"Sinaktan?" Sa kabilang linya, nakalimutan na ni Harvey ang tungkol kay Mason. Nang tinanong siya ni Mandy, bigla niya itong naalala. "Wala akong binugbog. Nakipag-sparring lang ako sa isang bata." "Sparring?" Nanggalaiti si Mandy. "Sinasabi mo sa'kin na sparring lang yun ngayong naospital ang tigapagmana ng Regency Enterprise nang dahil sa'yo?!" "Sinasabi ko sa'yo ngayon! Malaking gulo to!" Galit na binaba ni Mandy ang tawag. Huminga siya nang malalim at kumalma kasunod nito, pagkatapos ay yumuko siya kay Jacob. "CEO Warner, kasalanan namin ang buong insidente na ito!" "Handa akong magbayad ng isandaan at limampung libo para sa emosyonal na kondisyon ng anak mo pati na rin ang pambayad sa ospital." "Tungkol naman sa collaboration natin, handa ang kumpanya ko na magbigay ng sampung porsyento ng mga share namin para ipahiwatig ang aming paghingi ng tawad. Ngunit tumawa lang nang malamig si Jacob sa mga salita ni Mandy. "Pera? Sa tingin mo ba talaga kulang sa pera
Sa tirahan ng mga Yates. Dumaan si Jacob para bumisita at nagdala siya ng mga malalaking regalo. May masamang ekspresyon ang kanyang mukha. "Sir Yates, ganito na ba kasama ang negosyo rito sa South Light?" "Magagawa ng mga tao na pilayin ang anak ng kakumpetensiya nila para lang manalo sa negosasyon?" Nagbago ang ekspresyon ni Keith Yates. "Sinong gagawa ng ganito?!" "Matagal nang patas ang negosyo sa South Light! Kung sinoman ang ginagawa ng gulo kagaya nito ay pinapahirapan lang ang kanilang mga sarili!" "Hindi ba sinabi mo sa kalaban mo na ako ang sumusuporta sa'yo sa likod ng eksena?" Bumuntong-hininga si Jacob at sumagot, "Sir Yates, siguro hindi talaga ganoon kalaki ang impluwensya mo." "Binanggit na ng anak kong si Mason ang pangalan mo, pero mayroon pa ring naglakas ng loob na baliin ang tadyang niya. Nasa ospital siya ngayon at naghihingalo!" "Ano?!" Galit na tumayo si Keith nang masama ang kanyang ekspresyon. Dahil sa naunang insidente, bumaba ng tatlumpun
Tusong ngumiti si Jacob nang makita niyang kung paanong nagalit ang mga Yates. Bago ito, nag-imbestiga muna siya at nalaman niya na si Mandy Zimmer ay ang granddaughter-in-law pala ng Yates family. Ngunit hindi siya sigurado sa relasyon niya sa mga Yates, kailangan niyang sabihin ang lahat ng bagay na iyon para makakuha ng impormasyon mula sa mga Yates. Ngayon, naintindihan na niya na hindi kinagigiliwan ng Yates family sina Mandy Zimmer at Harvey York. Masasabi na kinamumuhian ng mga Yates ang mag-asawa! Kung ganoon, maaaring magpatuloy si Jacob sa kanyang negosyo nang walang problema. Pwede pa niyang gamitin ang mga Yates laban kay Mandy Zimmer dahil sinusuportahan nila siya. Pwede niyang pilitin si Mandy na sumuko sa kanya!Malalim ang iniisip ni Keith. "Sabihan mo si Finn na umuwi." Hindi nagtagal, nakauwi na si Finn Yates. Siya na ang third-in-command sa Buckwood Police Station. Ang kasalukuyan niyang posisyon ay isang deputy inspector. Maituturing siyang isan
Kalmadong sumagot si Harvey, "May ilang tao lang talagang napakalala. Hindi mo sila mahaharap nang mata sa mata nang hindi sila binibigyan nang leksyon." "Kung hindi ko ginawa yun at nagpatuloy ang lalaking iyon na bastusin si Xynthia, Diyos na lang ang makakaalam kung anong susunod na mangyayari." "Kahit na ganoon, hindi rin ako pwedeng palaging kasama ni Xynthia." "Tama! Pinoprotektahan lang ako ni Brother-In-Law. Wag mo siyang sisihin." Hinila ni Xynthia ang kamay ni Mandy at tumingin nang nakakaawa. Bumuntong-hininga si Mandy, hindi siya sigurado sa sasabihin niya sa sandaling ito. Ngunit ang problema ay nasa ospital si Mason at nasa panig niya ang katwiran. Paano niya hahawakan ang bagay na ito? Walang intensyon si Mandy na tanggapin ang mga kondisyon na binigay ng kanilang partido. Gayunpaman, natural na hindi sila susuko nang ganoon kadali. Talagang masakit ito sa ulo! Sa sandaling iyon ay tumunog ang doorbell. Nasa pinto sina Jacob Warner at Finn Yates
