“Hello, o babe?" “Ano kaba kanina pa ako tumatawag sayo, tinawagan ko rin ang secretary mo pero lagi ka raw wala sa opisina, ano bang ginagawa mo at subrang busy mo, at si Samantha lagi rin wala sa bahay sabi ni Manong." “Tatapatin kita nasa hospital ngayon si Samantha nagkasakit ang anak niya kaya ako pumayag na hindi muna s'ya magtrabaho para maisakaso n'ya si Tintin, ako naman dahil walang ibang tutulong sa kanya dito kaya ako nalang muna habang wala pa ang kanyang magulang," paliwanag nito kay Jennifer. “Ano bang sakit ng bata?" “Leukemia ang sakit niya." “Ano??? pasensya na humihingi ako ng sorry kay Samantha ang dumi ng utak ko, sorry din pala Gabriel." “Walang problema." “Sige, tulungan mo muna si Samantha dyan malapit nadin naman akong umuwi dyan sabihin mo lang kung anong maitutulong ko sa kanila " “Sige babe, bye may pupuntahan muna ako." “Sige bye babe." “Ano Samantha nagustuhan mo ba ang bahay? " “Subra subra na nga ito sa laki Gabriel." “Diba sabi mo gusto m
“Samantha, aalis muna ako pupunta muna ako sa opisina ha at may aayusin lang ako na importante bukas babalik ako dito para sunduin kayo bibili narin ako ng mga gamit para sa bagong bahay natin." “Totoo ba talaga to Gabriel?" “Oo totoo nato, sige aalis na ako bantayan mo ang anak natin. Darating din ang panahon na magsasama na tayong tatlo, at hindi na tayo nagtatago." “Kailangan ko narin papuntahin sila nanay at tatay dito para magbantay kay Tintin pansamantala habang nagtatrabaho pa ako sainyo." “Sige mabuti pa nga pero hindi karin magtatagal sa bahay maghahanap tayo ng kapalit mo, yung bahay na 'yun balang araw tayo na ang titira doon pag nasabi ko na ang totoo kay Jennifer." “Maraming salamat Gabriel." at tsaka umalis si Gabriel. “Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" “Medyo okay na po ako Mama, kailan po ba darating sila lola." “Sa madaling panahon anak kaya magpagaling kapa para pagdating nila sabay tayong lalabas, at kakain sa labas." “Mama, bakit naging Papa ko po si
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat na sila sa itaas ng kanilang kwarto, at namangha ang kanilang anak ng makita nito ang kanyang sariling kwarto. “Anak, ito yong magiging kwarto mo," sabi ni Gabriel. “Wow... Papa ang ang ganda ganda po sa akin po ba talaga ito?" manghang tanong ng anak. “Oo sayong sayo to anak pero tatabihan ka muna namin matulog anak magpapalit lang kami ng damit ng Mama mo." “Sige po Papa." Tsaka pumasok din si Samantha ,at Gabriel sa kanilang kwarto. “Samantha, dito ang kwarto nating dalawa dito natin bubuohin ang second baby natin," nakangiting sabi ni Gabriel. “Hindi magandang biro 'yan Gabriel," saway nito. “Hindi ako nagbibiro, totoo. Aayusin natin ang pamilya natin." “Totoo ba 'tan?" “Oo totoo," seryusong sagot nito sabay yakap. “Paano si Jennifer?" “Maghahanap ako ng timing," saad nito. Pero magtatrabaho parin ako Gabriel, kailangan ko ng papuntahin sila Nanay,at Tatay dito. “Oo bukas kukuha na tayo ng ticket para sa kanila."
