salamat po sa lahat ng nakakaintindi sa akin. Okay na po ang anak ko kaya nakapagsulat po ako ngayon. may isa pa po akong update..God bless you po!
THIRD PERSON POV“Luningning!” tawag ni Nay Tere kay Gene.“Bakit po, nay?” nagmamadali na tanong nito dahil narinig niya ang pagtawag ng matanda.“Pakidala ng alak sa room ni Sir Romell,” sagot nito.“Alin po ba ang room niya, nay?” “Ika-apat na silid mula sa hagdanan,” sagot ng matanda.“Kaliwa po o kanan?”“Kanan,” mabilis na sagot ng matanda.“Okay po, nay.” sagot ni Gene at mabilis siyang umakyat sa may hagdan.Hindi niya sinunod ang sinabi ng matanda. Dahil isa-isa niyang binuksan ang mga pintuan ng bawat silid para malaman niya ang nasa loob. Walang mga tao at ang iba ay naka-lock. Hanggang sa nagulat siya sa isang room.“Sorry po, hinahanap ko ang room ni Sir Romell,” sabi niya sa kapatid nito na dalaga.“That room,” mataray na sabi nito sabay turo ng silid ng lalaki.“Salamat p–”Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil malakas nitong sinara ang pintuan.“Bastos na bata,” sabi ni Gene at naglakad na papunta sa silid ni Romell.Kung kanina ay hindi siya kumatok. Ngayon ay k
THIRD PERSON POVNakauwi ng maayos si Yanne sa kanilang hideout. Pagdating niya ay umalis na rin si Elias. Hindi niya pinuntahan ang lalaki dahil pagod siya at kailangan niya munang magpahinga. Habang nakahiga siya ay hindi niya maiwasan na isipin ang pamilya niya.Hindi niya maiwasan na isipin ang lalaking mahal niya. Kaya naman tumayo siya at binuksan niya ang laptop niya. Sinilip niya ito sa CCTV dahil may access siya dito. Inayos ito ni Gene bago ito umalis. Habang pinapanood niya ang mga footage ay hindi niya maiwasan na malungkot. Miss na miss na niya ang mag-ama. Nakita niya na nakahiga si Anica sa kama nito at parang may binabasa na book. Habang si Alden naman ay naglalaro. Hindi pa natutulog ang mga ito. Nagdadalawang isip siya kung sisilipin rin ba niya ang lalaking mahal niya. Sobrang miss na miss na niya ito. Pero kahit pa miss na miss niya ay kailangan niyang magtiis. Ginagawa niya ito para sa kanila. Ginagawa niya para makabalik kaagad siya. Nakita niya na nakatayo ito
THIRD PERSON POV“Anong nangyayari sa ‘yo?” tanong niya sa babae dahil sa nakikita niyang kilos ng bago nilang katulong.“Nakikita ko, nakikita ko ang mangyayari..” sagot ni Libby na parang ewan.“Anong nakikita mo? Anong ibig mong sabihin?” tanong naman ni Ayra sa babae.“Nakikita ko ang mangyayari sa ‘yo..” sagot nito kaya bigla na lang siyang kinabahan sa narinig niya.“What? Anong mangyayari?” nakakunot na ang noo niya dahil hindi niya ito maintindihan.“Nakikita ko sa pangitain na ito na may mangyayari sa ‘yo. May mangyayari sa ‘yo.” sagot naman ni Libby.“Galiling, ano ba ang nangyayari sa ‘yo?”“Hey! Umayos ka nga!”“Manang!” tawag ni Ayra sa matanda.“Lumayo ka, lumayo ka kay mayor.” sabi ni Libby na bigla pang lumaki ang mga mata at hinawakan ang balikat ni Ayra. kaya naman si Ayra ay bigla namang nanigas sa kinatatayuan niya.“A–Anong sinasabi mo? B–Bakit ko lalayuan? H–Hindi ko gagawin ‘yan,” nauutal na tanong niya sa babae.“Layuan mo siya dahil hindi na kayo magkakabalikan
