Natakot si Mandy Zimmer. Nakakadiri nang sobra ang nakita niya. Nagulantang si Charlie Gibbs. Ito ang unang pagkakataong nakaranas siya ng ganitong nakakahiyang bagay. “Tulungan ko na kayo!” Ngumiti si Harvey York habang nakatingin sa iba. Paanong hindi niya napapansin ang masasamang balak ng ibang tao? Sadyang hindi niya binigyan ng oras na kumibo ang mga ito at ibinuhos ang alak sa bibig nila. “Blaaargh!”Hindi nagtagal, naihi ang mga taong iyon. “CEO Charlie, nagsisimula pa lang tayo! Isa pa bang round?” Ngumiti si Harvey habang dinadala ang Drink of Life kay Charlie. Gumugulong si Charlie sa sahig, puno ng sakit at kagipitan. Tumingala siya para tingnan si Harvey habang mukhang hindi makapaniwala. ‘Tao ba talaga siya?’ ‘Pambihira ito!’ ‘Sadyang hindi siya nalalasing!’ “Hindi… Hindi ko na kaya!” Umiling si Charlie habang nanginginig sa takot. “Hindi maganda ‘yan. Ayon sa kasunduan namin, dapat nating tapusin ‘yan dito!” Nakangiti si Harvey. “Pi…P
“Wala! Wala! Sinasabi ko lang na hindi kailanman magiging karapat-dapat sa’yo si Brother-In-Law! Sadyang masyado kang magaling! “Dalian mo at i-divorce mo na siya!” Nahihiyang sinabi ni Xynthia Zimmer. Tinapik ni Mandy Zimmer ang ulo ni Xynthia at sumagot, “Puro ka talaga kalokohan! “Dapat di ka na nangingialam sa mga bagay tungkol sa amin ng brother-in-law mo, okay? “Matanda na kami. Dapat magpokus ka sa pag-aaral mo!” Pinatunog ni Xynthia ang dila niya at sumagot, “Kung ganoon, kakailanganin ko ng librong pag-aaralan! Kapag hindi ito naayos ni Brother-In-Law, dapat mo siyang ibigay sa akin bilang kabayaran!” “Ano?!” Akala ni Mandy nagkamali siya ng dinig. “Xynthia, naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?” Hindi makapaniwala si Mandy sa narinig niya. Lagi na lang gumagawa ng kalokohan ang kapatid niya! Paano niya nagagawang sabihin ito? Tumayo nand diretso si Xynthia at lumingon. “Syempre naiintindihan ko! Dapat maging responsable siya sa akin kapag hindi ako naka
Sa Yates family ng Buckwood. Walang tao sa bahay na ito sa puntong ito. Noong bumagsak ang haligi ng pamilya, ang pamilya mismo ay nalanta. At ang kompanya, ang Silver Nimbus Enterprise, na nakuha mula kay Mandy Zimmer, ay tuluyang nalugi. Sa loob lamang ng ilang araw, namuti nang sobra ang buhok ni Grandma Yates na para bang tumanda siya nang dalawampung taon. Ang dating marangal na Yates family ng Buckwood ay naging isang sira-sirang pamilya pagkatapos. Ngunit magkakasama pa rin ang pamilyang ito sa sandaling ito. “Kumusta? Anong sinabi ng Yates family mula sa America?” Kaagad na tinanong ni Grandma Yates si Phoebe Yates, na kabababa lang ng telepono. Nanginig si Phoebe. “Pumayag silang tulungan tayo, pero sa isang kondisyon. “Mula ngayon, kailangan nating maging alipin ng pamilya nila.” “Mula ngayon, magiging alipin na talaga tayo ng Yates family ng America.” Nagbago ang mukha ng pamilya. “Grandma Yates, hindi natin pwedeng tanggapin ang alok na ito! Ang Ya
Nanlamig na kuminang ang mata ni Todd. Nagngitngit ang ngipin niya. “Master Russel, pakiusap bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Sa oras na ito, ako ay siguradong hindi papalpak!”Sa hapon na iyon, dumating si Todd sa Regency Enterprise gamit ang kontrata mula dati.Si Mandy ay hindi pa siya nakilala, dahil sila din ay mga stockgolder ng Regency Enterprise.“Ikaw si Mandy Zimmer, hindi ba? Nandito kami na isa lang ang tanging nasa isip. Gusto namin ang lahat ng stock ng Regency Enterprise!”Sabi ni Todd sa hindi sumusukong tono.Kumunot ang noo ni Mandy. “Imposible iyon. Kakakuha ko lang sa kumpanyang ito. Atsaka, ang issue tungkol sa cash flow ay naasikaso na ngayon at maraming pagunlad ang magagawa sa hinaharap. Bakit ko ibebenta ang mga stock sayo?”“Oo, Mr. Jean. Gusto namin ibenta ang mga stock ilang araw ang nakalipas, pero hindi na namin iyon kailangan.”“Siguro ay kailangan mo na alam ang bago sa kasalukuyang mga kaganapan. Gayunpaman, tutal ikaw ay isa sa aming stock
