Share

CHAPTER 3

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2021-09-16 12:39:48

Mabilis nakaalis si Zyrex ng Black District. Malayang nakakalabas-pasok ang sinuman sa Black District basta hindi hinatulan ng White District. Ang mga kriminal na nahatulan ay nilalagyan ng sensor sa katawan. Kapag lumabas ito ng Black District ng walang pahintulot, tutugisin sila ng Elite Soldiers ng White District. Walang sinuman sa lahat ng distrito ang ninais na makaharap isa man sa Elite Soldiers. They are the protectors of the Urvularia Ruler, kaya't kinatatakutan ang mga ito. Samantalang bihira naman umaalis ng Black District ang mga simpleng mamamayan. Karaniwan lang ay ang mga scholar na pumapasok sa Orange District.

...

...

“Panibagong kaso na naman ng pagpatay," naiiling na sambit ng isang pulis habang isa-isang pinagmamasdan ang nagkalat na katawan.

“Sir.” Sumaludo si SPO1 Corales sa bagong dating.

Sumaludo rin ang ibang mga pulis ng makita ang Special Forces Head ng Crime Department. Bahagya lang tumango ang bagong dating sa mga kasamahan at pumasok sa loob ng dilaw na linya.

“Di ba siya yung sikat na Detective ng Yellow District?” puna ng isang columnist na nagcocover ng insedente.

Hindi naman maitago ang paghanga ng lahat sa bagong dating na detective.

“Mas gwapo pala siya sa personal,” humahangang sambit ng babaeng reporter sa binatang Detective.

“Halika, kuhaan natin ng interview si Detective Xero, pagkakataon na natin to.”

Nagmamadaling lumapit ang isang grupo ng reporter sa kinatatayuan ng Detective.

“Hindi kayo pwedeng lumapit.” Hinarang ng mga pulis ang naglakas loob na mga reporter.

“Isang scoop lang Sir,” sambit ng babaeng reporter.

Aangat ang sales ng kumpanya nila kapag naicover sa kanilang pahayagan ang detective. Maraming matataas na pahayagan sa Purple District at isa sila sa mababa ang sales. Kailanman ay hindi nagbibigay ng interview sa kahit anong pahayagan si Detective Xero. Masyado itong mailap sa media. Kahit ito pa ang ace agent ng Mend Organization.

“Hindi pwede,” matigas na sambit ng pulis.

“Gusto lang namin mainterview si Detective Xero,” pagpupumilit ng babae.

“Hindi nga pwede Miss,” naiinis na pigil ng pulis.

“Bakit ba…?”

“Paalisin na daw lahat ng media,” putol ng isa pang pulis sa sasabihin ng babae.

Gusto pa sanang magreklamo ng mga taga-media pero wala na rin silang nagawa.

...

...

“Identity?” seryosong tanong ni Detective Xero habang sinusuri ang mga guhit na kinalalagyan ng mga katawan.

Dinala na sa morgue ng Black District ang mga bangkay for cremation.

“Mga ordinaryong law breakers na pinatapon ng White District dito. Ngunit nakapagtatakang nasangkot ang isang Assassin ng Havoc Organization.”

Tumayo si Detective Xero at hinubad ang suot na puting gwantes. May mga palatandaan sa katawan ang mga myembro ng Havoc kaya't mabilis nilang na-identify ang bangkay.

“Send me the report asap.” Sumaludo ang mga pulis ng tumalikod ang Detective.

Karaniwan na ang ganitong insidente sa Black District. Bilang isa sa nagpapatupad ng kaayusan sa Urvularia, ang Mend Organization ng Yellow District ang umaayos sa mga bangkay. Kapag napatunayan nilang hindi makatwiran ang pagpatay, pinaparusahan ng White District kung sinuman ang sangkot. Mayroon silang Headquarter sa Black District dahil ito ang palaging may gulo sa buong City.

...

...

Bumalik si Detective Xero sa kanyang sasakyan sa labas ng eskinita. Ngunit natigil siya sa paghakbang ng bahagyang gumalaw ang tambak ng b****a. Kalmado niyang pinagmasdan ang kung anuman ang lalabas doon. Kumunot ang noo niya ng makita ang isang kamay. Sumunod ang paglitaw ng katawan ng humihikab na babae.

“Gutom na ako,” sambit nito at kinusot ang mata.

Pinagsisipa nito ang mga nakaharang na supot bago tumayo. Sumabit pa ang paa nito sa kumpol ng b****a. Bahagyang umatras si Xero para hindi ito tumama sa sapatos niya.