MARIANNEKahit pa pinipigilan ako ang kaibigan ko na ‘wag na niyang itanong ay talagang tinanong niya. Hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy ni Ayra na ginawa niya para iwan niya ang mag-ama niya. Ano man ang dahilan niya ay wala na akong balak na alamin pa. Ayaw kong maawa sa kanya dahil hindi nga siya naawa sa anak niya. Hindi nga niya naisip ang magiging epekto kay Anica nang ginawa niya.Nakakalungkot lang na sana siya ang magprotekta sa anak niya ay siya pa ang gumawa ng dahilan para masaktan ito. Ngayon ko naisip na sarili lang niya ang tanging mahalaga sa kanya. Kahit pa sinasabi noon ni Alden na walang pakialam ang mommy niya ay pinilit ko pa rin na intindihin niya ito.“I miss you, baby.” nakangiti na sabi ko dahil miss na miss ko na si Alden.Alam ko na hindi ko dapat ito gawin pero ewan ko ba. Sinuway ko ngayon ang utak ko at sinunod ko ang sinasabi ng puso ko. Mabilis akong nagbihis para umuwi sa bahay ni ninong. Alam ko na tinapos ko na ang lahat sa amin pero pupunta ako
MARIANNE“Ate, kapag po ba may chance ay magugustuhan mo po ba ang daddy ko?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya.“Magugustuhan mo ba si daddy?”“Magugustuhan mo po siya bilang lalaki? Bilang boyfriend?” tanong niya ulit at mas malinaw.“Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?” tanong ko sa kanya.“Kasi po… kasi po kung talagang hindi na mabubuo ang pamilya namin ay ikaw na lang po. Ikaw na lang po sana ang maging mommy namin,” sagot niya kaya mas lalo akong nagulat.Hindi ko kasi inaasahan na ito ang itatanong niya sa akin. Na ganito ang itatanong niya sa akin.“Anica, gusto mo bang maging honest ako sa ‘yo?” tanong ko sa kanya at tumango siya.“Opo, ate.”“I’m sorry,” sabi ko sa kanya. “Bakit po? Hindi mo po ba magugustuhan si daddy?” tanong niya sa akin.“I’m sorry kasi nagsinungaling ako sa ‘yo. Your dad and I broke up,” sabi ko sa kanya dahil sa tingin ko kailangan na niyang malaman. Umupo ako ulit sa tabi niya dahil alam ko na kailanga
MARIANNEAyaw ko pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Gusto ko, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang puntahan pero nanatili muna ako dito sa room ni Alden ng isang oras. Gusto kong siguraduhin na tulog na siya. Binuksan ko ang phone ko at sinilip ko siya sa CCTV. Nakita ko na nakahiga na siya sa kama niya. Tumayo na ako dahil tingin ko ay tulog na rin siya. Hindi na rin kasi siya kumikilos kaya sa tingin ko at tulog na talaga siya. Maingat akong lumabas sa room ni Alden at maingat rin akong pumasok sa silid ni ninong. Pagkapasok ko ay muling bumalik ang lahat ng mga alaala ko na kasama ko siya. Ang maganda niyang ngiti, ang paglalambing niya sa akin at ang mga bangayan naming dalawa ay nangyari rin sa silid na ito.Ang mga masasayang alaala naming dalawa. Ang mga ginawa namin sa bawat sulok nitong silid niya. Nakikita ko ulit ang sarili namin. Naalala ko kung paano niya ako angkinin sa bawat parte nitong room niya. Miss na miss ko na siya, sobrang miss na miss ko na siya. K
THIRD PERSON POV“Bunso, good morning.” malambing na bati ni Anica sa kapatid niya.“Good morning po, ate. Ang aga mo po gumising ngayon,” nakangiti na sabi ni Alden.“Masarap kasi ang tulog ko.” masaya na sagot ng ate niya.“Ako rin po, ate. Si daddy po kaya, kumusta po kaya ang tulog niya? Masarap rin kaya tulad natin?” nakangisi na tanong ni Alden na may alam sa nangyayari.“Hindi ko alam, bunso. Pero malalaman natin mamaya. Sa ngayon ay hayaan na lang muna natin siyang matulog. Mukhang lasing na naman kasi siya kagabi,” sambit naman ni Anica.“Opo, ate. Lasing po talaga siya kagabi.”“Sabi ko na nga ba eh. Siguro ay miss na niya si–”“Good morning, daddy.” nakangiti na bati ni Anica sa daddy niya dahil nakita niya itong pababa sa may hagdan.Halatang kagigising lang nito dahil magulo pa ang buhok nito ngayon.“Good morning, sweetie.” malambing na bati ni mayor sa anak niya at hinalikan niya ito sa noo.“Good morning, dad.” bati naman ni Alden.“Bakit parang ang saya niyo?” tanong n
