Three years later
Location: Black District Urvularia City
“Mayti first reporting... Nakikita ko na ang target,” narinig niyang sambit ng kanyang kasama.
“Ol Mayti, saan ang aming pwesto,” sambit ng isa pa.
Sila ang grupong Mayti Vand. Isang biglaang misyon ang ginagawa nila. Wala silang matinong plano tulad ng dati. Sumusuong sila sa laban nang hindi pinagpaplanuhan ang dapat gawin.
“Mayti First at Mayti Second, magtungo kayo sa likuran. Mayti third at Mayti fourth, sa magkabilang gilid. Ako ang bahala sa unahan,” pagbibigay utos niya sa apat na kasama.
“Masusunod Ol Mayti.”
Mabilis sumunod ang apat. Binabantayan ang maaaring labasan ng kalaban. Dahan-dahan siyang lumapit sa target. Malapit na niya itong mahawakan nang biglang nagreport si Mayti Second.
“Ol Mayti may lalabas na kalaban,” naalerto siya sa sinabi nito.
Mabilisan siyang lumapit sa target at binalewala ang nasasagi niya dahilan para maglikha ito ng malalakas na ingay.
“Ol Mayti, aatake na ang kalaban,” nagmamadaling sabi ni Mayti First.
Dinamba na niya ang target at mabilis na dinampot.
“Ol Mayti, aatake na siya!” natatarantang sigaw ni Mayti fourth.
Nakita rin niya ang nag-aambang atake ng kalaban.
“Takbo!” sigaw niya bago pa sila tamaan ng mga atake.
“Mga walanghiyang pulubi! Sinira niyo ang mga halaman ko!”
Narinig nila ang sigaw ng galit na Ale habang hawak ang walis tingting.
...
...
“Der,” tawag pansin ni Reyna sa kasama nang makalayo sila sa bahay ni Manang Asun. Ang Aleng sumigaw kanina.
Tumingin ito sa kanya.
“Heto na. Pasagutin mo na iyong nililigawan mo. Mahirap dumiskarte ng bulaklak. Kailangan pa nating dumikwat kapag ayaw mamigay ng may-ari.” Inabot niya dito ang isang bulaklak na kinuha sa bakuran ni Aleng Asun.
Masaya nitong tinanggap ang bulaklak.
“Salamat Ol Mayti… ay! Reyna nga pala,” sambit nito.
“Itigil mo na kaya ang pangliligaw mo. Ang tagal mo na siyang binibigyan ng bulaklak pero hindi ka pa rin sinasagot,” sambit naman ni Tan.
“Oo nga. Nahihirapan na rin kami sa mga misyon natin. Mabuti hindi tayo tinamaan ng atake ni Manang Asun kanina. Mayroon na naman sana tayong meryendang ube,” komento ni Cane.
“Huwag kayong ganyan...” saway ni Hurri sa dalawa. “...Dapat nating suportahan si Der. Malay niyo poreber na sila ni Jeanna.”
Si Jeanna yung tindera sa palengke na matagal ng nililigawan ni Der.
“Mabuti pa itong si Hurri suportado ako. Kayo namang dalawa puro reklamo, hindi naman kayo pinipilit na sumama sa misyon namin ah,” katwiran ni Der.
“Tama na yan. Mabuti pang samahan ka na namin kay Jeanna,” awat ni Reyna sa mga kasama. Pinapakinggan lang niya ang mga reklamo nito habang naglalakad sila.
Sabay-sabay silang naglakad patungo sa pwesto na pinagtatrabahuhan ni Jeanna. Lima sila sa grupong Mayti Vand at siya bilang Ol Mayti, ang leader ng grupo. Mayti first si Tan, second si Der, third si Hurri at fourth si Cane. Pare-pareho silang nakatira sa lansangan. Magkapatid sina Tan at Der, ganun rin si Hurri at Cane. Silang dalawa ni Hurri ang babae sa grupo. Mas bata sa kanya ang apat kaya't siya ang ginawang leader.
...
...
“J-jeanna, p-para sayo nga pala.” Kinakabahang inabot ni Der ang pulang rosas na kinuha nila. Dahil sa init ng panahon, nabawasan na ng isang dahon at mga petals ang bulaklak. Hindi na kasing ganda tulad kanina.
