THANK YOU PO SA INYONG LAHAT! GOD BLESS YOU PO!
MARIANNE “Hindi ba puwede ang suitor with benefits?” tanong niya sa akin na halatang nang-aasar lang. “Pag-iisipan ko,” natutuwa na sabi ko sa kanya pero mabilis siyang kumalas sa pagka-kayakap sa akin ng marinig namin ang boses ni Anica. “Daddy! Where are you?” “Daddy!” “I’m here, sweetie!” sagot ni ninong kay Anica. “Daddy, you’re here lang pala,” sabi ni Anica. “May kailangan ka ba, sweetie?” tanong ni ninong sa anak niya. “Baby, para sa ‘yo.” nakangiti na sabi ko at binigay ko sa kanya ang gatas. “Thank you po, ate.” malambing na sabi niya sa akin. Kinuha niya ito at mabilis niyang inubos ang gatas na tinimpla ko para sa kanya. Nang maubos na niya ito ay ako kinuha ko ito at ako na mismo ang naghugas ng baso. “Daddy, puwede po ba akong sumama kay mommy? Doon na po muna ako, diba po hindi ako natuloy last time. Kaya ngayon na lang po sana ako sasama sa kanya,” narinig ko na tanong ni Anica kay ninong. “Gusto mo ba? Sure ka ba?” sunod-sunod na tanong sa kanya ni ninong.
MARIANNEMasakit ang katawan ko pero maaga pa rin akong gumising. Napalaban ako kay ninong kagabi, napalaban sa kama. Oo marupok ako dahil sumuko na naman ako at hinayaan ko na naman siyang angkinin ako sa paraan na alam niya at sa paraan na nais niya. Gusto ko ng bumangon pero bigla naman niya akong niyakap. Tapos ang himbing ng tulog niya ngayon. Ang gwapo rin talaga ng gurang na ito. Wala akong maipintas sa kanya pagdating sa looks niya. Inaasar ko lang siya pero kahit na malapit na siyang mag forty ay gwapo talaga siya at may magandang pangangatawan.Hinalikan ko muna siya sa pisngi bago ako bumangon dahil kailangan kong asikasuhin si Alden. Nagbihis ako dahil wala akong damit. Hinayaan ko na lang si ninong at lumabas ako. Sinigurado ko na naka-lock ang pintuan ko bago ako naglakad papunta sa room ni Alden.“Good morning, mommy.” nakangiti na bati niya sa akin.“Good morning, baby. Ang aga mo naman po gumising ngayon.”“Opo, mommy. Masarap po kasi ang tulog ko,” nakangiti na sagot
MARIANNE“Pero bagay po kayo. Ang ganda mo po kasi,” sabi niya sa akin kaya medyo nahiya ako.“Thank you,” sabi ko sa kanya pero nagulat ako dahil tumatakbo papunta sa akin ang teacher ni Alden.“Miss, si Alden po. Nakikipag-away po sa classmate niya,” sabi niya sa akin.Kaya naman mabilis akong sumama sa kanya para puntahan namin si Alden. Malapit na ako at nakita ko na tinulak siya ng isang bata kaya naman tumakbo ako malapit sa kanya.“Alden,” tawag ko sa kanya.Nakita ko ang takot sa mga mata niya ng makita niya ako. Hanggang sa bigla na lang siyang umiyak.“Ate Yanne,” umiiyak na tawag niya sa akin.“What happened?” tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot.“What happened? Tell me, ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya dahil parang ayaw niyang magsalita.“T–Tinulak po niya ako. He pushed me–”“Liar, hindi kaya kita tinulak.” sabi pa ng bata.“Ikaw ang liar, ikaw nga ang nagtulak sa akin sa stair,” sabi ni Alden na ikinagulat ko.“Is that true?” tanong ko sa kanya.“O–Opo, siy