“Aray ko,” reklamo nito ng madapa bago balewalang bumangon.

Kumunot ang noo nito ng makaharap ang binatang detective. Nagpalinga-linga ito sa paligid at bumalik ang paningin sa kaharap.

“Sino ka?” tanong nito sa kaharap.

Wala naman naging reaksyon ang binata. Pinagmamasdan niya lang ang kaharap at nagtataka kung bakit dito nito napiling matulog kung saan may crime scene. Nakatitig lang ang babae pero nagkibit balikat rin at umalis sa lugar.

...

...

...

Karaniwang paligid at ingay ang sumalubong sa kay Reyna ng makarating sa pamilihan ng Black District.

“Bili na kayo mga suki. Murang-mura lang. Masarap, malinamnam. Swak sa budget at swak sa wallet. Prutas po kayo diyan!” sales talk ng isang tindera.

“Buy one take one ito Misis. Makakatipid ka ng husto dito. Bumili kana,” pangungumbinsi naman ng isa.

“Suki, ibigay mo na sakin ito ng wampipti, bibili ako ng tatlo,” tawad presyo ng isang mamimili.

“Mga Ma'am, Sir! Prutas po kayo riyan," alok niya sa mga namimili. "Ate... mansanas? Para grado mo'y tumaas.” kumindat pa siya sa isang studyante na dumaan.

“FYI honor student ako!” galit nitong sambit at tinalikuran siya. Nakauniporme ito ng nag-iisang paaralan sa Orange District. Bukod sa White District, doon lang may isa pang paaralan sa buong Urvularia.

Kinuha naman ni Reyna ang isang kumpol ng gulay.

“Ale... Bili na ng gulay pampahaba ng buhay.”

“Anong palagay mo sa 'kin? Malapit nang mamatay?” Mas nagalit ito sa kanya at tinalikuran siya.

Hindi niya intensyon na magalit ito pero huli na niyang napansin ang itsura ng Ale. Sobrang payat ng babae at parang isang ubo na lang, goodbye Urvularia na siya.

“Bili na kayo!” muli niyang sigaw.

Sa halip lumapit, mas lumayo pa ang mga ito.

“Ineng, hayaan mo na yan. Kumuha kana lang ng makakain mo,” mabait na sambit ng matandang may-ari ng stall, si Mang Isto.

Palagi siyang binibigyan nito ng prutas kaya kahit papaano tinutulungan niya ito.

“Mang Isto, ipagbubuhat na lang kita ng mga basket mamaya," pagpresenta niya sa matanda.

“Ayos lang Ineng. Ang mga babae hindi dapat nagbubuhat ng mabibigat. Kailangan mong pangalagaan ang iyong katawan ng sa ganun magkaroon kana ng nobyo.”

Napanguso siya sa sinabi nito. Parating ganun ang sinasabi sa kanya ng matanda.

“Salamat sa mansanas Mang Isto,” paalam niya habang hawak ang isang mansanas.

Kung magtatagal pa siya, siguradong marami pa itong sasabihin.

...

Umupo si Reyna sa paborito niyang tambayan. Isang pader na bakod ng pamilihan. Sumandal siya sa katabi nitong puno habang nakataas ang isang paa at nakapatong ang isang kamay. Sinimulan niyang kainin ang hawak na mansanas habang pinagmamasdan ang kumpol ng mga tao sa pamilihan. Kitang-kita rin niya ang mga kagrupo ni Maylo na dumidiskarte sa mga tao. Hindi muna siya magpapakita sa mga ito. Wanted pa siya sa grupo ni Maylo. Pinagpagan niya ang mga kamay ng maubos ang pagkain. Umagahan at tanghalian na niya ang mansanas na yun kaya't didiskarte na naman siya ng panghapunan. Mabuti pang magsimula na siyang maghanap ng makakain.

"Miss..." napatigil siya sa tangkang pagbaba ng pader. Kumunot ang noo niya ng makita ang tatlong pulis. "...Pwede ka ba namin imbitahan sa headquarters?"

"May pagkain ba ro'n?"

Nagtaka naman ang itsura ng pulis.

"Meron..."

"Tara na," putol niya sa sasabihin ng pulis.

Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa sasakyan ng mga ito. Kahit nagtataka, sumunod na rin ang mga pulis. Akala nila mahihirapan pa silang kumbinsihin ito.

...

...

"Miss, kung ako sayo magsalita ka na," nawawalang pasensyang sabi ng pulis.