Napipilitan namang kinuha ni Jeanna ang bulaklak.
“May sasabihin din ako sayo,” mahinhin na sambit ng dalaga.
Sumigla ang itsura ni Der. Inaasahan niyang sasagutin na rin siya sa wakas ng babae. Nakikinig naman ang apat hindi kalayuan sa pwesto. Seryosong pinagmamasdan ni Reyna ang masayang reaksyon ng kaibigan habang kausap ang babae.
“A-ano yun?” kabado nitong tanong.
“Boyfriend ko na si Jipoy.” Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Der dahil sa narinig.
Nalulungkot si Reyna para sa kaibigan dahil ang babaeng matagal na nitong tinatangi ay kasintahan na ngayon ni Jipoy. Ang siga sa 27th street. Lumapit naman ang apat sa kanilang kaibigan. Tinapik ni Tan ang balikat ng kapatid.
“Magsilayas nga kayo dito! Baka mahawaan ng amoy niyo ang mga paninda ko! Malasin pa ako dahil sa inyo!" sigaw ng may-ari ng tindahan sa kanila.
Wala na rin silang nagawa at umalis sa tindahan habang hila ni Hurri at Tan si Der. Alam niyang mawawala rin sa isip ni Der ang pagkabasted. Hindi lang ito ang unang beses na nabasted ito.
"Sa wakas makakauwi na rin," masayang sambit ni Cane.
Naghiwa-hiwalay sila ng daan patungo sa mga tinutuluyan. May maliit na barong-barong ang apat sa 26th street, samantalang siya ay nasa ilalim ng tulay sa 30th street, ang huling street sa buong Black District.
...
Inayos ni Reyna ang pagkakasakbit ng plastic bag sa katawan. Nilagyan niya ito ng taling straw sa magkabilang tangkay para magmukhang body bag. Iba't-ibang stall ng paninda ang nakahilera ng sapitin niya ang 21st street. Ang pamilihan sa Black District ay mula 21st hanggang 25th. Siksikan ang mga tao habang namimili. Inaasahan na rin niya ang paghawi ng daan sa nilalakaran niya. Syempre, siya ang reyna at kusang umaalis ang mga tao sa daraanan niya. Hinawi pa niya ang nakapusod na buhok, pero sumabit ang hibla sa daliri niya. Kaya't sapilitan niya iyong tinanggal. May nadala pang ilang hibla maging ang panali niya ay natanggal. Masamyong hangin ang naramdaman niya na nagpasayaw sa mahaba niyang buhok. Pumikit siya dahil pumunta lahat ng hibla sa mukha niya.
Habang inaayos ni Reyna ang mga buhok na napunta sa kanyang mukha, narinig niya ang malakas na busina ng sasakyan.
Parang nabasag na salamin ang kanyang pantasya dahil sa narinig.
“Kung gusto mo ng mamatay huwag ka sakin magpasagasa! Wala akong pambayad sa libing mo! Umalis ka diyan!” sigaw ng driver.
Tiningnan niya ang paligid. Nasa gitna pala siya ng kalsada. Hindi pala kusang umiiwas ang mga tao sa daraanan niya. Sadyang hindi dumadaan ang mga tao sa gitna. Mabilis naman siyang tumabi para makadaan ang sasakyan.
“Dapat nasa dungeon yan. Mukha kasing baliw. Bakit kaya nakalabas yan?” narinig niyang sabi ng isang babae.
Kung ang Black District ang nagsisilbing basurahan ng buong Urvularia ang Dungeon naman ang kulungan sa loob ng Black District. Mahihirap at mga kriminal ang bumubuo sa lipunan ng Black District pero ang nakakulong sa Dungeon ay mga taong may malubhang sakit.
“Ate... Pengeng pagkain.” Sa halip kontrahin ang sinabi nito, humingi na lang siya ng pagkain.
Tanghali na rin at hindi pa siya kumakain dahil naging busy sila sa paghahanap ng bulaklak.
“Eww... Huwag ka ngang lumapit sakin. Ang dumi at ang baho-baho mo,” taboy nito sa kanya.
“Ate... Subukan mong tumira sa kalsada baka hindi ka lang maging amoy b****a. Ngayon nga mukhang may maayos kang tirahan pero mukha kang ewan,” insulto rin niya dito.
