"KUYA told me about your new job, Tali," simula ni Brielle habang nasa labas sila dahil inaya siya nitong magkape sa malapit na coffee shop. "Alam mo, masyado siyang nag-aalala for you. He really wants you to stop from working as a caregiver pero wala siyang magawa dahil ito naman ang gusto mo," pag-amin nito.Umiwas siya nang tingin sa kaibigan at bumaling sa kapeng nasa harap niya. "I feel sorry for Kendric, Brielle dahil alam kong gusto niya lang akong tulungan pero gusto kong gawin ito hindi dahil may pride ako, kung 'di dahil ito lang ang magagawa ko," seryoso niyang turan.Kumunot ang noo ni Brielle matapos nitong humigop sa kape nito. "Ito lang ang magagawa mo? You can do anything, Tali, pwede ka sa kompanya ni Kuya. He will give you the best job for you."Bumuntong-hininga siya. "I know, Brielle at iyon ang hindi ko gusto. Ayaw kong pumasok sa kompanya ni Kendric because of him at hindi dahil sa sarili kong kakayahan. Ayaw kong maging unfair sa iba na dahil girlfriend niya ako
BUMUNTONG-HININGA si Tallulah nang makaakyat siya sa second floor ng mansyon. Bumuga pa siya ng hangin bago kumatok sa silid ni Gael. "Sir, si Tali po ito," pakilala niya. Wala siyang natanggap na response mula sa binata kaya nagpasiya na siyang buksan ang pinto at pumasok doon.Nadatnan niya itong nakatayo at kinakapa ang paligid. May kukunin ata ito pero hindi naman nito alam kung nasaan na itong bahagi ng silid."Sir, kailangan niyo po ng tulong?" lakas-loob niyang tanong."Did I asked your help?" masungit nitong sagot.Napakamot siya sa noo. Minsan, naiinis na rin talaga siya sa kasungitan ni Gael. Gusto niya itong sipain para mabagok ang ulo at maging mabait sa kaniya. Ngumuso siya. Imbis na mainis, natawa siya nang pumihit ito at humarap sa pader ng silid. Pinigilan niyang mapahagigik. "Kailangan pa bang humingi kayo ng tulong bago ko kayo tuluyan? Paano kung mahuhulog na pala kayo sa hagdan tapos humingi ka ng tulong, nahulog ka na. Sa nakikita ko, Sir kailangan niyo ng tulong
"SIR, I already prepared your clothes here," ani Tallulah habang nakaupo lang si Gael sa sofa, sa loob ng silid nito. Matapos nang nangyari kanina, hindi na rin ito umimik na tila nagpipigil lang sa sarili nito. Nahihiya siyang tumungo. "Sir, gusto niyo po bang samahan ko na kayo sa banyo?" lakas-loob niyang tanong dahil alam niya ang kalagayan ng binata. Mahihirapan ito at baka madulas pa ito sa loob ng bathroom. Mabuti kung nandoon siya para mabantayan ito.Gulat na bumaling ito sa kaniya. Kumunot ang noo ni Gael. "What? Are you crazy?" Suminghap ito. "You don't need help me, kaya ko ang sarili ko," kapagkuwa'y seryoso nitong sabi. Umiwas ulit ito ng tingin sa kaniya. "Hindi pa ba dumarating si Mommy?" tanong pa nito."Hindi pa po, Sir sabi po ni Ate Mary baka mamayang gabi pa raw ang uwi ni Madam," sagot niya."Sige na, umalis ka na sa harap ko. Kaya ko na ang sarili ko," pagtataboy nito."Pero, Sir baka po mapaano kayo kung hindi ko—""Damn, Tali! Gaano ba katigas ang ulo mo, huh?
