"Tama! Hindi ba ang student council president ang hari ng university? Sa tingin ko normal lang to. Lalo na't may kwalipikasyon si Mason!" "Sa kabilang banda, ikaw ang walanghiya! Nakikipaglambingan ka sa brother-in-law mo, tapos nagalit ka sa pagkapahiya nang mahuli ka at binugbog niyo si Mason!" Sumama ang mukha ni Xynthia. Humarap siya kay Dwayne. "Senior Haris, handa kang tumayo para kay Mason kahit pagkatapos ka niyang bugbugin?" Sumagot si Dwayne nang may gulat na itsura, "Xynthia, pwede bang wag ka nang gumawa ng kwento? Ang lalaking nanakit sa'kin ay ang brother-in-law mo, si Harvey York!" "Hindi ko na nga gustong ipagpatuloy ang bagay na ito pero kailangan mo pang ipaalala!" Napatunganga si Xynthia sa sinabi ni Dwayne. Hindi niya inasahan na ililipat ni Dwayne ang sisi kay Harvey. Sa sandaling ito, naintindihan na ni Harvey ang lahat. Nakaayos na ang pagtutulungan sa pagitan nina Jacob at ng mga Yates. Nagtatrabaho man sa gobyerno ng Buckwood ang ama ni Dwayne
Sumama ang mukha nila Simon at ng pamilya nito sa mga sinabi ni Finn. Ang titulo ni Finn bilang prinsipe ng yates family ay hindi lamang dekorasyon. Sinasabing nag-aral siya sa unibersidad na itinaguyod ng South Light General Police Department, at siya ang kampeon ng fight league ng police force nang ilang beses habang nandoon siya. Kahit na hindi siya ang tipong basta na lang manununtok, kapag ginawa niya talaga, siguradong malulumpo niya o mapapatay ang kalaban niya. Ang pagpapadala ng Yates family kay Finn Yates para tulungan ang Regency Enterprise at magpakita ngayon ay sapat nang pruwebang katapusan na ni Harvey! Sa sandaling ito, ang mapilayan ay parang maliit na kaparusahan lamang. Maaaring mapilitan si Harvey na ubusin ang kalahati ng buhay niya sa likod ng rehas pagkatapos malumpo. Ang ganitong kapalaran ay siguradong mas masaklap pa sa kamatayan. Habang nakatingin sa malamig na mukha ni Harvey, akala ni Finn natatakot si Harvey. Lumapit si Finn kay Harvey at sin
Alas dose ng gabi, sa Emperor Clubhouse. Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng Regency Enterprise, at nakasara ito ngayong gabi. Nakaalis na si Finn Yates kasama ang mga benepisyong bigay ni Jacob. Sa nakita nila, kailangan nilang takutin ang mga Zimmer para maasikaso sila. Hindi na kailangang magpakita pa ni Finn. Di nagtagal, dumating si Harvey. “Ano? Ang live-in son-in-law lang ang dumating?” “Ano man yan, matutulog ako kasama ng asawa niya pagkatapos kong durugin ang braso’t binti niya!” Walang-awang nagsalita si Jacob. Alam niya kung paano pahirapan ang kaluluwa ng isang lalaki at bigyan ito ng buhay na mas masaklap pa sa kamatayan. Pagpasok ni Harvey, isang dosenang security guard ang kaagad na pumaligid sa kanya. Kaagad na sinara ng isang tao ang lahat ng mga bintana at pinto ng gusali, pinipigilan siyang umalis at makalabas ang kahit anong ingay. Walang nag-akalang papasok si Harvey nang walang pakialam sa mundo, umupo sa harapan ni Jacob, at magsasalin ng isa
Sa sandaling matapos magsalita si Harvey, hinablot niya ang buhok ni Jacob, tapos hinampas ang ulo ni Jacob sa lamesang marmol. Kasabay ang isang malakas na tunog, nabasag ang marmol na lamesa. Tumulo ang dugo sa mukha ni Jacob bago siya mawalan ng malay. Kalmadong inutos ni Harvey, "Gisingin niyo siya, tapos baliin niyo ang mga braso't binti niya. Siguraduhin niyong habang buhay na siyang imbalido. “Yes, sir!”Yumuko si Tyson at tinanggap ang utos. Isang tauhan ang kumuha ng mainit na tsaa at kaagad na ibinuhos kay Jacob. “Aaah!”Nagkamalay ulit si Jacob sa kalagitnaan ng pagsigaw niya habang gumugulong sa sahig. Hindi nagtagal, hinawakan ang braso't binti niya at isa-isang binali. Nang matapos ang lahat, muling nawalan ng malay si Jacob. Ang amoy ng ihi niya ay umalingasaw sa kanya. Ginamit ni Harvey ang kanyang suit para linisin ang swelas ng kanyang sapatos habang may inis sa kanyang mukha. Tapos tumalikod siya at umalis. Syempre, nang marating ni Harvey ang The G
