Pinagalaw ni Harvey ang katawan niya at lumitaw ulit sa gitna ng mga taong binubuo ng mga miyembro ng Ward family. Sa pagkakataong ito, hindi niya ginamit ang espada niya. Palad lang ang gagamitin niya. Hindi nagtagal, narinig ang sunod-sunod na sampal. Napalipad ang natitirang mga miyembro ng Ward family kasama ng Four Great Generals. Nang bumagsak sila sa lapag, napabuga sila ng hangin. Ang buong Ward family at walang laban kay Harvey. "Walang kwenta." Kalmado pa rin ang ekspresyon ni Harvey. "Kung ang kabuuan ng Longmen ay walang talento maliban sa pagyayabang at pananakit ng mga mamamayan, kagaya nito, mas mabuti kung masira na lang silang lahat." "Ikaw…!" Hindi lang ang pambabastos ni Harvey sa Ward family ang narinig ni Josh kundi pati sa buong Longmen. Bilang isang disipulo ng Longmen, sobra siyang nagalit at nagsimulang dumaloy paakyat ang natitirang dugo niya. Nagsimulang sumirit ang dugo mula sa kanyang lalamunan sa susunod na sandali. Bumagsak pagilid ang u
Dahan-dahang itinaas ni Samuel ang kanyang tingin. Pagkatapos suriin si Harvey, ngumiti siya. “Nagdala ka kaya ngayon ng isang malaking regalo para tanungin ako tungkol sa mga krimen ko, o handa ka bang bigyan ako ng pahayag.” Ang mga tauhan sa tabi ni Samuel ay nanginig sa takot at paghanga sa mga sinabi niya.Natural, hindi nila inaakalang ang ganitong nakakatakot at matapang na lalaking tulad ni Samuel ay magiging ganito kakalma sa harapan ni Harvey.Kahit anong mangyari, si Harvey ang taong pumatay ng tatlong buong pamilya sa labas! Dinungisan niya ang danghal ni Samuel! Niyuyurakan niya ang dignidad ng buong Longmen! Nanatiling walang-bahala si Harvey sa sitwasyon. Hindi siya nag-abalang bigyan ng maayos na sagot si Samuel.“Maayos na pahayag? Nakipagtulungan ang Ward family sa Island Nations Ninja House upang pagbintangan at paslangin ako. Hindi mo ba ako bibigyan ng maayos na pahayag tungkol dito, master of Longmen?”Kalmadong sumagot si Samuel, “Binalaan na kita nit
“Isang Island Nation swordsman?” Kumunot ang noo ni Harvey. Ngumisi si Samuel. “Talagang isang Island Nation swordsman ang lalaking ito. Nagmamay-ari siya ng isang kendo hall sa Mordu. Nagtuturo siya ng kendo sa publiko, ngunit palihim siyang gumagawa ng karumal-dumal na bagay na walang nakakaalam.” “Inupahan ba siya ni Josh?” “Tama. Isipin mo malaki ang makukuha niya dito. Balak niyang maglaban kayo hanggang kamatayan ng swordsman na ito kapag hindi kita napatay.” “Kapag natalo ka, mamamatay ka. Kapag nanalo ka, magdudulot ka ng malaking problema sa sarili mo at makukuha mo ang pansin ng ibang mga Island Nation swordsmen.” Naningkit ang mga mata ni Harvey nang hindi nagsasalita. Limang disipulo ng Longmen ang lumabas mula sa dilim, lahat sila ay ay may mahahabang spada. Hinawakan ng Island Nation swordsman ang mahabang spada sa kanyang baywang. Kasunod nito, nagkaroon ng isang malakas na liwanag. Nanginig ang mga disipulo. Kasunod nito ay bumagsak sila sa sahig haban
Ang Island Nation swordsman ay naglabas ng isang aura na hindi mapapantayan kahit ng isang libong kalaban. Ang mahabang spadang hawak niya ay parang kidlat. Tuwing ihahawi niya ito, maglalabas ng nakakatakot na liwanag ang spada. Dalawang disipulo ng Longmen na may hawak na mahahabang spada ang lumapit nang sabay. Mukhang mas malakas sila sa ibang mga disipulo. Lumiwanag nang husto ang mga spada nila, para bang nakatutok ito sa eskrimador. Hindi umalis sa pwesto nito ang eskrimador. Sa halip, humiwa ito pababa. Clang!Kaagad na nahiwa sa dalawa ang dalawang mahabang spada. Ang dalawang disipulo ay dahan-dahang umatras habang sumisigaw sila sa sakit at pagkabigla. Hindi nagtagal, bumagsak sila sa sahig, hindi makagalaw. Ang ibang mga disipulo, na sobrang tapang kanina, ay hindi na naglakas-loob na sumugod pa. Umatras silang lahat upang protektahan si Samuel at Harvey. Ngunit matutukoy ng kahit sino na nabawasan na ang tapang nila dahil sa eksrimador. Kumunot ang noo ni
Schwing!Ito na naman ang kendo ng Island Nation! Hindi umatake paharap si Kaito, sa halip ay gumuhit siya ng bilog sa paligid niya. Tapos biglang bumalot ang isang bilog sa kanyang katawan. Blag! Hindi nakakibo ang mga disipulo sa kanyang atake. Tumalsik silang lahat, habang sumisirit ang dugo sa kanilang dibdib. Malakas ang lalaking ito! Napakalakas! Tatlong beses na mas malakas si Kaito kapag hawak niya ang maikling spada kumpara noong hawak niya ang mahabang spada! Ang isang hiwa ay nakakapatay ng dalawang dosenang tao! Naglakad paharap si Kaito, hinihiwa ang lahat ng humaharang sa kanyang daan. Sa isang iglap, higit limampung disipulo na ang walang malay sa sahig. Ang mga disipulong pumoprotekta kay Samuel ay unti-unting nauubos. Ang mga nakakataas ng Longmen at ang mga malalakas na tao mula sa underworld ay nanghina sa nakita nila. ‘Ang lakas niya!’ ‘Masyadong malakas ang Island Nation sowrdsman na ito!’ Sa ganito kalakas na atake, walang nakaligtas.
