Isang Amex Black Card!Ang card ngang na nasa harap niya ay ang legendary Amex Black Card! Wala pang limang piraso ang Amex Black Card sa buong lungsod ng Niumhi. Sinumang nagmamay-ari ng card na ito ay isang taong kilalang-kilala at kagalang-galang!Kahit na iniisip siya ito, pinakalma ni Sheri Wilson ang kanyang sarili. Napakaunti lang ng mga Amex Black Card holder, at may special customer service counter ang bangko para sa privacy ng mga customer na ito. Imposibleng pumunta at pumila sila para lang mag-request na taasan ang withdrawal amount nila! Isa pa, prestihiyoso ang mga customer na ito na nakabihis ng magagarang damit. Hindi sila magsasayang ng oras pumila sa isang maliit na cashier tulad nito.May naisip si Sheri Wildon. Either peke o ninakaw ang card na ito!‘May lakas ng loob ang mga tao ngayon na gawin ito, huh?’Habang nakatingin kay Harvey York, umiling si Sheri Wilson. Lalo pang kumulubot ang kanyang mga labi sa pagkasuklam.Sa sumunod na sandali, pinindot ni Sher
Habang nagsasalita siya, tumawa si Sheri Wilson sa kanyang isipan. Ang hitsura, katawan at kagandahan ni Yvonne Xavier ay hindi lamang higit na mas mataas ang antas sa kanya. Naiinggit si Sheri, ngunit ayaw niyang aminin ito.‘Ibang klase ang magnanakaw na ito. Nagawa niyang magsinungaling sa mga tao na isa siyang CEO, gaano ka walang hiya ang lalaking ito?’Itinuon ni Yvonne Xavier ang kanyang tingin kay Sheri Wilson at sinabi sa isang seryosong tono, “Mag-ingat ka sana sa mga sinasabi mo. Siya ng CEO ng kumpanya mo. Kung patuloy kang magiging bastos, wala lang sa amin ang magbukas ng bank account sa ibang bangko. Maganda ang reputasyon ng bangko niyo, pero may iba pang mga bangko sa lungsod.‘Nag-invest ng milyun-milyong dolyar ang minamahal naming CEO nang hindi man lang pumipikit, at tinawag mo siyang magnanakaw? Grabe na ang birong ito.'Tiningnan ni Sheri Wilson si Yvonne Xavier bula ulo hanggang paa at mapanlait siyang sumagot, “Dapat ba kita paniwalaan sa sinasabi mong hind
“Okay lang ako, sir, pero ikaw…” Nag-alala si Yvonne Xavier. Paano nila nagagawang tratuhin nang ganito ang CEO na may mataas na katayuan, sa isang nakakahiyang lugar tulad nito?Mahinang sinabi ni Harvey York, "Ayos lang ako. Hayaan pumunta ang presidente nila at makita tayo. Ititigil na natin ang paggamit sa bangko na ito para sa aking mga account, account ng kumpanya, at mga investment fund ng kumpanya."“Yes, sir!” Agad na sumang-ayon si Yvonne. Tumingin siya sa mata ni Harvey, napuno siya ng determinasyon. Walang duda na ang CEO ay ang CEO nga. Ang isang simpleng utos mula kay Harvey lamang ang nagpapasya sa magiging kapalaran ng bangko na ito. Naisip niya na hindi na magbabago ang desisyon na ito, kahit na dumating ang presidente.“Nagpapanggap ka pa rin? May lakas ka pa rin ng loob na magkunwari? Sayang talaga at hindi ka naging artista!" Sigaw ni Sheri Wilson. "Ikaw! Kunin mo ang card!"Sa kanyang utos, mabilis na kinuha ng isa sa mga security guard ang Amex Black Card mula
Pinigilan ni Harvey York ang kanyang sarili na gamitin ang lahat ng kanyang lakas. Bukod sa security guard na sinubukang sunggaban si Yvonne Xavier, medyo naawa siya sa iba.Bahagyang naging baluktot ang katawan ng security guard na ito, at kumikirot sa sakit ang kanyang mukha. Hindi nila inasahang mabilis at may kasanayan ang magnanakaw na ito.Bagaman namuhay sa layaw ang mga security guard, may kakayahan naman sila at hindi nagkulang sa mga kasanayan. Gayunpaman, hindi nila inasahang matatalo sila nang ganito.Pinanood ni Sheri ang mga eksena, nanlaki ang kanyang mga mata at naiwang nakabuka ang kanyang bibig. Sa sandaling iyon, hindi na niya alam kung paano pa magre-react. Kung merong isang bagay tulad ng gamot na kayang ibalik ang oras, tiyak na hindi na niya aagawin ang phone ni Harvey.Walang intensyon si Harvey na tumigil. Tinapakan niya ang hita ng security guard, at pinaluhod ang lalaking iyon sa oras na iyon. Tahimik niyang sinabi, “Bilang isang lalaki, hindi ka dapat na
