Naglakad si Harvey York palabas ng Building of Peace, pagkatapos ay tinignan ang kanyang likuran ng walang sinasabi. Siya naman talaga ang branch leader ng Longmen dito sa Mordu, at dito niya ipapaalam ang kanyang pagkatao. Kahit na hindi pinaniniwalaan ni Kelly Malone at ng pamilya nito si Harvey, maniniwala din sila sa hinaharap. Walang balak si Harvey na magpaliwanag. Tumawag siya ng taksi at pumunta sa destinasyon na inasikasi ni Tyson Woods para sa kanya. Nag-vibrate ang phone ni Harvey sa sandaling iyon. Isang text message ang dumating.Pinilit ni Kelly si Harvey na manatili sa isang hotel pansamantala, pagkatapos ay sinabihan si Harvey na huwag nang maghabol ng mga imposibleng pangarap at magpakatotoo na lang. Pinaalalahanan din nito si Harvey na huwag magmalaki.Hindi mapigilan ni Harvey na mapangiti pagkatapos niyang makita ang text message. Kahit na matagal na panahon na din silang hindi nagkikita, isa pa ding maayos na matanda si Kelly. Pakiramdam ni Harvey na ta
Marespetong binuksan ni George Zabel ang larawan na nasa kanyang phone, kinonekta ito sa tv, at pagkatapos ay nagsimulang magpaliwanag. "Sa apat na anak mula sa Bauer family, parehong basura ang pangalawa at pangatlong anak. Wala talagang magandang makekwento tungkol sa kanila. "Pero ang panganay na si Aiden at ang bunsong anak na si Marco ay may kakayahan. "Kahit hindi isipin ang lakas nila, sinusuportahan sila ng mga founding members ng Mordu branch ng Longmen. "Noon ay nakipag-alyansa si Aiden kay Deputy Branch Leader Josh Ward habang nakipagtulungan si Marco kay Deputy Branch Leader Justin Walker. "Ang dalawang deputy branch leaders na ito ay maimpluwensya at malalaking karakter, pero hindi lang nila tinulungan ang dalawang anak na ito nang walang kapalit. May kasunduan ang dalawang panig, sa sandaling umangat sa ranggo ang Bauer family, susuportahan nila ang mga deputy branch leader na iyon at gagawin silang official branch leaders. "Lalo na't malaki ang impluwensiya
Marami nang inihanda sina George Zabel at Old Niner sa Mordu. Pareho silang hindi makapaghintay na kumilos si Harvey York dahil mabibigyan rin sila nito ng tyansa na kumilos. Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon at pagkatapos ay sumagot, "Masyadong malaki ang magiging kapalit kapag kumilos tayo ngayon. "Hayaan muna nating labanan nila ang isa't-isa. Lilinisin natin ang matitira kapag wala na ang karamihan sa mga ulo nila. "May balita ba tungkol sa Smith family?" Binago ni Harvey ang usapan. "Ang Smith family…" May seryosong ekspresyon si George sa kanyang mukha. Pagkatapos ng isang sandali ay bumulong siya, "Sir York, wala akong nagawa."Sinusubukan kong kumuha ng impormasyon mula sa sources na meron ako, pero naglaho na parang bula ang lahat ng mga scout na sangkot sa sitwasyon. Pakiramdam namin ay mayroong isang hindi nakikitang mata na nanonood sa'min. "Kaya pagkatapos mawalan ng ilan sa mga pinakamagagaling kong tao, pinigilan ko silang ipagpatuloy ang misyon. "Big
"Basura ka lang! Iniisip mo pa rin ba na ikaw ang pinakamagaling na top talent sa Longmen branch ng Mordu?! "Nilibre ka ng hapunan ni Young Master Bauer bilang pagrespeto! "Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng kamatayan, tumakas ka sa gitna ng hapunan! "Dapat sumuko ka na lang at binigay ang mga shares na pagmamay-ari ni Young Master Bauer, pagkatapos ay makukuha mo ang lahat ng dangal at yaman na makukuha mo! Mapapasayo ang lahat ng masasarap na pagkain at magagandang damit!"Pero di mo alam kung paano pumili mula sa tama at mali! Sinong sisisihin namin sa lahat ng to?! "Tara, ibalik na natin siya! Naghihintay si Young Master Bauer!" Habang nagsasalita ang lalaking namumuno si grupo, sinampal pa niya si Rachel Hardy nang dalawang beses sa mukha. Para bang hihimatayin na siya pagkatapos mabugbog. Pero may malay pa rin si Rachel. Napalingon siya sa direksyon nina Harvey York at ng iba pa, pagkatapos ay nanghihinang bumulong, "Tulungan niyo ko…" Pak! Sinampal siya ul
