Walang reaksyon si Harvey York. Si Yannick Bisson, na nakatayo sa may gilid, ay biglang nagsalita, “CEO York, ano sa tingin mo ang motibo ng pumatay sa pagpatay niya kay Oliver Bauer?” Mahinahon na sumagot si Harvey, “Hindi ito para sa pera, at hindi rin ito para maghiganti. Malamang ay para gumawa ng gulo. “Hindi marahil laban sa akin, ngunit ang pumatay ay kahit paano ay sinusubukan na guluhin ang Buckwood para sa isang dahilan. Walang duda na ganun na nga ang balak niya. “Lalo na, ang Buckwood ngayon ay parang isang bakal na timba. Imposible para sa mga taga-labas na basta na lang pumasok kung kailan nila gustuhin. “Pero kung gusto nila akong itulak sa sentro ng kaguluhan at ang gobyerno ng South Light ay kailangan na itapon ako palabas para mabigyan ng patas na salaysay si Samuel Bauer, pwes, baka magkaroon sila ng pagkakataon na makapasok.” Ng hindi nagdadalawang-isip, nagpatuloy sa pagsasalita si Harvey. “Kung iisipin natin ito sa ganitong paraan, ang motibo ng p
Kalmadong sumagot si Harvey York, "Kahit na totoo ang lahat ng sinabi mo, anong namang magagawa mo?" Niyakap ni Rachel Hardy ang sarili niya at tinitigan si Harvey. "Tama na ang kalokohang to. Lumuhod ka at baliin mo ang mga braso mo, pagkatapos ay mag-uusap tayo pagkatapos mong lumuhod ng pitong araw sa harapan ng libingan ng master ko! "Kung hindi, hindi mo kakayanin ang magiging kahihinatnan nito!" Dominante si Rachel sa sandaling ito. Mayroong hindi masabing aura na bumabalot sa kanya. Malinaw na may kakayahan ang babaeng ito. Para bang lumaban na siya sa giyera noon. Mabangis na nakatitig kay Harvey ang mga kasamahan niya na para bang papatayin nila siya sa kahit anong minuto. Kalmadong sumagot si Harvey, "Kung ganun, sinasabi mo na hindi mo na iimbestigahan ang bagay na'to?" "Imbestigahan?! Nandito na ang lahat ng pruweba, bakit pa kailangang mag-imbestiga?!" Malamig na sagot ni Rachel. "Kahit na hindi mo gawin yun, sa tingin mo narwraapy ka para baliin ang bras
Tinignan ni Rachel Hardy si Yoel Graham mula ulo hanggang paa at tumawa nang malakas. "Ikaw siguro ang first-in-command ng pamahalaan ng Buckwood, si Yoel Graham. "Wala ka lang sa harapan ko! "Mas naaayon kung ang first-in-command ng pamahalaan ng South Light ang nandito! "Sasabihin ko sa'yo ngayon, walang makakapagprotekta kay Harvey York sa araw na'to! Harvey York, patay ka na!" Sa gitna ng pahayag ni Rachel, naglabas siya ng isang pulang lisensya at ibinato ito sa mukha ni Yoel. Kinuha ni Yoel ang lisensya at tinignan ito. Kaagad na nagbago ang ekspresyon niya pagkatapos niya itong makita. "Lisensya para pumatay?!" "Mabuti at alam mo ang tungkol dito. Kahit na umalis na ako sa Longmen, nandito pa rin ang lisensya ko. Kahit na ang pinuno ay nagbibigay muna ng espesyal na permiso para pumatay bago mag-ulat! "Kahit na humarang ka sa daan ko, Yoel Graham, papatayin na lang kita! Sino ba ang magtatangkang lumaban para sa'yo?!"Walang ibinigay na kahit kaunting respeto
Natulala sila! Natulala ang lahat! Nakikita nila na isang pambihirang talento si Rachel Hardy. Sumugod siya kay Harvey gamit ng buong lakas niya. Pero sa harapan ng palad ni Harvey, hindi man lang makayanan ng napakalakas na top talent ang isang atake. Puff!Tumayo ulit si Rachel mula sa nasirang pader habang namumula ang kanyang mukha at nababalot siya ng alikabok. Pagkatapos ay nahihiya siyang sumigaw, "Harvey, walanghiya ka! Ang lakas ng loob mong umatake nang palihim!" Bahagyang nanigas ang mga kasamahan niya, pagkatapos ay dinuro si Harvey habang galit na nagsabing, "Walanghiya ka! Bakit mo siya inatake nang palihim!" "Ganun ba? "Kung ganun, sumugod ka sa'kin ulit." Sinensyasan lang ni Harvey si Rachel gamit ng kanyang daliri. Ginagalit niya siya! Hindi nagpapakita si Harvey ng kahit kaunting respeto kay Rachel! Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Rachel, pagkatapos ay kinaway niya ang kamay niya sa sumunod na sandali. Bahagyang umalog ang isang kahon ng es