Karamihan ng mga awtoridad na nandoon ay natakot sa segundo na narinig nila ang mga salitang “mga Jean mula sa Mordu.”Humarap sila kay Mandy, may mga mata na puno ng takot.“CEO Zimmer! Ang lahat ng pinagdaanan natin dati ay hindi maikukunsidera na malaking issue kumpara sa ating problema sa oras na ito! Kinakaharap nating ang mga Jean mula Mordu!”“Ang paninindak ng pamilyang iyon ay higit sa ating naiisip! Nakikita na nakatuon ang kanilang paningin sa Regency Enterprise, hindi ba sa tingin dapat nating ibenta ang kumpanya?”“Tama! Ang mga Jean mula Mordu ay bumili ng maraming corporation sa Buckwood nitong mga nakaraang araw. Ang mga may ari ng nasabing mga corporation ay namatay mula sa pressure ng sinubukan nilang manlaban!”“Sila ay isa sa top ten na mga pamilya ng Country H! Hindi dapat nila siya galitin! Hindi natin magagawa na tiisin ang kapalit ng paggawa nito!”Isa sa mga awtoridad ay nagdagdag sa mababang boses, “CEO Zimmer, sa tingin ko ito ay maswerte na si Mr. Todd
Sa sumunod na araw.Si Mandy Zimmer ay pumasok sa enterprise na may maitim na circle sa paligid ng kanyang mata.Bago pa siya makaabot sa kanyang opisina, si Todd Jean ay pumasok kasama ang kanyang grupo ng mga bodyguard.Wala sa mga security guard sa enterprise ay naglakas loob na lumapit sa kanya ng makita niya ang mga bodyguard na iyon, armado ng sobra na may mga baril na nakasabit sa kanilang mga bewang.May mga baril sa sitwasyon ito, sila ay maaaring mamatay kahit anong oras, tama…?Sino ang merong lakas ng loob para lumaban sa ganitong mga tao?Ang mga awtoridad ng Regency Enterprise ay handa na lumuhod sa harap ni Todd at katulad niya. Maaari, sila ay nagusap kagabi at nagkaroon ng kasunduan.“Nagtataka ako kung naisip mo ang aking alok, CEO Zimmer?”Umupo si Todd sa sofa, ang kanyang binti ay nakapatong sa kabila habang tinatakot si Mandy.Nanlalamig ang mukha ni Mandy. “Sige. Kahit na kung ako ay handa na ibenta ang Regency Enterprise para sayo, hindi mo ba naisip na
Maybang!Dominante!Masama!Ito ay ang ideya ng lahat tungkol sa pamilya Jean mula Mordu.Bawat awtoridad sa eksena ay nanginig sa takot.Narinig nila ang balita tungkol sa kung paano ang mga lumaban sa pamilya Jean mula Mordu ay lahat nawala kasama ng kanilang pamilya.Ang mga awtoridad na ito ay ayaw na mauwi tulad ng mga iyon.Smack!Ang sekretarya ni Todd ay nagbato ng kasunduan kay Mandy at kaswal na nagsalita, “Pakinggan mo ang sinabi ng aking young master? Pulutin ang barya, pirmahan ang kasunduan at tapos bumalik sa iyong bahay para maglinis bago pumunta doon mismo, naintindihan mo?”“Kung si CEO Zimmer ay hindi pa din handa na pirmahan ito, kung gayon ngayong gabi, ang aking young master ay iimbitahin si Mr. Simon, Ms. Lilian at Ms. Xynthia para maghapunan ng magkasama…”Ang secretary ay may marangal at magalang na tingin habang nagsasalita, pero ang mga salita na nanggaling sa kanya ay nagpataas ng kanilang balahibo.Ano ang mangyayari sa pamilya ni Mandy kung kaha
Tumingin si Harvey kay Todd at sumimangot. “Sino ka sa tingin mo? Hindi mo ba makita na kausap ko ang aking asawa? Umalis ka kung kailan mo gusto!”“Ikaw…”Si Todd ay nagalit. Nagngitngit ang kanyang ngipin, tapos tumayo at ngumisi, “Sabihin mo kung ano man gusto mo! Pagtapos ka na sa mga huling salita mo, ipadadala ko kayong dalawa sa impyerno!”“Hindi, ililigtas ko muna ang buhay mo para makita mo kung paano ko parurusahan ang iyong asawa. Tanging saka lang kita tatapusin!”Tumawa si Todd. Hindi niya palalampasin si Harvey ng ganun kadali.Smack!Nagbigay ng mabangis na sampal si Harey sa mukha ni Todd. Sa ilalim ng hindi makapaniwalang tingin ng lahat, umungol siya ng nanlalamig, “Wala akong pakialam kung sino ka.”“Pero tandaan mo ito!”“Ito ay Buckwood. Ikaw man ay makapangyarihan o hindi, dito, dapat kang magpakabait!”“Bibigyan kita ng tatlong segundo para lumuhod at humingi ng tawad sa pagtakot sa asawa ko!”“Kung hindi, mawawala ang buhay mo dito!”“Maging magalang!