Hindi naman siya bibigyan ng pagkain mas mabuti pang bumawi siya sa sinabi nito.
“Aba't antipatika ka! Lumayas ka nga dito bago ako tumawag ng...”
Bago pa matapos ang sasabihin nito ay tumalikod na siya.
“Hoy... Hindi pa ako tapos magsalita! Bwisit na pulubing to! Ang kapal ng mukhang talikuran ako, hindi naman maganda!” sigaw nito sa kanya.
Tumigil si Reyna sa paglalakad at nilingon ang babaeng sumigaw habang nakangiti.
“Wag kang mag-alala. Hindi ka rin maganda!” ganting sigaw niya.
Tumatawa siya habang papalayo sa galit na babae.
...
“Magnanakaw!” sigaw ng isang babae.
Nakita ni Reyna ang isang lalaki habang tumatakbo patungo sa direksyon niya. Nakarating na siya sa 25th street.
“Tabi!” sigaw ng lalaki habang hinahawi ang mga tao sa dinaraanan nito. “Alis!” sigaw nito sa kanya. Tinabig siya nito kaya't nasubsob siya sa semento.
Nagawan naman niya ng paraan para hindi mauna ang nguso niya na humalik sa kalsada.
“Magnanakaw! Tulong! Tulungan niyo ako! Iyon na lang ang pera ko para sa pagkain ng mga anak ko! Parang awa niyo na, tulungan niyo ako,” umiiyak na sigaw ng babae habang pilit hinahabol ang tumatakbong lalaki.
Nakatingin lang ang mga tao sa paligid. Normal na ang ganito sa Black District kaya't walang nag-abala para tulungan ang babae.
Tumayo si Reyna mula sa pagkakatumba.
Lumapit siya sa babae.
“Sayo po yata to." Inabot niya ang isang sobre sa babae. “Sa susunod po ingatan niyo na yan lalo na sa mataong lugar.”
Mabilis nitong kinuha ang sobre at binilang ang laman. Nakahinga ito ng maluwag. Mukhang sweldo ito ng Ale. Humarap ito sa kanya at nang-uusig na tumingin. Pinagmasdan ang kanyang itsura mula ulo hanggang paa.
“Siguro kasabwat ka ng magnanakaw na yun ano?" Duro nito sa kanya.
Kahit inaasahan na niyang pagbibintangan siya, umaasa pa rin siyang baka bukod tangi ito sa mga taong mabilis siyang husgahan base lang sa kanyang kasuotan.
“Kung kasabwat niya po ako, hindi ko yan ibabalik sayo," may pagkainis na sagot niya.
Mukhang nakonsensya naman ito sa sinabi pero hindi man lang humingi ng pasensya at umalis na lang bigla.
“Hinusgahan at pinagbintangan na nga ako pero hindi man lang nagpa-candy bago umalis," sambit niya habang tinatanaw ang papalayong babae.
“Aray," daing ni Reyna ng mabangga sa hindi nakitang bagay sa harapan. Matigas, mainit at malamig.
Hinawakan niya ang bagay na yun.
Nagdiwang ang nag-aalburuto niyang sikmura nang makita ang laman ng plastic. Isang siopao at softdrinks.
"Pagkain," masaya niyang sabi.
Hinanap niya kung sino ang nagbigay sa kanya ng pagkain pero hindi niya matukoy dahil sa dami ng tao.
“Kung sino ka man, niligtas mo ang pagra-rally ng mga bulate ko," sabi niya at sinimulang kainin ang masarap na tanghalian.
...
“Siguradong siya na naman ang may kagagawan no'n." Pamilyar na boses ang narinig niya malapit sa ilalim ng tulay kung nasaan ang kanyang tulugan.
Akala ni Reyna kapag nakarating siya ng 30th street makakapagpahinga na siya. Mukhang malabo dahil sa mga nag-aabang sa kanya.
“Wala nang iba. Siya lang ang kilala nating may mabilis na kamay. Hindi nga lang niya pakinabangan sa pagnanakaw, tayo pa ang ninanakawan,” sang-ayon ni Oval.
Gusto sana niyang itama ang sinabi nito dahil binabawi lang niya ang mga dinukot ng mga ito at binabalik sa may-ari.
