“Kahapon pa sinasabi ni Ina ang tungkol dito, na sinasabing si Ama ay sinusubukan na kausapin ang isang mahirap na kamag-anak namin uli!“Hindi ko naman alam na si Harvey York pala iyon! “Saan niya nakukuha ang lakas ng loob niya para dumalo sa salo-salo mamayang gabi? Kung ikukumpara siya kay Master Walker, isang pulubi lamang si Harvey. “Bakit ko nga naisip na gwapo siya noong mga bata pa kami?” Tinignan ni Hazel Malone si Harvey at hindi niya mapigilan na mapa-buntong hininga ng palihim, saka pagkumparahin si Steven Walker at ang kababata niyang si Harvey. Hindi niya alam na ganun pala kalaki ang pagkakaiba ng dalawang ito! Talentadong tao si Steven sa murang edad pa lang, bilang business manager ng Kaizen Group sa mga sandaling ito. Kasapi din siya ng off-road car club ng Mordu at siya ay ang pamangkin ni Deputy Branch Leader Walker. Kahit na ano pang koneksyon ang meron ka, impluwensya, o kakayahan, ang isang karakter na katulad niya ay maituturing na pinakamataas n
Natahimik ang lahat matapos nilang marinig ang mga salitang iyon. Ang lahat ay nagulat habang nakatingin kay Harvey York.“Harvey, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?” Napasimangot si June Lee. Galit na galit na siya. “Binigyan ka ng kaunting respeto ni Steven Walker at gusto ka niyang kamayan. Isa itong pagkakataon para sayo. Ayos lang kung ayaw mo siyang kamayan, ngunit sinabi mo na wala siyang karapatan na kamayan ka?” “Ang sabi mo ay masyadong mababa ang kanyang katayuan, kakayahan, at pagkatao?” “At hindi siya karapatdapat na kamayan ka?” “Sino ka ba sa akala mo?” “Ang deputy branch leader ng Longmen?” Nagulantang si Hazel Malone nang mapatitig siya kay Harvey dahil sa pagkabigla. Ngunit hindi nagtagal ay naunawaan niya si Harvey, ang live-in son-in-law, ay marahil pumunta dito sa Mordu para maging live-in son-in-law ng Malone family. Ang mahirap na lalakeng ito ay marahil gusto ng piraso ng ginto para sa sarili niya! Siguro ay nagselos si Harvey ng makita n
Napabuntong hininga si Steven Walker. Pagod na siya para makipag-usap pa kay Harvey York. Tumingin siya kay Kelly Malone at sinabi, “Uncle Malone, hindi ko ito sasabihin sa tiyuhin ko na si Deputy Branch Leader Walker, tungkol dito bilang paggalang sa kanila Hazel Malone at Aunty Malone.“Ngunit, mas mabuti pa kung pababalikin niyo na lang ang probinsyano na ito sa kung saan siya nanggaling. “Kung hindi, hindi ko kayo matutulungan kapag nagsalita siya ng kung ano sa labas.”Napabuntong hininga si Steven, pagkatapos ay lumingon at umalis matapos sabihin ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya ay masasangkot siya sa gulong iyon kapag nanatili pa siya sa isang lugar kasama si Harvey. Ang lahat ng iba pang mga bisita ay nanginginig ang mga mata, pagkatapos ay tumayo silang lahat at nagpakita ng mga pilit na ngiti. “CEO Malone, meron pa akong aasikasuhin sa bahay, kaya mauna na ako. Ililibre kita ng pagkain sa susunod! Hanggang sa susunod!”Pagkatapos ng mga ilang salita, ang bis
“Gusto mo pa din tanggapin ang live-in son-in-law na ito kahit na sinuka na siya ng ibang pamilya at gusto mo pa din siyang ipakasal sa anak natin!“Kelly Malone, nababaliw ka na! Nababaliw ka na talaga!” Pagkatapos ay malamig na sinagot ni Kelly, “Sina Hazel Malone at Harvey york ay mga magkababata. Pinagkasundo sila ng kanilang pamilya na magpakasal noon. Tinutupad ko lang ang pangako ko sa kanila. Bakit? Masama ba yun?” “Ikaw…” Sa sobrang galit ni June ay hingal na hingal siya. Umupo siya at saka pinanlisikan si Kelly na para bang gusto niya itong pagpira-pirasuhin. Napasimangot si Hazel. Lalo lang siyang nandidiri habang tumatagal na nakikita niya si Harvey sa sandaling iyon. Kaysa sa magsinungaling at gumawa ng gulo, magaling si Harvey na habulin ang mga bagay na hindi niya makukuha. Ito ay dahil sa ang mapagmahal na mga magulang ni Hazel at si Harvey ay hindi magkasundo. Baka magkasakit pa nga ang kanyang ina dahil sa sobrang galit nito. Umalis tuloy si Steven W
