“Wala akong kahit na anong opinyon dahil gusto kang kasama ni Xynthia Zimmer para makita ang buong mundo, pero huwag kang gagawa ng gulo! "Humanap ka ng lugar na mauupuan at kumain pagkatapos mong pumasok sa loob ng bulwagan. Kami ni Xynthia naman ay makikisalamuha sa mga tao. Wala kaming oras para samahan ka! "At pakiusap magpakatino ka! Kapag kumain ka na parang patay-gutom, pagtatawanan ka ng lahat!"Mapapahiya ako kapag nangyari yun!" Pagkatapos niyang marinig ang mapagmataas na paratang ni Tamara Ebony, ngumiti lang si Harvey ng hindi binubuka ang kanyang bibig habang nagpapakita ng walang pakialam na ekspresyon. Kung hindi dahil kay Xynthia, nasa ibang lugar na sana siya. "Tama, isa pa palang bagay, baka dumating na anumang sandali si Young Master Holt."Kapag nakita mo siya, pakiusap at layuan mo si Xynthia! "Nahulog ang loob nito kay Xynthia sa una nilang pagkikita. Iyon ang dahilan kung bakit na kapag lumapit ka kay Xynthia, ay baka magwala na lang ito bigla at s
Ang buong bulwagan ay napakarangya habang sunod sa uso ng sabay. Ito ang paboritong lugar ng bawat malaking karakter sa Mordu para makisalamuha. Ngunit si Harvey York ay hindi interesado sa mga tao na iyon. Hindi nga rin siya interesado na tumingin ng pangalawang beses ng makita niya ang mga celebrities na pamilyar sa kanya. Pagkatapos ay kumuha siya ng plato at nagsimulang kumain. Gutom buong araw na iyon si Harvey. Mabuti na lang at pwedeng siyang kumain ng marami doon. Nakatipid pa siya ng maraming oras sa paghahanap ng pagkain sa labas. “Bakit ka nandito?” Habang kumakain si Harvey ng tatlong steaks, isang kakaibang tono na mula sa boses ng isang tao ang umalingawngaw sa likuran ni Harvey. Lumingon si Harvey at nakita niya ang isang lalake na parang babae na nakasuot ng checkered na kurbata at gintong salamin sa mata na tinitingnan ng maigi si Harvey. Binato pabalik ni Harvey ang isang T-bone sa kanyang plato, saka pinunasan ang kanyang bibig. “Sino ka ba? Magkakilal
Ang paglamon ng pagkain at inumin sa isang magarang lugar na kagaya ng Paramount ay nakakahiya para sa mga tanyag na babaeng iyon. 'Saan nanggagaling ang lalaking to?' 'Isa ba siyang hungry ghost sa nakaraan niyang buhay?' Hindi nagtagal, isang medyo may edad na lalaking naka-suit ang naglakad. Mukha siyang magalang, ngunit mayroong mabangis na tingin sa kanyang mga mata. Lumalabas na matagal nang nasa underworld ang taong iyon at kakaretiro lamang. Mayroong name card sa dibdib niya, Hall Manager Lenny Thompson ang nakasulat sa card. Naglakad si Lenny papunta kay Harvey York, pagkatapos ay sinampal ang plato ni Harvey sa mesa at malamig na nagsabi, "Sir, nasaan ang invitation mo? O pwede mo bang sabihin sa'kin kung sino ang nagdala sa'yo rito?" "Ano? Kailangan ko na ba ng invitation para sa isang handaan ngayon?"Kailangan ko rin ng ibang tao para makapasok? "Ito na ba ang palasyo ng Emperador ngayon?" Tinaas ni Harvey ang kilay niya ng isang segundo, pagkatapos ay k
Kung ginagawa lang nila ang kanilang trabaho kagaya ng iniutos sa kanila, hindi rin sila papahirapan ni Harvey York. Ayos lang para sa kanya na sabihin ang pinagmulan niya. Pero dahil malinaw na nagpunta rito si Lenny Thompson para suportahan si Steven Bauer, paanong mananatiling magalang si Harvey? "'Tapang ng mga diyos' ba ang sabi mo? "Bata, hindi ko kailangan yun para tapusin ka. "Pero oo nga pala, bakit mo ba ginagawa to?" Tinignan ni Lenny si Harvey na para bang isa siyang pasaway na batang mahirap turuan. "Dahil isa ka lang low-class na taong hindi kasama sa upper social circle na'to, hindi ka dapat pumupunta rito nang walang kahit na anong imbitasyon! "Alam mo dapat na wala kang makukuha rito maliban sa kahihiyan sa pagpunta mo rito nang hindi mo alam ang hangganan mo. "Naiintindihan mo ba kung anong sinasabi ko rito? "Kung handa kang sumunod at umalis dito, ako na ang magbabayad para sa taxi mo. "Ayaw ko ring masira ng isang bulok na kamatis ang buong baske