“Matigas talaga ang apog ng isang yun, ayaw na ngang sumanib sa grupo natin tapos kakalabanin pa tayo,” sambit ni Tino.
Aalis na sana siya nang makita siya ng kasamahan ni Maylo. Ang pinuno ng mga mandurukot sa Black District.
“Si Reyna." Turo ni Kado sa direksyon niya.
Lahat ng kasama nito ay napatingin sa kanya at nakakakilabot na ngumisi. Haist. Mapapalaban na naman siya.
“Hulihin siya!” sigaw ni Maylo ng magsimula siyang tumakbo.
Mapapalaban na naman siya sa takbuhan at taguan sa grupo ni Maylo. Kung sana man lang may premyo ang pagtakbo niya, meron na sana siyang panghapunan. Kaso mukhang ube ang magiging hapunan niya kapag nahuli siya ng mga ito.
...
Sumilip si Reyna sa pinagtataguan. Wala na ang mga humahabol sa kanya. Nailigaw na naman niya ang mga ito, pero siguradong ilang araw siyang hindi makakabalik sa ilalim ng tulay. Doon siya aabangan ng mga ito. Inalis niya ang pagkakatabon ng isang itim na plastic sa kanya. Natapon pa sa kanya ang supot ng bulok na sibuyas galing sa loob ng plastic.
“Nadagdagan na naman ang amoy ko nito.” Balewala niyang pinagpag ang suot na dirty white long sleeve. Puti ito dati pero dahil madumi na kaya't naging dirty white ang kulay nito.
“Ano ba yan. Naiwan pa,” reklamo niya ng makalabas sa tambak ng b****a. Kinalkal niya ang ibang b****a para makuha ang kabilaan niyang tsinelas.
Bahagya siyang natigilan ng marinig ang iba't-ibang tunog hindi kalayuan sa kanyang pwesto.
Tinigil niya ang ginagawang paghahanap sa tsinelas. Tumingin siya sa direksyon kung saan nanggagaling ang tunog. Madilim ang eskinitang kinaroroonan niya. Hindi umaabot ang lamp post sa pwesto niya. Wala rin siyang ideya kung anong street siya napunta. Sana lang wala siya sa 15th street. Delikado ang mga street mula sa 1st to 15th. Dahan-dahan niyang sinundan ang tunog.
“Ahh!” bahagya pa siyang nagulat sa isang nasasaktan na boses.
Nakarating siya sa dulo ng eskinita. Nagkubli siya sa isang drum na basurahan at dahan-dahang sumilip. Ganun na lang ang pagkagulat niya sa nakita. Nagtaasan ang kanyang balahibo. Gusto niyang sumigaw pero walang boses na lumabas sa kanya. Gusto niyang tumakbo at lumayo pero nanghihina siya. Tuluyan siyang napaupo dahil sa panghihina. Pinilit ang sarili na umatras para makalayo.
Mas nanlaki ang mga mata ni Reyna dahil sa tunog ng nasaging basurahan. Tumingin ang nakakatakot na nilalang sa kanyang direksyon. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa itim na kasuotan. Ngunit kitang-kita niya ang umaagos na dugo sa hawak nitong patalim galing sa mga nagkalat na katawan. Katawang wala nang buhay. Mga katawan na may saksak sa dibdib at gilit sa leeg.
Humakbang ang nilalang patungo sa kay Reyna. Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas pero mabilis siyang tumayo at tumakbo papalayo sa nilalang. Hindi siya lumingon. Ayaw niyang lumingon. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo ng matanaw ang liwanag mula sa kabilang bahagi ng eskinita. Ilang hakbang na lang para makarating siya sa liwanag pero bigla siyang tumigil dahil ang tinatakbuhang nilalang ay nasa harapan na niya. Nakatayo ito sa daraanan niya. Humakbang siya paatras ng humakbang ito palapit sa kanya. Muli niyang nakita ang hawak nitong patalim. Kumikislap yun kapag bahagyang natatamaan ng liwanag.
“S-sino ka?” kinakabahan niyang tanong. Wala siyang sagot na nakuha.
Humakbang siyang muli paatras at handa ng tumakbo pabalik sa pinanggalingan ng biglang nawala ang nilalang sa harapan niya. Kinilabutan siya dahil sa nasaksihan. Higit siyang nakaramdam ng takot ng maramdaman ang matalas na patalim sa leeg niya.