THIRD PERSON POV“Dad, tell me. Bakit po ganito ang name ni Ate Yanne sa phone mo? At bakit po siya ang wallpaper mo? Ano po ba ang hindi namin alam, dad? Sabihin mo sa amin,” tanong niya kay mayor.“Sweetie, ang totoo kasi ay–” “Ay ano po?” tanong niya sa daddy niya.“Gusto kong sabihin sa inyo pero sa tingin ko ay hindi pa ito ang tamang oras para d’yan.” sabi ni Andrew sa anak niya.“Gusto po namin ngayon na–”“Sweetie, listen to me. Hindi ko pa masabi sa ‘yo ngayon, sa inyo ngayon,” sabi niya sa mga anak niya.“Kailan? Kailan mo po sasabihin? Gusto mo po ba na ako na ang magtanong kay Ate Yanne? Na siya na ang magpaliwanag sa akin/sa amin?” matapang na tanong ni Anica dahil gusto niya. Gusto niyang marinig na ngayon din.“Sweetie, magagalit ba kayo sa akin?” malungkot na tanong niya.“Magagalit kami kapag hindi ka nagpaliwanag ngayon,” sagot ni Anica kaya naman napabuntong hininga na lang si Andrew sa narinig niya mula sa anak niya.“Ang totoo ay ako at si Yanne ay..”“Ay…”“Ay ma
THIRD PERSON POVSa bahay ni Ayra ay hindi na siya mapakali. Sobrang nag-aalala siya dahil nahuli na si Romell. Hindi niya alam kung sino ba ang susunod, kung ang pamilya ba niya o ang iba pa nilang mga kasabwat.Kanina pa siyang papunta-parini. Lakad siya ng lakad sa loob ng room niya. Kailangan niyang tawagan ang daddy niya. “Hello, dad. Nahuli po si Romell,” sabi niya.“What?”“Opo, ngayong umaga ko lang po nabalitaan,” sabi niya sa ama niya.“Ang lahat ng mga kailangan ng transaksyon mo ay itigil mo muna. Wala munang kikilos sa atin at baka sumunod tayo sa lalaking ‘yon. Ang hard drive, itago mo ng mabuti. Kailangan na hindi ‘yan makita sa bahay natin, dahil kung hindi ay katapusan na nating lahat.” sabi ng ama niya.“Aayusin ko ito, dad.”“Dapat lang, dahil sa kapalpakan mo na bumalik sa ‘yo si Andrew ay nanganganib na rin tayo. Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na gawin mo ang lahat para magkabalikan kayo pero hindi mo naman ginawa!” galit na sambit nito.“Ginawa ko, dad. Pero sadyan
MARIANNE“Walang mangyayari sa akin. Pero alam mo ba, may kakaiba kanina.” sabi niya sa akin.“Anong kakaiba?”“Para kasing kamukha mo ‘yung isang babae na tauhan ni Val,” sabi niya sa akin na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba.“T–Talaga?” pinipilit ko na ituwid ang salita ko pero hindi ko magawa talagang nautal ako.“Tell me, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong niya sa akin.“Ano naman ang hindi ko sasabihin sa ‘yo? May dapat ba akong sabihin?” tanong ko rin sa kanya.Wala akong sasabihin sa kanya hanggang sa matapos na ang misyon ko. Alam ko ang mangyayari kapag nalaman niya ang tungkol sa akin. Pagbabawalan niya akong lumabas, mag-aaway kaming dalawa at baka maghiwalay pa kami.Mas pipiliin ko muna ngayon na itago ang lihim ko para matapos ko ang trabaho ko. Ayaw kong sabihin sa kanya dahil alam na alam ko ang mangyayari.“Matulog na tayo,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko“Okay,” sabi ko sa kanya.Kumuha muna ako ng damit ko dahil magbibihis muna ako bago
