Tumango si Harvey. “Ang lakas din ng loob mo, ngunit ginagamit mo ito sa maling lugar.” “Ano?” “Galit ka na ba?” “Hahamunin mo ba ako ngayon?” Mapanghamon na ngumiti si Cam. “Harvey, isa ka lang consultant na mula sa gobyerno ng Buckwood. Isa ka lang tuta na pagmamay-ari ni Yoel!” “Marahil ang mga pribilehiyo mo ang nagbigay sayo ng maling ideya. Pinaramdam ba nito sayo na kaya mo na akong harapin?” “Dapat ba kitang tawagin na isang hangal o kaya mang-mang?”Tinuro ni Cama ang lahat ng mag inspektor na nakahandusay sa lapag. “Binabalaan kita. Hindi lang kita bubugbugin hanggang nakahandusay ka na sa lapag ngayong araw na ito, pero ang mga pinsala ng mga taong ito ay masisisi pa sayo!” “Hayaan mong bilangin ko silang lahat para sayo. Ang kaso ng battery laban sa mga pulis ay sapat na para mabuhay ka sa lob ng kulungan habang buhay!” Naisip lang ito ni Cam sa mga sandaling iyon, ngunit nagustuhan niya ang ideya at hindi ito masma. Nakakatuwang isipin na gawin s
"Mga taong hindi ko pwedeng banggain?"Pak! Sinampal ni Harvey si Cam, pagkatapos ay sinampal niya ito ulit gamit ng likod ng kanyang kamay. Kasing lakas ng kulog ang tunog ng sampal na umalingawngaw sa walang lamang dojo. "Binangga kita. Ano nang gagawin mo?" May dalawang bakas ng palad sa mukha ni Cam dahil sa mga sampal. Pero walang intensyong huminto si Harvey. Inihampas niya ang kamay niya sa mukha ni Cam nang dalawa pang beses. "Sino ka ba sa tingin mo?" "Pinagbabantaan mo ako?" "Hindi ka naiiba sa asong kalye para sa mga mata ko, at mas mababa pa ang tingin ko sa Star Chaebol!" "Talaga bang naniniwala ka na kikilos ang Star Chaebol pagkatapos kong baliin ang leeg mo?" Inihampas ni Harvey ang kamay niya pagkatapos niyang magsalita at lumipad si Cam nang malayo hanggang sa kabila ng dojo. Nadaanan ni Cam ang sari-saring mga sporting equipment sa pagtalsik niya. Napakagulo ng buong eksena. Napanganga ang lahat sa sunod-sunod na sampal ni Harvey. Maski ang
Mayroon ngang lakas ang isang Taekwondo blackbelt. Nang makita nila ang ginawa ni Cam, nagsimulang maghiyawan ang mga kasamahan niya at pinuri siya nang walang humpay. "Harvey, pwede ka pang lumuhod!" "Kahit sina Yoel at Yannick ay hindi ka mapoprotektahan ngayon!" "Kung wala ang dalawang yun sa likod mo, isa ka lang pangkaraniwang lalaki sa harapan ng aming deputy representative!" "Hindi mo man lang kayang sumalo ng isang atake mula sa kanya! May blackbelt si Deputy Representative Cam! Isang sipa niya lang sa'yo ay babalikuko na ang ulo mo!" "Ang Taekwondo ang pinakamagandang martial art sa mundo pagdating sa pagpatay! Paano ito maiintindihan ng isang taong kagaya mo?" 'Ang pinakamagandang martial art sa pagpatay?' Namumuhing ngumiti si Harvey. Base sa nalalaman niya, ang Taekwondo ang pinakamahinang martial art sa lahat ng martial art na alam niya. Kahit hindi na ang Muay Thai; madaling matalo ang Taekwondo kung nagsasanay ang isang tao ng mixed martial arts. Pero
Hindi matanggap ni Dominic ang katotohanan sa harapan niya. Hindi rin ito matanggap ng mga kasamahan ni Cam. Kahit na si Marcus, na dumating kasama ni Harvey, ay hindi makapaniwala! Nanginginig si Cam sa galit. Gusto niyang kumilos mismo at gawing giniling si Harvey, pero hindi niya inasahan na sasampalin siya nang malakas ni Harvey. Pinagtatapakan ang dignidad niya sa sandaling ito! Hindi natuwa si Cam. Tinitigan niya nang masama si Harvey at galit na sumigaw, "Inatake mo na naman ako nang palihim?!" "Nakakahiya ka!" Nakahinga nang maluwag sina Dominic pagkatapos marinig na isa itong sneak attack, umarte sila na para bang naiintindihan nila ang nangyari. Kaya pala natamaan nang ganoon si Cam! Ang basurang Harvey na iyon ay nagsagawa ng isang sneak attack! Napakawalang-hiya niya para umatake nang ganoon sa isang tunay na labanan! “Bah!”Pero bago sila magsimulang insultuhin si Harvey, nauna na si Harvey na manampal ulit. Pak! Naglaho ang strikto at mabangis n
