Share

CHAPTER 2

Author: Maybel Abutar
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Location: Red District Urvularia City

“I heard that another fight will happen tonight. Are you coming?” Lumapit sa kanya si Torn.

Uminom muna si Zyrex sa hawak na beer habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

 “I thought you're busy. Why are you here?” tanong niya nang hindi tinatapunan ng tingin ang kaibigan.

“Drinking with you?” natatawang sagot nito. Tinaas pa nito ang isang can sa kanya bago uminom. This building is owned by Torn, his only friend. “So... Are you coming?”

“I have something else to do,” sagot niya.

Lumipat ang tingin nito sa kanya mula sa harapan.

“New mission?”

Hindi siya sumagot si Zyrex pero alam niyang may hinala na ito sa gagawin niya.

 “Ayaw mo ba talagang makuha ang posisyon niya?” muli nitong tanong.

“Bullshit fight.” Hindi niya maiwasang magngitngit dahil sa nangyayaring palaro sa loob ng kanilang Organisasyon. “Nagsasayang lang sila ng buhay at lakas. Kailanman hindi nila makukuha ang titulo niya,” sambit niya habang mahigpit na kinuyom ang kamao.

Napatingin naman si Torn sa kamay nito nang mayupi ang lata ng beer. Huminga ng malalim si Torn bago inubos ang laman ng hawak na beer.

“We need to move on...”

“I want revenge not moving on,” matigas niyang sagot.

“Zyrex, nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay niya. Palayain mo na rin ang sarili mo sa pagkawala ni Tyrex.”

“You know me Torn. May sarili akong paraan para malaman ang katotohanan.”

Muling bumuntong hininga si Torn. Alam niyang hindi na ito mapipigilan sa gustong gawin.

“Do what you want. Iwasan mo lang ang naging kapalaran ng kakambal mo.” Tinapik pa nito ang balikat ng kaibigan bago umalis.

Tahimik lang na umiinom si Zyrex pagkaalis ng kaibigan. Kinuha niya ang pendant ng suot na necklace sa ilalim ng damit. It is a twin golden blade inside a crystal ball.

“Tyrex... I swear makukuha ko ang hustisya para sayo,” bulong niya habang nakatingin sa kwintas.

...

...

Pinagmasdan ni Zyrex ang napakalaking hukay na lumitaw 3 years ago sa gitna ng kagubatan ng Red District. Alam niyang ito ang lokasyon ng misteryosong UnderGround na lingid sa kaalaman ng iba.

Hindi malinaw sa kanya kung bakit pinagtatakpan ito ng buong Urvularia. Isa ang kakambal niya sa nasawi dito at tatlong taon na rin niyang hinahanapan ng hustisya ang kakambal. Hindi lingid sa kanya ang trabaho ng kakambal at dahil sa pagkamatay nito, pinasok na rin niya ang delikadong trabaho nito. Tyrex is the Class S Assassin in Havoc Organization kung saan siya nagtatrabaho ngayon. Havoc is now searching for a potential Class S, kaya't may nagaganap na palaro sa Organization. Anyone from different districts and low rank assassins may join.

Isang tingin muli ang kanyang iniwan sa malaking hukay bago nilisan ang lugar.

...

...

Location: Black District Urvularia City

Kasalukuyan siyang nasa Black district para isagawa ang bagong misyon. Ex-Class A assassin from their Organization is making a headache to the whole Havoc. Kinakalaban nito ang Organisasyong humasa sa kakayahan nito bilang Assassin.

Sa loob ng ilang taong pagtatago nito, nalaman na rin nila ang pinagtataguan ng Assassin. Walang duda na tumagal ng ilang taon bago matunton ito. Black District is not easy to enter. All sinful, delinquent, evildoer and criminals are here. Dito pinapatapon ng Urvularia ruler ang mga lawbreaker. Kapag natunugan ng ibang kriminal na hindi pangkaraniwan ang pumasok sa Black District, ginagawa nito ang lahat para maging kasapi o di kaya ay kanilang pinapatay.

Hindi lahat ng naninirahan sa Black district ay kriminal. May mga simpleng mamamayan din pero nasa mababang estado ng pamumuhay. Ang Black District ang pinakamahirap at pinakamagulong distrito sa buong Urvularia.