MARIANNEMas pinili ko na lang na lumabas muna dahil hindi ko na ito laban pa. Nandito na ang tunay na nanay. Sila na ang bahala ni ninong na kumausap sa bruhang babae na ‘yon. Pinuntahan ko na lang si Alden sa room nila. Nang makita niya ako ay mabilis siyang ngumiti sa akin.“Ate,” tawag niya sa akin. Mabuti na lang at hindi niya nakalimutan ang usapan naming dalawa. “What happened po?” tanong niya sa akin.“Kinakausap ng daddy mo ang principal at nandoon na rin ang mommy mo,” sagot ko sa kanya.“Sorry po, sorry po kung hindi ako nagsabi ng totoo.” “Alam mo naman na mali ang ginawa mo diba? But next time ay magsabi ka na sa amin. Hindi puwede ang ganito, walang sino man ang puwedeng manakit sa ‘yo. At higit sa lahat ay hindi ka rin puwedeng manakit sa kanila. Kapag may mga ganitong pangyayari ay magsabi ka lagi sa amin,” mahinahon na sabi ko sa kanya.“Opo, sorry po.”Hinaplos ko ang buhok niya. Dahil sa nangyari ay pinauwi na lang kami. Hindi na rin kasi siya makakapag-aral dahil
MARIANNE Kaya naman nang maging okay na siya ay pinatakbo ko na ang motor. Dahil sa wala namang traffic ay nakarating agad kami sa bahay. Pero kababa ko pa lang sa motor ay naririnig ko na umiiyak si Alden kaya naman mabilis akong pumasok sa loob ng bahay. “Anong ginagawa mo?” tanong ko kay Ayra. “Wala akong ginawa sa kanya,” sagot niya sa akin. “Hindi siya iiyak ng walang dahilan?” naiinis na sabi ko dahil pinipigilan ko lang ang sarili ko na magalit. “Wala naman talaga akong ginagawa sa kanya,” sabi pa niya sa akin. “Talaga ba?” naiinis na ako. “Oo nga! Ano ba ang tingin mo sa aki–” “Pinalo po niya ako,” umiiyak na sumbong ni Alden. “That’s not true,” sabi agad ni Ayra. “Totoo naman po na pinalo mo po ako. Naiinis ka po sa akin,” sabi ni Alden. “Alden, baka naglalambing lang si mommy. Baka hindi ka naman talaga niya pinalo,” sabi ni Anica. “Pero pinalo niya ako, ate–” “Anica, akyat muna kayo ni Alden sa taas.” utos ko sa kanya. “Okay po, ate.” sagot niya sa akin at mabi
MARIANNE“Bakit ka nandito?” pabulong na tanong ko sa kanya.“May problema tayo,” pabulong na sagot niya sa akin.“Anong nangyari?” nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.“Yung lalaki kasi tumangkang tumakas mabuti na lang at nakauwi ako agad,” sabi niya sa akin.“Kailangan natin siyang ilipat sa ibang lugar,” sabi ko sa kanya.“Iyan rin ang naisip ko,” sagot niya sa akin.“Tawagan mo na lang muna si Elias at magpatulong ka muna sa kanya. Hindi kasi ako makalabas dito,” sabi ko sa kanya.“Okay, pretty.” sagot niya sa akin.Mabuti na lang at busy ang magkapatid kaya hindi nila kami napapansin na nag-uusap kami ni Libby. Pabulong lang rin naman kaya talagang kami lang ang nagkakarinigan na dalawa.“Kailangan ko ng umalis,” sabi sa akin ng kaibigan ko.“Okay, ingat ka. Sorry k–”“It’s okay, pretty. Kaya ko na ito,” nakangiti na sabi niya sa akin.“Tawagan mo na lang ako,” sabi ko sa kanya.“Ninong, aalis na daw si Libby.”“Ingat ka,” sabi ni ninong sa kaibigan ko.“Okay, ninon–I mean Ma
MARIANNEAng ganda ng buong paligid. Bagay na bagay sa ito sa mga taong may pagka-romantic. Ibig sabihin ay romantic pa lang tao ang ninong ko. Binalingan ko siya at nakatingin lang siya sa akin. Wala akong emosyon habang nakatingin sa kanya dahil nais ko na magsalita siya. Ang tahimik niya kasi. Para siyang kinakabahan, pero wait, kinakabahan ba siya?“H–Hindi mo ba nagustuhan?” tanong niya sa akin.“Hindi–”“Sabi ko na nga ba, sana iba na lang ang ginawa k–”“Hindi mo na naman ako pinapatapos sa sasabihin ko.” sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.“Sabi mo kasi hindi mo gusto,” sabi pa niya sa akin.“May sinabi ba ako na hindi ko gusto?”“Hi–“Hindi ko lang gusto dahil gustong-gusto ko, ang ganda kaya. Sobrang ganda, na para bang nasa isa akong panaginip,” nakangiti na sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa labi.Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko pero nagkunwari na lang ako na wala akong ginawa. Nauna na akong naglakad sa kanya at alam ko na nakasunod lang siya sa akin.“Sweet