Sa ilalim ng titig ng lahat, sunod-sunod na sinampal ni Harvey York ang mukha ni Rachel Hardy nang hindi man lang nagpipigil ng lakas. Wala rin siyang balak na magpakita ng awa. Hindi nagtagal, ang isang pambihirang magandang babae na si Rachel ay namaga ang mukha na parang baboy sa kasasampal. Napanganga ang mga kasamahan niya habang nakikita ang eksenang ito. Kahit na sina Yoel Graham at Yannick Bisson, na nakatayo sa tabi, ay nagulat. Alam nila na malakas si Harvey, pero hindi nila inisip na ganito pala siya kalakas. Sa sobrang lakas niya ay umabot sa punto kung saan si Rachel, na may lisensya para pumatay, ay nadurog sa harapan ni Harvey! Bang! Pagkatapos ng huling sampal sa mukha ni Rachel, napalipad na naman siya sa ere. Pagkatapos magpakahirap sa lapag nang ilang sandali, dumura siya ng dugo at sinubukang tumayo ulit. Naglakad si Harvey paharap at malakas na sumipa sa katawan ni Rachel. "Hindi!" Pinagpapawisan nang matindi si Rachel. Gusto niyang umilag, pero
Naiinis na nagsabi ang isang kalbong binata, "Mga kasapi kami ng Longmen, kami ay…" Pak! Sinampal ni Harvey York ang mukha ng lalaki at pinapilad siya. "Sa tingin mo magaling ka na dahil kasapi ka ng Longmen?! "Bubugbugin ko kayong lahat ngayon din! "Kahit si Samuel Bauer ay kailangang maging marespeto sa harapan ko!"Sino ka ba sa tingin mo?!"Gawin mo pala! "Binigyan kita ng pagkakataon!" Malamig ang titig ni Harvey, pero mas malamig ang kanyang ekspresyon. Pinagpawisan ng matindi ang mga tao mula sa Mordu branch ng Longmen nang dahil sa malamig na titig niya sa sandaling ito. "Yannick Bisson, tulungan mo sila kung hindi nila gustong gawin ito nang mag-isa.""Paano naman si Rachel Hardy…?" Tinignan ni Harvey si Rachel nang hindi nagbibigay ng malinaw na sagot. "Pabayaan mo siya. Sinabi ko na hindi ko siya papatayin. Syempre, hindi ko na siya sasaktan." Sinipa ni Harvey ang binata pagkatapos ng kanyang pahayag at umalis. Pagkatapos ng kalahating oras, nahi
“Dragon Cell?” Sumimangot nang bahagya si Harvey York. Ang Country H ay may ilang espesyal na organisasyon. Ang mga Dragon Guard ay naatasang protektahan ang bawat importanteng indibidwal sa Country H. Ang mga Longmen ay nakaatas sa mga gangster, nagpapanatili ng katahimikan sa underground world. Ang pangunahing silbi ng Dragon Cell ay pagpaparusa, ngunit ibang-iba sila sa karaniwang pulis. Nakaatas sa kanila ang kaligtasan ng bansa, at mas malala pa dito. Sa madaling salita, sila ang inaatasan sa mga kasong hindi magagalaw ng mga pulis! Huhulihin nila ang mga taong hindi mahuli ng pulis! Papatayin nila ang mga taong hinid mapatay ng pulis! Ang Dragon Cell ay mas mataas sa Longmen sa mga espesyal na pahintuloy na ibinibigay ng bansa na pumatay bago magbalita. Ngumiti si Sam Baker at sinabi sa sandaling ito, “Kung titingnan ang mukha mo, siguro naman alam mo kung ano ang kinakatawan ng Dragon Cell…” “Sangkot ka sa pagkamatay ni Oliver Bauer, ang branch leader ng Lo
Gustong kumilos ng ibang mga higher-up ng Sky orporation, ngunit pagkatapos ay nakita nila ang mga tao mula sa Dragon Cell na naglalabas ng baril at itinututok ito sa noo nila.Kumunot ang noo ni Harvey York at kumumpas, sinesenyasan ang mga tao na huwag magpadalos-dalos.Nakita ito nila Faye Goddard at tumatawa sila nang nanghahamak.Talagang malakas si Harvey, pero hanggang doon na lang iyon.Sa kagustuhan ni Sam Baker, walang lakas si Harvey na pumalag.Kahit na magaling siya sa pakikipaglaban, magtatapang ba siya?Sa isang salita lang ni Sam, ang mga tao sa paligid ni Harvey ay mamamatay sa isang iglap.“Kung ganoon, Master York, sasama ka na ba sa akin? O gusto mo ba akong pilitin?”Ibinaling ni Sam ang kanyang titig kay Harvey at sinabi nang nakangiti.Apat na lalaki mula sa Dragon Cell ang lumapit habang tinututok ang kanilang baril sa noo ni Harvey habang nagsasalita si Sam.Ilang mga lalaki ang nasa malayo habang nakatutok kay Harvey, handang bumaril anumang oras.T