NIYAKAP NI Tallulah ang sarili niya nang umihip ang malamig na hangin habang nasa sala siya ng bahay at nakaharap sa bintana. Napakurap siya at yumuko nang bumagsak ang luha sa kaniyang nga mata. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Gael sa bathroom. Pakiramdam niya'y tinapakan nito ang pagkatao niya dahil mababa ang tingin nito sa kaniya. Natatakot man siya na baka kilala na siya nito, alam niyang walang magbabago sa pakikitungo nito sa kaniya."Tali? Why are you still awake?"Agad niyang pinahid ang luha sa pisngi niya. Wala pang alam ang mga magulang niya tungkol sa muli nilang pagkikita ni Gael.Naramdaman niya si Caroline sa tabi niya. Kumunot ang noo nito.Humarap siya sa kaniyang ina pero agad ding umiwas. "O-ok lang po ako, Mom hindi lang ako makatulog kaya lumabas muna ako," dahilan niya.Hindi agad sumagot si Caroline habang sinusuri siya. Kilala siya nito at alam nito kung nagsasabi siya ng totoo o hindi."Hindi ka magaling nagsinungalin, Tali at alam
TAHIMIK na nakaupo si Gael sa sofa ng silid niya. Kanina pa siyang tahimik dahil sa maraming bagay na gumugulo sa kaniya. Kahit pilit niyang itaboy ang nangyari sa kanila ni Tallulah sa bathroom, hindi ito mawala sa isip niya. Maraming alaala nang nakaraan ang nagbalik at muling nagpabuhay ng galit at poot sa puso niya. May bagong damdamin na hindi niya alam kung saan nagmula. "Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin, Sir Gael?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Hiro na alam niyang nasa harap niya ngayon. Sa loob ng ilang araw na bumalik siya sa Pilipinas, sinubukan niyang kabisaduhin ang lugar na kinaroroonan niya para magawa niyang makapa ang bawat hakbang niya. Sa pitong taon na pagkawala ng kaniyang paningin, natutunan niya kung paano iakma ang sarili sa kinaroroonan niya dahil ayaw niyang umasa sa mga taong nasa paligid niya sapagkat hindi niya alam kung kanino dapat magtiwala. Kumurap siya. Kapagkuwa'y sumilay ang ngisi sa mga labi niya. "This is what she deserves, Hiro.
BUMUNTONG-HININGA si Tallulah matapos niyang ayusin ang mga gamit sa silid kung saan siya mananatili habang nandoon sa mansyon ng mga Lopez. Nasa business meeting kasi ang ina ni Gael at nakiusap itong doon muna siya habang hindi ito umuuwi. Gusto niyang tumanggi dahil hindi siya sanay na malayo kay Callum pero wala na rin siyang nagawa dahil alam din niyang kailangan siya ni Gael.Ngumuso siya at sumimangot. Kanina pa siyang nagtataka sa kakaibang kilos ni Gael sa kaniya. Hindi kasi niya narinig na sinigawan siya nito sa buong araw at hinayaan nitong tulungan niya ito sa tuwing may kailangan ang binata."Hindi kaya nadapa si Kuya Gael at bumagsak ang ulo kaya bumait siya?" nagtataka niyang tanong. "He was strange today." Kapagkuwa'y bumuga na lang siya ng hangin dahil wala naman siyang makuhang sagot mula sa sarili. Ok na rin siguro iyon kaysa lagi silang mag-away pero imbis na makapante siya, mas kinakabahan siya."This would be the most exciting part and you should prepare yourself
"I MISS you, Anak!" Nakangiting sabi ni Tallulah habang kausap niya sa cellphone sa pamamagitan ng video call ang anak niyang si Callum habang nasa terrace siya ng mansyon. Wala pang isang araw na nalalayo ito pero labis na niyang nami-miss ang bata. Hindi kasi siya sanay na malayo ito sa kaniya."Mama kailan po kayo uuwi? Sabi po ni Tito Kendric, hindi pa raw po kayo uuwi bukas," malungkot na sabi ni Callum.Ngumiti siya na may bahid ng lungkot. "I'm sorry, Anak pero hindi pa makakauwi si Mama bukas dahil sa trabaho pero hayaan mo, kapag nakauwi ako, babawi ako, ok ba 'yon? Kakain tayo sa labas with Kendric," aniya para kahit pa paano'y i-comfort ang anak.Ngumiti si Callum. "Talaga po, Mama? Tatandaan ko po ang sinabi ninyo," masayang sabi nito.Hindi niya maiwasang hindi malungkot. Yumuko siya at umiwas sa camera para hindi nito makita ang lungkot sa mga mata niya. Hanggang kailan sila magiging masaya? Paano kung malaman ni Gael ang tungkol sa anak nila at dahil sa galit nito ay ku