MARIANNE“Baby, isa pang banggit mo ng matanda. Paparusahan kita dito, aangkinin kita dito at wala akong pakialam kahit pa may makakita sa ating dalawa,” sabi niya sa akin.“Hindi ka na mabiro,” sabi ko sa kanya.“Baby, gusto ko lang malaman mo na seryoso ako. Matanda na ako para maglaro pa ng apoy at isa pa baka multuhin ako ng daddy mo. Ayaw ko pang sumunod sa kanya,” sabi niya sa akin kaya tumawa ako.“Takot ka bang multuhin ni daddy?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Medyo, mas takot ako na umalis ka. Mas takot na mawala ka sa buhay ko. Gusto ko na nasa tabi kita, Yanne. Gusto kitang makasama,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.“Ako rin, gusto rin kitang makasama.”Mabilis niyang inilapit ang mukha niya at hinalikan niya ang labi ko na siya namang tinugon ko. Hanggang sa lumalim at tumigil rin naman kaming dalawa. Bago sa akin ang ganito, sanay na rin kasi ako na mag-isa. Na ang mga kaibigan ko lang ang kasama ko lagi. Pero ngayon na pinapasok ko na sa buhay ko ang
MARIANNEGrabe ang lakas ng t*bok ng puso ko ngayon. Ipinagdarasal ko na hindi niya ako makilala kanina. Dahil kapag nagkataon ay baka bigla na lang magbago ang lahat at masira ang trabaho ko. Ayaw ko naman na mangyari ‘yon. Hindi ko pababayaan ang mga kaibigan ko sa misyon na ito.“Sige, umalis na kayo. Kami na ang bahala dito,” sabi ni ninong.“Hayaan niyo na sa kanya,” sabi ni Sir Val.Binigay ko sa kanya si Romell. Pagkatapos ay mabilis akong hinila ni Gene paalis sa lugar. Sa may sasakyan na kami nagkitang apat. “Okay ka lang?” tanong nilang dalawa sa akin.“Akala ko talaga mahuhuli na ako,” sabi ko sa kanila dahil ‘yon talaga ang totoo.“Mabuti na lang talaga at nagsuot ka ng mask. Dahil kung hindi ay baka nakilala na niya ang baby niya,” natatawa na sabi ni Libby.“Ang baby niyang astig,” pang-aasar na rin ni Gene na naging dahilan para gawin na lang na joke ang nangyari.Tumawa na lang rin ako dahil balik na naman silang dalawa sa pagiging makulit nila. Kahit ako ay natutuwa
THIRD PERSON POV“Hulihin natin sila sa akto,” sabi ni Yanne.“Let’s do this para maisunod na natin si Ayra. Bwisit na ako sa kanya,” natatawa na sabi ni Libby.“Bakit pagod na kayo ng kakambal mo?” natatawa na tanong ni Gene.“Pagod na si Gallong, need niya ng day off. Nagpaalam kami pero hindi kami pinayagan,” natatawa na sagot ni Libby kaya napangiti na rin si Yanne.“Girls, later na lang ang chikahan. Work na muna tayo,” sabi ni Yanne at mabilis na lumabas sa pinagtataguan niya.Nakasuot siya ng sumbrero at mask kaya naman hindi siya nakikilala ni Romell. Habang ang dalawa ay proud na ipakita ang mga beauty nila. “Hi, boys.” nakangiti si Libby habang nagsasalita.“Sino naman ang mga pisteng ito?!” galit na tanong ni Romell sa mga tauhan niya. At napatigil sila sa ginagawa nila.“Sila po ang dahilan kaya sunod-sunod na nasira ang trabaho, boss.”“So, kayo pala?” tanong nito.“Yes, we are.” natatawa na sagot ni Gene.“S–Sino ka? Bakit parang may ka boses ka? You look familiar,” sabi
