Nakita na si Master Ziegler ay hahatakin na sana sa labas…Si Harvey York ay biglang bumulong, “Master Lynch, ang kakayahan ni Master Ziegler ay talagang hindi ganun kahusay, pero siya ay talagang sumubok na tumulong.”“Bigyan mo ako ng pabor. Hayaan mo siyang mabuhay. Kung sabagay si Lady Lynch ay kakagaling pa lang. Kailangan niya magkaroon ng merits.”“Okay, ikaw ang may huling sabi, Brother York!” kahit na si Benjamin Lynchay hindi alam kung bakit si Harvey ay nagmakaawa kay Master Ziegler, wala siyang pakialam tungkol sa maliit na taong ito.“Dalhin siya sa ospital para sa panggagamot. Huwag kang magpakita sa harap ko sa hinaharap!”“Salamat sayo, Master Lynch. Salamat, Young Master York!”Si Master Ziegler ay nanginig sa tuwa at patuloy na gumapang kay Harvey matapos na makaligtas sa desperadong sitwasyon at manatiling buhay.Para kay Harvey, ito ay maaaring ilang salita lang. Subalit, para sa kanya, ang mga salitang iyon ay nagligtas sa buhay niya.“Young Master York, ni
”Mukhang si Master Lynch ay alam kung ano ang nirerepresenta ng pamilya Tsuchimikado.” Nanliit ng kaunti ang mata ni Harvey York.Si Benjamin Lynch ay huminga ng malalim at mabagal na sinabi, “Ang pamilya Tsuchimikado ay isa sa limang royal na pamilya sa Island Nation, ang maalamat na Five Royal Families.”“Ang limang pamilya ay madalang na nagpapakita sa mundo nitong mga nakaraang araw. Tanging lumilitaw lang sa matinding mga panahon. Sa lima, ang pinakakilalang pamilya ay ang pamilya Tsuchimikado.”“Ito ay dahil ang pinakamalakas na onmyoji ng Island Nation sa kasaysayan ay mula sa pamilya Tsuchimikado, si Abe no Seimei.”“Pero kami ay laging lumalayo sa daanan ng isa’t isa. Bakit sila gumawa ng aksyon laban sa aking asawa?”Walang pakialam na sinabi ni Harvey, “Master Lynch, huwag mong kalimutan na ang Yin-Yang Technique na inalis ko mula sayo ilang araw ang nakalipas. Hindi lang inatake ng pamilya Tsuchimikado ang iyong asawa, pero binalak din nila na patayin ka ng ilang bese
Si Benjamin Lynch ay nagpadala ng tao na aasikaso sa bangkay ng gainb iyon.Nagayos din siya ng construction team ng maaga sa susunod na araw at nagdala ng ilang mga excavator at mga breaker.Matapos magalmusal si Harvey, siya ay sinamahan ni Benjamin at Yona Lynch papunta sa tinatawag na wine cellar.Ang wine cellar na ito ay luma na na maraming mga debris. Ito ay mukhang madilim kahit sa umaga.Matapos tignan ang drawing ng sandali, tinuro ni Harvey ang direksyon ng pader at sinabi, “Sirain iyan!”Kahit na si Benjamin ay medyo nalilito, sinundan niya pa din ang utos ni Harvey.Kaagad, ang kalahating metrong makapal na pader ay nabuksan, nagpakita ng madilim na bakal na pinto sa loob, na produkto ng modernong industriya.Si Harvey ay walang pakialam matapos makita ang eksenang ito. Subalit, si Benjamin ay medyo napatigil. Malinaw, hindi niya inaasahan ang ganitong guali ay nakatago sa basement.“Brother York, ito ay…”Walang pakialam na sinabi ni Harvey, “Kung hindi ako nagka
“Brother York, ano ito… ?”Lumala ang ekspresyon ni Benjamin Lynch. Kinutuban siya na parang may mali sa espada, ngunit hindi niya alam kung ano ito. Napasimangot si Harvey York, at pagkatapos ay napapikit ng mahabang oras. Pagkatapos, mahinahon niyang sinabi, “Kung tama ang hula ko, ito marahil ang matagal nang nawawalang artifact ng Tsuchimikado family, ang Demon Sword, Muramasa. “Ngunit ang espada mismo ay mahabang panahon na din na nawawala. Hindi ito dapat nandito.“Nangangahulugan ito na ang Tsuchimikado family ay nagsasagawa ng mga eksperimento dito noon para ma-reforge nila muli ang Muramasa gamit ng dugo at kabangisan sa labanan. “Ngunit ang paraan ng pag-reforge ng espadang ito ay marahil nabigo. Kung hindi, kinuha na nila sana ang espada na ito matagal na. Imposible na manatili pa ang espadang to dito. “Maraming tao ang may masamang hangarin sa Lynch family nitong nakaraan. May malaking tiyansa na sinusubukan nila na makuha ang espadang ito.” Si Benjamin at ang
