Lumapit ang ilang matatangkad at malalakas na gwardiya kay Harvey York nang may malalamig na mga ekspresyon sa kanilang mukha. Handa silang itapon si Harvey palabas. "Pasensya na! Ako ang nagdala sa kanya rito!" Kakalabas lang nina Tamara Ebony at Xynthia Zimmer pagkatapos ayusin ang kanilang makeup. Nang makita nila na kaaway ni Harvey si Lenny Thompson, lumapit sila para mamagitan sa sitwasyon. Kaagad na lumapit si Xynthia papunta kay Lenny at humingi ng tawad. "Manager Thompson, Harvey ang pangalan niya. Kaibigan ko siya, at dinala ko siya rito para dumalo sa birthday banquet ni Lady Walker. "Medyo padalos-dalos siya kaya sana maging pasensyoso kayo sa kanya!" Natural na ayaw ni Xynthia na mapalayas si Harvey bago pa magsimula ang main event. Tinitigan nang masama ni Tamara si Harvey. Pero pagkatapos makita na ipinagtanggol ni Xynthia si Harvey, tahimik pa ring nagsabi si Tamara, "Manager Thompson, gawin mo na lang to para sa'kin! "Sasabihan ko siya na humingi ng t
Sa mga mata ni Bryan Holt, kaya niyang pumatay ng isang taga-labas na kagaya ni Harvey York sa isang pitik lang ng daliri niya. Kaya niyang apak-apakan si Harvey kahit kailan niya gusto. Pakiramdam ni Bryan ay sapat na ang binibigay niyang respeto kay Xynthia Zimmer sa hindi niya pagkilos sa sandaling iyon. "Young Master Holt, bakit nandito ka na?" Hindi napigilan ni Tamara Ebony na lumapit kay Bryan na para bang gusto niyang humalo sa kanyang katawan. Sa sandaling iyon, nagpanggap siyang pigilan ang away. "Mabuting kaibigan ni Xynthia si Mr. Harvey York. "Noong sinundo ko si Xynthia, sinabi niya na hindi siya dadalo kung hindi sasama si Mr. York. "Kaya inimbitahan ko rin siya rito. "Sana wag ka nang magalit, Young Master Holt. At wag mo rin siyang palayasin. Hindi ko mapapanatili si Xynthia rito kung gusto niyang umalis!" Pagkatapos ay tumingin si Tamara kay Harvey at kalmadong nagsabi, "Harvey, wag mo sanang masamain ito. Prangka lang magsalita si Young Master Holt.
"Siguro noon, oo, pero magbabago na ang lahat ng yon ngayon." Sa sandaling iyon, nagpasya si Harvey York na hayaan ang Kaizen Group na kontrolin ang buong entertainment industry sa Mordu para lang suportahan si Xynthia Zimmer at wala nang iba. Kung hindi, Diyos lang ang makakaalam kung gaano karaming tao ang lalapit para pagkainteresan si Xynthia ngayong gusto lang niyang magtagumpay sa industriya. Gaano ba nakakainis iyon? Nang walang pagdadalawang-isip, pagod na si Harvey na pansinin si Bryan sa sandaling iyon. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang numero ni Aiden Bauer. "Dalawang bagay. Una, pumasok ka sa market ng entertainment industry ng Mordu. Gusto kong makita ang kumpanya na maging number one para sa entertainment industry ng Mordu. "Pangalawa, mayroong isang taong nagngangalang Xynthia Zimmer. Sinusuportahan ko siya habang nasa entertainment industry siya. Patayin mo ang kahit na sinong magtatangka na pagsamantalahan siya!" Simpleng binaba ni Harvey ang tawa
Tumawa si bryan Holt nang walang pakialam habang naglalakad. Galit na sigaw ni Steven Walker, “Young Master Holt, napapagod na ako sa hampas-lupang ‘to! Tapusin na natin siya!” Kusang sumagot si Tamara Ebony pagkatapos, “Young Master Holt, hindi ito ang tamang okasyon. Dapat ikaw ang pinaka nakakaalam sa mga patakaran ng Paramount. Kapag kumilos tayo dito, mapapahamak tayo!” Natural na walang pakialam si Tamara sa kaligtasan ni Harvey. Ikinakatakot lang niya na baka madamay siya sa sitwasyong ito.“Ms. Ebony, ang yabang ng hampas-lupang ito! Kapag hindi ko siya pinatay ngayon, madudungisan nang husto ang reputasyon ko! “Huwag ka nang makisali dito! Aakuin ko ang lahat ng responsibilidad para sa insidenteng ito!” Mabangis na umabante si Bryan pagkatapos niyang magsalita.“Dumating na si Lady Kait Walker!” sigaw ng isang tao sa sandaling ito.Kusang napalingon ang lahat. Maging ang mabangis na si Bryan ay napahinto nang bahagya.Tumalikod si Harvey nang nagtataka. Isang mat