Sa ngayon alam niyang payapang pagmasdan ang mga tao sa labas ng kanilang mga tahanan. Pero pagsapit ng dilim, iba na ang tanawin dito. Ang kinaroroonan niyang kalye na puno ng ordinaryong mamimili ay magiging malagim pagsapit ng hatinggabi. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. May napapatingin sa kanya pero mabilis rin nag-iiwas.

“Tabi!” isang sigaw ang nakaagaw pansin ng mga tao sa paligid. “Alis!” Tinulak nito ang isang pulubi patungo sa direksyon niya.

Bahagya lang siyang umatras para hindi tamaan ng pulubi. Pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mabilis nitong pagkuha sa isang sobre sa loob ng jacket ng tumatakbong lalaki.

“Magnanakaw! Tulong! Tulungan niyo ako! Iyon na lang ang pera ko para sa pagkain ng mga anak ko! Parang awa niyo na, tulungan niyo ako.” Umiiyak na babae naman ang nakalapit sa direksyon nila. Halata ang pagod nito dahil sa pagtakbo.

Tumayo ang natumbang pulubi at lumapit sa umiiyak na babae.

“Sayo po yata to.” Inabot nito ang isang sobre sa babae. “Sa susunod po ingatan niyo na yan lalo na sa mataong lugar.”

Mabilis kinuha ng Ale ang sobre at masamang tumingin sa pulubi.

“Siguro kasabwat ka ng magnanakaw na yun ano?”

“Kung kasabwat niya po ako, hindi ko yan ibabalik sayo.” Halata ang pagkainis sa boses ng pulubi.

Umalis na lang bigla yung Ale. Hindi niya gustong panoorin ang mga nangyayari pero agaw pansin ang sitwasyon na ‘yon sa kalye. Humakbang siya paalis para ipagpatuloy ang naudlot na paghahanap. Maraming street ang Black District kaya't habang maaga ay sinisimulan na niya ang pagtugis sa Class A na yun.

“Hinusgahan at pinagbintangan na nga ako pero hindi man lang nagpa-candy bago umalis.” Narinig niyang sambit ng pulubi.

Bumili siya sa malapit na stalls at hinagis ang hawak na plastic sa pulubi.

“Aray.”

“Pagkain.”

“Kung sino ka man, niligtas mo ang pagra-rally ng mga bulate ko.”

Narinig niyang sabi nito bago siya makalayo. Let us just say, it's her price for doing a good job.

...

...

Madilim na ang paligid kaya't sinuot ni Zyrex ang normal nilang kasuotan. Random niyang pinapasok ang mga street sa Black district at ngayon ay nasa 7th street na siya.

Nagkubli siya sa dilim nang marinig ang ilang pag-uusap.

“Wala pa ba si Cannon?”

“Hindi pa siya dumarating.”

“Late na siya sa usapan natin.”

“Hindi mo siya masisisi. Marami siyang ginagawa para palakasin ang pwersa natin.”

“Kailan ba isasagawa ang paglusob?”

“Wala pang abiso, pero pakiramdam ko malapit na yun.”

“Oh… narito kana pala Cannon.”

“Bakit...? May problema ba?”

“Lumabas ka na riyan bata, hindi magandang asal ang pakikinig sa usapan ng matatanda." Mabilis siyang umiwas sa paparating na patalim.

Tumambad sa kanya ang mga armadong kalalakihan at nasa unahan ang kanyang pakay.

“Assassin na naman? Pang-ilan ka na ba sa pinadala nila rito? Hmm...” Kunwari itong nag-isip pero nakangisi pa rin sa kanya. “Twenty? Thirty? Ahh... Hindi ko na mabilang.”

“Blaze,” pagkilala niya sa kaharap.

Bahagya pa itong natigilan pero malakas na tumawa nang makabawi.

“Havoc Assassin, huh. Akala ko isa ka na naman sa Unodos. Mukhang natuto na ang Mafia'ng yun sa pagkaubos ng personal assassin nila.” Napakunot ang noo niya sa narinig. Hindi siya pamilyar sa Unodos na sinasabi nito. “Are you here to capture me...? Or kill me? Sa pagkakaalala ko, wala akong kasalanan sa Organisasyon para patayin ako.”