Nanatiling kalmado si Finn at sinabi, “Father, kahit na ang mga security guard na mayroon si CEO Warner ay hindi masyadong magaling, malinaw na lugi sa bilang si Harvey. Paano niya nagawa ang ganitog bagay? May lihim na pagkatao ba siya o sumusuporta sa kanya nang hindi nalalaman?”Tumawa si Keith. “Nagtanong na ako tungkol dito, pero isa lang siyang driver para sa isang malaking tao.”“May nakakita ng mga gangster sa Emperor Clubhöuse!“Malamang gumamit ng koneksyon si Harvey. Kung hindi, paano niya matatapatan si Jacob Warner?”“Gumamit ng koneksyon sa mga sanggano? Mabuting bagay ito!”Kaagad na kumislap ang mga mata ni Finn. “Ang Yates family ang pinakamalaking kalaban ng mga gangster! Hindi natin alam kung paano kakasuhan at ipapakulong ang basurang ito noon, pero lagot na siya ngayong nagpadala siya ng mga gangster para gawin ang gusto niya!”“Father, ako nang bahala dito. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa niya ngayon!”Seryosong sumagot si Keith. “Tandaa
”Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Nakasimangot na sinabi ni Yannick Bisson. Kilala niya kung sino si Finn, kaya hindi niya masyadong pinagsalitaan nang masama si Finn. Magalang na sumagot si Finn, “Chief Inspector, mayroong isang sangganong gumagawa ng gulo sa Emperor Clubhouse. Nilumpo niya nang tuluyan si CEO Warner mula taas hanggang baba. Hinahanda ko ang mga tao ko para dalhin siya dito at kumuha ng hustisya!”Lumalim ang kunot ng noo ni Yannick. Tanong niya, “Bakit ka nagdadala ng ganito karaming tao para sa ganito kaliit na bagay? Magdala ka lang ng ilan. Kailangan kong magpahinga.”Nanigas si Finn, tapos mahinang sinabi, “Chief Inspector, inutusan ako ng tatay kong gawin ito.”Suminghal si Yannick. “Finn, hindi naman sa binabastos kita.”“Pero may malaking mangyayari sa Buckwood ngayon.”“Alam mo naman ang pagbabago sa military force ng South Light diba? Ang susunod na first-in-command ng military force ay parating na sa airport. Kailangan ang mga tao namin doon pa
Si Bellamy Blake ay napatigil sandali at matapos maingat na tumingin kay Keith Yates, magalang niyang sinabi, “Ah, ikaw pala, Sir Yates. Kahit na ako ay mula sa Gangnam military, narinig ko na ang pangalan mo.”“Talaga?”Mukhang natutuwa si Keith, pakiramdam na kagalang galang.Paano niya nakilala si Bellamy ay dating tinuruan ni Harvey? Kilala siya ni Bellamy simple lang dahil na siya ay uncle ni Mandy Zimmer.Akala ni Keith na ang kanyang pangalan ay sobrang kilala at sinabi sa sandaling iyon na, “Kung ayos lang kay Commander Blake, gusto mo bang pumunta sa bahay ko para magusap?”“Naghanda ako ng meryenda.”Ngumiti si Bellamy at sinabi, “Ayos lang ito, Sir Yates. Ako ay hindi pa Commander. Kailangan ko maghintay sa formal appointment.”“Kung kaya, hindi nararapat para sa akin na kitain ka sa sandaling ito. Atsaka, nandito ako para hanapin ang aking dating superior. Kaya, sorry!”Si Sheldon Xavier aty iba pa ay nandito. Sa sandaling ito, siya ay napatigil ng marinig niya ang
Sa kotse, magalang na tinanong ni Keith, “Commander Blake, saan ka pupunta?”“The Gardens Residence.” Sabi ni Bellamy Blake.Hindi surpresa para kay Keith ng marinig ang mga salitang iyon. Ang The Gardens Residence ay ang pinaka high-end na community sa buong Buckwood.Sino ang Chief Instructor na ito? Kahit na kung tumira siya sa malayo matapos magretiro, tanging ang ganitong lugar lang ang tatapat sa kanyang katayuan.Tumigil magsalita si Bellamy matapos sabihin ito.Totoo na si Harvey York ang siyang nagrekomenda sa kanya na magserbisyo sa South Light.Subalit, sa oras na iyon, ang Elder ng army ay sinusubukan pa si Harvey na maging Commander ng nine military department, ngunit tinanggihan ito ni Harvey.Habang naguusap ang parehong partido, si Harvey ay kaswal na sinabi na si Bellamy ay mahusay.Kung kaya naman, si Bellamy ay napromote habang nagpapaplitan ng posisyon sa military sa oras na ito.Si Bellamy ay sobrang nagpapasalamat para dito.Hindi lang ang Chief Instruct