Walang malay na gustong umatras si Karl, ngunit imposible para sa kanya na maging mas mabilis kay Harvey. Bago pa man siya makakibo, nasa harapan na niya si Harvey. Nasabi niya dahil sa pagkataranta niya, “Harvey, mga sibilisado tayong tao dito. Ikaw…!” Crack!Ang kaliwang kamay ni Harvey ay hawak ang leeg ni Karl sa sandaling nagsalita si Karl. Kaagad na naamoy ni Karl ang kamatayan sa paligid. Alam ni Karl na kapag hinigpitan pa ni Harvey ang pagkakahawak sa kanya nito, mamamatay na si Karl. Ayaw pang mamatay ni Karl sa kamay ng isang lalake na malapit nang masira. Nanginig ang kanyang mga mata, ngunit pinilit pa din niyang ngunmiti at sinabi, “Ano? Papatayin mo ba ako, Prince York?” Malamig na tumawa si Karl. “Gawin mo, kung ganun! Sigurado naman ako na kaya mo akong patayin sa isang pisil ng kamay mo.” “Pero kapag namatay ako, ang Quinlan family mula Georgia ay hindi palalampasin ang ginawa mo!” “Kapag hindi mo pa ako pinatay ngayon, susunggaban ko ang mga ta
Halos kasabay lang nito, isang pink na Rolls Royce Phantom ang lumitaw. Ang paglitaw nito ay humatak ng atensyon ng bawat isang tao na nandoon. Ang kotseng ito ay nakaparada sa entrance ng Sky Corporation. Nang bumukas ang mga pinto, dalawang tao ang lumabas. Pareho silang nakapula. Ang isa ay mukhang malumanay, habang ang isa naman ay mukhang bata at nakakaakit. Ngunit kahit na ano pa man ang tingin sa kanila ng mga tao, pareho silang mga diyosa. Sila ay walang iba kung hindi sila Mandy at Xynthia. “Sino ang mga magandang binibini na ito?” “Ang lakas ng loob nila na pumunta dito upang suportahan ang Sky Corporation ng ganito?” “Nababaliw na ba sila, o meron ba silang makapangyarihan na pinagmulan?” “Ang isang yun ay si Mandu Zimmer, ang anak na babae ng Zimmer family ng South Light. Si Harvey ay ang kanyang live-in na asawa!” “Ang isa marahil ay ang kanyang hipag!” “Ang ganda nila, nakakapanghinayang lang at pareho silang mga tanga. Hindi ba nila alam ang kasabi
Sa may bulwagan ng Sky Corporation…Mahinahon na tiningnan ni Harvey ang stocks na nagiging pula sa may display. “Bayaw, hindi ka ba natutuwa?” Hinawakan ni Xynthia ang kamay ni Mandy habang nilalagay ang isang magandang flower basket sa may tabi ng pasukan, habang masiglang nakangiti sa kanya. “Si Ate at ako ay naghanda ng tatlong araw ng palihim para lang suportahan ka ngayong araw na ito!” “Hinaharap ni Ate ang Zimmer family, umaarte na parang gusto na niyang makipaghiwalay sayo. Ngunit ang totoo, naghahanap siya ng paraan para maisalin sayo ang lahat ng assets ng Regency Enterprise!” “Ginawa namin ang lahat ng ito para lang panigan ka sa araw na ito!” “Kung biglang malugi ang Regency Enterprise, ikaw ang magiging responsibilidad mo na alagaan kami, Bayaw!” Lumapad ang ngiti ni Xynthia. “Huwag kayong mag-alala, sisiguraduhin ko na maaalagaan ko kayong dalawa.” Binalik ni Harvey ang ngiti. Pagkatapos ay nabaling ang kanyang tingin kay Mandy. “Hindi naman ito isa
habang pinapakita ng display ang pagbagsak ng halaga ng merkado… Muling umalingawngaw ang tunog ng isa pang sasakyan sa may kalsada. Isang napakalumang kotse ang nakitang mabagal na papalapit patungo sa Sky Corporation bago ito pumarada sa may pasukan. Ang kotse ay mukhang malapit na itong magkalasan anumang oras. Si Faye at ang kanyang mga kasama ay tinignan ito ng puno ng pandidiri. Desperado na talaga si Harvey! Bukod sa kanyang asawa at hipag, wala na siguro siyang nahanap na ibang tao na kakampi sa kanya. Hinayaan niya ang isang taong tulad nito na magmaneho ng ganitong klaseng sasakyan para lang suportahan siya? Ano ba to? Isa ba tong biro?Bakas ang panlilibak sa mga mukha nila Karl at Peter. Sa sumunod na sandali, isang matandang lalake na nakasuot ng kurbata ang lumabas sa kotse. Isang makisig na lalake at isang magandang babae ang tumayo sa magkabilang gilid niya: sila Avel at Rosalie Naiswell. Pinagsalikop ni Shane Naiswell ang kanyang mga kamay at sin