Lumapit ang ilang matatangkad at malalakas na gwardiya kay Harvey York nang may malalamig na mga ekspresyon sa kanilang mukha. Handa silang itapon si Harvey palabas. "Pasensya na! Ako ang nagdala sa kanya rito!" Kakalabas lang nina Tamara Ebony at Xynthia Zimmer pagkatapos ayusin ang kanilang makeup. Nang makita nila na kaaway ni Harvey si Lenny Thompson, lumapit sila para mamagitan sa sitwasyon. Kaagad na lumapit si Xynthia papunta kay Lenny at humingi ng tawad. "Manager Thompson, Harvey ang pangalan niya. Kaibigan ko siya, at dinala ko siya rito para dumalo sa birthday banquet ni Lady Walker. "Medyo padalos-dalos siya kaya sana maging pasensyoso kayo sa kanya!" Natural na ayaw ni Xynthia na mapalayas si Harvey bago pa magsimula ang main event. Tinitigan nang masama ni Tamara si Harvey. Pero pagkatapos makita na ipinagtanggol ni Xynthia si Harvey, tahimik pa ring nagsabi si Tamara, "Manager Thompson, gawin mo na lang to para sa'kin! "Sasabihan ko siya na humingi ng t
Sa mga mata ni Bryan Holt, kaya niyang pumatay ng isang taga-labas na kagaya ni Harvey York sa isang pitik lang ng daliri niya. Kaya niyang apak-apakan si Harvey kahit kailan niya gusto. Pakiramdam ni Bryan ay sapat na ang binibigay niyang respeto kay Xynthia Zimmer sa hindi niya pagkilos sa sandaling iyon. "Young Master Holt, bakit nandito ka na?" Hindi napigilan ni Tamara Ebony na lumapit kay Bryan na para bang gusto niyang humalo sa kanyang katawan. Sa sandaling iyon, nagpanggap siyang pigilan ang away. "Mabuting kaibigan ni Xynthia si Mr. Harvey York. "Noong sinundo ko si Xynthia, sinabi niya na hindi siya dadalo kung hindi sasama si Mr. York. "Kaya inimbitahan ko rin siya rito. "Sana wag ka nang magalit, Young Master Holt. At wag mo rin siyang palayasin. Hindi ko mapapanatili si Xynthia rito kung gusto niyang umalis!" Pagkatapos ay tumingin si Tamara kay Harvey at kalmadong nagsabi, "Harvey, wag mo sanang masamain ito. Prangka lang magsalita si Young Master Holt.
"Siguro noon, oo, pero magbabago na ang lahat ng yon ngayon." Sa sandaling iyon, nagpasya si Harvey York na hayaan ang Kaizen Group na kontrolin ang buong entertainment industry sa Mordu para lang suportahan si Xynthia Zimmer at wala nang iba. Kung hindi, Diyos lang ang makakaalam kung gaano karaming tao ang lalapit para pagkainteresan si Xynthia ngayong gusto lang niyang magtagumpay sa industriya. Gaano ba nakakainis iyon? Nang walang pagdadalawang-isip, pagod na si Harvey na pansinin si Bryan sa sandaling iyon. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang numero ni Aiden Bauer. "Dalawang bagay. Una, pumasok ka sa market ng entertainment industry ng Mordu. Gusto kong makita ang kumpanya na maging number one para sa entertainment industry ng Mordu. "Pangalawa, mayroong isang taong nagngangalang Xynthia Zimmer. Sinusuportahan ko siya habang nasa entertainment industry siya. Patayin mo ang kahit na sinong magtatangka na pagsamantalahan siya!" Simpleng binaba ni Harvey ang tawa
Tumawa si bryan Holt nang walang pakialam habang naglalakad. Galit na sigaw ni Steven Walker, “Young Master Holt, napapagod na ako sa hampas-lupang ‘to! Tapusin na natin siya!” Kusang sumagot si Tamara Ebony pagkatapos, “Young Master Holt, hindi ito ang tamang okasyon. Dapat ikaw ang pinaka nakakaalam sa mga patakaran ng Paramount. Kapag kumilos tayo dito, mapapahamak tayo!” Natural na walang pakialam si Tamara sa kaligtasan ni Harvey. Ikinakatakot lang niya na baka madamay siya sa sitwasyong ito.“Ms. Ebony, ang yabang ng hampas-lupang ito! Kapag hindi ko siya pinatay ngayon, madudungisan nang husto ang reputasyon ko! “Huwag ka nang makisali dito! Aakuin ko ang lahat ng responsibilidad para sa insidenteng ito!” Mabangis na umabante si Bryan pagkatapos niyang magsalita.“Dumating na si Lady Kait Walker!” sigaw ng isang tao sa sandaling ito.Kusang napalingon ang lahat. Maging ang mabangis na si Bryan ay napahinto nang bahagya.Tumalikod si Harvey nang nagtataka. Isang mat