“O hijo kumusta na nasulosyonan mo naba ang problema natin sa kompanya? because lately napakabusy mo," sabi ng isa nilang investor. “I'm so sorry po talaga sir... may importante lang po talaga akong inasikaso," paliwag nito. “Mas importante paba 'yan sa negosyo n'yo?" “Because someday s'ya po ang magiging tagapagmana nitong lahat that's why she's more important than anything. " “Okay hijo,I don't know who's that lucky girl. Pero I agree na may mas importante sa buhay natin na kailangan nating unahin." “Thank you po Sir, at naiintindihan n'yo po ako. Pero ginagawan ko po ng paraan Sir na maging number one ulit ang mga product natin." “Verygood hijo, so sige hindi na ako magtatagal kung may problema and you need my help nandito lang ako." “Maraming salamat po Sir." At tsaka umalis ang mga boardmember ng kompanya nila tsaka nagring ang kanyang cellphone. “Hello?" “It's me babe hindi mo kilala ang bosses ko? ikaw babe ha mag-iisang buwan pa nga nakalimutan muna agad an
Mukhang may nag doorbell tika lang anak ha puntahan ko muna sa labas. Pagsilip n'ya ay si Erika nga ito. “Erika! " “Samantha bongga ha... napakayaman naman ng bestfriend..." “Ano kaba hindi naman sa akin to kay Tintin naman to." “So... ano ka dito katulong na naman?" Napabuntong hininga si Erika. “Halika na pasok kana." “Hi...napaka swerte naman ng batang ito anak bilyonaryo." “Hi Tita kumusta po kayo?' “Pwede bang mag-apply bilang isang katulong niyo Tintin?" pabirong tanong ni Erika. “Hindi po Tita bisita po kasi kayo ni Mama." “Ayan ha bisita kalang dito kaya halika na at kakain na tayo anak umupo kana dito." “Si Papa po hindi po ba natin s'ya hihintayin?' tanong nito sa kanyang ina. “Anak... mamaya pa uuwi ang papa mo pero may itinabi naman si Mama para mamaya para sabay parin tayo kumain ng Papa mo." “Talaga Mama?" “Oo, kaya kumain na tayo." “Ang dami naman ng hinanda mo beshy..." “Alam ko kasing darating ka." “Sus... para ba talaga to sa akin
“Tintin tatawagan ko ang lola mo para makapunta na sila dito isi-send ko narin ang sa messenger ang kuha ng ticket nila para ipakita sa airport tama ba ako Gabriel?" paniniguradong tanong nito. “Ah oo tama nga 'yan, ahmmm' Samantha pwede ba tayong mamasyal sa Casino pag okay na si Tintin?" “Aba' syempre naman pwedeng-pwede pero mas maganda sana kung alam na ni Jennifer ang tungkol sa atin, at alam na ng mga magulang mo para kahit papano ay wala na tayong tinatago," paliwanag nito. “Kung sa bagay ay tama ka, kailangan nga natin ipaalam sa kanila para malaya tayo,at wala tayong tinatago o iniiwasan." Narinig ni Tintin ang pag-uusap nila kaya nagtanong ito sa kanila. “Bakit po tayo nagtatago Mama may kasalanan po ba tayong nagawa?" nagtatakang tanong ng bata. “Wala anak balang araw maiintindihan mo kung bakit namin sinabi 'yon s'ya nga pala anak sa susunod na araw na ang dating ng lola, at lolo mo at habang nandito sila anak magtatrabaho muna kami ng Papa mo ha?' “Okay
Nay, tapos na po ako nakabili nang ticket niyo ni Tatay sa susunod na araw na po ang byahe n'yo ,at magpapadala narin po ako ng pocket money n'yo,at pangtaxi papunta dito sa bago naming tinitirhan. “Anak hindi kana nagtatrabaho?" “Dito ko na po ikukwento sainyo ang lahat nay." “Sige anak." “Naisend ko na po sa messenger niyo ang ticket po. Mag-iingat po kayo sa byahe nay kasi hindi na makapaghintay sainyo si Tintin." “Kawawa naman ang mahal kung apo, kumusta na pala s'ya anak?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina. “Nandito po s'ya ngayon nay nagpapahinga po madaling mapagod si Tintin sa susunod na linggo na pala ang visit n'ya hospital para matingnan ng doktor." “Sige lang anak, habang nagtatrabaho ka ako ang magbabantay sa kanya." “Salamat po Inay." Si Jennifer naman ay halos hindi parin mapakali dahil iba parin ang nararamdaman nito at gustong gusto na nitong umuwi sa pilipinas. “Anak may problema kaba?" “Mommy wala po may iniisip lang po ako tungkol po sa trab
“Nay nandito na pala si Gabriel," sabi ni Samantha habang naririnig nito ang sasakyan papasok sa garage. “Sige, at ng makausap naman namin ang ama ni Tintin." Binuksan ni Samantha si Gabriel,at mukhang nahihiya pa itong pumasok ng sabihin ni Samantha na nasa loob na ang kanyang mga magulang at kumakain na ng hapunan. “Parang nahihiya akong makaharap ang magulang mo Samantha," sabi nito. “Okay lang 'yan mababait sila Gabriel. Halika na sa loob." “Magandang gabi po," bati nito. “Magandang gabi naman sa'yo Gabriel," sagot ng ina ni Samantha, samantalang ang tatay ni Samantha ay tango lamang ang paraan nito sa pagsabot. “Kumain kana hijo," dadag ng kanyang ina. “Kaya nga po,at nagugutom narin po ako." Hindi napigilan ng ina ni Samantha ang magtanong habang papasubo palang ng isang kutsara si Gabriel. “Hijo ba't ngayon kalang bumalik para sa mag -ina mo?" seryusong tanong ng ina ni Samantha. “Ah— matagal po kasi ako sa US hindi ko alam na buntis pala si Samantha ng