THIRD PERSON POV“Ako na ang magbababa ng maleta mo,” sabi ni Gene kay Yanne.“Ako na, kaya ko na ito.” sabi naman ni Yanne dahil ayaw niyang mahirapan ang kaibigan niya.“Don’t worry, may magbubuhat niyan at hindi ako,” nakangiti na sabi ni Gene.“Sino?”“Ako,” mabilis na sumagot ang lalaki na pumasok sa silid nila.“Anong ginagawa mo dito?” nagtataka na tanong ni Yanne sa kapatid ni mayor.“Kailangan niyo raw ng tulong kaya ako nandito?” nakangiti na sagot nito na para bang walang kaba na nararamdaman.“Pero–”“Secret natin ito, hindi ko sasabihin kay kuya.” nakangiti na sabi nito kaya naguguluhan si Yanne.“Huwag ka ng magtanong, basta tropa ko siya.” sabi ni Gene sa kaibigan niya habang nakangiti.Gusto sanang magtanong ni Yanne pero mas pinili na lang niya na manahimik. Hinayaan niya na kunin ni Arthur ang maleta niya at ito mismo ang nagbaba. Sobrang naguguluhan siya pero dahil may mas mahalagang bagay silang gagawin ay pinili na lang niya na maghanda para sa pagtakas niya, sa pa
MARIANNENakatutok na ngayon sa aming dalawa ang baril ni Romell. “Hindi ako aalis dito ng hindi ko siya kasama,” matatag sabi ni ninong sa lalaki.“Ayaw kong gawin ito pero pinipilit mo ako—”Nagulat kami dahil may biglang pumana sa baril na hawak ni Romell kaya hindi na natuloy ang pagbaril niya kay ninong. Nabitiwan niya ito at nagkakagulo sila kung saan galing ang palaso.“Aalis na ako, ingat ka dito.” pabulong na sabi ni ninong sa tainga ko.Mas diniin ko ang kuko sa kamay niya para malaman niya ang sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay mabilis ko siyang binalibag. Na dahilan para mapadaing siya. Halatang nagulat na ang lahat sa ginawa ko kaya naman lumipat sa amin ang atensyon nila. Sa totoo lang ay kinakabahan na rin ako baka kasi nasaktan talaga siya sa ginawa ko.“Umalis ka na at ‘wag ka ng bumalik dito,” sabi ko bago ako pumasok sa loob ng bahay nila Romell.Nagkatinginan kaming dalawa ni Gene. Alam ko na siya ang may gawa ng pana na ‘yon. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya s
MARIANNEGusto ko na lang siyang hayaan sa ginagawa niya para malaman niya na wala akong alam. Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa room ko. Lumabas rin si Gene sa pinagtataguan niya. Tinapon niya ang tubig na nasa baso. “Simula ngayon kapag kailangan mo ng tubig ay magsabi ka lang sa akin. Ako na mismo ang kukuha para sa ‘yo,” sabi niya sa akin.“Kaya ko na it–”“Hindi, demonyo siya at pagbabayaran niya ang ginagawa niyang ito sa ‘yo. Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya, gago siya! Baka kapag nagalit ako at putulin ko ang mga kamay niya.”Alam ko na galit na talaga si Gene at alam ko rin na hindi siya nagbibiro. Kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.“Kumalma ka lang. Kaya ko ito, at kaya nating dalawa. Kaunting oras na lang at magagawa rin natin ito,” sabi ko sa kanya.“Alam ko, kailangan na nating bilisan bago pa siya gumawa ng ibang hakbang na ikakasama mo. sure ako na may binabalak siyang masama kaya niya nilagyan ng dr*gs ang baso.”“Akala niya kasi mapapasunod niya
MARIANNE “Welcome sa aming bahay. This is your home now,” sabi niya sa akin habang nakangiti. “Okay lang ba talaga na dito ako?” tanong ko sa kanya. Na kunwari ay nag-aalala ako. “Of course, tara na sa loob ipapakilala kita sa pamilya ko.” sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. Siya na rin ang naghila ng maleta ko. Pagpasok ko ay may matandang nakaupo sa may wheelchair ang sumalubong sa amin. At may babae rin at lalaki na sa tingin ko ay mga teenager pa. “Dad, Yanne is here na.” sabi ni Romell sa matanda. “Is that you, Yanne? Ang laki mo na,” sabi niya sa akin. “Good morning po,” bati ko sa kanya. “Good morning, iha. Parang noong nakita kita ay sampung taon ka lang yata noon,” nakangiti na sabi niya. “Pasensya na po kayo kung hindi ko na po kayo gaanong maalala,” sabi ko sa kanya. “It’s okay, masyado ka namang bata noon. Saka inaanak ko rin ang daddy mo kaya magkapatid ang turingan nila ni Romell.” nakangiti na sabi niya na para bang totoo. Ayaw ko man sa narinig ko
