"Gago ka! Ang lakas ng loob mong hawakan ako! Hindi kita pakakawalan! Hindi ka pakakawalan ng Star Chaebol!" Kumukulo ang galit ni Cam. Siya pa rin ang deputy representative ng Star Chaebol! Hindi pa siya naging ganito kababa noon! Kahit hindi tungkol sa kahihiyan, pakiramdam niya ay ninakawan siya. Yumuko si Harvey at kalmadong nagtanong, "Kaya ba nila?" "Harvey! Gago ka!" "Patayin mo ko kung kaya mo!" Galit na sigaw ni Cam nang maramdaman niya ang pagkamuhi ni Harvey sa kanya. "Patayin kita? Bakit ko gagawin yun?" "Nandito ako para sa utang mo, hindi para sa buhay mo." "Sa mga mata ko, kailangan mong mabuhay para magbayad sa halip na tumakas sa parusa sa pamamagitan ng kamatayan. Ayos lang ba yun sa'yo?" Ngumiti si Harvey. "Binangga mo ang kotse ng asawa ko. Dahil hindi mo alam kung paano gamitin ang preno ng kotse mo, babaliin ko ang binti mo bilang leksyon. Ayos lang sa'yo yun, tama?" "Harvey, tama na!"Hindi na nakayanan ni Dominic ang eksena. Hindi niya k
"Kailangan mong tigilan na ang ginagawa mo! Lumuhod ka at humingi ng tawad sa deputy representative. Pakinggan mo ang hiling niya, pagkatapos bay bayaran mo ang utang sa pamamagitan ng pagpapadala mo ng asawa mo sa kanya!" "Babalik pa sa dati ang buhay mo kung gagawin mo ang sinasabi niya!" "Sinisiguro ko sa'yo. Sasabihan ko ang deputy representative na pakawalan ka kung gagawin mo yun!" "Harvey, hindi kasing simple ng iniisip mo ang deputy representative. Hindi mo rin maiintindihan ang kapangyarihan ng Star Chaebol…" Mapait na pinapayuhan ni Dominic si Harvey. Crack!Pero kahit na ganoon, binali ni Harvey ang kanang binti ni Cam sa pamamagitan lang ng isang kilos ng kanyang paa. "Hindi simple? Anong ibig mong sabihin roon?" Kahit ang arogante at hindi nagpapatalong si Cam ay hindi napigilan ang kanyang hiyaw. Gustong gumulong ni Cam sa lapag, pero wala siyang lakas para gawin iyon. "Ikaw…!" Nabigla si Dominic. Sinabi niya ang lahat para sa kapakanan ni Harvey, p
Ang pag-apak ni Harvey sa kamay ni Cam ay katumbas ng pag-apak sa dignidad ni Rick. Ang pambubugbog ni Harvey kay Cam ay nakakagulat na para sa lahat. Ngunit ang pag-atake ulit ni Harvey nang dumating ang isa sa Eight Heavenly Kings ng Star Chaebol ng Country H ay ibang bagay. Hindi lang ito isang simpleng laban para sa dangal. Walang pakialam si Harvey sa Star Chaebol noong simula pa lang. Isang lalaking mukhang nasa dalawampung taong gulang pa lang ang talagang naglakas-loob na hamunin ang isang malakas na kompanya. Sa tingin ng mga tao, hindi ito iba sa pagpapakamatay. Pakiramdam pa ng ilan na pinili ni Harvey ang sarili niyang libingin. Kahit anong mangyari, nanigas ang mukha nila Dominic at ng mga tao mula sa Star Chaebol nang sirain ni Harvey ang kamay ni Cam. Sumama nang sobra ang mukha ni Rick. Ang mga babannga sa kalaban sa ganitong sitwasyon ay maaaring tanga o may malakas na taga-suporta. Hindi naman mukhang tanga si Harvey. Kumirot ang mata ni Rick. Hindi ma
Ang liwanag sa Taekwondo dojo ay hindi masyadong malinaw, at dahil dito, hindi makita nang maayos ni Greg ang mukha ni Harvey. Sigaw niya nang may malalim na boses, “Trespassing property, pananakit… tama! At pambubugbog ng mga officer! Wala ka bang pakialam sa batas?!” “Kunin niyo siya! Barilin niyo siya kapag nagpumiglas siya!” Lumaki ang ngiti ni Harvey, at may dala itong kaunting panghahamak. Tinitigan niya nang masama si Greg, ngunit nang magsalita siya, kalmado ang boses niya. “Mr. Finch, ang mga taong nasa sahig na may baling braso ay mga kasamahan mo. Hindi mo ba sila tatanungin kung anong nangyari?” “Kaya mo bang pasanin ang responsibilidad ng pagbibintang sa akin ng pambubugbog sa mga officer?” “Hindi mo ako kailangang turuan kung paano ko gagawin ang mga bagay!” “Gumawa ka ng krimen ng trespassing at pang-aatake! Ako, bilang ang second-in-command ng Buckwood Police Station, ay responsibilidad na dalhin ka para sa imbestigasyon!” “Kapag nagbanggit ka pa ng kalo
