"Basura ka lang! Iniisip mo pa rin ba na ikaw ang pinakamagaling na top talent sa Longmen branch ng Mordu?! "Nilibre ka ng hapunan ni Young Master Bauer bilang pagrespeto! "Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng kamatayan, tumakas ka sa gitna ng hapunan! "Dapat sumuko ka na lang at binigay ang mga shares na pagmamay-ari ni Young Master Bauer, pagkatapos ay makukuha mo ang lahat ng dangal at yaman na makukuha mo! Mapapasayo ang lahat ng masasarap na pagkain at magagandang damit!"Pero di mo alam kung paano pumili mula sa tama at mali! Sinong sisisihin namin sa lahat ng to?! "Tara, ibalik na natin siya! Naghihintay si Young Master Bauer!" Habang nagsasalita ang lalaking namumuno si grupo, sinampal pa niya si Rachel Hardy nang dalawang beses sa mukha. Para bang hihimatayin na siya pagkatapos mabugbog. Pero may malay pa rin si Rachel. Napalingon siya sa direksyon nina Harvey York at ng iba pa, pagkatapos ay nanghihinang bumulong, "Tulungan niyo ko…" Pak! Sinampal siya ul
Pagkatapos makita si Aiden Bauer, naintindihan ni Harvey York kung bakit gustong makipag-alyansa ni Josh Ward sa kanya. Para bang isang mayamang playboy si Aiden kahit saan pa siya tignan ni Harvey. Madaling kontrolin ang isang taong kagaya niya kung aangat siya sa mga ranggo. Makokontrol pa ni Josh ang Kaizen Group sa pamamagitan ni Aiden at baka pati ang buong Bauer family. Maganda ang plano ni Josh. Sayang lang at may kinalaban siyang hindi niya dapat kinalaban at pinambayad niya ang sarili niyang buhay. "Victor, bakit ka nagsasayang ng maraming oras para lang ibalik ang isang lumpong babae?" Naglakad paharap si Aiden at kaagad na sinampal nang malakas ang aroganteng lalaki. "Hindi mo ba alam na kapag hindi ka magaling sa paggawa ng trabaho mo, babagsakan ka ng batas ng pamilya? "Naibaba ko na ang pantalon ko. Bakit nagsasayang ka pa rin ng oras dito? "Nagbibiro ka ba?" Sobrang natakot si Victor at nawalan ng kulay ang mukha niya. Kaagad siyang yumuko at sumagot,
Whoosh!Hindi nag-aksaya ng oras si Tyson Woods na magsalita at humakbang siya habang itinulak sa isang tabi ang ilang mga lalaki. Hinablot niya si Rachel Hardy na nakahiga sa lapag at initsa siya papunta kay George Zabel. Naglakad si Old Niner at prinotektahan si Rachel sa likuran niya nang walang kahit na anong utos. "G*go ka! Talagang lalabanan mo kami?!" Nanginginig sa galit si Victor. Nilabas niya ang baril niya at itinutok ito kay Tyson. "Mamatay ka na!" Bago pa man makalabit ni Victor ang gatilyo, malamig na tumawa si Tyson at sumugod. Bago makakilos ang kahit na sino sa kanila, nasa harapan na siya ni Victor sa isang kurap. Pagkatapos ng isang mabilis na kilos, nasa kamay na ni Tyson ang baril. Ang isang ganito kaninang nilalang ay hindi nararapat na pagsayangan ng oras ni Harvey York. Hindi man lang nila malampasan si Tyson. "Gusto mo kong mamatay?" Kalmado lang si Tyson sa sitwasyon. "Noong namumuhay ako sa underworld, naglalaro ka pa lang sa putik!" H
Mukhang hirap na hirap ang mga fighter na ito. Hindi sila makasugod, ngunit hindi rin sila makaatras. Pulang-pula sa pamamaga ang mukha ni Aiden Bauer pagkatapos masampal sa mukha nang maraming beses. Nabigla ang madla sa malalaking bakat ng kamay sa kanyang mukha. Patuloy na kumikirot ang ng mata ni Aiden dahil dito.“Hayop ka! Sinasabi ko sa’yo, wala akong pake kung sino ka, wala akong pake kung saan ka nanggaling, at wala akong pake kung anong klaseng tao ang sumusuporta sa’yo!“Mabuti pa at patayin mo na ako ngayon!“Kung hindi, papatayin ko ang buong pamilya mo kinabukasan!“Ako, si Aiden Bauer, ay hindi tumatalikod sa aking salita!” Pinatunog ni Harvey York ang kanyang dila nang nanghahamak. Pagkatapos ay itinaas niya ang panga ni Aiden at sinampal ang mukha nito pagkatapos.Pak! “Tingin mo ba hindi kita papatayin ngayon na?” Pak! “Nagbabalak kang patayin ang buong pamilya ko gamit ng ganyan mong kakayahan?” Pak! “Ginagalang ba kita?!”Pak! “Sinong nagbigay