MARIANNEGrabe ang lakas ng t*bok ng puso ko ngayon. Ipinagdarasal ko na hindi niya ako makilala kanina. Dahil kapag nagkataon ay baka bigla na lang magbago ang lahat at masira ang trabaho ko. Ayaw ko naman na mangyari ‘yon. Hindi ko pababayaan ang mga kaibigan ko sa misyon na ito.“Sige, umalis na kayo. Kami na ang bahala dito,” sabi ni ninong.“Hayaan niyo na sa kanya,” sabi ni Sir Val.Binigay ko sa kanya si Romell. Pagkatapos ay mabilis akong hinila ni Gene paalis sa lugar. Sa may sasakyan na kami nagkitang apat. “Okay ka lang?” tanong nilang dalawa sa akin.“Akala ko talaga mahuhuli na ako,” sabi ko sa kanila dahil ‘yon talaga ang totoo.“Mabuti na lang talaga at nagsuot ka ng mask. Dahil kung hindi ay baka nakilala na niya ang baby niya,” natatawa na sabi ni Libby.“Ang baby niyang astig,” pang-aasar na rin ni Gene na naging dahilan para gawin na lang na joke ang nangyari.Tumawa na lang rin ako dahil balik na naman silang dalawa sa pagiging makulit nila. Kahit ako ay natutuwa n
THIRD PERSON POV“Hulihin natin sila sa akto,” sabi ni Yanne.“Let’s do this para maisunod na natin si Ayra. Bwisit na ako sa kanya,” natatawa na sabi ni Libby.“Bakit pagod na kayo ng kakambal mo?” natatawa na tanong ni Gene.“Pagod na si Gallong, need niya ng day off. Nagpaalam kami pero hindi kami pinayagan,” natatawa na sagot ni Libby kaya napangiti na rin si Yanne.“Girls, later na lang ang chikahan. Work na muna tayo,” sabi ni Yanne at mabilis na lumabas sa pinagtataguan niya.Nakasuot siya ng sumbrero at mask kaya naman hindi siya nakikilala ni Romell. Habang ang dalawa ay proud na ipakita ang mga beauty nila. “Hi, boys.” nakangiti si Libby habang nagsasalita.“Sino naman ang mga pisteng ito?!” galit na tanong ni Romell sa mga tauhan niya. At napatigil sila sa ginagawa nila.“Sila po ang dahilan kaya sunod-sunod na nasira ang trabaho, boss.”“So, kayo pala?” tanong nito.“Yes, we are.” natatawa na sagot ni Gene.“S–Sino ka? Bakit parang may ka boses ka? You look familiar,” sabi
THIRD PERSON POV“Ako na ang magbababa ng maleta mo,” sabi ni Gene kay Yanne.“Ako na, kaya ko na ito.” sabi naman ni Yanne dahil ayaw niyang mahirapan ang kaibigan niya.“Don’t worry, may magbubuhat niyan at hindi ako,” nakangiti na sabi ni Gene.“Sino?”“Ako,” mabilis na sumagot ang lalaki na pumasok sa silid nila.“Anong ginagawa mo dito?” nagtataka na tanong ni Yanne sa kapatid ni mayor.“Kailangan niyo raw ng tulong kaya ako nandito?” nakangiti na sagot nito na para bang walang kaba na nararamdaman.“Pero–”“Secret natin ito, hindi ko sasabihin kay kuya.” nakangiti na sabi nito kaya naguguluhan si Yanne.“Huwag ka ng magtanong, basta tropa ko siya.” sabi ni Gene sa kaibigan niya habang nakangiti.Gusto sanang magtanong ni Yanne pero mas pinili na lang niya na manahimik. Hinayaan niya na kunin ni Arthur ang maleta niya at ito mismo ang nagbaba. Sobrang naguguluhan siya pero dahil may mas mahalagang bagay silang gagawin ay pinili na lang niya na maghanda para sa pagtakas niya, sa pa
MARIANNENakatutok na ngayon sa aming dalawa ang baril ni Romell. “Hindi ako aalis dito ng hindi ko siya kasama,” matatag sabi ni ninong sa lalaki.“Ayaw kong gawin ito pero pinipilit mo ako—”Nagulat kami dahil may biglang pumana sa baril na hawak ni Romell kaya hindi na natuloy ang pagbaril niya kay ninong. Nabitiwan niya ito at nagkakagulo sila kung saan galing ang palaso.“Aalis na ako, ingat ka dito.” pabulong na sabi ni ninong sa tainga ko.Mas diniin ko ang kuko sa kamay niya para malaman niya ang sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay mabilis ko siyang binalibag. Na dahilan para mapadaing siya. Halatang nagulat na ang lahat sa ginawa ko kaya naman lumipat sa amin ang atensyon nila. Sa totoo lang ay kinakabahan na rin ako baka kasi nasaktan talaga siya sa ginawa ko.“Umalis ka na at ‘wag ka ng bumalik dito,” sabi ko bago ako pumasok sa loob ng bahay nila Romell.Nagkatinginan kaming dalawa ni Gene. Alam ko na siya ang may gawa ng pana na ‘yon. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya s
