Matagal na naghirap ang pamilya nila Mandy. Wala silang magawa kundi ang magtago sa kanilang bahay at hindi sila makalabas. Buti na lang darating na sa susunod na araw ang Ceremony of Changing Defenses ng militar ng South Light. Buong araw lang nasa balita si Mandy at ang pamilya niya bago ganapin ang seremonya. Samantala, sa loob ng manor ng Leo family…Naghanda ng regalo si Chris Leo.Pinapunta niya si Jessie Tate at inilabas ang regalo.“Commander Tate, ano sa tingin mo kung ibigay ko ito sa Head Commander bukas?” Tanong ni Chris habang nakahalukipkip ang kanyang braso. Tinignan ito ni Jessie bago sumagot, “Magaling. Ang Head Coach ay mula sa militar. Maaaring retirado na siya, pero magugustahan niya ang ganitiong bagay.”“Magaling, napakagaling.”Tumawa si Chris. “Oo nga pala, kumusta na ang tungkol sa pagiging saksi ng Head Coach sa kasal ko?”Ngumiti si Jessie.“Walang problema. Nakausap ko na si Ethan Hunt mula sa Sword Camp. Sabi niya nakausap na niya ang Head
Nanumbalik ang kulay sa mukha ni Carson Cloude pagkatapos marinig ang sinabi ni Grandma Yates.Ngumiti si Callum Robbins. “May plano ka ba para bukas, Grandma Yates?”Sumagot si Grandma Yates, “Ang Ceremony of Changing Defenses ay gaganapin sa hall ng gobyerno ng South Light. Bukod kay Bellamy Blake ang bagong naatasang maging first-in-command ng South Light’s military, si Oskar Armstrong at ang Head Coach ay dadalo rin sa ceremony.” “Bukas, aayusin ni Keith ang pwesto ng lahat. Kapag nangyari ‘yun, nakasalalay sa kakayahan niyo kung makukuha niyo ba o hindi ang suporta ng Head Coach.”Nagalak si Callum at Carson sa mga salitang ito.Alam nila ang tungkol sa alamat ng Head Coach. Nanguha pa sila ng impormasyon mula sa mga tao sa militar para maunawaan ang katayuan ng Head Coach.Kung magagamit nila ang pagkakataong ito para makilala ang Head Coach, edi ang Robbins family, Cloude family at ang Yates family ay hindi na kailangan pang umasa sa iba. “Hmph! ‘Pag nangyari ‘yun,
Nitong alas nueve ng umaga.Nagsuot ng pormal na kasuotan si Harvey, tapos ginising niya si Mandy kasama na ang iba. “Dad, Mom, Mandy. Dapat magsuot din kayo nang pormal. Dadalhin ko kayo sa isang lugar para magpahinga. Nagtaka sila Mandy. Ngunit hindi nila kailangang magtrabaho at wala rin silang kailangang puntahan. Dahil si Harvey na ang nagsabi, nagsuot sila ng pormal na kasuotan at sumakay sa kotse nang hindi nagtatanong. ‘Di nagtagal, bumiyahe si Harvey sa direksyon ng bagong distrito ng Buckwood. Hindi ito pinansin ni Mandy. Ang bagong distrito ng Buckwood ay ang bagong gawang lugar na may ilang mga ahensya ng pamahalaan kasama na ang ilang mga komersyal na gusali. Akala niya gusto lang siyang dalhin ni Harvey sa bilihan para maglibang. Hindi nagtagal, naramdaman ni Mandy na parang may kakaiba. Nakakita siya ng mga sundalong may armas na nagbabantay sa mga kalsada. Mayroon ring ilang mga mamahaling kotseng dumadaan, kasama ng malalaking mga kulay berdeng buggy
”Hm? Kayo? Bakit nandito ang pamilya mo?” Isang nagtatakang boses ang maririnig mula sa gilid.Lumingon si Mandy at ang pamilya niya at nakita ang mga Yates na palapit nang may malalaking hakbang. Wala doon si Keith Yates, ngunit ang taong nangunguna sa mga Yates ay si Grandma Yates mismo. Ang taong nakatayo sa tabi niya ay isang nakakaakit na babaeng may kayumangging buhok, si Phoebe Yates. Nag-aaral siya sa America noon at kakabalik lang nitong nakaraang dalawang araw. Sinundo siya ng mga Yates pagkatapos makababa ng eroplano nitong umaga. Kahti na maganda si Phoebe, ang manipis niyang labi at parang may usok na mata ay nagbigay sa kanya ng anyong parang seryoso. Ngumiti si Phoebe at nagsalita. “Diba ikaw si Mandy Zimmer? Balita ko si Grandma Yates mismo ang nagpalayas sa buong pamilya mo! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa lugar na ito?” “Isa ba itong lugar na pwedeng puntahan ng mga askal na tulad mo?” Tumawa nang malakas ang mga Yates sa sinabi ni Phoebe. To