“‘Yan na ‘yun?” Seryosong sinabi ni Harvey, habang puno ng panghahamak ang kanyang mata. Pak! Kaagad na lumuhod sa sahig si Greg. Nagkaskasan ang mga ngipin niya at yumuko siya. “Patawad! Kasalanan ko ito!” Kumalma nang bahagya ang titig ni Harvey. Subalit, nakakatakot ang boses niya. “Lumayas ka sa harapan ko!” Kaagad na umalis si Greg kasama ang mga tao niya, habang sirang-sira ang kanyang mukha. Tumahimik sila Rick at ang mga tao niya sa nasaksihan nila. Walang nag-akalang ang second-in-command ng Buckwood Police ay matatakot kay Harvey! Hindi man lang nagtapang na pumalag si Greg pagkatapos masampal nang ilang beses sa mukha! “Mukhang magaling talaga ang maalamat na consultant natin!” Nang makitang tumakas si Greg nang takot na takot, lumingon si Rick kay Harvey habang tumatawa nang walang saya. “Pero babalaan kita. Kahit sino ka pa, kahit sino pang nasa likod mo, hindi ka palalagpasin ng Star Chaebol pagkatapos mong pagbuhatan ng kamay ang aming deputy representa
“‘Wag kikilos?!” Kahit mga tanga ay nararamdaman ang kagipitan at inis sa boses ni Rick. Hindi makapaniwala sila Dominic sa naririnig nila. Si Rick ay isa sa Eight Heavenly Kings na nagsisilbi kay Peter Lee. Kadalasan, madali siyang nakakalusot sa pagpatay ng tao. Wala siyang pakundangan. Ngunit ngayon, sumusuko siya kay Harvey! Hindi ba isa lamang consultant ng gobyerno si Harvey? Hindi man nga ito isang posisyon, titulo lang ito! Ganito ba talagang nakakatakot si Harvey?! Walang-tigil ang panginginig ni Rick. Naguguluhan siya at naiinis. Sa pagiging desidido niya kadalasan, kailan ba siya naguluhan? “Sayang naman…” Suminghal si Harvey. “Hinihintay kong sabay-sabay kayong umatake sa akin para may dahilan akong durugin kayo sa harap ng marami…” “Maaaawa ako kapag ginawa ko ‘yun nang hindi man lang kayo umaatake sa akin!” Humakbang paharap si Harvey habang puno ng awa ang kanyang mukha. Pagkatapos dinurog niya ang kaliwang kamay ni Cam. “Aaaaaah!”Umalin
Ang mga Taekwondo blackbelt mula sa Country J ay hindi na pinigilan ang kanilang kagustuhan. Sa isang iglap, tatlong lalaki ang tumalon at ihinampas ang kanilang binti patungo sa mukha ni Harvey.“Papatayin kita! Ibubuwis ko ang buhay ko para lang dito!” Natural, handa na ang tatlong blackbelt na ialay ang kanilang buhay upang patayin si Harvey. Kung mapapatay nila si Harvey, sulit na ang lahat. Naningkit ang mata ni Rick sa nakita niya. Ngunit hindi niya pinigilan ang mga ito, dahil gusto niya ring mamatay si Harvey. Bago pa masunggaban ng tatlo si Harvey, ang tunog ng paggalaw ng kanyang binti ay narinig. Sa isang iglap, tumalsik ang tatlo. Bumagsak sila sa sahig habang sumusuka ng dugo at mukhang miserable. “Agh!”Nagpakahirap na tumayo ang tatlo, habang mukha silang hindi makapaniwala. Silang lahat ay mga Taekwondo blackbelt, kaya hindi nila inakalang hindi man lang nila mapipigilan ang isang atake mula kay Harvey. Gusto nilang bumangon, ngunit bago nila ito magaw
”Ang iyong class at bansa ay nagdesisyon na sa iyong limitasyon ay aking restraint!”“Maghintay ka lang, Harvey York! Pagdating ng panahon papatayin kita! Kung hindi papatayin ko ang iyong asawa at sister-in-law! Papatayin ko ang iyong buong pamilya!”Kahit na ang lahat ng kamay at paa ay nabali, nakaramdam pa din siya ng pride na dumadaloy sa loob niya.Hamak na Country H! Hamak na mamamayan ng country H!Hindi kayo kailanman maikukumpara sa Country J!Si Dominic at ibang mas mataas na posisyon sa Star Chaebol ay nanlalamig na nakatingin kay Harvey.Si Harvey ay medyo dominante, sobra na siya ay hindi naglakas loob na baliin ang lahat ng paa at kamay ni Cam.Ang problema ay hindi niya matapos si Cam! Siya ay g*go lang na puno ng takot.Kahit ang mga nasa Star Chaebol ay mga miserable, sila pa din ay medyo nahimasmasan ng makita ang malungkot na mukha ni Harvey.Si Harvey, na tumalikod na dati, ay lumingon pabalik kay Cam. “Hahawakan mo ang asawa, sister-in-law at ang buo kong