Nakakita na ng mga aroganteng tao noon ang Ward family noong nasa Mordu pa sila, pero kahit na ganoon, hindi pa sila nakakakita ng ganito katinding kayabangan!"Ang yabang yabang niya! Wala man siyang pakialam sa batas!" "Kahit si Sheldon Xavier ay hindi magiging ganito kahabang!" "Mukhang hindi siya nagpunta rito para humingi ng tawad. Nandito siya para labanan tayo hanggang kamatayan!" "Kailangan nating sabihan ang master ng Longmen para bigyan tayo ng hustisya!" "Dapat nating gawin na pagsisihan niyang pinanganak siya sa mundong ito!" Ngumisi si Wyler habang pinakinggan niya ang patuloy na pang-iinsulto ng mga tao kay Harvey. "Harvey York, masyado ka pang bata para hamunin ako!" Nanatiling walang pakialam si Harvey, hindi siya nagbigay ng malinaw na sagot. Gusto niyang si Tyson ang sumagot para sa kanya, pero ngumiti lang siya at pinigilan ito na para bang aligaga siya na panooring maglaro ang isang unggoy. Kinilabutan si Wyler nang makita niya ang maliit na ngiti n
Plinano ito ng mga Ward. Bakit nila hahayaan ang mga salita ni Tyson, na walang bigat, na makaapekto sa lahat? "Sige! Tama na ang kalokohang ito!" Tinitigan ni Josie nang masama si Harvey at suminghal, "Harvey York! Kailangan mong pagbayaran ang ginawa ko sa anak ko. Wala kang magagawa kundi aminin ang ginawa mo, kahit na tumanggi ka pa!" "Wala akong magagawa?" Tumawa si Harvey. "Lady Lopez, ayos lang ba ang pamilya mo? Napakarami mong tao rito na gumagawa ng gulo para lang pagbintangan ako na sinampal si Wyler at insultuhin ang Ward family?" "Hindi ba ang kikitid lang ng mga utak niyo?" Napahinto ang lahat. Hindi nila maintindihan ang ibig sabihin ng mga salita ni Harvey. "Bakit hindi kita tulungan dito? Gumawa tayo ng mas malaking gulo! Kung ganun, maiintindihan mo kung anong ibig sabihin ng tumingin sa buong sitwasyon!" "Makinig ka, Tyson. Bibigyan kita ng isa pang leksyon ngayong araw. Laban sa mga kagaya nila, walang magagawa ang pagiging makatwiran." Pagkata
“Wyler!”"Ang Wyler ko!" Natauhan si Josie at nagsimulang bumulahaw. "Bw*sit ka, Harvey York! Bw*sit ka!" "Patayin niyo siya! Patayin niyo siya ngayon din! Gusto ko siyang ilibing kasama ng anak ko!" Sa puntong ito, nawalan na ng katwiran si Josie. Kaagad siyang nagbigay ng utos sa mga propesyonal ng Ward family. Kaagad na tumakas ang mga taong naroon para panoorin ang pangyayari nang marinig nila ang kanyang utos. Wala sa kanila ang gustong madamay sa sitwasyon kung lumala man ito. Ilang mga matataas na awtoridad sa Ward family ang nagkatinginan bago nilabas ang mga sandata nila at kaagad na sumugod papunta kay Harvey. Kuminang nang malagim sa ilalim ng liwanag ang mga patalim nila habang bumigat ang hangin sa paligid nila. Handa silang pabagsakin si Harvey sa sandaling iyon. Schwing, schwing, schwing!Narinig sa kung saan-saan ang tunog ng mga patalim. Parang hindi tao ang bilis ng mga disipulo ng Longmen. Hindi makalapit si Tyson kay Harvey. "CEO York, mag-ingat
Puno ng galit at kalungkutan si Josh. Gusto niya ang dugo ni Harvey para ibuhos ang galit niya! Ngunit wala pa ring pakialam si Harvey at bingian lang siya nagbigay ng maayos na sagot kay Josh. "Kung ganun, dadalhin kita sa libingan mo!" Sumugod ang dalawang Great Generals mula sa dalawang direksyon papunta kay Harvey, layunin nilang patayin siya. Ngunit nang lumitaw sila sa harapan ni Harvey, maliwanag na kumislap ang espada niya. Sa isang iglap, bumagsak sila sa lapag nang walang malay habang hawak ang mga lalamunan nila. Madaming humakbang si Harvey at humiwa pababa. Naglabas si Josh ng patalim mula sa kanyang manggas. Tinaas niya ang patalim at sumugod papunta kay Harvey. Klang! Bayolenteng nagbanggaan sina Josh at Harvey. Nanatiling nakatayo si Harvey, ngunit sumuka ng dugo si Josh bago siya nakalipad ng ilang distansya. Natulala ang lahat. 'Paanong nangyari ito?!' 'Si Josh Ward, na nagsasabing mayroong pambihirang lakas, ay hindi man lang makasalag ng isang