“Hindi bababa sa walong libong tao ang nagbabalak na pumatay sa akin, baka nga sampung libo pa. Sa totoo lang, wala ka nga sa listahan.” Nanatiling mukhang walang pakialam si Harvey.“Pero dapat nag-iisip ka na ng paraan para alagaan ang walang kwentang buhay mo ngayon!” Hinablot ni Harvey ang sigarilyo ni Aiden Bauer habang nagsasalita siya, at sinalpak ito sa bibig ni Aiden upang patahimikin ito.“Mmph!”Hindi man lang makasigaw si Aiden sa sandaling ito. Kumikirot ang buong katawan niya sa sobrang sakit. Hindi man lang siya makasagot sa sandaling iyon. Ang lahat ng mga babaeng nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ay kumikirot ang mga mata. Tingin nila masyado nang walang hiya at nababaliw si Harvey! Sa isang lugar na tulad ni Mordu, ilang mga tagalabas talaga ang nagtapang na galitin si Young Master Bauer nang ganito? Kalokohan! Anong karapatan ng ilang pangkaraniwang tao na galawin si Young Master Bauer? “Bata! Lagot ka na dahil sa pagtrato mo nang ganito kay Young
Pagkalipas ng limang minuto. Isang Toyota na walang plaka ay aroganteng pumarada sa tapat ng labas ng club. Dinala nila Tyson Woods si Rachel Hardy papasok ng kotse. Hinihila ni Harvey York si Aiden Bauer, na hindi na iba sa isang patay na aso, at dumating sa tabi ng kotse pagkatapos. Pagkatapos ihagis si Aiden sa tarangkahan, lumingon pabalik si Harvey at kalmadong sinabi, “Sapat na si Young Master Bauer para ihatid kami paalis. Ang iba ay dapat manatili muna dito sa loob ng dalawang oras. “Makalipas ang dalawang oras, babalik na ang Young Master niyo. “Kapag nalaman kong may naunang umalis, babaliin ko ang braso ni Aiden. Kapag may dalawang nakaalis, babaliin ko ang braso’t binti niya. Kapag tatlo, pasensya na, kailangan kong baliin ang leeg niya pagkatapos…” Pagkatapos magsalita ni Harvey, pumasok siya ng kotse at ibinaba ang binta habang kumakawat nang umandar ang kotse. Sa gitna ng gabi, nagkiskisan ang mga ngipin nila Victor at kumirot ang mga mata nila. Walang na
“Anong sinabi mo?!” Nanginginig sa galit si Rachel Hardy. Gusto niyang sumunggab at sakalin si Harvey York, ngunit wala siyang lakas sa sandaling iyon. “Harvey York! Pwede mo akong patayin, pero huwag mo akong iinsultuhin!” “Pero diba tanga ka?” kalmadong tanong ni Harvey.“Kung talagang gagamitin mo ang utak mo at iisipin mo, pwede ko lang basta patayin si Oliver Bauer kung gusto ko talaga. Bakit pa ako magpapakahirap? “At sa kanyang status at kapangyarihan, tingin mo ba talaga dapat ko siyang pag-aksayahan ng oras para patayin? Karapat-dapat man lang ba siya?“Hindi!” Mukhang siguradong-sigurado si Harvey.Higit pa rito, hindi kalokohan ang sinasabi niya. Ang tinatawag nilang branch leader ng Mordu branch ng Longmen, si Oliver, ay maaaring mukhang mataas at makapangyarihan sa mata ng ibang tao, ngunit wala lang siya para kay Harvey.Nang marinig na si Oliver ay walang kwenta sa paningin ni Harvey, nanginig si Rachel. Nanghina ang kanyang katawan pagkatapos, at lumuhod s
“Harvey York, bakit mo pa rin ako pinapahiya kahit pagkatapos ng lahat ng ito?! “Ano bang makukuha mo sa pagpapahiya ng isang lumpong babaeng tulad ko?! “O interesado ka rin bang makuha ang katawan ko?! Gawin mo pala ang gusto mo! “Kung ayaw mo nito, edi hayaan mo na akong umalis.” Nawalan na ng kulay ang mukha ni Rachel habang nagsasalita siya nang nanghihina.Kalmadong sumagot si Harvey pagkatapos, “Pasensya na. Mukhang mabait ka naman at may magandang katawan, pero hindi ako interesado. “At para naman sa lahat ng nangyari ngayong gabi, hindi ko masasabing talagang nakakahiya ito… “Hindi rin kita iniligtas dahil sa kabutihang-loob ko, pero pakiramdam ko magagamit kita.“Sasabihin ko sa’yo, kapag nagtrabaho ka para sa akin mula ngayon, tutulungan kitang gumaling…” “Harvey York, sumosobra ka na. Ikaw…” Nagninginig sa galit si Rachel nang marinig niyang makiusap si Harvey na magtrabaho siya para dito, ngunit nanigas siya pagkatapos nito. “Anong sinabi mo? Tutulungan