Kaagad na nanahimik ang lahat pagkatapos marinig ang pangalang iyon. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Talagang nagpunta ang isang malaking karakter na kagaya niya para suportahan si Harvey? Kahit na isang libo at limang daang dolyar lang ito, sino ang magtatangkang sayangin ang investment niya? Sinong magtatangkang tanggalan siya ng pera? Baka kailanganin ng nila o pamilya nila ang tulong niya para gumaling kapag nagkasakit sila nang malubha. Hindi pinansin ni Oskar ang lahat at simpleng nilapitan ang mga mamamahayag habang bahagyang kumaway. "Ako, si Oskar Armstrong, at bibili ng ilan sa stocks ng Sky Corporation. Hindi naman ito maituturing na inside trade, tama?" Nagkatinginan ang lahat ng mga mamamahayag. Ilang segundo ang nakalipas, kumalat ang balita na parang apoy. Malaki ang epekto ng balita mula sa stock market! Nakita ng isang malaking grupo ng mga investor na si Oskar Armstrong, sa lahat-lahat ng tao, ay bumibili ng stock mula sa Sky Corporation. Kaa
Isang first-rate city ang Buckwood. Maraming mga magagarang kotse at nakakamanghang plaka ang nasa paligid. Ilan sa mga kotse ay mayroong plaka na nagmula sa Hong Kong, Las Vegas, at pati sa mga siyudad sa loob ng bansa. Pero kahit na gaano pa kagaling ang mga plaka na iyon, hindi ito maikukumpara sa Audi A6 na nasa harapan ng lahat. Ang plaka nito ay minarkahang "Buckwood 00001"! Iisang plaka lang ang may ganitong numero hindi lang sa Buckwood, kundi sa buong South Light. Iisang tao lang ang pwedeng magmay-ari nito! Siya ay walang iba kundi ang first-in-command ng South Light, si Sheldon Xavier mismo! May mga usap-usapan na ililipat na ang first-in-command ng South Light. Kahit na ganoon, basta't siya ang nasa opisina, siya pa rin ng hari. Kahit gaano pa ka-makapangyarihan ang isang tao, hindi nila pwedeng banggain si Sheldon kung gusto pa nilang mamuhay sa South Light. Ito mismo ang dahilan kung bakit nanahimik ang lahat sa sandaling nakita nila ang plaka. Hindi n
Boom!Malayo si Sheldon, pero naramdaman nina Peter at ng iba pa ang hindi matinding bigat na papunta sa kanilang direksyon. Ito ang awtoridad ng first-in-command ng South Light, si Sheldon Xavier, na nagtrabaho sa gobyerno nang maraming taon! Hindi lang iyon, parte rin siya ng Xavier family mula sa Wolsing! Isa ang Xavier family sa top ten families sa Country H. Kinakatawan ng presensya ni Sheldon rito ang suporta ng buong pamilya kay Harvey. Sa sandaling ito, biglang naglaho ang bigat na nagmumula sa Jean family mula sa Mordu. Yumuko ang lahat ng naroon, wala silang tapang na tumingin sa mga mata ni Sheldon. Mukha silang miserable, lalo na ni sina Peter, Karl, at Faye. Kailangan nilang iwasan ang namumuhing titig ni Sheldon kahit na anong mangyari. “Hmph!”Kasabay ng titig ni Sheldon, malamig na suminghal sina Yoel at ang iba pang opisyal ng gobyerno habang tinignan nila ang kanilang paligid. Kinakatawan nila ang pamahalaan ng Buckwood at South Light. Sina Sheldon
Hindi maintindihan ni Karl kung bakit may karapatan si Harvey na masuportahan ng lahat ng mga malalaking tao sa gobyerno. Mayaman nga ang Star Chaebol, pero sa huli, isa lamang representative ng Country H si Representative Lee. Tinatawag siyang hari sa mga probinsya sa hilaga, pero hindi ibig sabihin nito ay mayroon siyang malaking reputasyon sa South Light. Makapangyarihan rin ang top four families mula Hong Kong. Pero ngayon, wala sa kanila ang narito. Iisipin lang nilang pumunta kapag patay na sina Flynn at ang iba pa. Kung hindi, paano makakapag-isip ang kahit na sino sa kanila na ma-short stock ang Sky Corporation sa ilalim ng sitwasyong ito? Paano nila pababagsakin ang stocks ng kumpanya? Paano nila malulugi si Harvey? Natuyo ang lalamunan ni Karl, at lumingon siya kay Faye. Pagkatapos ay malamig siyang nagsabi, "Princess Goddard, ano nang gagawin natin? Paanong gagawin ni Master Flynn…" "Isara mo ang bibig mo!" Napakasama ng ekspresyon ni Faye. Suminghal siya n
Naunang bumukas ang pinto ng Maybach. Si Matthew Flynn, na nakasuot ng amerikana, ay lumitaw.Isang manipis at mahabang sigarilyong walang sindi ang nasa pagitan ng kanyang mga daliri.Ang kanyang kaswal na hakbang ay naglalabas ng matinding kapangyarihan.Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng Rolls Royce. Si Quinton York, na nakasuot ng kaswal na kasuotan, ay lumabas.Si Quinton ay dating isa sa Famous Four ng mga York. Sino sa South Light ang hindi makakakilala sa kanya?Subalit, walang nag-akalang magbabago nang husto si Quinton at magiging isa sa four masters ng Hong Kong pagkatapos gumuho ng York family.Nagulat ang madla sa pakana niya.Ang paglitaw ng dalawa ay sapat na upang sakalin ang Buckwood, maging pati ang awtoridad ng South Light sa puntong hindi na sila makahinga, kahit ito pa ay ang kilalang si Matthew Flynn o ang bagong master mula sa Hong Kong na si Quinton York.Napuno ng galak ang mukha ni Karl, habang nanginig sa saya si Faye.Kumunot ang noo ni Harvey.