"A-ANO'NG ginagawa niyo rito?" kinakabahang tanong ni Tallulah nang makarating siya sa sala at nadatnan doon si Kendric at Callum. Imbis na pananabik ang bumakas sa kaniyang mukha, napuno iyon ng pagkabahala at kaba. Paano kung makita ni Kendric si Gael? Hindi nito pwedeng malaman na si Gael ang inaalagaan niya. Ayaw niyang magalit ang binata.Ngumiti si Kendric pero tila may kakaiba roon. Bahagya itong yumuko. "I'm sorry, Talu kung hindi ako nakapagsabi na pupunta kami rito. Nakiusap sa akin ang anak mo na puntahan ka at hindi ko naman kayang tiisin si Callum," sagot nito. Kita niya sa mga mata nito ang kakaibang emosyon doon na pilit nitong tinatago. Napakiling siya at bahagyang yumuko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya'y lalabas na sa dibdib niya ang kaniyang puso dahil sa mabilis niyong tibok. Lumapit siya sa mga ito. "N-no, hindi mo kailangang mag-sorry, Kendric mabuti rin na dinala mo rito si Callum dahil nami-miss ko na siya." Nilapitan niya ang kaniyang ana
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na
HINDI rin naitago ang saya ng mga magulang ni Tallulah nang malaman nito ang estado nila ni Gael dahil para sa kanila, iyon ang mas mabuti para kay Callum at sa kanilang dalawa dahil nagmamamahalan naman sila."I can't believe it's happening, Tali." Bakas pa rin ang saya sa boses ni Gael na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa pagtanggap niya sa pagmamahal nito. "Alam kong nasaktan kita, nagtiis ka sa kagag*han ko, sa lahat ng ginawa ko at alam kong hindi ganoon kadaling tanggapin muli ako. I-I don't know how to explain how happy I am right now."Natawa siya habang nakahawak siya sa braso nitong nakayakap sa katawan niya mula sa kaniyang likod. "Nasaktan ako because that was my choice, Gael dahil kung hindi ko piniling ipilit ang sarili ko sa iyo noon, hindi ako masasaktan, wala tayo sa ganoong sitwasyon. Matagal ko nang tinanggap na lahat ng sakit at hirap na naranasan ko, dahil iyon sa mga naging desisyon ko noon pero hindi ko iyon lahat pinagsisihan dahil kung hindi ko ginawa iyon,
HANGGANG ngayon iniisip pa rin ni Tallulah ang maraming tanong sa isip niya na gusto niyang masagot pero hindi niya alam kung paano. Naguguluhan siya, hindi niya maintindihan ang lahat ng sinabi ni Braille sa kaniya na kahit anong gawin niya para unawain iyon, hindi niya magawa.Bumuntonghininga siya habang naglalakad patungo sa school ni Callum. Kakagaling lang niya sa trabaho at doon na dumeretso.Dahil sa lalim ng iniisip niya, dumeretso siya sa pagtawid sa kalsada nang hindi namamalayang mayroong sasakyan na daaraan. Ukupado kasi ng maraming bagay ang isip niya na kahit tunog sa paligid at pagtingin doon ay hindi na niya nabigyan pa ng pansin. Narinig na lang niya ang malakas na pagbusena ng sasakyang padaan at doon lang bumalik ang huwisyo niya. Nanlaki ng mga mata niya nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na kaya hindi niya alam ang gagawin. Hindi na rin gumana pa ang isip niya para makaiwas. Iyon na ba ang katapusan ng buhay niya? Pero hindi pa pwede.Sunod na lang niyan
"KENDRICK, a-anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa ba diyan?" gulat na salubong ni Tali nang madatnan niya ang binata sa harap ng bahay nila, nakaupo sa gilid ng bakod.Mabilis itong tumayo at hinarap siya. Ngumiti agad ito. "Ahm! G-gusto ko sanang ihatid ka sa trabaho mo since 'di naman ako busy today," tila nahihiya nitong sabi. Napakamot pa ito sa batok.Ngumiti siya. "Hindi na kailangan, Kendrick. Magko-commute na lang ako. Malapit lang din naman iyon.""No, Tali hassle mag-commute at isa pa, nandito na rin naman ako kaya pumayag ka na."Bumuntonghininga siya. "Kendrick, hindi mo 'to kailangang—""No, I insist, Tali. Gusto kong gawin 'to, pagsilbihan ka ulit...makasama." Bumakas ang labis na lungkot sa mukha nito."Pero hindi na tayo gaya ng dati. If you keep on doing this, mas mahihirapan kang kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin.""Dahil ayaw kong kalimutan ka, Tali dahil mahal kita.""Pero hindi na tayo pwede, Kendrick. We need to live our own life dahil iyon ang mas makabu