Nagulat ang mga tao, natahimik, at natakot! Nakaluhod ang branch leader ng Longmen sa harapan ng isang junior at sinampal ng kaliwa’t kanan. Walang maniniwala kung wala sila mismo doon! Hindi na mahalaga pa kung anong pagkatao ni Harvey York o kung ano pa ang tawag nila sa kanya. Ngunit alam na kung sino ang nagwagi. Nang lumuhod si Oliver Bauer, ang lahat ng kanyang dignidad at pride ay naglaho na. At ang lahat ng tatlumput-anim na lalake na nakaluhod sa lapag ay wala na ding lakas ng loob na tumingala. Ito ay ligtas na sabihin na siya ay kaawa-awa tulad ng siya ay nangingibabaw noon.Ang mga taong pumunta doon upang ipagtanggol si Hugh Baker ay lahat natakot sa nakikita nilang eksena at tahimik na umatras. Kahit na hindi sila makatakas, lahat sila ay pareho ang iniisip, at iyon ay ang umiwas kay Hugh at magpanggap na hindi nila ito kilala. Puno ng sama ng loob sila Hugh at tristan Quinlan. Gusto nilang sakalain si Harvey hanggang sa mamatay ito. Bakit ganito kahir
Sa may Garden Residence. Maingat na pumasok sa loob si Harvey York, at maliligo na sana siya sa banyo. Na may umalingawngaw na tunog, ang buong sala na kasing dilim ng gabi ay biglang lumiwanag. Sila Mandy Zimmer at Xynthia Zimmer ay nakasuot ng pajyama sa may sopa, nakayakap sa kanilang mga braso habang pinanlilisikan si Harvey. Si Master York, na nilumpo ang isang branch leader ng Longmen, ay naramdaman na para bang namamanhid na ang kanyang ulo. Pinilit niyang ngumiti at nagtanong, “Mandy, Xynthia, bakit hindi pa kayo mga tulog?” “Ano ang ginawa mo sa laba? At bakit gabing gabi ka na nakabalik?” Nakasimangot si Mandy. Tugon ni Harvey, “Wala naman. Pumunta lang ako para makipag-usap sa ninong ni Hugh.” “At anong nangyari pagkatapos?” “At pagkatapos, napagtanto ng mag-ama na nagkamali sila. Nangako sila na hindi na sila tatapak pang muli sa Buckwood kahit na kailan, pagkatapos ay naghawak kamay silang umalis,” sabi ni Harvey, puno ng lakas ng loob. Nagkatingi
Sa sumunod na araw.Nalaman na ni Harvey York na pinatay si Oliver Bauer kaninang umaga. Pagkatapos tawagan si Yannick Bisson, pumunta si Harvey sa isang punerarya. Masyadong pambihira ang pagkatao ni Oliver. Iyon ang dahilan kaya bukod kay Yannick, nandoon din pati si Yoel Graham. Sa loob ng morge, may katawan na kasing putla ng multo. Ito ay walang iba kung hindi ang katawan ni Oliver, ngunit may pulang tuldok sa noo nito. Sinuri ni Harvey ang katawan at kalmadong sinabi, “Anong nangyari dito?” Huminga ng malalim si Yannick at sumagot, “Pagkatapos lisanin nila Oliver at ng kanyang grupo ang parking lot kagabi, pumunta sila ng Edward Hospital para gamutin ang kanilang mga sugat. Pagkatapos ay pumunta sila ng Buckwood International Airport. “Halos labindalawang milya mula sa airport, pinabuksan ni Oliver ang bintana ng sasakyan ng makaalis sila ng urban district. Ato doon sa oras na iyon tumama ang isang suppressed bullet sa kanyang ulo. Namatay siya sa isang bala lang!
