Dahil nagsalita na ang lalaki, wala siyang magagawa kundi sumunod. Nagpadala ang Mordu University ng isang emergency message pagkatapos publikong humingi ng tawad sa mga tao at nilinis ang pangalan ng pamilya nina Harvey York at Mandy Zimmer. Kasabay nito, nabuking si Sasha Larson na ginagamit ang kanyang kagandahan para gumawa ng masasamang bagay kasama ng deputy dean ng Mordu University, ang kanyang tinatawag na Ninong.Tinanggal si Sasha mula sa Mordu University. Tinanggal din si Percy. Pareho silang nasangkot sa malaking kaguluhan sa tapat ng unibersidad. Pareho silang nagtamo ng matinding sugat. Pero dahil sa kasamaan nila, pinabayaan lang sila sa kalsada. Walang nagtangka na ipadala sila sa isang ospital. Wala man lang tumingin sa kanila kahit matapos nilang humiga sa lapag nang matagal. Nagtiyaga lang silang tumayo nang mag-isa sa huli at nagpaika-ika papunta sa ospital para magpagamot. Pagkatapos nito, naglaho na parang bula ang dalawa. Sabi ng iba ay naging mise
Sa Buckwood Hotel. Nagtipon-tipon ang ilang representatives ng mga malalaking negosyo mula sa Mordu. Isa sa mga lalaking nangunguna sa grupo ay si Charlie Gibbs. Nakatayo siya sa gilid ng wine table sa sandaling ito habang marespetong nagsasalita sa phone. "Master Todd, wag kang mag-alala. Naaalala namin ang inutos mo sa'min!""Sisiguraduhin namin na makunan ng video ang magandang pelikula ngayong gabi. Mananakawan ng katayuan at reputasyon ang babaeng ito!" May masamang ngisi si Charlie. Kinokontrol ng Jean family ang ilang mga negosyo na nagmula sa Mordu nang palihim. Binigyan sila ng utos ni Todd Jean kagabi. Natural ay gagawin nina at ng iba pa ang utos niya. Pagkatapos ibaba ni Charlie ang phone niya, nagsimula siyang uminom ng yogurt kasabay ng iba pang mga representative. Ginagamit ang yogurt para panggamot sa hangover, at napatunayan na epektibo ito. Kalahating oras ang lumipas, binuksan ng mga miyembro ng Regency Enterprise ang pinto at pumasok. Nagpakita ng
Habang nakatingin sa nag-aalangang si Mandy Zimmer, ngumiti si Charlie. "CEO Zimmer, kahit ang malalakas na pwersang kagaya namin ay hindi pwedeng makigulo sa mga local powerhouses! Lalo na't ang Regency Enterprise ang lokal na awtoridad! Wag mong sabihin sa'kin na natatakot ka?!" Tumawa nang malakas ang iba. "CEO Zimmer, hindi ka dapat nagnenegosyo kung hindi ka umiinom!""Ang kahit na sinong negosyante ay magagaling uminom!" "Hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong uminom, pero kailangan mong sumunod sa mga kondisyon namin!" Mukhang hindi nababahala ang ilang mga boss na para bang kontrolado nila si Mandy. Biglang lumapit si Harvey York pagkatapos makita si Mandy na nakakunot ang noo. "Sige, payag kami!" Galit na tumingin ang lahat ng higher-up ng Regency Enterprise kay Harvey pagkatapos siyang makitang magsalita. Pakiramdam nila ay walang karapatan si Harvey na kumatawan sa Regency Enterprise. At si Harvey ang dapat na sisihin sa nangyari sa Regency Enterprise.