MARIANNEMabilis ko itong nararamdaman kaya naman bigla akong tumayo para sugurin siya pero..“It’s me, mahal.” sabi ni ninong kaya naman nakahinga ako ng maayos.“Bakit kasi hindi ka man lang nagsasalita?” tanong ko sa kanya dahil nagulat talaga ako sa kanya.“Gusto ko kasing sumabay sa ‘yo maligo,” sagot niya sa akin habang nakangisi kaya naman tumawa ako.“Sure ka bang walang nakakita sa ‘yo pagpasok mo dito?” tanong ko sa kanya.“Wala po, maingat ako.” sagot niya sa akin.“Mabuti naman,” sabi ko sa kanya.“Ayyy!” nagulat ako dahil bigla na lang niya akong binuhat at pumasok kaming dalawa sa loob ng bathtub.“I miss you, mahal ko.” malambing na bulong niya sa tainga ko.“I miss you,” nakangiti na sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.Mabilis naman siyang tumugon sa akin hanggang sa naging mapusok na kaming dalawa sa isa’t isa. Bumaba ang halik niya sa leeg ko, hanggang sa balikat ko. “M–Mahal, ‘wag mo akong lagyan ng kiss mark.” sabi ko sa kanya.“Why?”“Sasabihin ko sa ‘yo mamaya,
MARIANNE“Naniniwala ka ba sa kanya?” tanong sa akin ni Romell.“Hindi ko alam,” sagot ko sa kanya.“Maniwala ka sa akin, ginagamit ka lang niya. Gagawin niya ang lahat para pagtakpan ang ginawa niya sa daddy mo,” sabi niya sa akin.“Kung alam mo pala na siya ay bakit hindi mo siya pina-aresto? Bakit hinayaan mo siya–”“Malakas ang kapit niya. Kilala mo si Governor Adam Dela Vega? Silang dalawa ang magkakampi, masyado silang malakas at hawak nilang dalawa ang mga kapulisan dito,” sagot niya sa akin.“Gaano ba siya kalakas para kaya niyang baliin ang batas?” kunwari ay tanong ko sa kanya.“Hindi mo alam ang kaya niyang gawi–”“Aalamin ko ang lahat,” sabi ko sa kanya.“Tutulungan kita,” sabi niya sa akin.“Ikaw ang bahala,” sabi ko at tumalikod na ako.“Gusto mo bang sumama sa bahay ko? Puwede kang tumira doon para hindi ka guluhin ni Andrew,” tanong niya sa akin.“Safe ba para sa akin ang bahay mo?” tanong ko sa kanya.“Oo naman, safe ka sa bahay ko.” sagot niya sa akin.“Okay,” sabi ko
MARIANNEAyaw kong sabihin kay manang ang totoo hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya. Mas pinili namin na hindi sabihin sa kanya dahil mas okay na kami na lang apat ang nakakaalam sa tunay na nangyayari. Naiinis lang ako dahil ang lakas talaga ng loob ni Ayra na pumunta sa bahay namin.“Pretty, ‘wag kang mag-alala dahil ang alaga kong ahas ang bahala kay Ayra.” natatawa na sabi ni Libby na mukhang may binabalak na naman.“Baka naman saktan niya ‘yon. Alalahanin mo nirentahan mo lang ‘yon,” paalala ko sa kanya.“Don’t worry dahil binili ko na siya. Akin na siya,” natatawa na sagot niya sa akin.“Really?”“Opo, dahil tuwang-tuwa ako sa kanya kaya akin na siya. Ang mahal nga ng bili ko sa kanya kaya hindi siya puwedeng mamatay,” sabi pa sa akin ng kaibigan ko.“Magkano naman ang bili mo sa ahas na ‘yon?”“Dahil sa magaling si Gallong ay binili ko siya ng 500k sa may-ari,” sagot niya sa akin.“Hindi naman halata na tuwang-tuwa ka sa ahas na ‘yon.”“Hindi lang ako natuwa kundi love ko