“Sinabi ni Justin Walker sa publiko na hindi malinis magtrabaho si Rachel Hardy at hindi ito karapatdapat na na maging pinuno ng Longmen branch ng Mordu. Lalabanan niya si Rachel hanggang sa huli…” “Ang pinakamagaling na heneral ni Justin Walker ay pabalik na ng Mordu galing Wolsing…” Lahat ng klase ng balita ang kumalat sa paligid. Malinaw na ang Longmen branch ng Mordu ay naayos na pagkatapos magsanib-pwersa nila Aiden Bauer at Rachel Hardy.Tanging si Justin na lang ang dapat linisin pagkatapos. Hindi na magiging mahirap para sa kanya na harapin ito. Kapag nagkaroon ng pagkakataon para tuluyan nang mawala sa landas si Justin, ang buong Longmen branch ng Mordu ay hindi na mangangahas na kalabanin si Harvey York. Hindi sigurado si Harvey kung matutuwa ba siya o malulungkot. Ang mapagmataas na Longmen ay nagawa talagang magpakumbaba ng ganito sa makapangyarihan na lugar na ito, ang Mordu. Talagang nakakadismaya ito. Naniniwala si Harvey na hindi gagawa ng gulo si Justin
Nanigas si Tamara Ebony nang marinig niya ang sinabi ni Xynthia Zimmer, pagkatapos ay tinulak niya pataas ang kanyang sunglasses. “Sige na nga. Dahil gusto ng prinsesa na makasama ang kanyang partner, pasakayin na natin siya sa kotse.” “Ngunit binabalaan kita: papunta tayo sa kilalang entertainment venue sa buong Mordu. Kapag gumawa siya ng malaking gulo doon, hindi kita matutulungan.” Natural lang na hindi gustong isama ni Tamara si Harvey. Ngunit dahil sa natatakot siya na baka sundan ni Xynthia si Harvey York, wala na siyang ibang nagawa kung hindi ang isama ito. Pagkatapos niyang marinig sa pagsang-ayon ni Tamara na sumama si Harvey, bumalik si Xynthia sa loob ng kotse at umupo sa tabi ni Harvey. Napasimangot si Tamara matapos makita ang eksenang iyon. Ngunit pagkatapos niyang maisip na ang lalake na mukhang security guard ng Fragrant Hill ay sumama lang kay Xynthia sa evening banquet para sa pagkain pagkatapos nilang magkita dahil sa swerte, naging kalmado si Tamara.
“Wala akong kahit na anong opinyon dahil gusto kang kasama ni Xynthia Zimmer para makita ang buong mundo, pero huwag kang gagawa ng gulo! "Humanap ka ng lugar na mauupuan at kumain pagkatapos mong pumasok sa loob ng bulwagan. Kami ni Xynthia naman ay makikisalamuha sa mga tao. Wala kaming oras para samahan ka! "At pakiusap magpakatino ka! Kapag kumain ka na parang patay-gutom, pagtatawanan ka ng lahat!"Mapapahiya ako kapag nangyari yun!" Pagkatapos niyang marinig ang mapagmataas na paratang ni Tamara Ebony, ngumiti lang si Harvey ng hindi binubuka ang kanyang bibig habang nagpapakita ng walang pakialam na ekspresyon. Kung hindi dahil kay Xynthia, nasa ibang lugar na sana siya. "Tama, isa pa palang bagay, baka dumating na anumang sandali si Young Master Holt."Kapag nakita mo siya, pakiusap at layuan mo si Xynthia! "Nahulog ang loob nito kay Xynthia sa una nilang pagkikita. Iyon ang dahilan kung bakit na kapag lumapit ka kay Xynthia, ay baka magwala na lang ito bigla at s
Ang buong bulwagan ay napakarangya habang sunod sa uso ng sabay. Ito ang paboritong lugar ng bawat malaking karakter sa Mordu para makisalamuha. Ngunit si Harvey York ay hindi interesado sa mga tao na iyon. Hindi nga rin siya interesado na tumingin ng pangalawang beses ng makita niya ang mga celebrities na pamilyar sa kanya. Pagkatapos ay kumuha siya ng plato at nagsimulang kumain. Gutom buong araw na iyon si Harvey. Mabuti na lang at pwedeng siyang kumain ng marami doon. Nakatipid pa siya ng maraming oras sa paghahanap ng pagkain sa labas. “Bakit ka nandito?” Habang kumakain si Harvey ng tatlong steaks, isang kakaibang tono na mula sa boses ng isang tao ang umalingawngaw sa likuran ni Harvey. Lumingon si Harvey at nakita niya ang isang lalake na parang babae na nakasuot ng checkered na kurbata at gintong salamin sa mata na tinitingnan ng maigi si Harvey. Binato pabalik ni Harvey ang isang T-bone sa kanyang plato, saka pinunasan ang kanyang bibig. “Sino ka ba? Magkakilal