Masamang tiningnan ni Reyna ang pulis at hindi pa rin nagsasalita. Kanina pa siya nitong pinapaamin sa mga bagay na wala naman siyang alam.

"Miss, huwag mo nang pahirapan ang iyong sarili. Mababawasan ang sintensya mo kung aamin ka na ngayon. Tutal nasa Black District kana, hindi na rin magiging bago ang pamumuhay mo," sambit nitong muli.

Kanina pa nitong sinasabi na umamin na siya. Hindi naman niya alam ang aaminin niya.

"Kamusta? Nagsalita na ba?" tanong ng pulis na nag-imbita sa kanya sa headquarter.

"Hindi pa. Matigas ang pulubing ito ayaw kumanta," sagot ng pulis na kanina pa siyang pinapaamin.

"Miss, magsalita kana kung hindi mapipilitan kaming ilagay ka sa Dungeon."

"Wala akong sakit, bakit niyo ako ilalagay sa Dungeon? Sinabi mo lang kanina may pagkain dito kaya sumama ako, tapos pagdating ko dito papaaminin niyo ako sa bagay na hindi ko alam? Mamang pulis, nalipasan ba kayo ng gutom? Mukhang malulusog naman kayo ah," sambit niya habang nakatingin sa mauumbok nitong tiyan.

"Miss, iniinsulto mo ba kami? Baka ngayon pa lang malasap mo na ang sariwang hangin sa Dungeon," mayabang na sambit ng kaharap niyang pulis. Alam niyang kanina pa itong nauubusan ng pasensya sa kanya.

"Mamang pulis, mansanas lang ang kinain ko simula kanina. Inabala niyo ang paghahanap ko ng pagkain dahil sinabi niyo meron dito. Tapos sasabihin mo umamin na ako. Mukhang nalipasan ka talaga ng gutom o baka kumain ka ng expired? Pero hindi naman ako ganyan kahit kumain ng expired, sumasakit lang ang tiyan ko," inosenteng katwiran niya.

Hindi niya talaga maintindihan ang sinasabi nito sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" naalerto naman ang dalawang pulis dahil sa boses na narinig.

Mabilis tumayo ang dalawa at sumaludo.

"Chief," sambit ng dalawa.

Lumingon si Reyna sa likuran para makita ang sinasabi nitong Chief, pero malamig na mga mata ang nakasalubong ng paningin niya. Binalewala niya ito at lumipat ang tingin sa maliit at mabilog nitong kasama. Parang nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Siopao," natatakam niyang bulong.

"Anong nirereklamo nito?" nagtataka nitong tanong.

Nawala ang siopao sa paningin niya at napalitan ng isang maliit at matabang pulis.

"Chief, siya ang suspect sa nangyaring murder sa 7th street kagabi." Kumunot ang noo niya. Hindi dahil sa tinawag nitong Chief ang siopao kundi dahil sa sinabi nitong murder at siya ang suspect.

Ngayon nauunawaan na niya.

"Kaya pala kanina mo pa akong sinasabihan na umamin." Halata naman ang pamumutla ng pulis sa sinabi niya. Alam niya kung bakit ito namutla dahil pinapaamin siya nito nang hindi sinasabi ang dahilan. "Pinipilit mo akong umamin pero hindi mo sinasabi ang dahilan. Kumpirmado, nalipasan ka nga ng gutom mamang pulis."

"Ikaw ang nakita sa crime scene ngayong umaga. Malamang nakatulog ka dahil sa pagod at ang kamalian mo lang, sa mismong lugar ka natulog at hindi na nakalayo pa," mayabang nitong pahayag.

Naiiling na lang siya sa sinabi nito. Dinudungisan nito ang magandang reputasyon ng mga pulis.

"Isa ka bang manunulat, mamang pulis? Dapat wala ka sa Black District. Bawal ang kahit anong pahayagan dito, hindi mapapakinabangan ang talento mo."

"Huwag mong ilihis ang usapan. Hindi mo ako maililigaw. Paano mo maipapaliwanag ang natuyong dugo sa leeg mo?" matapang nitong tanong.

"Malamang nahiwa ng patalim," mahinahong sagot niya.

"Paano ka masusugatan kung hindi ka nakikipaglaban?" taas-noo nitong tanong.

Napahawak siya sa tiyan ng maramdaman niya ang pagkulo ng sikmura.

Nagugutom na talaga siya. Akala niya hindi na siya mahihirapan sa paghahanap ng pagkain kapag sumama siya sa mga ito, pero hindi man lang siya binigyan kahit kapirasong tinapay.

