumawa."Ipapakita ko sa'yo kung ano ang ibig sabihin ng maging walang kapantay! Ipapaalam ko sa'yo na palaging may mas magaling pa sa'yo!”"Baliin mo ang mga binti nila, Cullan! Ipakain mo sila sa mga aso pagkatapos!”Ang mga tao sa paligid
Tumingin si Harvey kay Calvin, at bumuntong-hininga."Gaya ng inaasahan ko.""So hindi mo ako bibigyan ng paliwanag, 'yan ba ang sinasabi mo?"“Kung ganun, ako na lang ang kukuha.”Sabi ni Harvey nang kalmado, magkakrus pa rin ang kanyang mga braso.Biglang kumurap ang mga mata ni Calvin, kahit na puno siya ng kumpiyansa.Inisip niya na baka may nakatagong plano si Harvey. Sinumang may isip ay alam ang magiging kahihinatnan ng pagpasok sa isang lugar na ganito.Kung si Harvey ay naglakas-loob pa ring gawin iyon sa kabila ng lahat, tiyak na hindi lang siya isang taong nagpapakamatay!Kasabay nito, medyo hindi mapakali si Calvin; hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Harvey para magkaroon ng lakas ng loob na hingin ang kanyang paliwanag.“Sugod!” utos ni Calvin. "Pabagsakin niyo ang rebelde na ito!"Maraming mga elite ng pamilya Lowe ang humakbang paharap, hawak ang kanilang mga espada. Sa kabila ng lahat, ang pamilya Lowe ay isang pamilya ng mga martial artist na may mataas n
Sa huli, ang tinatawag na party ay isang di-pormal na pagpupulong.Lahat ay inayos upang malaman ng lahat na si Calvin ang magiging ganap na namumuno pagkatapos ng kasal sa pagitan ng pamilyang Lowe at Bowie.Siya ang magiging kinatawan ng Heaven’s Gate sa hinaharap.Sa madaling salita, ang kanyang reputasyon ay kumakatawan din sa reputasyon ng Heaven’s Gate.At sa kabila ng lahat, may naglakas-loob na lumaban sa kanya!Ito ay talagang nakakagulat.Ngunit hindi nagtagal, ang mga mukha ng mga tao ay napuno ng walang iba kundi paghamak. Sinumang maglakas-loob na lumaban kay Calvin noon ay tiyak na magdurusa ng isang kakila-kilabot na kapalaran!Nagbago ang mga ekspresyon nina Calvin at Emory; hindi nila akalain na may magdudulot ng problema sa kanila sa ganitong mahalagang sandali.Hindi lamang ito isang hamon sa kanila, kundi ito rin ay isang hayagang pagpapakita ng kawalang-galang sa parehong kanilang mga pamilya.Ang magandang mukha ni Calvin ay nagpakita ng bahid ng pagnanas
Sa gitna ng bulwagan, may isang guwapong lalaki na nakasuot ng balabal na may pinitas ng pulang agata.Mayroon siyang pambabaeng anyo, at nakangiti.Ang mga bato sa kanyang kamay ay walang gasgas; ito ay talagang isang tunay na pamana. Ang pulseras ay nagkakahalaga ng daan-daang milyon at milyon-milyong dolyar kung ito ay lumabas sa isang auction, ngunit nilalaro-laro lang niya ito sa kanyang kamay.Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang young master ng Lowe family, si Calvin Lowe!May isang babae ring nakasandal sa kanya.Nakasuot siya ng Chanel na evening dress habang ipinapakita ang kanyang malalim na cleavage. Isang kwintas na diyamante na hindi bababa sa sampung karat ang nakasabit sa kanyang magandang leeg. Ito ay talagang kapansin-pansin.Ang babae ang pangunahing tauhan ng stag party, si Emory Bowie.Ang dalawa ay talagang bagay na bagay!“Halika! Mag-toast tayo, Young Master Calvin!"Hindi ko akalain na ang pinakamaliwanag na hiyas ng Heaven’s Gate ay kukunin mo! Na