Pagkatapos makita si Aiden Bauer, naintindihan ni Harvey York kung bakit gustong makipag-alyansa ni Josh Ward sa kanya. Para bang isang mayamang playboy si Aiden kahit saan pa siya tignan ni Harvey. Madaling kontrolin ang isang taong kagaya niya kung aangat siya sa mga ranggo. Makokontrol pa ni Josh ang Kaizen Group sa pamamagitan ni Aiden at baka pati ang buong Bauer family. Maganda ang plano ni Josh. Sayang lang at may kinalaban siyang hindi niya dapat kinalaban at pinambayad niya ang sarili niyang buhay. "Victor, bakit ka nagsasayang ng maraming oras para lang ibalik ang isang lumpong babae?" Naglakad paharap si Aiden at kaagad na sinampal nang malakas ang aroganteng lalaki. "Hindi mo ba alam na kapag hindi ka magaling sa paggawa ng trabaho mo, babagsakan ka ng batas ng pamilya? "Naibaba ko na ang pantalon ko. Bakit nagsasayang ka pa rin ng oras dito? "Nagbibiro ka ba?" Sobrang natakot si Victor at nawalan ng kulay ang mukha niya. Kaagad siyang yumuko at sumagot,
Whoosh!Hindi nag-aksaya ng oras si Tyson Woods na magsalita at humakbang siya habang itinulak sa isang tabi ang ilang mga lalaki. Hinablot niya si Rachel Hardy na nakahiga sa lapag at initsa siya papunta kay George Zabel. Naglakad si Old Niner at prinotektahan si Rachel sa likuran niya nang walang kahit na anong utos. "G*go ka! Talagang lalabanan mo kami?!" Nanginginig sa galit si Victor. Nilabas niya ang baril niya at itinutok ito kay Tyson. "Mamatay ka na!" Bago pa man makalabit ni Victor ang gatilyo, malamig na tumawa si Tyson at sumugod. Bago makakilos ang kahit na sino sa kanila, nasa harapan na siya ni Victor sa isang kurap. Pagkatapos ng isang mabilis na kilos, nasa kamay na ni Tyson ang baril. Ang isang ganito kaninang nilalang ay hindi nararapat na pagsayangan ng oras ni Harvey York. Hindi man lang nila malampasan si Tyson. "Gusto mo kong mamatay?" Kalmado lang si Tyson sa sitwasyon. "Noong namumuhay ako sa underworld, naglalaro ka pa lang sa putik!" H
Mukhang hirap na hirap ang mga fighter na ito. Hindi sila makasugod, ngunit hindi rin sila makaatras. Pulang-pula sa pamamaga ang mukha ni Aiden Bauer pagkatapos masampal sa mukha nang maraming beses. Nabigla ang madla sa malalaking bakat ng kamay sa kanyang mukha. Patuloy na kumikirot ang ng mata ni Aiden dahil dito.“Hayop ka! Sinasabi ko sa’yo, wala akong pake kung sino ka, wala akong pake kung saan ka nanggaling, at wala akong pake kung anong klaseng tao ang sumusuporta sa’yo!“Mabuti pa at patayin mo na ako ngayon!“Kung hindi, papatayin ko ang buong pamilya mo kinabukasan!“Ako, si Aiden Bauer, ay hindi tumatalikod sa aking salita!” Pinatunog ni Harvey York ang kanyang dila nang nanghahamak. Pagkatapos ay itinaas niya ang panga ni Aiden at sinampal ang mukha nito pagkatapos.Pak! “Tingin mo ba hindi kita papatayin ngayon na?” Pak! “Nagbabalak kang patayin ang buong pamilya ko gamit ng ganyan mong kakayahan?” Pak! “Ginagalang ba kita?!”Pak! “Sinong nagbigay
“Hindi bababa sa walong libong tao ang nagbabalak na pumatay sa akin, baka nga sampung libo pa. Sa totoo lang, wala ka nga sa listahan.” Nanatiling mukhang walang pakialam si Harvey.“Pero dapat nag-iisip ka na ng paraan para alagaan ang walang kwentang buhay mo ngayon!” Hinablot ni Harvey ang sigarilyo ni Aiden Bauer habang nagsasalita siya, at sinalpak ito sa bibig ni Aiden upang patahimikin ito.“Mmph!”Hindi man lang makasigaw si Aiden sa sandaling ito. Kumikirot ang buong katawan niya sa sobrang sakit. Hindi man lang siya makasagot sa sandaling iyon. Ang lahat ng mga babaeng nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ay kumikirot ang mga mata. Tingin nila masyado nang walang hiya at nababaliw si Harvey! Sa isang lugar na tulad ni Mordu, ilang mga tagalabas talaga ang nagtapang na galitin si Young Master Bauer nang ganito? Kalokohan! Anong karapatan ng ilang pangkaraniwang tao na galawin si Young Master Bauer? “Bata! Lagot ka na dahil sa pagtrato mo nang ganito kay Young