"Let me interrogate her." Napatingin sila sa lalaking nagsalita.

"Detective Xero, hindi mo na kailangan gawin yan. Kami na ang bahala sa kasong ito. Napakalaking abala na ang pagbisita mo dito sa Black District headquarter," nakangiting sambit ng Chief sa lalaki.

"I'll talk to her in private, Chief," sambit nito.

...

...

Bahagyang inalon ni Reyna ang kanyang katawan. Tumalbog ang kanyang pang-upo dahil sa lambot ng upuan. Hindi pa siya nakuntento at malakas na niyugyog ang katawan. Tuwang-tuwa siya dahil tumatalbog siya.

"Ehem." Tikhim ng kaharap niya.

Nakalimutan niyang may kasama nga pala siya. Nasa loob sila ng isang silid. Dito siya dinala ng mga pulis para makausap ng Detective daw na kaharap niya.

"Pasensya na, wala akong gamot sa ubo. Pagkain nga hirap ako, makabili pa kaya ng gamot. Mukha ka namang may pera, pacheck up kana lang," sambit niya dito at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Tell me... what have you witnessed last night?"

"Paki-translate," sagot niya habang yumuyugyog pa rin sa upuan.

"Sabihin mo kung ano ang nakita mo kagabi." Marunong naman pala magtagalog pinahihirapan pa siya.

"Penge muna ng pagkain." Nakangiti niyang request. "Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag nagugutom ako. Mas maganda ‘yong detalyado kong masabi sayo."

Hindi ito sumagot pero inangat ang telepono na nasa gilid lang ng mesa nito.

"Order some food," tipid nitong sabi bago binaba ang telepono.

Nakatingin lang si Reyna dito at ganun din ito sa kanya. Hindi naman niya inaalis ang tingin sa kaharap, kahit kumurap hindi niya ginagawa. Hindi siya magpapatalo. Kahit naluluha na ang kanyang mga mata. Hindi siya susuko. Nararamdaman niyang malapit na siyang manalo.

"Sir, ito na po ang pagkain." Kumurap ito bago tumingin sa bagong dating.

"Yahooo! Panalo!" masaya niyang sigaw.

Pumatong pa siya sa malambot na upuan at tumalon-talon doon.

"Kumurap ka. Panalo ako." masaya niyang sabi sa lalaking kaharap.

Hindi pa rin kumukupas ang galing niya sa patagalan kumurap.

"What are you saying?" alien nitong tanong sa kanya habang nakakunot noo.

"M-miss, huwag mong patungan ng paa ang upuan. B-baka madumihan.” Humarap siya sa nagsalita.

May mga bitbit itong box at inumin sa isang plastic. Sumusulyap rin ito sa direksyon ng lalaking kaharap niya tapos balik sa kanya. Mukhang kinakabahan rin ito.

"Pagkain ba yan?" masigla niyang tanong.

Nagmadali namang umalis si Reyna sa upuan. Sa backrest na siya sumampa para hindi na siya umikot kung sa harapan pa dadaan.

"Aray ko," muli niyang reklamo ng bumagsak siya sa sahig.

Naiwan kasi sa sandalan ang isa niyang paa kaya't hindi niya naibalanse ang katawan. Balewala naman siyang bumangon at lumapit sa lalaking may dala ng pagkain. Pigil pa ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya.

"Leave it here." Lumingon naman siya sa lalaking kaharap kanina na ngayon ay nasa gilid na niya.

"Nag-migrate ka ba?" tanong niya dahil sa bilis nitong makalapit sa pwesto nila.

"Migrate? Hindi naman lumipat ng tirahan si Sir," sambit ng isa.

"Pero lumipat siya mula doon hanggang dito," paliwanag niya.

"Ahh!” nauunawaan nitong sabi habang tumatawa. "Teleport yun, pero hindi naman natin kaya magteleport," gulat siyang napatingin dito.

"Talaga? Nagbago na pala?"

Malakas na naman tumawa yung lalaki. Nalipasan din yata ng gutom.

"Corales, you may go." Nawala naman ang ngiti nito ng marinig ang boses nung Alien.

Nilapag nito ang mga dala sa isa pang mesa sa loob ng silid.

"Yes, Sir," paalam nito sa lalaki bago lumabas.

Nagtungo naman siya sa kinaroroonan ng mga pagkain.