“Ano kaya kung tawagan natin sila Nanay, at Tintin alam kung matutuwa sila pag nalaman nila na hindi na ako mgtatrabaho," sabi ni Samantha. “Ano kaya kung supresahin nalang natin sila," munkahi ni Gabriel. “Tama ka nga nga Gabriel kailangan ko ng bilisan ang pag iimpake habang hindi pa dumarating si Jennifer, may papalit naman sa akin sabihin mo nalang kailangan ko ng umiwi sa probisya namin para maalagaan ko ng maayos si Tintin." “Oo ako ng bahalang magpaliwanag sa kanya, at sasabihin ko rin naman ang totoo sa kanya hahanap lang ako ng pagkakataon. Samantha marami akong plano para sainyo ni Tintin unang una gustong gusto ko na kayong ipakilala kay Mama, at kay Papa." “Matatanggap kaya nila kami Gabriel alam mong mahirap lang kami." "Si Tintin ang magiging tulay natin mahal ko, alam kung sabik na sabik na sila magkaapo, sa simula lang naman tayo mahihirapan pero pag nakita na nila ang anak natin sigurado akong matatanggap nila tayo." Habang si Jennifer naman ay kausap nito
"Wala may nakalimutan lang ako s'ya nga pala babe ikaw saan ka nga nagpunta? tanong nito sa kanya. "Ako? ahhh may inasikaso lang." sagot nito. "Mukhang napaka importante ng lakad mo babe." "Hindi isa lang sa mga business ko ang nakipagkita sa akin may ipinakita lang s'ya na proposal sa akin," paliwanag nito. "Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?" "Bakit hindi ba pwedeng makipagkta sa labas sa kanila. besides ako naman ang boss sa kompanya kaya pwede akong lumabas kahit kailan ko gusto." "Wala naman babe biglaan lang kasi, si Samantha nasaan nga pala siya? may lakad din?" sarkastikong tanong nito. “Hindi ko alam, siguro naggrocery lang." Halatang halata ni Gabriel na nag-iisip na ito kakaiba sa kanila. “Wala naman akong inutos sa kanya, at hindi din sya nagpaalam sa akin na lalabas s'ya." Biglang nagtaas ang kilay ni Jennifer. “Ah ganun ba o sige aalis na ako mag ingat ka lang dito babe ha baka may ahas sa bahay na'to," paalala nito. Nagtaka si Gabriel sa mga sina
Habang wala si Jennifer ay nagkasundo sila na dalawin ang kanilang anak. “Good morning mahal ko," sabay ngiti at yakap kay Samantha. “Mabuti naman at gising kana, bakit hindi ka pumasok ngayong araw na'to?" tanong ni Samantha kay Gabriel. “Mahal ko sinadya ko to para madalaw natin ang ating anak kailangan natin bumalik ngayon sa doktor," paliwanag ni Gabriel. “Tama nga no kailangan pala nating dalhin ngayon si Tintin sa kanyang doktor." “Sige na maligo na tayo ,at para maaga tayong makabalik tapos pupunta ako sa agency para makahanap na ng kapalit mo dito para maalagaan mo ng maayos ang anak natin." “Maganda nga ang plano Gabriel." Pagkatapos nilang mag-ayos dalawa ay nagtungo agad si Gabriel sa agency para maghanap ng katulong. “Good morning sir!" sabi ng agent. “Goodmorning naman," sagot nito. Habang si Samantha ay nasa labas at naghihintay sa kanya. “Ano po ang sa atin Sir?" tanong ng agent. “Ahh ako yung pumunta dito last time kasama ko ang aking fiancee
Hindi halos iniwan ni Jennifer si Samantha sunod ito ng sunod,at utos ng utos sa kanya laya pagbalik ni Gabriel galing sa trabaho ay napansin agad nito na mukhang pagod na pagod na si Samantha. “Babe, nandito kana pala." Lumapit su Jennufer at hinalikan nito si Gabriel sa labi pero umiwas ito. “Teka lang bakit pagod na pagod si Samantha?" nagtatakang tanong nito. “Bakit ba mas concern ka sa kanya katulong naman natin s'ya dito diba, ofcourse mapapagod s'ya bawal ba s'yang utusan?" “Ano ba ang nangyari sayo ba't palagi ka nalang galit, hindi ka naman dating ganyan?" “Ikaw ano ang nangyari sayo ba't panay iwas ka nalang palagi sa'kin pagod kana na naman ba?" sarkastikong tanong nito. “Jennifer please... mamaya nalang tayo mag-usap." Pumasok muna si Gabriel sa kwarto nila para makaiwas sa kanilang pagtatalo ni Jennifer. Habang si Samantha ay napayuko nalang dahil iba makatingin sa kanya si Jennifer. “Sige Samantha magpahinga kana." Sumunod naman si Jennifer sa itaas pa
“Saan ka ngayon kumukuha ng panggamot kay Tintin? tanong nito. “Baka kailangan mo ang tulong namin," dagdag pa nito. . Hindi maiwasan na magtinginan silang dalawa ni Gabriel at nahalata naman ni Jennifer ito, pero patuloy parin ang pakukunwari nito. “May tumutulong na po sa kanya Ma'am," sagot nito. “Ah ganun ba ang bait naman ng tao na 'yan." “Oo nga Ma'am napakabait n'ya po." “Pero kung kailangan mo pa ang tulong ko Samantha magsabi kalang ha?" sabi nito. “Sige po Ma'am maraming salamat po." “Ah Samantha, pwede bang bukas may ipabibili sana ako saiyo maraming kulang dito." “Sige po Ma'am wala pong problema saakin, sige maiwan ko na po kayo Ma'am." “Babe babalik kana bukas sa trabaho?" tanong ni Gabriel. “Hindi pa magpapahing muna ako, ikaw kumusta na ba ang negosyo niyo?" tanong naman sa kanya ni Jennifer. “Okay lang naman babe, naayos ko na ang problema." “I'm sure na namimiss muna ako babe, ang tagal ko sa Amerika," paglalambing ni Jennifer sa kanya.