“Ito talagang si Elder Xavier, nakakatakot. Talagang nakakatakot, ang lord ng siyudad na ito…”Pumalakpak si Quinton at ngumiti.“Talagang makapangyarihan ka bilang ang first-in-command ng South Light, pero nandito rin ako ngayon upang kumatawan sa kagustuhan ng lola ko.“Mula ngayon, ikaw at ang pamilya mo na ang magiging puntirya ng York family!”“Sasabihan ko pa ang mga mas mataas na awtoridad na pag-initan ka rin!”“Kapag hindi mo ginawa ang pinapagawa namin, kaming mga York mismo ang gagawa nito!”Kinakatawan ng York family ang matinding kapangyarihan.Kahit na ang Xavier family ay isa sa top ten families ng Country H, kayang-kaya ng mga York na paguhuin ang mga Xavier kapag ginusto nila.“Dahil nag-anunsyo na ng ganitong balita si Master York, ako rin ay maglalahad ng balita…”Sinindihan ni Matthew ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang daliri at ngumiti, habang naniningkit ang kanyang mga mata.“Ang sinumang kakampi kay Harvey ng Sky Corporation ay ituturing na kalaban ng
“Sinong bulag na hangal ang naglalakas-loob na hamunin ako?!”Nang marinig ni Matthew ang isang matapang na boses na nagtatapang na banggain siya sa ganitong sandali, sumabog siya sa galit.“Magpakita ka!”Si Quinton, na nakakilala sa lalaki, ay hindi nagkaroon ng oras na pigilan si Matthew. “Magpakita ako?”“Ang four top families ng Hong Kong? Napakatikas! Nakakatakot!”“Mukhang ang four top families ng Hong Kong ay hari na ng Country H ngayon, kahit na wala akong pake sa presensya niyo!”Isang matandang lalaking nakasuot ng berde ang lumitaw. Inaalalayan siya ng isa pang tao habang naglalakad siya patungo sa harap ng Sky Corporation mula sa kalye.Sobrang lamlam ng kasuotan niya; ang galaw niya ay mabagal rin, ngunit kauntin hakbang lamang ang kailangan niya upang maglakbay ng 300 talampakan.Naningkit ang mga mata ni Harvey at kaagad na nakilala ang lalaki. Ito ay walang-iba kundi ang master ng Longmen, si Samuel Bauer mismo!Tinawagan ni Harvey si Samuel sa araw bago ang
Kalmadong naglakad si Samuel patungo kay Harvey, at tumango pagkatapos itong tingnan sa mata. Pagkatapos ay tumalikod ito at tinignan nang masama si Matthew.“Nagpakita na ako, Master Flynn.”“Paano mo kaya ako paparusahan? Paano mo kaya ako pipigilan?”Nanignig si Matthew. Ang kayabangan niya kanina ay kaagad na naglaho at yumuko siya.“Nagkamali ako, master of Longmen. Pakiusap patawarin mo ako!”Kasinlamig ng yelo ang mukha ni Samuel. “Humingi ka ng tawad kay Prince York ngayon na!”Kumirot ang mga mata ng lahat sa mga salitang iyon. Hindi lamang pinagtatanggol ni Samuel si Harvey, pinapaganda niya pa ang reputasyon nito! Nagbago nang husto ang mukha ni Matthew. Matagal niyang pinagplanuhan ang lahat at nagsama pa siya ng ganito kalakas na pwersa. Paano niya magagawang basta na lang sumuko?Tumayo siya nang diretso at sumagot, “Elder, ako…”Pak! Hinawi ni Samuel ang kanyang palad sa mukha ni Matthew. “Humingi ka ng tawad!”Tumulo ang dugo mula sa bibig ni Matthew, n