"Ang dami." Parang nagningning ang mga mata niya dahil sa masasarap na pagkain sa mesa.

"Eat and tell me everything." Sa pagkakataong ‘yon, naunawaan niya ang alien nitong salita.

Related chapters

  • NOTORIOUS   CHAPTER 4.1

    "... Tapos nakita kong nasundan ako ng grupo ni Maylo. Nataranta ako kaya't nahiwa ako sa leeg. Nakalimutan ko kasi may patalim nga palang nakatutok sa leeg ko, pero alam kong iniwas yun ni Blacky dahil kung hindi, nahati na ang leeg ko,"masiglang pagkukwento ni Reyna,"hinila ko si Blacky para makapagtago, pero nakatulog ako ng may maramdaman akong mahapdi sa batok ko. Kinagat yata ako ng lamok." Uminom ulit siya sa hawak na bote ng softdrinks. Nakaupo naman ito sa harapan niya habang mataman siyang pinagmamasdan habang nagsasalita. "Bukod sa nakabalot ng itim yung suspek, ano pa ang natatandaan mong pagkakakilanlan niya?" "Boses." Napaayos ito ng upo. "What kind of voice?"seryoso nitong tanong.

    Last Updated : 2021-09-16
  • NOTORIOUS   CHAPTER 4.2

    Gulat na napatingin si Asul sa kanya. "Assassin killed an Assassin,"pagpapatuloy niya. "Kung ganun, hindi mo pwedeng pakialaman ang kasong yun?" Tumango siya. It’s a conflict between Assassins at hindi siya pwedeng makialam bilang detective. May batas ang Urvularia para mapanatili ang kapayapaan sa lahat ng distrito. Hindi pwedeng pasukin ng Mend Organization ang problema sa loob ng Havoc Organization. "Paano kung magkaibang organisasyon yung mga Assassin?" "Chaos." Binaba niya ang hawak na baso sa mesa at tumingin sa kaibigan."Walang ibang organisasyon ang may permit mula sa White District maliban sa Mend at Havoc. Kaya't isang kaguluhan ang magiging hatid kung

    Last Updated : 2021-09-17
  • NOTORIOUS   CHAPTER 5.1

    Location: Red District Urvularia City Havoc Organization Headquarter "Paru!" "Paru!" "Paru!" "WOOOHHH!" Pinagmamasdan ni Zyrex ang nangyayari sa ibaba ng Combat Hall habang nasa veranda ng third floor. Nakangiti ang bagong tanghal na panalo sa inabutan niyang round. Puno ng dugo ang gilid ng labi nito, hindi na maimulat ang kaliwang mata at lupaypay ang kanang braso. Ilang araw nang nagaganap ang dwelo, ngunit wala pa rin nahahanap na potential ang Supreme Havoc. "Enjoying the show?"naalerto siya ng marinig ang boses sa kanyang gilid. Mabilis siyang nagbigay gal

    Last Updated : 2021-09-17
  • NOTORIOUS   CHAPTER 5.2

    Nanlalaki ang matang tumingin si Icy kay Chonna. "Y-you'll pay for this. Sisiguraduhin kong mapapatalsik kayo dito at mapapatapon sa Black District!"galit nitong sabi. "I'm giving you the last warning." Humakbang papalapit si Chonna sa kinatatayuan ni Icy habang umaatras ang huli."Touch her again or I will end your worthless life." Napaupo si Icy ng maramdaman ang panglalambot ng tuhod. "What's happening here?" Mabilis na nagbalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante ng marinig ang boses ng Professor nila sa oras na yun. "P-professor Luck..." Halos madapa si Icy paglapit sa professor."This woman is threatening my life. She must be expelled here. My father won't allow someone to mistreat me," 

    Last Updated : 2021-09-17
  • NOTORIOUS   CHAPTER 6.1

    Location: Black District Urvularia City It's been two days nang makarating si Sarci kasama sina Zeus at Arthur sa Black District. Two weeks silang mananatili sa lugar bago lumipat sa ibang distrito, sa 19th street sila tumutuloy ngayon. Magkakahiwalay sila ng room, gusto sana ni Sarci na kasama ang dalawa pero umepal si Arthur at hindi hinayaan ang hangarin niya. Alam daw nito ang kanyang lihim na agenda. Panira talaga yun! "Bakit ikaw ang kasama ko?" mataray na tanong ni Sarci kay Arthur. "Ewan ko. Baka masagot mo rin kung bakit ikaw ang kasama ko?" nakangisi nitong sagot.

