“Okay lang ako, sir, pero ikaw…” Nag-alala si Yvonne Xavier. Paano nila nagagawang tratuhin nang ganito ang CEO na may mataas na katayuan, sa isang nakakahiyang lugar tulad nito?Mahinang sinabi ni Harvey York, "Ayos lang ako. Hayaan pumunta ang presidente nila at makita tayo. Ititigil na natin ang paggamit sa bangko na ito para sa aking mga account, account ng kumpanya, at mga investment fund ng kumpanya."“Yes, sir!” Agad na sumang-ayon si Yvonne. Tumingin siya sa mata ni Harvey, napuno siya ng determinasyon. Walang duda na ang CEO ay ang CEO nga. Ang isang simpleng utos mula kay Harvey lamang ang nagpapasya sa magiging kapalaran ng bangko na ito. Naisip niya na hindi na magbabago ang desisyon na ito, kahit na dumating ang presidente.“Nagpapanggap ka pa rin? May lakas ka pa rin ng loob na magkunwari? Sayang talaga at hindi ka naging artista!" Sigaw ni Sheri Wilson. "Ikaw! Kunin mo ang card!"Sa kanyang utos, mabilis na kinuha ng isa sa mga security guard ang Amex Black Card mula
Pinigilan ni Harvey York ang kanyang sarili na gamitin ang lahat ng kanyang lakas. Bukod sa security guard na sinubukang sunggaban si Yvonne Xavier, medyo naawa siya sa iba.Bahagyang naging baluktot ang katawan ng security guard na ito, at kumikirot sa sakit ang kanyang mukha. Hindi nila inasahang mabilis at may kasanayan ang magnanakaw na ito.Bagaman namuhay sa layaw ang mga security guard, may kakayahan naman sila at hindi nagkulang sa mga kasanayan. Gayunpaman, hindi nila inasahang matatalo sila nang ganito.Pinanood ni Sheri ang mga eksena, nanlaki ang kanyang mga mata at naiwang nakabuka ang kanyang bibig. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam kung paano pa magre-react. Kung merong isang bagay tulad ng gamot na kayang ibalik ang oras, tiyak na hindi na niya aagawin ang phone ni Harvey.Walang intensyon si Harvey na tumigil. Tinapakan niya ang hita ng security guard, at pinaluhod ang lalaking iyon sa oras na iyon. Tahimik niyang sinabi, “Bilang isang lalaki, hindi ka dapat na
Boom!Sa sandaling iyon, isang grupo ng mga tao ang nagpakita sa pintuan. Sampu-sampung mga security guard ang nakapalibot sa chief manager habang pumasok siya kasama ang kanyang beer belly.Nangilabot siya sa gulong nasa naharapan niya. Hindi niya inasahang ang daming nangyari sa oras na tumawag siya. Subalit, malapit nang dumating ang presidente. Mayroon siyang matatag na haligi na masasandalan, kung kaya nanatili siyang kalmado.“Hoy kengkoy, sa simula ay ipapadala ka namin sa police station sa pagnanakaw ng bank card na iyon. Ilang araw lang na pagkabilanggo ang titiisin mo sana.” Nakangiting sinabi ng chief manager. “Ngayong nangyari ito, mukhang hindi na magiging simple ang kahihinatnan mo.”Itinaas ni Harvey York ang kanyang ulo at nakangiting tumingala. “Dumating ka ba, Mr. Chief Manager? May tanong ako pasa sa iyo. Hindi ka ba natatakot sa posibleng hindi mo makamtan ang anumang iniisip mo? Sa sobrang yabang mo, baka hindi mo na masalba ang sarili mo kahit magmakaawa ka pa
Ibig sabihn lang nito na ang may-ari ng phone na ito ang isa sa mga pinaka-tanyag na VIP ng bangko.Ang Amex Black card at ang numero sa screen ng phone. Bagaman ang lalaking nasa harapan niya ay mukhang mahirap, naging natakot ang chief manager.Marami ngang pagkakataon sa mundo. Lumitaw ang isang Amex Black Card sa kamay ng isang mahirap na lalaki. Baka maling numero ang tinawagan ng private customer service line. Gayunpaman, kapag dalawang tila imposibleng pagkakataon ang sabay na nangyari, unti-unting lumabas ang katotohanan.Nagsimula siyang pawisan. Ang chief manager, na kalaunan ay arogante sa mga binitawan niyang salita, ay basang basa ngayon sa pawis. Nakadikit na sa kanyang katawan ang kanyang puting shirt.Inangat niya ang kanyang ulo pero hirap siyang tingnan si Harvey York. Basta na lang itinapon ni Harvey ang leader ng mga security guard sa isang tabi. Nanatiling panatag ang kanyang mukha nang maupo siya sa isang upuan.Kalabog! Agad na lumuhod ang chief manager. “