"Tama! Hindi ba ang student council president ang hari ng university? Sa tingin ko normal lang to. Lalo na't may kwalipikasyon si Mason!" "Sa kabilang banda, ikaw ang walanghiya! Nakikipaglambingan ka sa brother-in-law mo, tapos nagalit ka sa pagkapahiya nang mahuli ka at binugbog niyo si Mason!" Sumama ang mukha ni Xynthia. Humarap siya kay Dwayne. "Senior Haris, handa kang tumayo para kay Mason kahit pagkatapos ka niyang bugbugin?" Sumagot si Dwayne nang may gulat na itsura, "Xynthia, pwede bang wag ka nang gumawa ng kwento? Ang lalaking nanakit sa'kin ay ang brother-in-law mo, si Harvey York!" "Hindi ko na nga gustong ipagpatuloy ang bagay na ito pero kailangan mo pang ipaalala!" Napatunganga si Xynthia sa sinabi ni Dwayne. Hindi niya inasahan na ililipat ni Dwayne ang sisi kay Harvey. Sa sandaling ito, naintindihan na ni Harvey ang lahat. Nakaayos na ang pagtutulungan sa pagitan nina Jacob at ng mga Yates. Nagtatrabaho man sa gobyerno ng Buckwood ang ama ni Dwayne
Sumama ang mukha nila Simon at ng pamilya nito sa mga sinabi ni Finn. Ang titulo ni Finn bilang prinsipe ng yates family ay hindi lamang dekorasyon. Sinasabing nag-aral siya sa unibersidad na itinaguyod ng South Light General Police Department, at siya ang kampeon ng fight league ng police force nang ilang beses habang nandoon siya. Kahit na hindi siya ang tipong basta na lang manununtok, kapag ginawa niya talaga, siguradong malulumpo niya o mapapatay ang kalaban niya. Ang pagpapadala ng Yates family kay Finn Yates para tulungan ang Regency Enterprise at magpakita ngayon ay sapat nang pruwebang katapusan na ni Harvey! Sa sandaling ito, ang mapilayan ay parang maliit na kaparusahan lamang. Maaaring mapilitan si Harvey na ubusin ang kalahati ng buhay niya sa likod ng rehas pagkatapos malumpo. Ang ganitong kapalaran ay siguradong mas masaklap pa sa kamatayan. Habang nakatingin sa malamig na mukha ni Harvey, akala ni Finn natatakot si Harvey. Lumapit si Finn kay Harvey at sin
Alas dose ng gabi, sa Emperor Clubhouse. Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng Regency Enterprise, at nakasara ito ngayong gabi. Nakaalis na si Finn Yates kasama ang mga benepisyong bigay ni Jacob. Sa nakita nila, kailangan nilang takutin ang mga Zimmer para maasikaso sila. Hindi na kailangang magpakita pa ni Finn. Di nagtagal, dumating si Harvey. “Ano? Ang live-in son-in-law lang ang dumating?” “Ano man yan, matutulog ako kasama ng asawa niya pagkatapos kong durugin ang braso’t binti niya!” Walang-awang nagsalita si Jacob. Alam niya kung paano pahirapan ang kaluluwa ng isang lalaki at bigyan ito ng buhay na mas masaklap pa sa kamatayan. Pagpasok ni Harvey, isang dosenang security guard ang kaagad na pumaligid sa kanya. Kaagad na sinara ng isang tao ang lahat ng mga bintana at pinto ng gusali, pinipigilan siyang umalis at makalabas ang kahit anong ingay. Walang nag-akalang papasok si Harvey nang walang pakialam sa mundo, umupo sa harapan ni Jacob, at magsasalin ng isa
Sa sandaling matapos magsalita si Harvey, hinablot niya ang buhok ni Jacob, tapos hinampas ang ulo ni Jacob sa lamesang marmol. Kasabay ang isang malakas na tunog, nabasag ang marmol na lamesa. Tumulo ang dugo sa mukha ni Jacob bago siya mawalan ng malay. Kalmadong inutos ni Harvey, "Gisingin niyo siya, tapos baliin niyo ang mga braso't binti niya. Siguraduhin niyong habang buhay na siyang imbalido. “Yes, sir!”Yumuko si Tyson at tinanggap ang utos. Isang tauhan ang kumuha ng mainit na tsaa at kaagad na ibinuhos kay Jacob. “Aaah!”Nagkamalay ulit si Jacob sa kalagitnaan ng pagsigaw niya habang gumugulong sa sahig. Hindi nagtagal, hinawakan ang braso't binti niya at isa-isang binali. Nang matapos ang lahat, muling nawalan ng malay si Jacob. Ang amoy ng ihi niya ay umalingasaw sa kanya. Ginamit ni Harvey ang kanyang suit para linisin ang swelas ng kanyang sapatos habang may inis sa kanyang mukha. Tapos tumalikod siya at umalis. Syempre, nang marating ni Harvey ang The G