/habang pinagmamasdan ang kayabangan ni Harvey, isang ngiting uhaw sa dugo ang lumitaw sa mukha ni Brother Fly. “Katapusan mo na, bata!” “Sa oras na dumating ang boss ko, mauunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng kamatayan!” “Hindi lang ikaw! Hindi ko rin pakakawalan pati ang asawa mo!” Hindi sumagot si Harvey. Kaswal niyang pinulot ang bakal na tubo at kaagad na hinampas ito sa mukha ni Brother Fly. “Argh!”Nagpakawala ng hindi maintindihan na hiyaw si Brother Fly nang tumalsik ang halos lahat ng kanyang ngipin. Pinanlisikan niya si Harvey, bakas ang galit sa mga mata nito. Gusto niyang takutin si Harvey, pero hindi siya nangahas an ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot na baka mulis siyang hampasin ni Harvey. Sa mga taong nanonood, katapusan na ni Harvey. Ang buong gulo na ito ay hindi na maaayos pa sa simpleng paglumpo sa kanya. Sa sobrang takot ni Mandy, malapit na siyang umiyak. Hindi niya akalain na magiging ganito kapadalos-dalos ang kanyang asawa! Kahi
Ilang minuto ang lumipas, isang van ang lumitaw sa may tabing kalsada ng Pedestrian Street. Isang grupo ng kalalakihan ang lumabas sa van pagkatapos. Ng makita niya ito, sumigla si Brother Fly. Kahit si Nick Lachey at ang kanyang mga tauhan ay nasabik. Hindi nagtagal, isang grupo ng kalalakihan ang lumitaw. Lahat sila ay nakasuot ng kurbatang itim, matangkad at malakas. Halata na sila ay mga fighter sa unang tingin pa lang. Ang lalakeng nangunguna sa kanila ay isang lalakeng nakasuot ng kurbata, mukha siyang hindi pangkaraniwan sa unang tingin pa lang. Siya ay walang iba kung hindi ang kilalang pinuno ng Buckwood, si Master Caesar.Si Master Caesar at ang kanyang mga tauhan ay lumipat sa harapan ng mga tao at nagulantang. Lalo na nung nakita nila na nakaluhod si Brother Fly sa harapan ni Harvey. “Boss, tulungan niyo ko! Nagawa akong saktan ng lalakeng to! Hindi pa nga siya nagbigay galang sayo!” Nang makita niya ang kanyang tagapagligtas, hindi mapigilan ni Brother F
Hindi lang si Brother Fly ang naguguluhan. Pati ang lahat ay naguguluhan din sa nangyayari. Nagbago ang tingin nila kay Harvey. ANong nangyari? Pati si Mandy ay naguguluhan. Humingi nga siya ng tulong sa Yates family.Baka ang mga Yates ay ganun kalakas? Marahil isang tawag lang ay sapat na para ma-pressure si Master Caesar? Habang iniisip niya ito, inaasahan na niya ito. Ang mga Yates ay kontrolado ang buong pulisya ng South Light, kaya nagkataon na sila ang kalaban ng mga mobster. Marahil ay nauunawaan ni Harvey ang katotohanan na ito, na nagpapaliwanag kung bakit siya kumikilos ng walang prinsipyo.Maya-maya lang, isa pang grupo ng mga kalalakihan ang dumating. Ang lalakeng namumuno sa grupong ito ay walang iba kung hindi si Tyson Woods. “Siya…siya ang bagong hari ng lansangan ng South Light, si Tyson Woods!” “Tama, siya nga! Bakit siya pumunta dito?!” Nagulat ang lahat. Ang isipin na ang isang maliit na bagay tulad nito ay sapat na para mag-udyok sa pangunahing
Tumakbo ang dalawa papunta kay Harvey. Nakahinga nang maluwag si Yoel Graham nang makita niya na ayos lang si Harvey. Kaagad na yumuko si Yannick Bisson sa harapan ni Harvey. Sobrang nagulat ang mga tao sa nakita nila. Sino ba si Harvey York?! Bakit napakagalang ng mga makakapangyarihang tao na ito sa kanya?! Lalo na ang first-in-command ng Buckwood, si Yoel Graham! Lumitaw ang isang malaking personalidad na kagaya niya! Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin nito ay mayroong napakamakapangyarihang awtoridad ang live-in son-in-law na iyon! Nagbago ang titig ng lahat kay Harvey. Ang ilan pa ay nagsimulang matakot sa kanya. Noon, sa mga mata ng lahat, isa lang siyang live-in son-in-law na ang alam lang ay makinabang sa kanyang asawa. Bigla na lang, naging isa siyang malaking personalidad na may misteryosong pagkatao. Bakas sa mukha ni Mandy na hindi siya makapaniwala. Ginawa ba talaga ng mga Yates ang lahat ng ito para sa kanya at kay Harvey? Naiintindihan niya