Walang reaksyon si Harvey York. Si Yannick Bisson, na nakatayo sa may gilid, ay biglang nagsalita, “CEO York, ano sa tingin mo ang motibo ng pumatay sa pagpatay niya kay Oliver Bauer?” Mahinahon na sumagot si Harvey, “Hindi ito para sa pera, at hindi rin ito para maghiganti. Malamang ay para gumawa ng gulo. “Hindi marahil laban sa akin, ngunit ang pumatay ay kahit paano ay sinusubukan na guluhin ang Buckwood para sa isang dahilan. Walang duda na ganun na nga ang balak niya. “Lalo na, ang Buckwood ngayon ay parang isang bakal na timba. Imposible para sa mga taga-labas na basta na lang pumasok kung kailan nila gustuhin. “Pero kung gusto nila akong itulak sa sentro ng kaguluhan at ang gobyerno ng South Light ay kailangan na itapon ako palabas para mabigyan ng patas na salaysay si Samuel Bauer, pwes, baka magkaroon sila ng pagkakataon na makapasok.” Ng hindi nagdadalawang-isip, nagpatuloy sa pagsasalita si Harvey. “Kung iisipin natin ito sa ganitong paraan, ang motibo ng p
Kalmadong sumagot si Harvey York, "Kahit na totoo ang lahat ng sinabi mo, anong namang magagawa mo?" Niyakap ni Rachel Hardy ang sarili niya at tinitigan si Harvey. "Tama na ang kalokohang to. Lumuhod ka at baliin mo ang mga braso mo, pagkatapos ay mag-uusap tayo pagkatapos mong lumuhod ng pitong araw sa harapan ng libingan ng master ko! "Kung hindi, hindi mo kakayanin ang magiging kahihinatnan nito!" Dominante si Rachel sa sandaling ito. Mayroong hindi masabing aura na bumabalot sa kanya. Malinaw na may kakayahan ang babaeng ito. Para bang lumaban na siya sa giyera noon. Mabangis na nakatitig kay Harvey ang mga kasamahan niya na para bang papatayin nila siya sa kahit anong minuto. Kalmadong sumagot si Harvey, "Kung ganun, sinasabi mo na hindi mo na iimbestigahan ang bagay na'to?" "Imbestigahan?! Nandito na ang lahat ng pruweba, bakit pa kailangang mag-imbestiga?!" Malamig na sagot ni Rachel. "Kahit na hindi mo gawin yun, sa tingin mo narwraapy ka para baliin ang bras
Tinignan ni Rachel Hardy si Yoel Graham mula ulo hanggang paa at tumawa nang malakas. "Ikaw siguro ang first-in-command ng pamahalaan ng Buckwood, si Yoel Graham. "Wala ka lang sa harapan ko! "Mas naaayon kung ang first-in-command ng pamahalaan ng South Light ang nandito! "Sasabihin ko sa'yo ngayon, walang makakapagprotekta kay Harvey York sa araw na'to! Harvey York, patay ka na!" Sa gitna ng pahayag ni Rachel, naglabas siya ng isang pulang lisensya at ibinato ito sa mukha ni Yoel. Kinuha ni Yoel ang lisensya at tinignan ito. Kaagad na nagbago ang ekspresyon niya pagkatapos niya itong makita. "Lisensya para pumatay?!" "Mabuti at alam mo ang tungkol dito. Kahit na umalis na ako sa Longmen, nandito pa rin ang lisensya ko. Kahit na ang pinuno ay nagbibigay muna ng espesyal na permiso para pumatay bago mag-ulat! "Kahit na humarang ka sa daan ko, Yoel Graham, papatayin na lang kita! Sino ba ang magtatangkang lumaban para sa'yo?!"Walang ibinigay na kahit kaunting respeto
Natulala sila! Natulala ang lahat! Nakikita nila na isang pambihirang talento si Rachel Hardy. Sumugod siya kay Harvey gamit ng buong lakas niya. Pero sa harapan ng palad ni Harvey, hindi man lang makayanan ng napakalakas na top talent ang isang atake. Puff!Tumayo ulit si Rachel mula sa nasirang pader habang namumula ang kanyang mukha at nababalot siya ng alikabok. Pagkatapos ay nahihiya siyang sumigaw, "Harvey, walanghiya ka! Ang lakas ng loob mong umatake nang palihim!" Bahagyang nanigas ang mga kasamahan niya, pagkatapos ay dinuro si Harvey habang galit na nagsabing, "Walanghiya ka! Bakit mo siya inatake nang palihim!" "Ganun ba? "Kung ganun, sumugod ka sa'kin ulit." Sinensyasan lang ni Harvey si Rachel gamit ng kanyang daliri. Ginagalit niya siya! Hindi nagpapakita si Harvey ng kahit kaunting respeto kay Rachel! Mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Rachel, pagkatapos ay kinaway niya ang kamay niya sa sumunod na sandali. Bahagyang umalog ang isang kahon ng es
Sa ilalim ng titig ng lahat, sunod-sunod na sinampal ni Harvey York ang mukha ni Rachel Hardy nang hindi man lang nagpipigil ng lakas. Wala rin siyang balak na magpakita ng awa. Hindi nagtagal, ang isang pambihirang magandang babae na si Rachel ay namaga ang mukha na parang baboy sa kasasampal. Napanganga ang mga kasamahan niya habang nakikita ang eksenang ito. Kahit na sina Yoel Graham at Yannick Bisson, na nakatayo sa tabi, ay nagulat. Alam nila na malakas si Harvey, pero hindi nila inisip na ganito pala siya kalakas. Sa sobrang lakas niya ay umabot sa punto kung saan si Rachel, na may lisensya para pumatay, ay nadurog sa harapan ni Harvey! Bang! Pagkatapos ng huling sampal sa mukha ni Rachel, napalipad na naman siya sa ere. Pagkatapos magpakahirap sa lapag nang ilang sandali, dumura siya ng dugo at sinubukang tumayo ulit. Naglakad si Harvey paharap at malakas na sumipa sa katawan ni Rachel. "Hindi!" Pinagpapawisan nang matindi si Rachel. Gusto niyang umilag, pero