“Harvey York.”Bago pa maipakilala nila Tamara Ebony si Harvey, kalmado itong nagpatuloy sa pagsasalita.“Isa akong security guard sa Fragrant Hill na kumakapit kay Xynthia Zimmer para may makain.” Nanigas si Kait Walker, at pagkatapos ay nagpakita ng interes sa kanyang mga mata.‘Talagang may naglakas-loob na sabihin ang kanilang trabaho sa panahong ito kung saan hilig ng lahat na magpakitang-gilas. Interesante.’ Walang masabi si Xynthia sa sandaling ito. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin.Laging ganito ang kanyang nayaw. Ngunit dahil alam niyang siguradong may ibang plano si Harvey, hindi niya ito ibinunyag.Sa kabilang banda, si Tamara ay namula nang husto. Nahiya siya nang sobra. Kahit anong mangyari, si Tamara ang nagdala kay Harvey dito. Dinungisan ni Harvey ang kanyang reputasyon noong sabihin nito kay Kait na isa lamang siyang hamak na security guard. Galit na sumigaw si Bryan Holt sa sandaling ito, “Lady Walker, tingin ko dapat palayasin na lang natin ang mga ta
“May problema ba?” Mukhang walang pakialam si Harvey York, hindi man lang tinitignan sa mata ang mga ito.Lumapit si Bryan Holt at itinaas ang kanyang baso kay Harvey.“Tama si Lady Walker. Dahil magkakakilala tayo, magkakaibigan tayong lahat dito! “Hindi natin kailangang maging mapili sa mga kaibigan dito! Narito ako upang humingi ng tawad sa pagiging bastos ko sa’yo kanina!” Naningkit ang mga mata ni Steven Walker at sinabi, “Sir York, pakiusap pagpasensyahan mo na at huwag ka na sanang magalit sa mga mangmang na tulad namin. Ano sa tingin mo?” Lumapit rin si Tamara Ebony. “Harvey, magkasundo na lang tayong lahat.” Hindi napansin ni Xynthia Zimmer ang nangyayari dito dahil nakikipag-usap pa siya sa direktor sa gitna ng maraming tao.Ngumiti nang bahagya si Harvey habang nakatingin sa tatlo, at kalmadong sumagot, “Pasensya na, wala kayong karapatang maging kaibigan ko.“Hindi kayo karapat-dapat!” “Ow!”Biglang natapilok si Tamara, at muntik na siyang bumagsak sa sah
Pagkatapos makitang hinamon ni Kait Walker si Harvey York, bumaling ang titig ng lahat sa kanyang direksyon.Seryosong sumigaw si Steven Walker pagkatapos, “Harvey, hindi ka ba interesado, o sadyang hindi mo lang alam paano maglaro? Sabihin mo lang sa amin, hindi naman nakakahiya ‘yan!” Kalamdong sumagot si Bryan Holt pagkatapos, “Young Master Walker, bakit mo naman siya pinahirapan nang ganito? Isa lang siyang probinsyano. Paano niya malalaman kung paano maglaro ng Twenty-One at Pontoon?“Pero baka marunong siyang maglaro ng War kung tatanungin mo siya!” Tumawa ang lahat nang nanghahamak pagkatapos marinig ang mga salitang iyon.Ang Twenty-One at Pontoon ay isa lamang lokal na pangalan ng larong ito. Sa Gaule, ang larong ito ay tinatawag na Blackjack. Ang mga taong hindi alam ang patakaran ng larong ito ay hindi malalaman kung nanalo ba sila o natalo, lalo na ang laruin ito nang maayos.Sa ganitong sitwasyon, dapat umamin na lang ang mga tao kung hindi nila ito alam laruin.
Nanigas ang buong madla pagkatapos marinig ang mga salitang iyon, at pagkatapos ay nagwala sa sobrang galit. “Harvey York, bakit ba nagpapakahirap kang makuha ang bagay na hindi mo naman makukuha?!” “Maluwag ba ang turnilyo mo?!” “Gusto mong maging girlfriend si Lady Walker? Bakit ‘di mo muna tingnan ang sarili mo sa salamin bago mo sabihin ‘yan?!” “Kait, hindi mo na kailangang maging magalang pa sa mga taong gnaito! Ipakain mo lang siya sa mga isda!” Nanggigigil na sila Bryan Holt, Steven Walker at ang iba sa galit. Gusto nilang sampalin si Harvey hanggang mamatay kapag nagpatuloy ito sa pagmamalaki. Nagulat si Xynthia Zimmer. Anong binabalak ng kanyang bayaw? Balak ba nitong mangaliwa sa kanyang ate na si Mandy Zimmer? Kung ganoon, paano ito sasabihin ni Xynthia sa kanya? Sa kabilang banda, si Kait ay hindi nagalit. Kasinlamig ng yelo ang mukha niya sa sandaling ito. “Mukhang kampante ka, Harvey York.” Umiling si Harvey.“Hindi ito lakas ng loob. Hilig ko lang ma