Naglakad si Harvey York palabas ng Building of Peace, pagkatapos ay tinignan ang kanyang likuran ng walang sinasabi. Siya naman talaga ang branch leader ng Longmen dito sa Mordu, at dito niya ipapaalam ang kanyang pagkatao. Kahit na hindi pinaniniwalaan ni Kelly Malone at ng pamilya nito si Harvey, maniniwala din sila sa hinaharap. Walang balak si Harvey na magpaliwanag. Tumawag siya ng taksi at pumunta sa destinasyon na inasikasi ni Tyson Woods para sa kanya. Nag-vibrate ang phone ni Harvey sa sandaling iyon. Isang text message ang dumating.Pinilit ni Kelly si Harvey na manatili sa isang hotel pansamantala, pagkatapos ay sinabihan si Harvey na huwag nang maghabol ng mga imposibleng pangarap at magpakatotoo na lang. Pinaalalahanan din nito si Harvey na huwag magmalaki.Hindi mapigilan ni Harvey na mapangiti pagkatapos niyang makita ang text message. Kahit na matagal na panahon na din silang hindi nagkikita, isa pa ding maayos na matanda si Kelly. Pakiramdam ni Harvey na ta
Marespetong binuksan ni George Zabel ang larawan na nasa kanyang phone, kinonekta ito sa tv, at pagkatapos ay nagsimulang magpaliwanag. "Sa apat na anak mula sa Bauer family, parehong basura ang pangalawa at pangatlong anak. Wala talagang magandang makekwento tungkol sa kanila. "Pero ang panganay na si Aiden at ang bunsong anak na si Marco ay may kakayahan. "Kahit hindi isipin ang lakas nila, sinusuportahan sila ng mga founding members ng Mordu branch ng Longmen. "Noon ay nakipag-alyansa si Aiden kay Deputy Branch Leader Josh Ward habang nakipagtulungan si Marco kay Deputy Branch Leader Justin Walker. "Ang dalawang deputy branch leaders na ito ay maimpluwensya at malalaking karakter, pero hindi lang nila tinulungan ang dalawang anak na ito nang walang kapalit. May kasunduan ang dalawang panig, sa sandaling umangat sa ranggo ang Bauer family, susuportahan nila ang mga deputy branch leader na iyon at gagawin silang official branch leaders. "Lalo na't malaki ang impluwensiya
Marami nang inihanda sina George Zabel at Old Niner sa Mordu. Pareho silang hindi makapaghintay na kumilos si Harvey York dahil mabibigyan rin sila nito ng tyansa na kumilos. Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon at pagkatapos ay sumagot, "Masyadong malaki ang magiging kapalit kapag kumilos tayo ngayon. "Hayaan muna nating labanan nila ang isa't-isa. Lilinisin natin ang matitira kapag wala na ang karamihan sa mga ulo nila. "May balita ba tungkol sa Smith family?" Binago ni Harvey ang usapan. "Ang Smith family…" May seryosong ekspresyon si George sa kanyang mukha. Pagkatapos ng isang sandali ay bumulong siya, "Sir York, wala akong nagawa."Sinusubukan kong kumuha ng impormasyon mula sa sources na meron ako, pero naglaho na parang bula ang lahat ng mga scout na sangkot sa sitwasyon. Pakiramdam namin ay mayroong isang hindi nakikitang mata na nanonood sa'min. "Kaya pagkatapos mawalan ng ilan sa mga pinakamagagaling kong tao, pinigilan ko silang ipagpatuloy ang misyon. "Big
"Basura ka lang! Iniisip mo pa rin ba na ikaw ang pinakamagaling na top talent sa Longmen branch ng Mordu?! "Nilibre ka ng hapunan ni Young Master Bauer bilang pagrespeto! "Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng kamatayan, tumakas ka sa gitna ng hapunan! "Dapat sumuko ka na lang at binigay ang mga shares na pagmamay-ari ni Young Master Bauer, pagkatapos ay makukuha mo ang lahat ng dangal at yaman na makukuha mo! Mapapasayo ang lahat ng masasarap na pagkain at magagandang damit!"Pero di mo alam kung paano pumili mula sa tama at mali! Sinong sisisihin namin sa lahat ng to?! "Tara, ibalik na natin siya! Naghihintay si Young Master Bauer!" Habang nagsasalita ang lalaking namumuno si grupo, sinampal pa niya si Rachel Hardy nang dalawang beses sa mukha. Para bang hihimatayin na siya pagkatapos mabugbog. Pero may malay pa rin si Rachel. Napalingon siya sa direksyon nina Harvey York at ng iba pa, pagkatapos ay nanghihinang bumulong, "Tulungan niyo ko…" Pak! Sinampal siya ul