"Gago ka! Ang lakas ng loob mong hawakan ako! Hindi kita pakakawalan! Hindi ka pakakawalan ng Star Chaebol!" Kumukulo ang galit ni Cam. Siya pa rin ang deputy representative ng Star Chaebol! Hindi pa siya naging ganito kababa noon! Kahit hindi tungkol sa kahihiyan, pakiramdam niya ay ninakawan siya. Yumuko si Harvey at kalmadong nagtanong, "Kaya ba nila?" "Harvey! Gago ka!" "Patayin mo ko kung kaya mo!" Galit na sigaw ni Cam nang maramdaman niya ang pagkamuhi ni Harvey sa kanya. "Patayin kita? Bakit ko gagawin yun?" "Nandito ako para sa utang mo, hindi para sa buhay mo." "Sa mga mata ko, kailangan mong mabuhay para magbayad sa halip na tumakas sa parusa sa pamamagitan ng kamatayan. Ayos lang ba yun sa'yo?" Ngumiti si Harvey. "Binangga mo ang kotse ng asawa ko. Dahil hindi mo alam kung paano gamitin ang preno ng kotse mo, babaliin ko ang binti mo bilang leksyon. Ayos lang sa'yo yun, tama?" "Harvey, tama na!"Hindi na nakayanan ni Dominic ang eksena. Hindi niya k
"Kailangan mong tigilan na ang ginagawa mo! Lumuhod ka at humingi ng tawad sa deputy representative. Pakinggan mo ang hiling niya, pagkatapos bay bayaran mo ang utang sa pamamagitan ng pagpapadala mo ng asawa mo sa kanya!" "Babalik pa sa dati ang buhay mo kung gagawin mo ang sinasabi niya!" "Sinisiguro ko sa'yo. Sasabihan ko ang deputy representative na pakawalan ka kung gagawin mo yun!" "Harvey, hindi kasing simple ng iniisip mo ang deputy representative. Hindi mo rin maiintindihan ang kapangyarihan ng Star Chaebol…" Mapait na pinapayuhan ni Dominic si Harvey. Crack!Pero kahit na ganoon, binali ni Harvey ang kanang binti ni Cam sa pamamagitan lang ng isang kilos ng kanyang paa. "Hindi simple? Anong ibig mong sabihin roon?" Kahit ang arogante at hindi nagpapatalong si Cam ay hindi napigilan ang kanyang hiyaw. Gustong gumulong ni Cam sa lapag, pero wala siyang lakas para gawin iyon. "Ikaw…!" Nabigla si Dominic. Sinabi niya ang lahat para sa kapakanan ni Harvey, p
Ang pag-apak ni Harvey sa kamay ni Cam ay katumbas ng pag-apak sa dignidad ni Rick. Ang pambubugbog ni Harvey kay Cam ay nakakagulat na para sa lahat. Ngunit ang pag-atake ulit ni Harvey nang dumating ang isa sa Eight Heavenly Kings ng Star Chaebol ng Country H ay ibang bagay. Hindi lang ito isang simpleng laban para sa dangal. Walang pakialam si Harvey sa Star Chaebol noong simula pa lang. Isang lalaking mukhang nasa dalawampung taong gulang pa lang ang talagang naglakas-loob na hamunin ang isang malakas na kompanya. Sa tingin ng mga tao, hindi ito iba sa pagpapakamatay. Pakiramdam pa ng ilan na pinili ni Harvey ang sarili niyang libingin. Kahit anong mangyari, nanigas ang mukha nila Dominic at ng mga tao mula sa Star Chaebol nang sirain ni Harvey ang kamay ni Cam. Sumama nang sobra ang mukha ni Rick. Ang mga babannga sa kalaban sa ganitong sitwasyon ay maaaring tanga o may malakas na taga-suporta. Hindi naman mukhang tanga si Harvey. Kumirot ang mata ni Rick. Hindi ma
Ang liwanag sa Taekwondo dojo ay hindi masyadong malinaw, at dahil dito, hindi makita nang maayos ni Greg ang mukha ni Harvey. Sigaw niya nang may malalim na boses, “Trespassing property, pananakit… tama! At pambubugbog ng mga officer! Wala ka bang pakialam sa batas?!” “Kunin niyo siya! Barilin niyo siya kapag nagpumiglas siya!” Lumaki ang ngiti ni Harvey, at may dala itong kaunting panghahamak. Tinitigan niya nang masama si Greg, ngunit nang magsalita siya, kalmado ang boses niya. “Mr. Finch, ang mga taong nasa sahig na may baling braso ay mga kasamahan mo. Hindi mo ba sila tatanungin kung anong nangyari?” “Kaya mo bang pasanin ang responsibilidad ng pagbibintang sa akin ng pambubugbog sa mga officer?” “Hindi mo ako kailangang turuan kung paano ko gagawin ang mga bagay!” “Gumawa ka ng krimen ng trespassing at pang-aatake! Ako, bilang ang second-in-command ng Buckwood Police Station, ay responsibilidad na dalhin ka para sa imbestigasyon!” “Kapag nagbanggit ka pa ng kalo