“P-pakiusap... Huwag mo akong papatayin,” kinakabahan niyang sabi. “Marami pa akong pangarap sa buhay. Hindi ko pa nararanasan maligo araw-araw. Kahit tatlong beses sa isang linggo ayos lang,” pakiusap niya. “At higit sa lahat...”
Napahawak siya sa tiyan ng marinig ang tunog no’n.
“... Hindi pa ako naghahapunan.”
Location: Red District Urvularia City“I heard that another fight will happen tonight. Are you coming?” Lumapit sa kanya si Torn.Uminom muna si Zyrex sa hawak na beer habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.“I thought you're busy. Why are you here?”tanong niya nang hindi tinatapunan ng tingin ang kaibigan.“Drinking with you?”natatawang sagot nito. Tinaas pa nito ang isang can sa kanya bago uminom. This building is owned by Torn, his only friend.“So... Are you coming?”“I have something else to do,”sagot niya.
Mabilis nakaalis si Zyrex ng Black District. Malayang nakakalabas-pasok ang sinuman sa Black District basta hindi hinatulan ng White District. Ang mga kriminal na nahatulan ay nilalagyan ng sensor sa katawan. Kapag lumabas ito ng Black District ng walang pahintulot, tutugisin sila ng Elite Soldiers ng White District. Walang sinuman sa lahat ng distrito ang ninais na makaharap isa man sa Elite Soldiers. They are the protectors of the Urvularia Ruler, kaya't kinatatakutan ang mga ito. Samantalang bihira naman umaalis ng Black District ang mga simpleng mamamayan. Karaniwan lang ay ang mga scholar na pumapasok sa Orange District.......“Panibagong kaso na naman ng pagpatay,"naiiling na sambit ng isang pulis habang isa-isang pinagmamasdan ang nagkalat na katawan.
"... Tapos nakita kong nasundan ako ng grupo ni Maylo. Nataranta ako kaya't nahiwa ako sa leeg. Nakalimutan ko kasi may patalim nga palang nakatutok sa leeg ko, pero alam kong iniwas yun ni Blacky dahil kung hindi, nahati na ang leeg ko,"masiglang pagkukwento ni Reyna,"hinila ko si Blacky para makapagtago, pero nakatulog ako ng may maramdaman akong mahapdi sa batok ko. Kinagat yata ako ng lamok." Uminom ulit siya sa hawak na bote ng softdrinks. Nakaupo naman ito sa harapan niya habang mataman siyang pinagmamasdan habang nagsasalita. "Bukod sa nakabalot ng itim yung suspek, ano pa ang natatandaan mong pagkakakilanlan niya?" "Boses." Napaayos ito ng upo. "What kind of voice?"seryoso nitong tanong.
Gulat na napatingin si Asul sa kanya. "Assassin killed an Assassin,"pagpapatuloy niya. "Kung ganun, hindi mo pwedeng pakialaman ang kasong yun?" Tumango siya. It’s a conflict between Assassins at hindi siya pwedeng makialam bilang detective. May batas ang Urvularia para mapanatili ang kapayapaan sa lahat ng distrito. Hindi pwedeng pasukin ng Mend Organization ang problema sa loob ng Havoc Organization. "Paano kung magkaibang organisasyon yung mga Assassin?" "Chaos." Binaba niya ang hawak na baso sa mesa at tumingin sa kaibigan."Walang ibang organisasyon ang may permit mula sa White District maliban sa Mend at Havoc. Kaya't isang kaguluhan ang magiging hatid kung
Location: Red District Urvularia City Havoc Organization Headquarter "Paru!" "Paru!" "Paru!" "WOOOHHH!" Pinagmamasdan ni Zyrex ang nangyayari sa ibaba ng Combat Hall habang nasa veranda ng third floor. Nakangiti ang bagong tanghal na panalo sa inabutan niyang round. Puno ng dugo ang gilid ng labi nito, hindi na maimulat ang kaliwang mata at lupaypay ang kanang braso. Ilang araw nang nagaganap ang dwelo, ngunit wala pa rin nahahanap na potential ang Supreme Havoc. "Enjoying the show?"naalerto siya ng marinig ang boses sa kanyang gilid. Mabilis siyang nagbigay gal