Agad na sumagot ang chief manager, “Presidente, hindi ko sinasadya iyon. Sinusubukan ko lang protektahan ang mga assets ng aming kliyente. Paano ko malalaman na ang isang kilalang VIP ay personal na pupunta sa front desk para kusang makipag-transaksyon? Akala ko may nagnakaw ng kanyang card!”Nandilim ang mukha ni Dawson Robbin. Naglakad siya at sinipa ang chief manager sa dibdib, at nakangiting tumalikod kay Harvey pagkatapos. “Mr. York, kita mo? Ang mga subordinate ko ay may mabuting intensyon sa gulong ginawa nila. Maaari mo bang patawarin sila hindi isapuso ang bagay na ito?"“Walang problema.” Nagkibit balikat si Harvey York. "Palaging may mga mapagmataas na bullies tulad nito. Pero, gusto ko ng hustisya sa nangyari. President, pwede mo ba akong gawan ng pabor?”“Sabihin mo lang at buong puso kong tututukan ito, hangga't nasa abot ng aking makakaya ito." Seryoso ang mukha ni Dawson. Isang magandang balita na handang gumawa ng request ang isang major client. Nangangahulugan iton
Pagkaalis ng lahat, ngumiti si Dawson Robbins at sinabing, "CEO York, kung kinakailangan, pwede ko silang sesantihin bago mag-tanghali."Mahinang sumagot si Harvey York, "Internal affairs na ito ng iyong kumpanya. Ano ang kinalaman ko dito?"“Oo, oo, oo…” BInago ni Dawson ang usapan. “Patungkol sa usaping ito, sana ay pag-isipan mo ito at kalimutan na ang pag-alis ng mga asset mo mula dito.”Basang basa sa malamig na pawis ang mukha ni Dawson. Wala masyadong pera ang York Enterprise sa mga account nito, na nasa ilang daang milyon lamang. Pero, iba si Harvey. Nakakalula ang halaga ng perang nasa account niya. Kung ililipat niya sa ibang bangko ang kanyang mga private account, nasa masamang kalagayan si Dawson.“President, hindi sa ayoko kayong bigyan ng isa pang pagkakataon. Hindi ko gustong nangyayari sa akin ang mga bagay na ito.”“Hindi, hindi na ito nangyayari ulit.” Sa sandaling iyon, tumayo si Dawson. “Gagawa ang bangko namin ng isang professional team na hahawak sa kahit ano
“Sinabi sa akin ni Miss Zachary ang tungkol sa problema mo. Wala iyon, akong bahala sa iyo. Tatawag lang ako, at magiging maayos na ang lahat.”Mahirap basahin ang isip ni Jake Surrey. Tiningnan niya si Mandy Zimmer mula ulo hanggang paa at sinabi, “Miss Zimmer, ikaw talaga ang diyosa ng Niumhi. Nag-iisa lang ang kagandahan mo. Hindi ako naniwala sa mga tsismis, pero mali ako nang makita kita. Sayang nga lang at kasal ka na. Kung hindi man, nais kong ligawan ka.”Medyo mapagmataas si Jake. Nang magsalita siya, nakapako ang kanyang tingin kay Mandy nang may pagnanasa kung kaya hindi siya naging komportable. Subalit, kailangan siya ni Mandy para makilala ang upper management ng York Enterprise. Hindi siya masyadong nagsalita pa.“Mr. Surrey, hindi mo naintindihan. Totoo ngang kasal si Mandy. Pero, sa papel lang ang kanyang kasal. Medyo salungat ang totoong nangyayari. Hindi pa kailanman nahawakan ng talunan na live-in son-in-law na iyon ang kanyang mga kamay sa nakalipas na tatlong ta