MARIANNEGusto ko na lang siyang hayaan sa ginagawa niya para malaman niya na wala akong alam. Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa room ko. Lumabas rin si Gene sa pinagtataguan niya. Tinapon niya ang tubig na nasa baso. “Simula ngayon kapag kailangan mo ng tubig ay magsabi ka lang sa akin. Ako na mismo ang kukuha para sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“Kaya ko na it–”“Hindi, demonyo siya at pagbabayaran niya ang ginagawa niyang ito sa ‘yo. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya, gago siya! Baka kapag nagalit ako at putulin ko ang mga kamay niya.”Alam ko na galit na talaga si Gene at alam ko rin na hindi siya nagbibiro. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.“Kumalma ka lang. Kaya ko ito, at kaya nating dalawa. Kaunting oras na lang at magagawa rin natin ito,” sabi ko sa kanya.“Alam ko, kailangan na nating bilisan bago pa siya gumawa ng ibang hakbang na ikakasama mo. sure ako na may binabalak siyang masama kaya niya nilagyan ng dr*gs ang baso.”“Akala niya kasi mapapasunod niya
MARIANNE “Welcome sa aming bahay. This is your home now,” sabi niya sa akin habang nakangiti. “Okay lang ba talaga na dito ako?” tanong ko sa kanya. Na kunwari ay nag-aalala ako. “Of course, tara na sa loob ipapakilala kita sa pamilya ko.” sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Siya na rin ang naghila ng maleta ko. Pagpasok ko ay may matandang nakaupo sa may wheelchair ang sumalubong sa amin. At may babae rin at lalaki na sa tingin ko ay mga teenager pa. “Dad, Yanne is here na.” sabi ni Romell sa matanda. “Is that you, Yanne? Ang laki mo na,” sabi niya sa akin. “Good morning po,” bati ko sa kanya. “Good morning, iha. Parang noong nakita kita ay sampung taon ka lang yata noon,” nakangiti na sabi niya. “Pasensya na po kayo kung hindi ko na po kayo gaanong maalala,” sabi ko sa kanya. “It’s okay, masyado ka namang bata noon. Saka inaanak ko rin ang daddy mo kaya magkapatid ang turingan nila ni Romell.” nakangiti na sabi niya na para bang totoo. Ayaw ko man sa narinig ko
MARIANNEMabilis ko itong nararamdaman kaya naman bigla akong tumayo para sugurin siya pero..“It’s me, mahal.” sabi ni ninong kaya naman nakahinga ako ng maayos.“Bakit kasi hindi ka man lang nagsasalita?” tanong ko sa kanya dahil nagulat talaga ako sa kanya.“Gusto ko kasing sumabay sa ‘yo maligo,” sagot niya sa akin habang nakangisi kaya naman tumawa ako.“Sure ka bang walang nakakita sa ‘yo pagpasok mo dito?” tanong ko sa kanya.“Wala po, maingat ako.” sagot niya sa akin.“Mabuti naman,” sabi ko sa kanya.“Ayyy!” nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at pumasok kaming dalawa sa loob ng bathtub.“I miss you, mahal ko.” malambing na bulong niya sa tainga ko.“I miss you,” nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.Mabilis naman siyang tumugon sa akin hanggang sa naging mapusok na kaming dalawa sa isa’t isa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, hanggang sa balikat ko. “M–Mahal, ‘wag mo akong lagyan ng kiss mark.” sabi ko sa kanya.“Why?”“Sasabihin ko sa ‘yo mamaya,