Nanlalaki ang matang tumingin si Icy kay Chonna. "Y-you'll pay for this. Sisiguraduhin kong mapapatalsik kayo dito at mapapatapon sa Black District!"galit nitong sabi. "I'm giving you the last warning." Humakbang papalapit si Chonna sa kinatatayuan ni Icy habang umaatras ang huli."Touch her again or I will end your worthless life." Napaupo si Icy ng maramdaman ang panglalambot ng tuhod. "What's happening here?" Mabilis na nagbalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante ng marinig ang boses ng Professor nila sa oras na yun. "P-professor Luck..." Halos madapa si Icy paglapit sa professor."This woman is threatening my life. She must be expelled here. My father won't allow someone to mistreat me," 
Location: Black District Urvularia City It's been two days nang makarating si Sarci kasama sina Zeus at Arthur sa Black District. Two weeks silang mananatili sa lugar bago lumipat sa ibang distrito, sa 19th street sila tumutuloy ngayon. Magkakahiwalay sila ng room, gusto sana ni Sarci na kasama ang dalawa pero umepal si Arthur at hindi hinayaan ang hangarin niya. Alam daw nito ang kanyang lihim na agenda. Panira talaga yun! "Bakit ikaw ang kasama ko?" mataray na tanong ni Sarci kay Arthur. "Ewan ko. Baka masagot mo rin kung bakit ikaw ang kasama ko?" nakangisi nitong sagot.
Mas binilisan ni Reyna ang pag-akyat. Kinakapos siya ng hangin ng makarating sa itaas. Natutuyo rin ang lalamunan niya. May nakita siyang nakaupo sa gilid ng daan. Lumapit siya sa lalaking prenteng nakasandal sa upuan, sakto may hawak itong bote ng tubig, nangangalahati pa lang 'yon. Iinumin na sana nito ang tubig nang inagaw niya ang bote at walang paalam na ininom. Naubos niya ang laman pero kulang pa rin. Tumingin siya sa lalaki na nakatingin din sa kanya. "May..." Naputol ang sasabihin ni Reyna ng marinig ang sigaw ng humahabol sa kanya. "Ayon siya!"
"Alam ba ng asawa ko na pumunta ka rito?" Bungad agad ni Lara ng dumating sila."Siguradong alam na niya pero 'wag kang umasa na siya ang nagsabi." Sagot ni Raya.Napailing na lang si Lara."Huwag matigas ang ulo Tana. Anytime pwede ka ng manganak." Sermon din nito sa kanya."Napapansin ko sa inyong dalawa, palagi niyo na lang akong sinesermonan?" Reklamo ni Tana."Ang tigas kasi ng ulo mo!" Sabay na sagot ng dalawa."Nasaan pala ang Mayti?" tanong na lang niya.Sigura
One year later."I need my boat!" Malakas na boses ni Tana ang umalingawngaw sa loob ng kanilang mansyon."Apology my Queen, kabilin-bilinan po ni King Zeus ay huwag kang hahayaang maglayag ngayon," Natatakot na paliwanag ng isa sa mga inatasang guwardiya na magbabantay sa kanya."Wala akong pakialam! Ihanda mo ang aking sasakyan. Gusto kong maglibot sa Urvularia." Maotoridad niyang sabi."Ngunit mahal na Reyna, kabuwanan mo na po." Nag-aalalang sagot nito.Napatingin naman si Tana sa umbok ng kanyang tiyan."Babies, do you want to ride with Mom
"You are my every dream come true, and I can't wait for the reality we get to build together. I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and a shoulder to lean on when life is too much to bear on your own. I'm madly in love with you, my husband. Not only do I promise that my love for you will grow with each day, but I promise to be your friend and partner every step of the way. I will be there for you, day or night, richer or poorer, in sickness and in health. I trust, appreciate, cherish, and respect you. I promise to share with you my hopes and dreams as we build our lives together. You, my love, are my everything."Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, pero ang magaling niyang asawa hindi na makapaghintay at siniil na siya ng halik."Princes and Princesses are coming!" Sigaw mula sa mga
"Tana!"Magkasabay na sigaw ni Raya at Lara ng makita si Tana."Lara, Raya!" Salubong niya sa mga kaibigan, "Kamusta na kayo?" tanong niya ng yumakap ang dalawa."Madaya ka talaga, Tana. Hindi ka man lang nagpaalam sa'kin ng umalis ka," Sumbat ni Raya na umiiyak sa balikat niya."Pasensya na," aniya."Ano pa bang magagawa ko? E, nangyari na." Sagot ni Raya.Humiwalay ang dalawa sa kanya ng lumapit ang iba pa."Tana,""King Yutern," bati niya rin sa lalaki.