Sa hall ng main residence ng mga Yates. "Papa, Mama. Anong nangyayari? Bakit kayo nagmamadali?" Tanong ni Harvey. "Hindi ako sigurado, pero tinawagan ako ng mga Yates kaninang umaga at sinabi nila sa'kin na may malaki silang iaanunsyo." "Sa tingin ko baka naghahanda sila na ibalik sa'tin ang parte ng shares ng Silver Nimbus Company!" Nasabik si Lilian. "Tama! Lalo na't ang mga Yates ang family-in-law ninyo. Siguro nahanap na nila ang konsensya nila at hindi nila matiis na makita tayong nakatira sa kalsada!" Sobrang nasabik din si Simon. Hindi siya makatulog nang maayos nitong nagdaang ilang araw. Nag-aalala siya kung saan siya dedepende sa hinaharap para mabuhay, pero may pag-asa pa rin pala talaga! Palihim na bumulong si Mandy sa tainga ni Harvey, "Darling, dapat mong gamitin ang pagkakataong ito para pasalamatan sina Tito at ang iba pa ngayong araw. Sa tingin ko alam nila na nagtatayo tayo ng street stalls at naaawa sila. Kaya binigyan nila tayo ng pag-asa." Natural
Hindi makapaniwala si Lilian habang nakatingin kay Grandma Yates. Ang babaeng iyon ay ang ina mismo ni Lilian, pero paano niya nagagawang magsabi ng ganito? Nag-imbita pa siya ng mga mamamahayag para sa bagay na ito! Napakawalang-awa nito! Sobrang natakot si Simon na umabot sa puntong namutla ang kanyang mukha. Masyadong seryoso ang bagay na ito. Baka mawalan pa sila ng pag-asa na magmalimos ng pagkain pagkatapos nito! Samantala, hindi makapaniwala si Mandy sa kanyang narinig. Kinuha na nga ng kanyang lola at tito ang kanyang shares na nagkakahalagang tatlong daang milyong dolyar, pero hindi pa rin nila bibigyan ng paraan na mabuhay ang pamilya nila. Ang pinakaimportanteng bagay pa rito ay inanunsyo pa nila ito sa publiko ay pinaalam sa buong mundo. Katumbas nito ay sinabi nila sa lahat na hindi na sinusuportahan ng Yates family ang pamilya ni Mandy mula ngayon. "Lola, Tito, bakit?!" "Hindi ba tinulungan niyo pa kami kahapon?!" "Bakit niyo kami tinatrato nang ganito
Tumawa ang lahat pagkatapos tumayo si Harvey para magsalita. Sa mga mata ng mga Yates, walang katayuan sina Mandy at ang kanyang pamilya. Mas mababa pa si Harvey kaysa sa kanila! "Grandma Yates, Keith. Naniniwala ka ba na pagsisisihan niyo ang ginawa niyo ngayon?" "Ang top-rated na Yates family?" Sabi ni Harvey nang nakangisi. "Ikinakatakot ko na hindi niyo mapapanatili ang kadakilaan ng pagiging isang first-rated!" "Ang kapal ng mukha mo!" Malamig na sumagot si Keith. "Ang lakas ng loob mong sumpain ang top-rated na Yates family nang ganito! Pasaway ka!" "Gusto mong magsisi ang Yates family? Imposible!" "Ngayon na nasa kamay na namin ang lahat ng shares ni Mandy, nasa'min na ang lahat ng awtoridad at karangyaan sa mundo! Paano kaming magsisisi?!" "Hindi maiintindihan ng isang basurang live-in na kagaya mo kung gaano na kalakas ang Yates family ngayon!" Tumawa ang mga Yates. Sa kanilang mga mata, si Harvey ay isa lamang baliw. "Manahimik kayo!" Sa sandaling iyon, na
Hindi nagtagal ay umalis na sila Harvey at ang tatlo. Ang sinabi niya bago siya umalis ay puno nga ng malakas na determinasyon. Pero para sabihin niyang hindi nila kailangan ang suporta ng mga Yates? Ang pagsama sa top-rated na Yates family ang pinakamalaking kadakilaan na matatanggap ng pamilya nila! "Hindi talaga tumitigil sa pagyayabang ang basurang live-in na yun kahit na walang magawa ang buong pamilya niya!" "Hayaan mo siyang magsalita! Wala naman nang kinalaman sa'tin ang pamilyang iyon!" "Baka mapatay pa siya dahil sa bibig niya! Kung ganun, makakahinga tayo nang maluwag!" "Ang sarap sa pakiramdam na magpalayas ng isang malas na lalaki!" "Mula ngayon, ang Yates family ay opisyal nang magiging isang top-rated family!" “Hahahaha…!”Tumawa muli ang Yates family sa pinakamalakas at aroganteng paraan. Alam mismo ni Mr. Barker ang gagawin sa sandaling ito. Kaagad siyang lumapit para sumipsip sa mga Yates. "Congratulations, Madam Yates, Sir Yates! Ang Yates fami