Malapit ng sumapit ang gabi, at nagluluto na ng hapunan si Samantha habang si Gabriel naman ay nasa sofa nagbabasa ng magazine, hindi nila alam ay malapit na palang dumating si Jennifer ilang minuto simula ng dumating na ito sa airport ay hindi s'ya nagsabi kay Gabriel na bumalik na pala s'ya dahil ayaw nitong malaman ni Gabriel ang kanyang mga plano. “Gabriel pupunta muna ako sa kwarto ko,at magbibihis." Mabuti nalang at saktong pagkatapos magluto ni Samantha ay bumalik muna ito sa kanyang kwarto bago paman dumating si Jennifer. Narinig ni Gabriel ang tunog ng sasakyan sa labas kaya akala n'ya ay dumating ang kanyang pinsan kung kaya ay pinuntahan n'ya ito para buksan dahil umuwi din ang kanilang driver kaya wala syang ibang mautusan,pagkabukas n'ya ng gate ay nanlaki ang kanyang mata ng makita ang si Jennifer pagbukas nito ng salamin ng sasakyan. “Babe? ba't parang nakakita ka yata ng multo?"nagtatakang tanong nito. “Wala babe bakit hindi ka manlang nagsabi na darating ka
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nati
Ang hindi alam nilang dalawa ay pauwi na pala ng Pilipinas si Jennifer dahil hindi ito nagsabi kay Gabriel dahil nagbabakasakali itong may masaksihan sa dalawa. “Maraming salamat Gabriel dahil bumawi ka sa anak natin." “Ano kaba ang dapat magpasalamat sa iyo Samantha dahil tinanggap mo parin ako." “Mahal parin naman kita hindi naman nagbago, ang inaalala ko lang sa ngayon si Jennifer. Paano kung malaman na n'ya ang totoo mapapatawad pa kaya n'ya ako," tanong nito na may halong lungkot. “Maunawain naman si Jennifer maiintindihan n'ya naman ang sitwasyon natin dahil may anak na tayo Samantha," sagot naman ni Gabriel. “Sana nga ay ganu'n maiintindihan n'ya tayo Gabriel." Biglang nagring ang cellphone ni Gabriel dahil tumawag ang kanyang Papa para makibalita tungkol sa problema ng kompanya nila. “Sandali lang Samantha, at tumatawag ang Papa." “Sige Gabriel sagutin mo muna 'yan, at tatapusin ko lang ang aking ginagawa." “Hello papa?" “Anak, kumusta na ang negosyo nat
Nay, aalis na po kami ni Gabriel nay ha, kayo na po ang bahala ni tatay dito," habilin nito bago sila umalis ni Gabriel. “Magpaalam ka muna kay tintin anak baka hanapin ka ng bata paggising n'ya." “Sige po Nay." Umakyat naman si Samantha, at si Gabriel para magpaalam sa kanilang anak. “Tintin?" “Mama?" “Aalis muna kami ng Papa mo ha, kailangan namin magtrabaho okay lang ba sayo anak?" “Opo, nandito naman po sila lola, at lolo Mama." “Salamat anak, uuwi din naman kami ng Papa mo tapos mamamasyal tayo kasama sila lola, at lolo ha?" “Talaga po Mama?" “Oh, anak tapos inumin mo ang mga gamot mo anak para pag-uwi namin ni Papa dito malakas kana,at makapasyal agad tayo may mga gummy, at prutas 'yan ang kainin mo para lumakas kapa lalo." “Opo Mama." “I love you anak." “I love you too, Mama." Tsaka niyakap ni Gabriel, at Samantha ang kanilang anak. Maya maya ay umalis na nga sila. “Samantha kung hindi ka nalang kaya magtrabaho bantayan mo nalang ang anak natin ako na