    Last Updated : 2021-09-21
  • NOTORIOUS   CHAPTER 6.2

    Mas binilisan ni Reyna ang pag-akyat. Kinakapos siya ng hangin ng makarating sa itaas. Natutuyo rin ang lalamunan niya. May nakita siyang nakaupo sa gilid ng daan. Lumapit siya sa lalaking prenteng nakasandal sa upuan, sakto may hawak itong bote ng tubig, nangangalahati pa lang 'yon. Iinumin na sana nito ang tubig nang inagaw niya ang bote at walang paalam na ininom. Naubos niya ang laman pero kulang pa rin. Tumingin siya sa lalaki na nakatingin din sa kanya. "May..." Naputol ang sasabihin ni Reyna ng marinig ang sigaw ng humahabol sa kanya. "Ayon siya!"

    Last Updated : 2021-09-21
  • NOTORIOUS   CHAPTER 7.1

    "Stop playing, this is not a playground!""Zeus!" Sambit ng lalaking may hawak kay Reyna. Nakalimutan niya ang pangalan nito eh. "Tamang-tama ang dating mo!" Umalis ito sa harapan niya habang siya nanatiling nakadapa sa sahig. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Sobrang lamig."Who's that?""Our visitor,""Visitors are not allowed here, you know that!""Yeah. I'm sorry about that, but I can't help it. She's hungry and well… adorable." Narinig pa niyang tumawa ito."We're here to do something more important than your hormones. I know you,

    Last Updated : 2021-09-27
  • NOTORIOUS   CHAPTER 7.2

    "Basag trip ka naman Tan. Huwag ka ngang magseryoso ng ganyan, para kang matanda eh," biro niya dito."Seryoso ako Reyna.""Oo na. Kitang-kita ko ang kaseryosohan mo," ginulo pa niya ang buhok nito, "alis na 'ko." hindi na niya hinintay sumagot isa man sa apat.Magandang umuwi ngayon sa bahay niya, siguradong wala na sa labas ang grupo ni Maylo.......Sobrang tahimik ng paligid. Ibang-iba kapag umaga. Kung walang sinag ng buwan, wala kang makikita sa daan.Kinilabutan si Reyna ng umihip ang hangin. Tumataas ang balahibo niya. Parang nags

    Last Updated : 2021-09-27

Latest chapter

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.2

    "Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura

  • NOTORIOUS   EPILOGUE 1.1

    One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.2

    "You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga

  • NOTORIOUS   CHAPTER 90.1

    "Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.2

    Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang

  • NOTORIOUS   CHAPTER 89.1

    Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.2

    "Sorry," Sambit nito at mabilis na pumasok sa silid.Nanlalaki naman ang mga mata ni Gaia habang nakatingin sa kanya."You're saved for now," Sambit niya habang hawak ang magkabila nitong pisngi at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha.Kung mula sa pwesto ni Tana para silang naghahalikan, ngunit tanging ilong lamang nila ang nakalapat sa kanyang ginawa."If you want cure that illness, you need to collect the ingredients for that as soon as possible. If not, you'll die." Muli niyang sabi bago bitawan ang walang imik na babae."Let's talk outside." Sambit nito ng maka-recover.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 88.1

    Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makausap ang Premier kaya't bumalik na lang sila sa nagsisilbi nilang silid.Hatinggabi na ng naalimpungatan si Aurus. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kabilang higaan kaya't ipinasya niyang bumangon at lumabas ng silid.Makikita ang iilang nagbabantay sa paligid ngunit napaka-tahimik ng buong kapaligiran. Napakalayo sa description na isa itong delikadong isla. Naririnig pa niya ang ilang huni ng kulisap sa lugar na nagpapahiwatig ng isang kapayapaan.Naglakad-lakad siya ng mapansin ang isang bulto. Kahina-hinala ang kilos nito kaya't sinundan niya. Papalayo ito sa direksyon ng mga tagabantay at patungo sa masukal na parte ng lugar.

  • NOTORIOUS   CHAPTER 87

    "Tana!" magkasabay nilang sabi.Lalapit na sana si Zeus sa babae ngunit napatigil siya ng tumusok ang isang patalim sa kanyang harapan."Tana?" gulat na sambit ni Zeus.Nakikita niyang si Tana ito except her black hair pero pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.Seryoso itong tumingin sa kanila.Even her eyes are different, it's gray."She's not Tana," Sambit ni Aurus."Who are you?" maging ang boses nito ay katulad ng kay Tana, malamig at mapanganib.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status