Dinaanan ni Harvey York si Cecilia Zachary, hindi niya binigyan ng kahit konting atensyon.“Harvey… Harvey York?”Sa sandaling ito, nakuha niya sa wakas ang tingin ni Harvey. Bahagyang nanginig ang kanyang eleganteng katawan. Medyo nagulat at naging awkward siya nang makita si Harvey. Hindi niyaq sukat akalaing makikita si Harvey sa lugar na iyon.“Nakapagaling mo talaga, Harvey York.” Nagmadaling magsalita si Cecilia, habang tinitingnan nang masama si Harvey. “Ayos lang kung ilang araw kang hindi umuwi, pero masasabi kong, iyong makapasok ka sa ganitong lugar dahil isa kang kept man ay talagang kamangha-mangha. Kung pa ang tawagin pang hari ng mga kept man sa puntong ito!”Mahinang sagot ni Harvey York, “Nagkita na kayo ni Yvonne Xavier dati, mag-kaklase kami. Alam ni Mandy iyon.”“Mag-kaklase?” Ngumisi si Cecilia Zachary. “Kung talagang mag-kaklase kayo, bakit ka nakaupo sa front passenger seat? Sabihin mo sa akin, paano mo nagawang makapasok dito? Imposibleng bibigyan ka ng inv
”Habang may pagkakataon pa para sayo!"Pakawalan mo si Ms. Flawless, at paaalisin ko ang mga tao mo dito!"Kailangan mong manatili dito pagkatapos noon!"Sumusumpa ako sa ngalan ng Golden Cell, sisiguraduhin kong magkakaroon ka ng patas na paglilitis!”Determinado ang tono ni Kensley Quinlan."Sa ngalan ng Golden Cell?"Tumawa si Harvey York."Wala pang tatlong araw ang lumipas mula nang maging miyembro ka ng Golden Cell, at sinasabi mo 'yan sa akin? Sa tingin mo ba may karapatan kang sabihin yan?"Sasabihin ko sa'yo! Kahit pa sumumpa ka gamit ang pangalan ng pamilya mo, wala rin itong silbi dito!"Tsaka, nagpakasaya lang ako dahil gusto kong makita kung paano niyo ako papanghihinaan ng loob ayon sa mga patakaran...""Pero sa totoo lang, talagang hindi makatuwiran kayo mula simula.""Hindi lang na kinuha mo sina Shay at Prince Gibson para sumuko ako, pero hinayaan mo pa ang Faceless Group na gawin ang gusto nila sa dalawa.""Inaabuso mo ang iyong kapangyarihan para sa mga p
”Ang asawa mo, ang sister-in-law mo, ang mga kaklase mo, mga kaibigan mo, at mga katrabaho mo…“Ang bawat isang tao na nakakakilala sayo ay siguradong mamamatay!“Hindi pagmamalabis kung sasabihin ko na katapusan na ng buong lipi mo!“Hahanapin din nila ang mga taong may kinalaman sayo, na hindi man lang alam kung sino ka, at papatayin nila sila!“Mabuti pang pag-isipan mo ang tungkol dito! Huwag mong sirain ang buong buhay mo para lang sa init ng ulo mo!“Higit pa rito, may lakas ka ba ng loob na patayin si Flawless sa harap namin?“Kapag hindi mo ito ginawa, lalabas pa rin na ikaw ang may sala kung hindi mo kayang patunayan na hindi ikaw ang pumatay sa kanya!“Kapag nangyari ‘yun, hindi mo lang dudungisan ang sarili mong reputasyon, kundi pati na ang reputasyon ng pagkakakilanlan mo, kasama na din ang Martial Arts Alliance ng bansa!"Dahil sa iyo, ang Martial Arts Alliance ng bansa ay maaaring mapalayas ng buong mundo!""Kapag nangyari iyon, wala nang pag-uusapan tungkol sa
”Ikaw…”Galit na galit si Flawless.“Kung ganun, patayin mo ako kung kaya mo!“Bakit pinapatagal mo pa?!”Inangat ni Harvey York ang baba ni Flawless bago niya siya sinampal.“Tama na. Hayaan niyo na silang makaalis.“Malinaw na magkasabwat kayong lahat.“Kung hindi niyo susundin ang sinabi ko, uunahin na kitang patayin!" Kitang-kita ang namumulang bakat ng palad sa mukha ni Flawless habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Maisie Xavier habang hawak niya ang kanyang baril noong tumingin siya ng masama kay Harvey. Wala siyang balak na pakawalan ang kahit na sino.“Tama. May nakalimutan akong sabihin sayo…Bahagyang ngumiti si Harvey.“Hindi gaanong malala ang mga sugat ni Flawless. Iniwasan ko ang mga vital points niya noong binaril ko siya.“Gayunpaman, hindi maiiwasan na medyo kalawangin ang lahat ng mga baril. Kapag hindi siya nabigyan agad ng tetanus shot, baka kailanganing putulin ang magkabilang binti niya pagkatapos nito.