Tanging kay Adelein lang siya nagpaalam ng umalis sa Blue District dala ang isang mapa na natagpuan niya mismo sa drawer ng mga magulang. Ito ay mapa ng isang napaka-layong isla kung saan maaari niyang matagpuan ang kapatid. Ilang araw siyang naglakbay sa karagatan para lang matunton ang islang iyon. May mga napagtanungan na rin siyang mangingisda at tulad niyang maglalayag pero walang ideya ang sinuman tungkol sa isla. Patuloy lang siya sa paglalayag hanggang hindi niya inaasahan na makakasalubong ang malakas na bagyo. Hindi niya iyon naiwasan at kasama siyang natangay ng nagwawalang panahon pailalim sa tubig. Akala niya doon pa siya mawawalan ng buhay pagkatapos ng mga nangyaring digmaan pero iyon pala ang magdadala sa kanya patungo sa kakambal.Nagising si Tana sa isang kubong yari sa mga light materials. 'Yung iba mukhang napaka-luma na pero nagamit pa rin upang makumpleto ang
Nang makabalik si Aurus sa inookupang silid nila ni Zeus ay hindi na siya dinalaw ng antok. Maaga niyang sinamahan si Zeus patungo sa kubo ni Tana."Where are we going?" Tanong ni Zeus.Hindi sumagot si Aurus hanggang makarating sila sa kubo."What are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Zeus.Kanina paggising niya, niyaya kaagad siya ni Aurus palabas ng silid. Sinabi nitong may importante silang pupuntahan.Kumunot ang noo ni Zeus ng makitang lumabas si Gaia sa kubo."Go inside," Malamig nitong sabi kay Zeus at nagtungo sa isang puno hindi kalayuan sa kubo.
"Sorry," Sambit nito at mabilis na pumasok sa silid.Nanlalaki naman ang mga mata ni Gaia habang nakatingin sa kanya."You're saved for now," Sambit niya habang hawak ang magkabila nitong pisngi at halos wala ng pagitan ang kanilang mga mukha.Kung mula sa pwesto ni Tana para silang naghahalikan, ngunit tanging ilong lamang nila ang nakalapat sa kanyang ginawa."If you want cure that illness, you need to collect the ingredients for that as soon as possible. If not, you'll die." Muli niyang sabi bago bitawan ang walang imik na babae."Let's talk outside." Sambit nito ng maka-recover.
Hindi sila nabigyan ng pagkakataon na makausap ang Premier kaya't bumalik na lang sila sa nagsisilbi nilang silid.Hatinggabi na ng naalimpungatan si Aurus. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Nakita naman niyang mahimbing na natutulog si Zeus sa kabilang higaan kaya't ipinasya niyang bumangon at lumabas ng silid.Makikita ang iilang nagbabantay sa paligid ngunit napaka-tahimik ng buong kapaligiran. Napakalayo sa description na isa itong delikadong isla. Naririnig pa niya ang ilang huni ng kulisap sa lugar na nagpapahiwatig ng isang kapayapaan.Naglakad-lakad siya ng mapansin ang isang bulto. Kahina-hinala ang kilos nito kaya't sinundan niya. Papalayo ito sa direksyon ng mga tagabantay at patungo sa masukal na parte ng lugar.
"Tana!" magkasabay nilang sabi.Lalapit na sana si Zeus sa babae ngunit napatigil siya ng tumusok ang isang patalim sa kanyang harapan."Tana?" gulat na sambit ni Zeus.Nakikita niyang si Tana ito except her black hair pero pakiramdam niya ibang tao ang kaharap niya.Seryoso itong tumingin sa kanila.Even her eyes are different, it's gray."She's not Tana," Sambit ni Aurus."Who are you?" maging ang boses nito ay katulad ng kay Tana, malamig at mapanganib.