Boom!Sa sandaling iyon, isang grupo ng mga tao ang nagpakita sa pintuan. Sampu-sampung mga security guard ang nakapalibot sa chief manager habang pumasok siya kasama ang kanyang beer belly.Nangilabot siya sa gulong nasa naharapan niya. Hindi niya inasahang ang daming nangyari sa oras na tumawag siya. Subalit, malapit nang dumating ang presidente. Mayroon siyang matatag na haligi na masasandalan, kung kaya nanatili siyang kalmado.“Hoy kengkoy, sa simula ay ipapadala ka namin sa police station sa pagnanakaw ng bank card na iyon. Ilang araw lang na pagkabilanggo ang titiisin mo sana.” Nakangiting sinabi ng chief manager. “Ngayong nangyari ito, mukhang hindi na magiging simple ang kahihinatnan mo.”Itinaas ni Harvey York ang kanyang ulo at nakangiting tumingala. “Dumating ka ba, Mr. Chief Manager? May tanong ako pasa sa iyo. Hindi ka ba natatakot sa posibleng hindi mo makamtan ang anumang iniisip mo? Sa sobrang yabang mo, baka hindi mo na masalba ang sarili mo kahit magmakaawa ka pa
Ibig sabihn lang nito na ang may-ari ng phone na ito ang isa sa mga pinaka-tanyag na VIP ng bangko.Ang Amex Black card at ang numero sa screen ng phone. Bagaman ang lalaking nasa harapan niya ay mukhang mahirap, naging natakot ang chief manager.Marami ngang pagkakataon sa mundo. Lumitaw ang isang Amex Black Card sa kamay ng isang mahirap na lalaki. Baka maling numero ang tinawagan ng private customer service line. Gayunpaman, kapag dalawang tila imposibleng pagkakataon ang sabay na nangyari, unti-unting lumabas ang katotohanan.Nagsimula siyang pawisan. Ang chief manager, na kalaunan ay arogante sa mga binitawan niyang salita, ay basang basa ngayon sa pawis. Nakadikit na sa kanyang katawan ang kanyang puting shirt.Inangat niya ang kanyang ulo pero hirap siyang tingnan si Harvey York. Basta na lang itinapon ni Harvey ang leader ng mga security guard sa isang tabi. Nanatiling panatag ang kanyang mukha nang maupo siya sa isang upuan.Kalabog! Agad na lumuhod ang chief manager. “
Agad na sumagot ang chief manager, “Presidente, hindi ko sinasadya iyon. Sinusubukan ko lang protektahan ang mga assets ng aming kliyente. Paano ko malalaman na ang isang kilalang VIP ay personal na pupunta sa front desk para kusang makipag-transaksyon? Akala ko may nagnakaw ng kanyang card!”Nandilim ang mukha ni Dawson Robbin. Naglakad siya at sinipa ang chief manager sa dibdib, at nakangiting tumalikod kay Harvey pagkatapos. “Mr. York, kita mo? Ang mga subordinate ko ay may mabuting intensyon sa gulong ginawa nila. Maaari mo bang patawarin sila hindi isapuso ang bagay na ito?"“Walang problema.” Nagkibit balikat si Harvey York. "Palaging may mga mapagmataas na bullies tulad nito. Pero, gusto ko ng hustisya sa nangyari. President, pwede mo ba akong gawan ng pabor?”“Sabihin mo lang at buong puso kong tututukan ito, hangga't nasa abot ng aking makakaya ito." Seryoso ang mukha ni Dawson. Isang magandang balita na handang gumawa ng request ang isang major client. Nangangahulugan iton
Pagkaalis ng lahat, ngumiti si Dawson Robbins at sinabing, "CEO York, kung kinakailangan, pwede ko silang sesantihin bago mag-tanghali."Mahinang sumagot si Harvey York, "Internal affairs na ito ng iyong kumpanya. Ano ang kinalaman ko dito?"“Oo, oo, oo…” BInago ni Dawson ang usapan. “Patungkol sa usaping ito, sana ay pag-isipan mo ito at kalimutan na ang pag-alis ng mga asset mo mula dito.”Basang basa sa malamig na pawis ang mukha ni Dawson. Wala masyadong pera ang York Enterprise sa mga account nito, na nasa ilang daang milyon lamang. Pero, iba si Harvey. Nakakalula ang halaga ng perang nasa account niya. Kung ililipat niya sa ibang bangko ang kanyang mga private account, nasa masamang kalagayan si Dawson.“President, hindi sa ayoko kayong bigyan ng isa pang pagkakataon. Hindi ko gustong nangyayari sa akin ang mga bagay na ito.”“Hindi, hindi na ito nangyayari ulit.” Sa sandaling iyon, tumayo si Dawson. “Gagawa ang bangko namin ng isang professional team na hahawak sa kahit ano