Pinagalaw ni Harvey ang katawan niya at lumitaw ulit sa gitna ng mga taong binubuo ng mga miyembro ng Ward family. Sa pagkakataong ito, hindi niya ginamit ang espada niya. Palad lang ang gagamitin niya. Hindi nagtagal, narinig ang sunod-sunod na sampal. Napalipad ang natitirang mga miyembro ng Ward family kasama ng Four Great Generals. Nang bumagsak sila sa lapag, napabuga sila ng hangin. Ang buong Ward family at walang laban kay Harvey. "Walang kwenta." Kalmado pa rin ang ekspresyon ni Harvey. "Kung ang kabuuan ng Longmen ay walang talento maliban sa pagyayabang at pananakit ng mga mamamayan, kagaya nito, mas mabuti kung masira na lang silang lahat." "Ikaw…!" Hindi lang ang pambabastos ni Harvey sa Ward family ang narinig ni Josh kundi pati sa buong Longmen. Bilang isang disipulo ng Longmen, sobra siyang nagalit at nagsimulang dumaloy paakyat ang natitirang dugo niya. Nagsimulang sumirit ang dugo mula sa kanyang lalamunan sa susunod na sandali. Bumagsak pagilid ang u
Dahan-dahang itinaas ni Samuel ang kanyang tingin. Pagkatapos suriin si Harvey, ngumiti siya. “Nagdala ka kaya ngayon ng isang malaking regalo para tanungin ako tungkol sa mga krimen ko, o handa ka bang bigyan ako ng pahayag.” Ang mga tauhan sa tabi ni Samuel ay nanginig sa takot at paghanga sa mga sinabi niya.Natural, hindi nila inaakalang ang ganitong nakakatakot at matapang na lalaking tulad ni Samuel ay magiging ganito kakalma sa harapan ni Harvey.Kahit anong mangyari, si Harvey ang taong pumatay ng tatlong buong pamilya sa labas! Dinungisan niya ang danghal ni Samuel! Niyuyurakan niya ang dignidad ng buong Longmen! Nanatiling walang-bahala si Harvey sa sitwasyon. Hindi siya nag-abalang bigyan ng maayos na sagot si Samuel.“Maayos na pahayag? Nakipagtulungan ang Ward family sa Island Nations Ninja House upang pagbintangan at paslangin ako. Hindi mo ba ako bibigyan ng maayos na pahayag tungkol dito, master of Longmen?”Kalmadong sumagot si Samuel, “Binalaan na kita nit
“Isang Island Nation swordsman?” Kumunot ang noo ni Harvey. Ngumisi si Samuel. “Talagang isang Island Nation swordsman ang lalaking ito. Nagmamay-ari siya ng isang kendo hall sa Mordu. Nagtuturo siya ng kendo sa publiko, ngunit palihim siyang gumagawa ng karumal-dumal na bagay na walang nakakaalam.” “Inupahan ba siya ni Josh?” “Tama. Isipin mo malaki ang makukuha niya dito. Balak niyang maglaban kayo hanggang kamatayan ng swordsman na ito kapag hindi kita napatay.” “Kapag natalo ka, mamamatay ka. Kapag nanalo ka, magdudulot ka ng malaking problema sa sarili mo at makukuha mo ang pansin ng ibang mga Island Nation swordsmen.” Naningkit ang mga mata ni Harvey nang hindi nagsasalita. Limang disipulo ng Longmen ang lumabas mula sa dilim, lahat sila ay ay may mahahabang spada. Hinawakan ng Island Nation swordsman ang mahabang spada sa kanyang baywang. Kasunod nito, nagkaroon ng isang malakas na liwanag. Nanginig ang mga disipulo. Kasunod nito ay bumagsak sila sa sahig haban
Ang Island Nation swordsman ay naglabas ng isang aura na hindi mapapantayan kahit ng isang libong kalaban. Ang mahabang spadang hawak niya ay parang kidlat. Tuwing ihahawi niya ito, maglalabas ng nakakatakot na liwanag ang spada. Dalawang disipulo ng Longmen na may hawak na mahahabang spada ang lumapit nang sabay. Mukhang mas malakas sila sa ibang mga disipulo. Lumiwanag nang husto ang mga spada nila, para bang nakatutok ito sa eskrimador. Hindi umalis sa pwesto nito ang eskrimador. Sa halip, humiwa ito pababa. Clang!Kaagad na nahiwa sa dalawa ang dalawang mahabang spada. Ang dalawang disipulo ay dahan-dahang umatras habang sumisigaw sila sa sakit at pagkabigla. Hindi nagtagal, bumagsak sila sa sahig, hindi makagalaw. Ang ibang mga disipulo, na sobrang tapang kanina, ay hindi na naglakas-loob na sumugod pa. Umatras silang lahat upang protektahan si Samuel at Harvey. Ngunit matutukoy ng kahit sino na nabawasan na ang tapang nila dahil sa eksrimador. Kumunot ang noo ni