Bago pa makabawi si Devon, agad niyang ibinagsak ang kanyang mga tuhod sa lupa.Nang tumingin siya kay Harvey, parang nakatitig siya sa mukha ng Diyos. Ang mahihinang depensa sa kanyang puso ay gumuho sa sandaling ito."S… Syempre…“Sinabi sa akin ni Young Master Calvin na pumunta ako…"Nakatanggap siya ng mga ulat.“Ang taong may hawak ng mental cultivation technique ay bumalik sa tahanan ng Gibson family."Lamang siya sa lahat..."Wala ni isang pag-iisip si Devon na gumanti kay Harvey. Wala siyang magagawa; ano bang halaga niya kung si Ricky mismo ang lumuhod?"Nasaan si Calvin?" tanong ni Harvey.Nanginginig ang mga mata ni Devon."Nasa Heaven's Hotel siya... May bachelor party siya kasama si Ms. Emory. Nandoon din ang mga kilalang tao ng mas batang henerasyon ng Heaven’s Gate…”"Ah, nagtipun-tipon na pala silang lahat, ano...?"Ngumiti si Harvey, pagkatapos ay tumingin siya kay Alani."Bibisita ako kay Young Master Calvin. Sasama ka ba?”Kumibot ang mga mata ni Alani
Tumingin si Harvey nang kalmado kay Ricky, at tinawagan si Rachel na buksan ang kamera.“Magsalita ka. May isa ka lang pagkakataon."Sana lahat ng sinasabi mo ngayon ay eksaktong pareho ng sinabi mo sa kanila."Sibilisadong tao ako. Ayaw kitang patayin, pero huwag mo akong lokohin.”Nang makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey, agad na nanginig si Ricky. Kung ang Great Protector ay nakakatakot para sa kanya, ang ekspresyon ni Harvey ay sapat na upang makaramdam siya ng kawalan ng pag-asa."Magsasalita ako... Sasabihin ko sa iyo ang lahat," sabi niya matapos huminga ng malalim, ang boses niya ay magaspang."Si Quill ay pumunta sa headquarters upang harapin ang pagkamatay ng outer elder."“Ang pamilya Lowe at ang pamilya Bowie ay nagkaroon na ng pagkakataong harapin siya. Kaya, humiling sila na kunin ang badge ng lider."Pero tumanggi si Quill, at nagkaroon ng malaking laban pagkatapos noon.“Ang great elder at ang second elder ay walang laban sa kanya."Pagkatapos ng laban,
Si Ricky ay patuloy na nagpapalit ng ekspresyon, parang may gusto siyang sabihin.Ngunit naintindihan niya na ang pamilya Lowe ay hahabulin siya hanggang sa dulo ng mundo, kahit na pinatawad siya ni Harvey.Harvey ay tahimik na tumingin kay Ricky; alam na alam niya kung ano ang iniisip ng isang maliit na isda tulad niya."Dalhin niyo siya. Bigyan siya ng kalahating oras. Maghukay ng mas malalim na butas kung wala siyang maibigay na kapaki-pakinabang.”Ang Great Protector at ang iba pa ay tumango nang may paggalang bago mabilis na hilahin si Ricky palayo.Si Devon, na nanonood ng lahat, ay kusang nanginginig.Gusto niyang sumigaw kina Harvey at sa iba pa na pakawalan si Ricky; sa lahat ng bagay, ito ay isang hayagang nakakahiya na bagay para sa kanya na panoorin ang lahat ng nangyayari sa kanyang harapan.Gayunpaman, hindi siya tanga. Alam niyang mas malala ang mangyayari sa kanya kaysa kay Ricky kung magsasalita siya kahit isang salita.Kahit na ang Great Protector, si Kaysen,
Ang kanyang mga kamay ay nakatali, at may mabahong medyas sa kanyang bibig. Ito ay isang nakalulungkot na tanawin.Gayunpaman, ang kanyang mapaghiganting tingin ay sapat na upang ipakita na hindi pa siya ganap na sumusuko.Tumango si Harvey; isang disipulo ng Longmen ang humugot ng medyas mula sa bibig ni Ricky."Hayop ka! Paano mo nagawa 'to?"Hindi mo ba alam na ito ay lubos na kasuklam-suklam?""Kinidnap mo ako, Ricky Lowe?!""Naunawaan mo ba ang mga magiging resulta ng mga aksyon mo?!"Pinagpag ni Ricky ang kanyang mga ngipin habang sumisigaw siya ng buong lakas."Hayaan mong sabihin ko sa iyo ito! Ako ay kabilang sa Heaven’s Gate!"Ang katayuan ko sa pamilya ay tanging mas mababa lamang kay Calvin!“Maaari kong sirain ang buong pamilya mo dahil sa ginawa mo sa akin!”Tumingin si Harvey sa Great Protector at sa iba pa. "Mukhang may mali sa mga pamamaraan niyo. Ang young master na ito ay hindi alam kung anong sitwasyon niya ngayon."Kasalanan ko ito! Humihingi ako ng taw