Matapos ang isang minuto, si Oliver Bauer ay kinumpas ang kanyang kamay, sumenyas sa kanyang tao na tumigil. Tapos nanlalamig siyang tumitig kay Harvey York, “Ikaw ba ang siyang nanakit sa aking inaanak, si Hugh Baker?”“Oo!”Walang pakialam na sinabi ni Harvey. Wala siyang pakialam tungkol dito.“Mahusay. Magaling ka, nakakatuwa!”Ngumisi si Oliver matapos makita ang yabang ni Harvey sa sandaling iyon, “Alam mo ba kung ano ang kahihinatnan ng pananakit sa aking inaanak?”Kalmadong sinabi ni Harvey, “Bakit hindi mo tanungin bakit ko siya sinaktan?”Maraming tao ang ngumisi ng marinig nila ito. Sa sandaling iyon, si Harvey ay gusto pa din magrason sa kanya at magusap tungkol sa batas.Nababaliw na siya!“Hindi ko kailangan magtanong. Hindi kailangan magtanong!”Inilagay niya ang kanyang kamay sa likod niya at nanlalamig na nakatitig kay Harvey. “Kailangan ko lang malaman kung ikaw ang siyang nanakit sa aking inaanak. Iyon lang!”Patuloy na nanulsol si Hugh sa tabi, sinasabi, “
Ang mga tao ay tahimik!Ang lahat ay nakanganga habang nakatingin sa eksenang ito, nararamdaman ang kanilang anit na kinikilabutan. Hindi nila ito matanggap.Si Oliver Bauer ay nandoon at maraming mga tauhan ang nandoon. Ang lakas ng loob ni Harvey York na sampalin si Hugh Baker?Natatakot ba siya na hindi siya mamamatay ng miserable?Si Oliver ay mas napatunganga. Ito ay dahil, sa kanyang opinyon, kahit sino na medyo may utak ay susuko sa sandaling iyon.Ito ay dahil siya ay ang branch leader ng Longmen, sa Mordu. Siya ay may mataas na posisyon at may matinding lakas. Ang pagtapak kay Harvey hanggang mamatay ay simple lang tulad ng pagtapak sa langgam.Subalit, walang nagakala na si Harvey ay talagang hindi papansinin ang kanyang existensya at sasampalin si Hugh sa publiko. Tinapakan niya pa ang dibdib ni Hugh sa ilalim ng kanyang paa.Ito ay hindi lang tungkol sa pagsampal sa mukha ni Oliver pero pati na din ang pagatake sa Longmen sa parehong sandali!“Patayin siya! Kungg m
Hindi pinansin ni Harvey York ang mga taong iyon at mahinahon na sinabi, “Elder Bauer, hindi ako mangangahas na utusan ka na gumawa ng kahit na ano. Pero may gusto akong itanong sayo: ano ba ang orihinal mong intensyon noong nagdesisyon ka na itatag ang Longmen?”May napagtanto si Samuel Bauer, ngunit ngumiti pa din siya at sumagot, “Para protektahan ang bansa para sa emperador!“Syempre, ito ang dahilan!” Tumawa si Harvey. “Pagpapasaya sa pinuno ng sangay sa ilalim mo at mayabang na pambu-bully sa mga mamamayan. Ginawa mo ang lahat ng iyon sa ngalan ng pagprotekta sa bansa?“Kung ginawa mo yun, pakiramdam ko ay hindi na kailangan ang Longmen kung ganun!” Nanatiling tahimik si Samuel sandali. Pagkatapos ay nagpatuloy na nagsalita. “Harvey, ano ba talaga ang eksaktong nangyari? Sisiguraduhin ko na mabibigyan ka ng patas na sanaysay.” Mahinahon na sumagot si Harvey, “Wala naman. Isa lang naman sa mga branch leader niyo ang balak lang naman akong patayin. “Kahit na gusto ko
Nagulat ang mga tao, natahimik, at natakot! Nakaluhod ang branch leader ng Longmen sa harapan ng isang junior at sinampal ng kaliwa’t kanan. Walang maniniwala kung wala sila mismo doon! Hindi na mahalaga pa kung anong pagkatao ni Harvey York o kung ano pa ang tawag nila sa kanya. Ngunit alam na kung sino ang nagwagi. Nang lumuhod si Oliver Bauer, ang lahat ng kanyang dignidad at pride ay naglaho na. At ang lahat ng tatlumput-anim na lalake na nakaluhod sa lapag ay wala na ding lakas ng loob na tumingala. Ito ay ligtas na sabihin na siya ay kaawa-awa tulad ng siya ay nangingibabaw noon.Ang mga taong pumunta doon upang ipagtanggol si Hugh Baker ay lahat natakot sa nakikita nilang eksena at tahimik na umatras. Kahit na hindi sila makatakas, lahat sila ay pareho ang iniisip, at iyon ay ang umiwas kay Hugh at magpanggap na hindi nila ito kilala. Puno ng sama ng loob sila Hugh at tristan Quinlan. Gusto nilang sakalain si Harvey hanggang sa mamatay ito. Bakit ganito kahir