“Gathering a member to revolt is enough reason to kill you.”

“Oh... That's it? Walang kinalaman ang Havoc sa ginagawa ko. Maliban na lang kung… kinuha ng Unodos ang serbisyo niyo? Are you one now?” May bagsik sa titig nito ng banggitin ang Unodos.

Wala siyang obligasyon na sagutin ito. Narito siya para isagawa ang misyon. Inalis niya sa scabbard ang hawak na katana. Hindi natinag ang kalalakihan. Pinagtawanan pa siya ng mga ito.

“Bata, pwede mong pag-isipan ang pinaplano mong gawin. Mamili ka…  sumapi ka sa ’min para sakupin ang buong Urvularia. Babaguhin natin ang mundo. Aalisin natin ang paghahari-harian ng White District...o papata...”

“Nonsense,” putol niya sa kausap at mabilis na umatake.

Hindi nakakilos ang mga kalalakihan sa paligid. Minaliit siya ng mga ito at hindi nakapaghanda sa kanyang pag-atake.

Tinutok niya ang katana sa huling tao na nakatayo.

“Bibigyan kita ng pagkakataon mamili... Magpapakamatay ka o papatayin kita?”

“H-hindi m-maaari.” Gulat na gulat ito habang nakatingin sa kanya. “P-patay kana hindi ba? Kasama ka sa UG ng araw na yun. P-paanong nakaligtas ka, p-pero siya hindi?”

“Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan siya sa sinasabi ng kaharap. Pero malakas ang pakiramdam niyang may nalalaman ito sa nangyari 3 years ago.

“I-ikaw si Tyrex, hindi ba? Siya lang ang nakakagawa ng ganyang atake. B-bakit buhay ka pa? A-ang sabi niya walang nakaligtas... B-bakit...?”

Nandilim ang paningin niya ng banggitin nito ang pangalan ng kakambal.

“Anong nalalaman mo sa pangyayari 3 years ago?” Nawala ang pagkagulat nito dahil sa tanong niya.

Unti-unting sumilay ang ngisi nito habang nakatingin sa kanya.

“Kung ganun hindi ikaw si Tyrex?” Malakas itong tumawa ng marealize ang isang bagay. "Imposible ka nga naman mabuhay kung White District ang iyong kalaban.”

Gustung-gusto na niyang tapusin ang buhay nito pero may gusto pa siyang malaman.

“White District?” Napakaimposible ng sinasabi nito. 

White District ang ruler ng Urvularia. Sila ang nagpapatupad ng balanseng pamamalakad sa buong city. Imposibleng gumawa ang mga ito ng isang krimen na magpapabago sa lahat. Marami ang nasawi sa UG at maaaring mag-aklas ang ibang distrito sa White District kung sila ang may kagagawan nun.

“Hindi ka ba nagtataka? Lumitaw ang napakalaking hukay sa kagubatan ng Red District pero walang ginagawa ang White District para solusyunan ang misteryosong hukay. Pero anong ginawa nila? Pinagtakpan nila ang krimen na yun.”

“Pinaglalaruan lang tayo ng White District. Sila ang totoong kriminal! Gumawa sila ng paraan para wakasan ang malalakas na nilalang sa buong distrito. Mga kriminal sila... Kriminal!” sigaw nito.

Makikita ang galit at paghihinagpis sa mga mata nito.

“Nawala ang fiancee ko dahil sa pagsabog na yun. 2 days na lang ikakasal na kami pero nasawi siya sa pagsabog na yun. Kaya hindi mo ako masisisi kung maghiganti ako sa White District!”

“Walang nakakaalam kung ano ang totoong nangyari noon. Paano mong nasabi na kagagawan lahat ng White District?”

“Hindi pa ba malinaw sayo? Ginawa nila ang lahat ng yun para sa kapangyarihan. Hindi sila makakapayag na may umagaw sa pwesto nila. Marami ang kanilang sinakripisyo para lang magawa yun. Sigurado akong may importanteng tao sa buhay mo ang nakasama sa pagsabog. Hindi pa huli ang lahat, sumanib ka samin. Maghiganti tayo.”