“Magpakamatay ka na ngayon pa lang.” Kalmadong sinabi ni Samuel. “Kapag hinintay mo pang gawin ko ito para sa’yo, masalimuot ang magiging kamatayan mo.” “Magpakamatay?!” Walang-bahalang tumawa si Kaito.“Sino ka ba sa tingin mo?!” “Kayong mga tao mula sa Country H ay laging nagyayabang tungkol sa martial arts ng bansa niyo at sa kasaysayan nito, pero puro palabas lang ‘yun!” “Anong nagbigay sa’yo ng tapang na magsalita sa akin nang ganyan?” “Hindi mo ba alam kung ano ang kamatayan?” Lumapit ang isa sa mga tauhan ni Samuel nang seryoso at sumigaw, “Ang bastusin ang master ng Longmen, gusto mo talagang mamatay!” “Ang master ng Longmen?” Seryoso ang mukha ni Kaito.“May lakas na loob na magyabang ang isang matanda ngayon?” “Tingin mo ba pwede lang bastang magyabang ang isang karaniwang tao sa harap ng Shindan Way ng Island Nations?” “Kalokohan! Ang mga tao ng Country H ay mga lumpong hayop mula sa silangan!” Puno ng panghahamak ang mukha ni Kaito. Kaagad niyang
Kumalat ang balita hindi nagtagal bago umalis si Harvey.Isa sa mga top talents mula sa Island Nations, si Kaito Yamaguchi, ay sinubukan patayin si Samuel Bauer. Si Josh Ward at ang kanyang pamilya ay lumaban ng magiting laban kay Kaito at namatay sa laban!Dahil dito, si Samuel ay humiling ng statement mula sa Shindan Way..Ang pagkalat ng balita ay nagpakita na walang mga bakas ng kaugnayan ni Harvey sa bagay na ito.Medyo nanigas si Harvey bago bumalik sa kanyang katinuan.Ayaw ni Samuel si Harvey na makilala sa Mordu bago siya pumunta doon.Nararapat para kay Samuel na hayaan si Harvey sa mga bagay sa Mordu ng tahimik. Ito ay magiging benepisyal din para sa Longmen.Sa puntong ito, nakahanda na si Harvey ay magpupunta sa Mordu.Sa may Gardens Residence, si Mandy ay abala na inaasikaso ang negosyo tungol sa pamilya Zimmer sa South Light at hindi pa makabalik sa bahay.Ayaw ni Harvey na guluhin siya. Ito ay magandang pagkakataon para kay Mandy na umangat sa rangko. Si Harvey
Si Harvey ay walang kahit isang pagkakataon na ipaliwanag ang lahat, kahit matapos si Kelly sa tawag.Iniisip ang anak ni Kelly, si Hazel, isang walang magawang ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Harvey.Ang babaeng ito ay patuloy na sinusundan si Harvey dati. Sa ngayon, siya ay lumaki sa isang mahusay na babae.Pero ngayon si Harvey ay hindi interesado sa pagiging live-in son-in-law ng pamilya Malone.Tutal si Harvey ay nagkataon na kaugnay kay Kelly, siya ay siguradong kikitain ang pamilya Kelly matapos na pumasok sa Mordu.…Alas nuwebe na ng gabi, pero si Mandy ay hindi pa nakakabalik.Si harvey ay palabas na para hanapin siya sa bahay ng pamilya Zimmer, pero ang itim na Lexus ay biglang dumating at huminto sa harap ni Harvey sa harap na pintuan.Si Ray ay lumabas sa kotse, isang nagaalalang tingin ang nasa kanyang mukha.“CEO York, si Miss Xavier ay nakakuha ng tawag isang oras ang nakalipas!”“Inabot niya ang lahat ng bagay na meron siya mula sa Sky Corporation sa akin,