Sa may Garden Residence. Maingat na pumasok sa loob si Harvey York, at maliligo na sana siya sa banyo. Na may umalingawngaw na tunog, ang buong sala na kasing dilim ng gabi ay biglang lumiwanag. Sila Mandy Zimmer at Xynthia Zimmer ay nakasuot ng pajyama sa may sopa, nakayakap sa kanilang mga braso habang pinanlilisikan si Harvey. Si Master York, na nilumpo ang isang branch leader ng Longmen, ay naramdaman na para bang namamanhid na ang kanyang ulo. Pinilit niyang ngumiti at nagtanong, “Mandy, Xynthia, bakit hindi pa kayo mga tulog?” “Ano ang ginawa mo sa laba? At bakit gabing gabi ka na nakabalik?” Nakasimangot si Mandy. Tugon ni Harvey, “Wala naman. Pumunta lang ako para makipag-usap sa ninong ni Hugh.” “At anong nangyari pagkatapos?” “At pagkatapos, napagtanto ng mag-ama na nagkamali sila. Nangako sila na hindi na sila tatapak pang muli sa Buckwood kahit na kailan, pagkatapos ay naghawak kamay silang umalis,” sabi ni Harvey, puno ng lakas ng loob. Nagkatingi
Sa sumunod na araw.Nalaman na ni Harvey York na pinatay si Oliver Bauer kaninang umaga. Pagkatapos tawagan si Yannick Bisson, pumunta si Harvey sa isang punerarya. Masyadong pambihira ang pagkatao ni Oliver. Iyon ang dahilan kaya bukod kay Yannick, nandoon din pati si Yoel Graham. Sa loob ng morge, may katawan na kasing putla ng multo. Ito ay walang iba kung hindi ang katawan ni Oliver, ngunit may pulang tuldok sa noo nito. Sinuri ni Harvey ang katawan at kalmadong sinabi, “Anong nangyari dito?” Huminga ng malalim si Yannick at sumagot, “Pagkatapos lisanin nila Oliver at ng kanyang grupo ang parking lot kagabi, pumunta sila ng Edward Hospital para gamutin ang kanilang mga sugat. Pagkatapos ay pumunta sila ng Buckwood International Airport. “Halos labindalawang milya mula sa airport, pinabuksan ni Oliver ang bintana ng sasakyan ng makaalis sila ng urban district. Ato doon sa oras na iyon tumama ang isang suppressed bullet sa kanyang ulo. Namatay siya sa isang bala lang!
Walang reaksyon si Harvey York. Si Yannick Bisson, na nakatayo sa may gilid, ay biglang nagsalita, “CEO York, ano sa tingin mo ang motibo ng pumatay sa pagpatay niya kay Oliver Bauer?” Mahinahon na sumagot si Harvey, “Hindi ito para sa pera, at hindi rin ito para maghiganti. Malamang ay para gumawa ng gulo. “Hindi marahil laban sa akin, ngunit ang pumatay ay kahit paano ay sinusubukan na guluhin ang Buckwood para sa isang dahilan. Walang duda na ganun na nga ang balak niya. “Lalo na, ang Buckwood ngayon ay parang isang bakal na timba. Imposible para sa mga taga-labas na basta na lang pumasok kung kailan nila gustuhin. “Pero kung gusto nila akong itulak sa sentro ng kaguluhan at ang gobyerno ng South Light ay kailangan na itapon ako palabas para mabigyan ng patas na salaysay si Samuel Bauer, pwes, baka magkaroon sila ng pagkakataon na makapasok.” Ng hindi nagdadalawang-isip, nagpatuloy sa pagsasalita si Harvey. “Kung iisipin natin ito sa ganitong paraan, ang motibo ng p
Kalmadong sumagot si Harvey York, "Kahit na totoo ang lahat ng sinabi mo, anong namang magagawa mo?" Niyakap ni Rachel Hardy ang sarili niya at tinitigan si Harvey. "Tama na ang kalokohang to. Lumuhod ka at baliin mo ang mga braso mo, pagkatapos ay mag-uusap tayo pagkatapos mong lumuhod ng pitong araw sa harapan ng libingan ng master ko! "Kung hindi, hindi mo kakayanin ang magiging kahihinatnan nito!" Dominante si Rachel sa sandaling ito. Mayroong hindi masabing aura na bumabalot sa kanya. Malinaw na may kakayahan ang babaeng ito. Para bang lumaban na siya sa giyera noon. Mabangis na nakatitig kay Harvey ang mga kasamahan niya na para bang papatayin nila siya sa kahit anong minuto. Kalmadong sumagot si Harvey, "Kung ganun, sinasabi mo na hindi mo na iimbestigahan ang bagay na'to?" "Imbestigahan?! Nandito na ang lahat ng pruweba, bakit pa kailangang mag-imbestiga?!" Malamig na sagot ni Rachel. "Kahit na hindi mo gawin yun, sa tingin mo narwraapy ka para baliin ang bras