Sumama ang ekspresyon ni Faye sa deklarasyon ni Avel. Naalala niya ang nangyari sa Flynn Antiques noon. Gustong-gusto niyang tanggalin ang bibig ni Avel! Sinagot ni Faye ang phone niya nang may malamig na mukha. "Pinagsususpetsahan na ang Antique Cities ng Naiswell family ay nagpapadala ng mga peke. Sabihan mo ang mga tao sa antique management system na imbestigahan sila!" "Isa pa! Tawagan mo ang bawat isang medium hanggang small shareholder ng Naiswell family. Sabihan mo sila na bibilhin natin ang buong stock nila!" "At saka, tawagan mo ang bawat isang pamilya na may koneksyon sa Star Chaebol at ang top four families mula sa Hong Kong. Sabihan mo sila na i-blacklist ang Naiswell family mula ngayon!" "Gusto kong malugi ang Naiswell family ngayon din!" Malamig na nag-utos si Faye laban sa Naiswell family, kasama ng lahat ng kumampi sa Sky Corporation. Nakinig ang lahat dito sa panghihinayang. Pagkatapos ay tumingin silang lahat kay Shane nang may pagkamuhi. Magiging na
Kaagad na nanahimik ang lahat pagkatapos marinig ang pangalang iyon. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Talagang nagpunta ang isang malaking karakter na kagaya niya para suportahan si Harvey? Kahit na isang libo at limang daang dolyar lang ito, sino ang magtatangkang sayangin ang investment niya? Sinong magtatangkang tanggalan siya ng pera? Baka kailanganin ng nila o pamilya nila ang tulong niya para gumaling kapag nagkasakit sila nang malubha. Hindi pinansin ni Oskar ang lahat at simpleng nilapitan ang mga mamamahayag habang bahagyang kumaway. "Ako, si Oskar Armstrong, at bibili ng ilan sa stocks ng Sky Corporation. Hindi naman ito maituturing na inside trade, tama?" Nagkatinginan ang lahat ng mga mamamahayag. Ilang segundo ang nakalipas, kumalat ang balita na parang apoy. Malaki ang epekto ng balita mula sa stock market! Nakita ng isang malaking grupo ng mga investor na si Oskar Armstrong, sa lahat-lahat ng tao, ay bumibili ng stock mula sa Sky Corporation. Kaa
Isang first-rate city ang Buckwood. Maraming mga magagarang kotse at nakakamanghang plaka ang nasa paligid. Ilan sa mga kotse ay mayroong plaka na nagmula sa Hong Kong, Las Vegas, at pati sa mga siyudad sa loob ng bansa. Pero kahit na gaano pa kagaling ang mga plaka na iyon, hindi ito maikukumpara sa Audi A6 na nasa harapan ng lahat. Ang plaka nito ay minarkahang "Buckwood 00001"! Iisang plaka lang ang may ganitong numero hindi lang sa Buckwood, kundi sa buong South Light. Iisang tao lang ang pwedeng magmay-ari nito! Siya ay walang iba kundi ang first-in-command ng South Light, si Sheldon Xavier mismo! May mga usap-usapan na ililipat na ang first-in-command ng South Light. Kahit na ganoon, basta't siya ang nasa opisina, siya pa rin ng hari. Kahit gaano pa ka-makapangyarihan ang isang tao, hindi nila pwedeng banggain si Sheldon kung gusto pa nilang mamuhay sa South Light. Ito mismo ang dahilan kung bakit nanahimik ang lahat sa sandaling nakita nila ang plaka. Hindi n
Boom!Malayo si Sheldon, pero naramdaman nina Peter at ng iba pa ang hindi matinding bigat na papunta sa kanilang direksyon. Ito ang awtoridad ng first-in-command ng South Light, si Sheldon Xavier, na nagtrabaho sa gobyerno nang maraming taon! Hindi lang iyon, parte rin siya ng Xavier family mula sa Wolsing! Isa ang Xavier family sa top ten families sa Country H. Kinakatawan ng presensya ni Sheldon rito ang suporta ng buong pamilya kay Harvey. Sa sandaling ito, biglang naglaho ang bigat na nagmumula sa Jean family mula sa Mordu. Yumuko ang lahat ng naroon, wala silang tapang na tumingin sa mga mata ni Sheldon. Mukha silang miserable, lalo na ni sina Peter, Karl, at Faye. Kailangan nilang iwasan ang namumuhing titig ni Sheldon kahit na anong mangyari. “Hmph!”Kasabay ng titig ni Sheldon, malamig na suminghal sina Yoel at ang iba pang opisyal ng gobyerno habang tinignan nila ang kanilang paligid. Kinakatawan nila ang pamahalaan ng Buckwood at South Light. Sina Sheldon