Share

Kabanata 1604

Schwing!

Ito na naman ang kendo ng Island Nation!

Hindi umatake paharap si Kaito, sa halip ay gumuhit siya ng bilog sa paligid niya.

Tapos biglang bumalot ang isang bilog sa kanyang katawan.

Blag!

Hindi nakakibo ang mga disipulo sa kanyang atake. Tumalsik silang lahat, habang sumisirit ang dugo sa kanilang dibdib.

Malakas ang lalaking ito!

Napakalakas!

Tatlong beses na mas malakas si Kaito kapag hawak niya ang maikling spada kumpara noong hawak niya ang mahabang spada!

Ang isang hiwa ay nakakapatay ng dalawang dosenang tao!

Naglakad paharap si Kaito, hinihiwa ang lahat ng humaharang sa kanyang daan. Sa isang iglap, higit limampung disipulo na ang walang malay sa sahig. Ang mga disipulong pumoprotekta kay Samuel ay unti-unting nauubos.

Ang mga nakakataas ng Longmen at ang mga malalakas na tao mula sa underworld ay nanghina sa nakita nila.

‘Ang lakas niya!’

‘Masyadong malakas ang Island Nation sowrdsman na ito!’

Sa ganito kalakas na atake, walang nakaligtas.

Chapitre verrouillé
Continuer à lire ce livre sur l'application

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status