“Kung anuman ang kinalaman ng White District sa nangyari noon, ako na ang bahalang lumutas. Salamat sa impormasyon.” isinaksak niya ang hawak na katana sa dibdib nito.

“Ahhh!” sigaw nito.

Isinunod niyang hiwain ang leeg nito.

Bumagsak ang katawan nito habang hawak ang leeg.

“A...n-no...” Lumapit siya para marinig ang sinasabi nito. “…n-ny...m-mos.” Napailing na lang siya dahil hindi niya maintindihan ang sinabi nito.

Ngunit may narinig siyang tunog. Napatingin siya sa pinanggalingan no’n.

Witness.

Hindi siya pwedeng mag-iwan ng witness. Isa itong sikretong misyon sa pagitan nila ng Supreme Havoc. Humakbang siya papalapit sa witness. Tumakbo ito ng makita siyang papalapit. Kahit anong takbo nito, sigurado siyang maaabutan pa rin niya ito. Bigla itong napatigil ng makita siya sa harapan.

“S-sino ka?” kinakabahan nitong tanong. Halata ang kaba sa boses nito pero hindi niya nakikita ang takot sa mga mata nito na bahagyang nasisinagan ng ilaw.

Mabilis siyang nakarating sa likuran ng witness. Nilagay niya ang hawak na katana sa leeg nito.

“P-pakiusap... Huwag mo akong papatayin. Marami pa akong pangarap sa buhay. Hindi ko pa nararanasan maligo araw-araw. Kahit tatlong beses sa isang linggo ayos lang.” 

She's impossible, nakakatiis itong hindi maglinis ng katawan?

“At higit sa lahat..." wala siyang pakialam sa huling hiling ng kanyang biktima pero hindi pa rin niya maiwasan magulat sa sinabi nito.

“... Hindi pa ako naghahapunan.”

Pwede na itong mamatay anumang oras pero iniisip pa rin nito ang hindi pagkain?

“P-parang awa mo na, pakainin mo muna ako ng hapunan. Ayokong maging palaboy ang kaluluwa ko dahil namatay akong gutom.”

“Pagkatapos kong kumain pwede mo na akong patayin. Promise.”

Seriously? Tinaas pa nito ang kanang kamay.

“Nasaan na?” narinig niyang sambit ng lalaking papalapit sa kanilang direksyon.

“Naku, lagot nasundan yata ako,” nataranta itong gumalaw hindi alintana na may patalim sa leeg nito.

Kusang gumalaw ang kamay ni Zyrex para iiwas ang patalim dito pero alam niyang nahiwa pa rin ito dahil sa biglaang pagkilos. Nagulat rin siya ng hilahin siya nito sa kumpol ng b****a at sinama sa pagtatago. Nag-iisip ba ito? Mas delikado ang sitwasyon nito kasama siya kumpara sa basag-ulong humahabol dito.

“Shhh! Huwag kang mag-alala akong bahala sayo,” bulong nito sa kanya.

Baliw ba ang isang to?

Hindi niya ito pinakinggan at tumayo. Pero hinila siya nito para umupo muli.

“Huwag kang gumalaw, baka makita ka,” bulong nito sa kanya.

“Nakita mo ba yung mga bangkay sa loob?” walang emosyon niyang tanong.

“Nagsasalita ka?” gulat nitong tanong pero bigla din tinakpan ang bibig dahil sa napalakas na boses, "maraming krimen ang nangyayari dito sa Black District. Naging normal na rin yan sa mga tao dito. Kapag dito ka nakatira, para na rin kaming patay, pero ayoko pa mamatay. Hindi pa ako kumakain,” paliwanag nito.

“Kaya...”

Hindi nito natapos ang sasabihin ng pinukpok niya ito sa batok.

“Hindi ko matatagalan ang utak ng isang to.” Binalik niya sa scabbard ang katana.

Tinakpan ni Zyrex ng mga supot ng b****a ang babaeng walang malay bago nilisan ang lugar.