Natural alam na alam ni Mandy Zimmer na hindi na kailangan pang makipag-usap pa kapag nagbago na ang isip niya.Ngumiti sila Charlie Gibbs na para bang nanalo na sila. Ang lahat ay naaayon sa kanilang plano. Natuwa sila. Sa gabing iyon, gagawa sila ng isang pelikula kung saan si Mandy mismo ang bida! At para naman kay Harvey, bibigyan lang nila ito ng kaunting pera pagkatapos ng lahat. Sa sandaling iyon, lumapit si Harvey at tinignan si Charlie nang sarkastiko. “May isa lang akong kondisyon. Dapat matalo mo ako sa inuman bago mo makasamang uminom si CEO Zimmer!“Kung hindi, wala kang karapatang uminom kasama niya!” “Sige pala! Gawin na natin!” Hindi na makapaghintay sila Charlie.Isang lalaki lang si Harvey, kaya ano ngayon kung makakainom siya ng isang libong baso? Sampu ang tao nila! “Tama! Dahil iinom tayo, wala dapat dito ang ibang mga tao. Hindi natin gugustuhing may ibang iinom para sa isa!” Tinignan ni Charlie ang mga higher-ups at ngumiti. Iyon ang pata
“Tara! Isa pang round!” Dumaan ang sunud-sunod na round. Sa huli, nakainom sila Charlie ng 40 ounce ng alak. Mas pambihira si Harvey York. Nakainom siya ng hindi bababa sa 400 ounce nang mag-isa. Ngunit mukha pa rin siyang walang pakialam na para bang walang problema sa kanya. Hindi lang natakot si Charlie sa nakita niya, ngunit mas natakot si Mandy dito. Napakasama ng mukha niya sa sandaling ito. Akala niya nagpapanggap lang ito, pero talagang kayang-kaya niya ito! Uminom ng yogurt sila Charlie nang maaga upang pataasin ang resistensya nila sa alak. Ngunit nanlumo pa rin sila pagkatapos uminom ng 40 ounce ng alak. “Kayong lahat, kaya pa ba? Tuloy pa natin nang ilang rounds!” Sinabi ni Harvey habang nakangiti, tapos nakiusap siya sa waiter na magdala ng mas matapang na alak. Halos maihi sila Charlie nang makita nila ito. Ngunit hindi sila makapaniwala. Pakiramdam nila hindi na makakatagal pa si Harvey. Hindi nagtagal, ang alak na may nasa sixty percent na alcoho
Natakot si Mandy Zimmer. Nakakadiri nang sobra ang nakita niya. Nagulantang si Charlie Gibbs. Ito ang unang pagkakataong nakaranas siya ng ganitong nakakahiyang bagay. “Tulungan ko na kayo!” Ngumiti si Harvey York habang nakatingin sa iba. Paanong hindi niya napapansin ang masasamang balak ng ibang tao? Sadyang hindi niya binigyan ng oras na kumibo ang mga ito at ibinuhos ang alak sa bibig nila. “Blaaargh!”Hindi nagtagal, naihi ang mga taong iyon. “CEO Charlie, nagsisimula pa lang tayo! Isa pa bang round?” Ngumiti si Harvey habang dinadala ang Drink of Life kay Charlie. Gumugulong si Charlie sa sahig, puno ng sakit at kagipitan. Tumingala siya para tingnan si Harvey habang mukhang hindi makapaniwala. ‘Tao ba talaga siya?’ ‘Pambihira ito!’ ‘Sadyang hindi siya nalalasing!’ “Hindi… Hindi ko na kaya!” Umiling si Charlie habang nanginginig sa takot. “Hindi maganda ‘yan. Ayon sa kasunduan namin, dapat nating tapusin ‘yan dito!” Nakangiti si Harvey. “Pi…P
“Wala! Wala! Sinasabi ko lang na hindi kailanman magiging karapat-dapat sa’yo si Brother-In-Law! Sadyang masyado kang magaling! “Dalian mo at i-divorce mo na siya!” Nahihiyang sinabi ni Xynthia Zimmer. Tinapik ni Mandy Zimmer ang ulo ni Xynthia at sumagot, “Puro ka talaga kalokohan! “Dapat di ka na nangingialam sa mga bagay tungkol sa amin ng brother-in-law mo, okay? “Matanda na kami. Dapat magpokus ka sa pag-aaral mo!” Pinatunog ni Xynthia ang dila niya at sumagot, “Kung ganoon, kakailanganin ko ng librong pag-aaralan! Kapag hindi ito naayos ni Brother-In-Law, dapat mo siyang ibigay sa akin bilang kabayaran!” “Ano?!” Akala ni Mandy nagkamali siya ng dinig. “Xynthia, naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?” Hindi makapaniwala si Mandy sa narinig niya. Lagi na lang gumagawa ng kalokohan ang kapatid niya! Paano niya nagagawang sabihin ito? Tumayo nand diretso si Xynthia at lumingon. “Syempre naiintindihan ko! Dapat maging responsable siya sa akin kapag hindi ako naka
Sa Yates family ng Buckwood. Walang tao sa bahay na ito sa puntong ito. Noong bumagsak ang haligi ng pamilya, ang pamilya mismo ay nalanta. At ang kompanya, ang Silver Nimbus Enterprise, na nakuha mula kay Mandy Zimmer, ay tuluyang nalugi. Sa loob lamang ng ilang araw, namuti nang sobra ang buhok ni Grandma Yates na para bang tumanda siya nang dalawampung taon. Ang dating marangal na Yates family ng Buckwood ay naging isang sira-sirang pamilya pagkatapos. Ngunit magkakasama pa rin ang pamilyang ito sa sandaling ito. “Kumusta? Anong sinabi ng Yates family mula sa America?” Kaagad na tinanong ni Grandma Yates si Phoebe Yates, na kabababa lang ng telepono. Nanginig si Phoebe. “Pumayag silang tulungan tayo, pero sa isang kondisyon. “Mula ngayon, kailangan nating maging alipin ng pamilya nila.” “Mula ngayon, magiging alipin na talaga tayo ng Yates family ng America.” Nagbago ang mukha ng pamilya. “Grandma Yates, hindi natin pwedeng tanggapin ang alok na ito! Ang Ya