Tumingin nang kakaiba si Callum Robbins kay Harvey, at muling tumawa pagkatapos. “Matagal ko nang gustong makita ka. Matagal nang umaalingawngaw ang pangalan mo sa tainga ko na parang kidlat!” Si Carson Cloude, sa kabilang banda, ay tinignan nang masama si Harvey. Nabali ang mga binti ni Eric Cloude. Kahit na hindi pa siya patay, nasa ilalim siya ng coma ngayon. Ito ang dahilan kung bakit hindi nalaman ni Carson ang nangyari noon. Ang alam lang niya ay siguro may sumusuporta kay Harvey dahil nagawa niyang makatakas. Para kay Carson, malamang si Prince York ang sumusuporta sa kanya. Kung bago pa ito mangyari, matatakot pa si Carson kay Prince York. Pero iba ngayon. Sa tulong ni Keith, makikilala nila ang Head Coach. Kapag nakuha nila ang suporta ng Head Coach, bakit pa sila matatakot kay Prince York? Kalokohan! Ngumiti si Grandma Yates at sinabi, “Mga Patriarch! Dinala ni Harvey ang pamilya niya dito para dumalo rin sa Ceremony of Changing Defenses!” Hindi mapigila
Matapos marinig ang mga salita ni Harvey, ang ekspresyon sa mukha ni Simon Zimmer ay naging walang magawa.Noong una akala niya na ang kanyang live-in son-in-law na naging driver ng kung sino ay nagsimulang maging medyo magaling.Subalit, ang kanyang master ay hindi kwalipikado na pumunta sa ganitong mga okasyon. Mukhang ang master ay hindi impoprtante at hindi magaling!Hindi na siya nagtanong pa ng mga detalye ng maisiip niya ito.Sa halip, napabuntong hininga siya, “Bilang driver, ikaw ay medyo magaling. Naramdaman ko ang ilang mga chief ngayon lang na hindi mahintay na masakal ka hanggang mamatay ka!”“Paano mo ito nagawa? Paano mo nabastos ang sobrang maraming tao sa pagiging driver lang?”Ngumiti si Harvey at sinabi, “Father, sila ay mga basura lang e. Ano ba ang pakialam mo sa kanila? Sila ay kaagad na luluhod ng makilala nila si Prince York. Sinisigurado ko sayo, mga basura lang sila.”Akala ni Simon na si Harvey ay hindi nagyayabang ngayon. Sa halip, nagbuntong hininga
Sa infield.Lahat ng mga bisitang nandoon sa sandali ay napaupo.Si Sheldon Xavier, Kyle Quinlan, Oskar Armstrong at iba pa ay nakaupo sa harapan.Katabi ni ni Sheldon ay si Chris Leo, ang Prince ng pamilya Leo mula sa Hong Kong at si Yvonne Xavier.Sila ay nasundan ng first-class na mga pamilya tulad ng pamilya Yates, ang pamilya Robbins at ang pamilya Cloude.Dagdag pa doon, ang first-in-command ng iba’t ibang mga ministry ng South Light Government ay pumunta din.Ang first at second-in-command ng Buckwood, si Yoel Graham at Reign Jackson at iba pa ay nandoon.Si Jessie Tate ay dumating din na may magalang na tingin sa kanyang mukha.Ang mga taong iyon ay nakaupo.Tanging anim na upuan lang mula sa harapan ay natirang bakante.Naintindihan ng lahat ang ibig sabihin nito.Maliban sa bagong talagang first-in-command ng South Light Military, si Commander Bellamy Blake, ang natitirang apat na upuan ay para sa Chief Instructor at ang Four Gods of War ng South Light Military.A
Subalit, si Bellamy Blake ay hindi nagpatuloy para umupo sa sandaling ito. Sa halip, nakatayo siya sa tabi ng entrance ng venue, naghihintay ng matiyaga.Sandali matapos iyon, ang apat na tao na naka uniporme ay naglakad papasok.Namumuno papasok ay ang pinuno ng Four Gods of War ng South Light Military, ang Long Sword Warrior, si Ethan Hunt.Kasunod ng Magic Sword Warrior, ang Short Sword Warrior at ang Falchion Warrior.Ang Four Gods of War ng South Light Military Department ay nandito. Ang kanilang nakakatakot na aura ay nakakalat sa paligid. Kahit si Bellamy ay hindi matapan ito.Kahit ang mga karakter tulad ni Sheldon Xavier ay nakaramdam ang adrenaline na bumubugso sa pagdating ng Four Gods of War.Ang South Light Military ay nasa harap at nagkakalat ng dugo sa Far Eastern Countries ng maraming taon ng walang tigil.Kaya, masasabi na ang Four Gods of War ay nakipaglaban sa ilang libong sundalo.Subalit, sa buong Four Gods of War ng South Light Military, ang Long Sword War