Sumigaw sa galit si Flawless, sinenyasan niya ang mga eksperto na ilabas ang mga baril nila at “aksidenteng” patayin sila Shay at Prince Gibson.Kaswal na tinapik ni Harvey York ang mukha ni Flawless.“Hindi ata tama ‘yun, Ms. Flawless.“Hahayaan mo ang mga tauhan mo na aksidenteng paputukin ang mga baril nila?“Ibang-iba ‘to sa sitwasyon ko!“At naniniwala ka ba? Na simula ngayon, kapag nabunutan sila ng kahit na isang hibla lang ng buhok, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo ito ng sampung beses na mas malala.“Alam ko na hindi ka natatakot mamatay. Hindi ka magdadalawang-isip na maghiganti para sa kapatid mo kahit na isakripisyo mo pa ang sarili mong buhay…“Pero sayang naman kung mamamatay ka nang hindi man lang ako napapatay.“Kung ganun, gusto mo ba talagang makipaglaro sa’kin?”Patuloy na nagbago ang ekspresyon ni Flawless dahil sa mga sinabi ni Harvey. Sa huli, hindi niya ibinigay ang utos.Huminga ng malalim si Faceless bago niya itinago ang kanyang Royal Flush habang
Nangahas pa rin si Harvey York na magyabang sa kabila ng sitwasyong kinalalagyan niya.Walang ibang tao na may lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon.Nagawa ng isang hamak na bilanggo na ipitin ang lahat ng nasa paligid niya gamit lang ng aura niya?Kalokohan!Gayunpaman, tila napakagwapo niya noong sandaling iyon!Maraming tao ang nagsimulang maniwala na siya talaga si Representative York!Hindi kailanman gagawin ng isang ordinaryong tao ang isang bagay na gaya nito!Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Lalo niyang pinagsisihan ang mga ginawa niya noong sandaling iyon.Kung alam lang niya na ganoong klaseng tao si Harvey, hindi sana niya ginawa ang ganun kasamang bagay para lang pasayahin si Kensley Quinlan.Habang nag-iisip siya ng paraan upang ayusin ang mga pagkakamali niya, nanigas si Maisie Xavier bago siya sumabog sa galit.“Mga patay na ba kayo o ano?!“Manonood na lang ba kayo habang ginagawa ng preso na ‘to ang anumang gusto niya?!“Patayin niyo na siya!