Kaugnay na kabanata

  • NOTORIOUS   CHAPTER 3

    Mabilis nakaalis si Zyrex ng Black District. Malayang nakakalabas-pasok ang sinuman sa Black District basta hindi hinatulan ng White District. Ang mga kriminal na nahatulan ay nilalagyan ng sensor sa katawan. Kapag lumabas ito ng Black District ng walang pahintulot, tutugisin sila ng Elite Soldiers ng White District. Walang sinuman sa lahat ng distrito ang ninais na makaharap isa man sa Elite Soldiers. They are the protectors of the Urvularia Ruler, kaya't kinatatakutan ang mga ito. Samantalang bihira naman umaalis ng Black District ang mga simpleng mamamayan. Karaniwan lang ay ang mga scholar na pumapasok sa Orange District.......“Panibagong kaso na naman ng pagpatay,"naiiling na sambit ng isang pulis habang isa-isang pinagmamasdan ang nagkalat na katawan.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 4.1

    "... Tapos nakita kong nasundan ako ng grupo ni Maylo. Nataranta ako kaya't nahiwa ako sa leeg. Nakalimutan ko kasi may patalim nga palang nakatutok sa leeg ko, pero alam kong iniwas yun ni Blacky dahil kung hindi, nahati na ang leeg ko,"masiglang pagkukwento ni Reyna,"hinila ko si Blacky para makapagtago, pero nakatulog ako ng may maramdaman akong mahapdi sa batok ko. Kinagat yata ako ng lamok." Uminom ulit siya sa hawak na bote ng softdrinks. Nakaupo naman ito sa harapan niya habang mataman siyang pinagmamasdan habang nagsasalita. "Bukod sa nakabalot ng itim yung suspek, ano pa ang natatandaan mong pagkakakilanlan niya?" "Boses." Napaayos ito ng upo. "What kind of voice?"seryoso nitong tanong.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 4.2

    Gulat na napatingin si Asul sa kanya. "Assassin killed an Assassin,"pagpapatuloy niya. "Kung ganun, hindi mo pwedeng pakialaman ang kasong yun?" Tumango siya. It’s a conflict between Assassins at hindi siya pwedeng makialam bilang detective. May batas ang Urvularia para mapanatili ang kapayapaan sa lahat ng distrito. Hindi pwedeng pasukin ng Mend Organization ang problema sa loob ng Havoc Organization. "Paano kung magkaibang organisasyon yung mga Assassin?" "Chaos." Binaba niya ang hawak na baso sa mesa at tumingin sa kaibigan."Walang ibang organisasyon ang may permit mula sa White District maliban sa Mend at Havoc. Kaya't isang kaguluhan ang magiging hatid kung

  • NOTORIOUS   CHAPTER 5.1

    Location: Red District Urvularia City Havoc Organization Headquarter "Paru!" "Paru!" "Paru!" "WOOOHHH!" Pinagmamasdan ni Zyrex ang nangyayari sa ibaba ng Combat Hall habang nasa veranda ng third floor. Nakangiti ang bagong tanghal na panalo sa inabutan niyang round. Puno ng dugo ang gilid ng labi nito, hindi na maimulat ang kaliwang mata at lupaypay ang kanang braso. Ilang araw nang nagaganap ang dwelo, ngunit wala pa rin nahahanap na potential ang Supreme Havoc. "Enjoying the show?"naalerto siya ng marinig ang boses sa kanyang gilid. Mabilis siyang nagbigay gal

  • NOTORIOUS   CHAPTER 5.2

    Nanlalaki ang matang tumingin si Icy kay Chonna. "Y-you'll pay for this. Sisiguraduhin kong mapapatalsik kayo dito at mapapatapon sa Black District!"galit nitong sabi. "I'm giving you the last warning." Humakbang papalapit si Chonna sa kinatatayuan ni Icy habang umaatras ang huli."Touch her again or I will end your worthless life." Napaupo si Icy ng maramdaman ang panglalambot ng tuhod. "What's happening here?" Mabilis na nagbalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante ng marinig ang boses ng Professor nila sa oras na yun. "P-professor Luck..." Halos madapa si Icy paglapit sa professor."This woman is threatening my life. She must be expelled here. My father won't allow someone to mistreat me," 

  • NOTORIOUS   CHAPTER 6.1

    Location: Black District Urvularia City It's been two days nang makarating si Sarci kasama sina Zeus at Arthur sa Black District. Two weeks silang mananatili sa lugar bago lumipat sa ibang distrito, sa 19th street sila tumutuloy ngayon. Magkakahiwalay sila ng room, gusto sana ni Sarci na kasama ang dalawa pero umepal si Arthur at hindi hinayaan ang hangarin niya. Alam daw nito ang kanyang lihim na agenda. Panira talaga yun! "Bakit ikaw ang kasama ko?" mataray na tanong ni Sarci kay Arthur. "Ewan ko. Baka masagot mo rin kung bakit ikaw ang kasama ko?" nakangisi nitong sagot.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 6.2

    Mas binilisan ni Reyna ang pag-akyat. Kinakapos siya ng hangin ng makarating sa itaas. Natutuyo rin ang lalamunan niya. May nakita siyang nakaupo sa gilid ng daan. Lumapit siya sa lalaking prenteng nakasandal sa upuan, sakto may hawak itong bote ng tubig, nangangalahati pa lang 'yon. Iinumin na sana nito ang tubig nang inagaw niya ang bote at walang paalam na ininom. Naubos niya ang laman pero kulang pa rin. Tumingin siya sa lalaki na nakatingin din sa kanya. "May..." Naputol ang sasabihin ni Reyna ng marinig ang sigaw ng humahabol sa kanya. "Ayon siya!"

  • NOTORIOUS   CHAPTER 7.1

    "Stop playing, this is not a playground!""Zeus!" Sambit ng lalaking may hawak kay Reyna. Nakalimutan niya ang pangalan nito eh. "Tamang-tama ang dating mo!" Umalis ito sa harapan niya habang siya nanatiling nakadapa sa sahig. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Sobrang lamig."Who's that?""Our visitor,""Visitors are not allowed here, you know that!""Yeah. I'm sorry about that, but I can't help it. She's hungry and well… adorable." Narinig pa niyang tumawa ito."We're here to do something more important than your hormones. I know you,

Pinakabagong kabanata

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.2

    "Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.1

    One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.2

    "You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.1

    "Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.2

    Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.1

    Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.2

    "Sorry," Sambit nito at mabilis na pumasok sa silid.Nanlalaki naman ang mga mata ni Gaia habang nakatingin sa kanya."You're saved for now," Sambit niya habang hawak ang magkabila nitong pisngi at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha.Kung mula sa pwesto ni Tana para silang naghahalikan, ngunit tanging ilong lamang nila ang nakalapat sa kanyang ginawa."If you want cure that illness, you need to collect the ingredients for that as soon as possible. If not, you'll die." Muli niyang sabi bago bitawan ang walang imik na babae."Let's talk outside." Sambit nito ng maka-recover.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.1

    Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makausap ang Premier kaya't bumalik na lang sila sa nagsisilbi nilang silid.Hatinggabi na ng naalimpungatan si Aurus. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kabilang higaan kaya't ipinasya niyang bumangon at lumabas ng silid.Makikita ang iilang nagbabantay sa paligid ngunit napaka-tahimik ng buong kapaligiran. Napakalayo sa description na isa itong delikadong isla. Naririnig pa niya ang ilang huni ng kulisap sa lugar na nagpapahiwatig ng isang kapayapaan.Naglakad-lakad siya ng mapansin ang isang bulto. Kahina-hinala ang kilos nito kaya't sinundan niya. Papalayo ito sa direksyon ng mga tagabantay at patungo sa masukal na parte ng lugar.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 87

    "Tana!" magkasabay nilang sabi.Lalapit na sana si Zeus sa babae ngunit napatigil siya ng tumusok ang isang patalim sa kanyang harapan."Tana?" gulat na sambit ni Zeus.Nakikita niyang si Tana ito except her black hair pero pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.Seryoso itong tumingin sa kanila.Even her eyes are different, it's gray."She's not Tana," Sambit ni Aurus."Who are you?" maging ang boses nito ay katulad ng kay Tana, malamig at mapanganib.

DMCA.com Protection Status