Nakatingin din ng malamig kay Harvey ang mga tao sa Golden Cell.Ang Golden Cell ay isang prominenteng pwersa. Bilang mga tauhan ng isa sa mga haligi ng bansa, maging ang mga prinsipe at mga young master ng Golden Sands ay kailangang magbigay galang sa kanila.‘Gusto niyang gawin ang mga bagay sa paraang gusto niya?‘Baliw ba talaga siya?’Muling kumibot ang mga mata ni Carver Ruiz. Nakikita niya na hindi isang ordinaryong tao si Harvey.Kahit na gaano pa sila kamakapangyarihan, ang mga ordinaryong mayaman na babaero ay hindi mangangahas na umasta ng ganito kakampante!Base sa inaasal ni Harvey, wala siyang pakialam sa Golden Cell!‘Gagawin niya ang gusto niya?‘Saan niya nakuha ang lakas ng loob para sabihin ‘yun?’Humakbang paharap si Harvey bago siya tumingin ng matalim kay Flawless.“Utusan mo ang mga tauhan mo na tumigil, tapos lumuhod sila bilang paghingi ng tawad.“May tatlong segundo ka. Kung hindi, lulumpuhin kita pagkatapos.“Kahit ang Royal Flush ng tatay mo hind
Bam, bam, bam!Naghahanda nang lumaban si Prince, ngunit ang mga eksperto ng Faceless Group ay sobrang makapangyarihan. Madali siyang pinigilan ng mga ito nang walang kahirap-hirap."Huwag! Ito ang Golden Cell! Anong karapatan niyo para saktan siya?!" Sumigaw si Shay sa galit, pero walang pumansin sa kanya.Pinagmasdan ni Harvey ang kanyang mga mata; habang siya ay handang kumilos, inilabas ni Faceless ang isang manipis at mahabang pilak na tubo. Ang kanyang ekspresyon ay agad na naging malungkot. Bigla niyang naalala ang killer move ng Council of Myth—ang Royal Flush.Hindi magiging mahirap para sa kanya na iwasan ang atake, pero malamang na mamatay sina Prince at Shay sa pagsabog.Si Faceless ay lihim na nagbabanta kay Harvey."Tigil! Tumigil kayo!"Matapos mapaalis ang mga guwardiya ng Golden Cell, humarang si Shay sa harap ni Prince, iniunat ang kanyang mga braso."Tama na! Anuman ang mangyari, mali ang manakit ng tao ng ganito!"Si Shay ay isang mayabang na babae noon,
"Hindi mo ba alam kung bakit sila nandito, Harvey?"Bago makasagot sina Shay at Prince, ngumiti si Maisie kay Harvey ng banayad na ngiti."Sinundan ng sangay ng Heaven’s Gate sa Golden Sands si Aung at pinatay siya habang siya ay lasing, lahat dahil inutusan mo sila!"Sila Shay at Prince ay mga saksi! Malapit na kaming makakuha ng ebidensya!"Sinasabi ko sa'yo ngayon pa lang! Katapusan mo na!"Nagkunot-noo si Harvey, pagkatapos ay instinctively tumingin kay Prince.Mabilis na umiling si Shay."Huwag kang makinig sa kanya, Sir York! May mga tao ang sangay sa labas ng bahay ng pamilya mo para panatilihing ligtas sila! Kami ay mga mamamayang sumusunod sa batas! Hindi kami gagawa ng ganyan!”Tumawa ng malamig si Maisie."Sige! Hindi na ako magmamalabis sa pagsasalita kung yan ang iniisip mo."Wala nang pamilya si Master Aung dahil siya ay isang monghe.""Gayunpaman, may isa pang taong pinatay mo na may pamilya!"Pagkatapos ay pumalakpak si Maisie.Creak…Isang pinto sa gilid
”Hayop ka!”Si Kensley ay nag-aapoy sa galit matapos marinig ang mga salita ni Harvey, ngunit hindi pa rin siya nawalan ng kontrol sa sarili. Matapos huminga ng malalim, pumunta siya sa mas malalim na bahagi ng bulwagan upang alamin ang sitwasyon.Kung ikukumpara sa dati, ang bahaging ito ng kastilyo ay nakakalamig. Maraming tuyong dugo ang nagkalat sa buong sahig, na nagpapakita na ito ang aktwal na lugar ng interogasyon.Tumango si Harvey sa paghanga, pagkatapos ay walang pakialam na umupo na nakabukaka bago utusan si Carver na dalhan siya ng tsaa.Ang mga tao na hindi alam ang totoo ay iisipin na siya ang tunay na warden ng lugar.Nag-atubili si Carver sandali, pagkatapos ay tumingin kay Kensley.Kensley ay humalakhak nang malamig, pagkatapos ay nilagpasan ang kanyang kamay.May nagdala ng isang tasa ng mainit na tsaa, pero ang kalidad nito ay maaaring mas maganda.Hindi ito ininda ni Harvey; kinuha niya ang tasa na may maliit na ngiti, naghihintay kung ano ang inihahanda ni