HALOS kapapasok lang ni Tori sa loob ng kanyang dressing room kasunod ang PA niyang si Jessa nang makarinig sila ng tatlong mahihinang katok mula sa nakasaradong pinto. Kaagad na ibinaba ni Jessa sa maliit na mesa ang hawak niyang damit na isusuot ni Tori bago sila uuwi. Humakbang siya patungo sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang isa sa apat na bodyguard na ipinadala ng Marigold Herrera para sa anak nito. "Yes?" tanong ni Jessa sa seryosong tinig. Bahagyang yumuko ang may katangkarang bodyguard at bumulong kay Jessa. "May naghihintay kay Miss Tori sa backstage." Kumunot ang noo ni Jessa. "Alam naman na ninyo ang drill, hindi ba?" mahina ang tinig na aniya sa lalaki. "Paalisin ninyo—""Sorry, Jessa pero hindi namin kayang paalisin." "At bakit?" may katarayang untag niya bago nameywang."Si Atty. Landon Dominguez ang naghihintay kay—" Nanlaki ang mga mata ni Jessa. "Ay!" bulalas niyang bahagyang natutop ang bibig. Lumingon siya sa gawi ni Tori na abala na sa hawak nito
MAGKATABING nakaupo sa likuran ng sasakyan sina Tori at Taj habang si Landon naman ay naiiling na lamang na nagpapatuloy sa pagmamaneho. Ilang sandali pa ay lumiko siya isang kanto bago kumaliwa hanggang tuluyan niyang itinigil ang sasakyan sa harapan ng isang gasolinahan. Lumingon si Landon sa backseat saka niya tinapik nang mahina ang sandalan ng passenger seat para kunin ang atensiyon ni Taj na kasalukuyang nakayakap kay Tori. Umikot ang mga mata niya bago niya tinawag ang kaibigan. "Dito na lang ako." Mula sa pagkakayuko sa balikat ni Tori ay nag-angat ng paningin si Taj. Tiningnan niya si Landon at tumangon. "There's my car..." muling sabi ni Landon bago inginuso ang isang bagong mini Cooper na nakaparada sa harapan ng gasolihan. Napatingin si Tori sa itinuro ni Landon ay hindi niya napigilan ang sarili. Isang sipol ang pinakawalan niya nang makitang ang mini Cooper na kulay pula. "Wow, fancy..." humahangang sambit niya habang nakatanaw sa salaming bintana. Narinig na niya
KANINA pa nakatitig sa kaharap na salamin si Tori. Simple lang ang ayos niya. Naglagay lamang siya ng manipis na makeup at nude lipstick na pinatungan niya ng lip gloss. And as for her hair, she decided to have an elegant feathered updo to ooze lightness and depth as the constructed from layered pieces of her hair made a laidback yet graceful style. Ang suot naman niyang damit ay puting midi dress na gawa sa cotton sateen. The fitted bodice, pleated detail, and notched neckline made her look so versatile and chic. Ah, just perfect!Ilang beses na kumurap-kurap si Tori bago bumuga ng hangin. It's now or never. Alam niyang naghihintay na sa ibaba ang judge na nakuha ni Landon para magkasal sa kanilang dalawa ni Taj. And of course, it's another Landon thing. 'Wala nang atrasan ito, Victoria Herrera,' turan ni Tori sa kanyang sarili. Nagsimulang pagpawisan si Tori kaya mabilis siyang kumuha ng tissue para tuyuin ang namumuong pawis sa noo niya. 'Kaya mo ba talagang isuko kay Taj ang ka
FIVE YEARS LATERNAPAPITLAG si Tori nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng banyo kung saan siya naroroon. Sinulyapan niya ang maliit na relong nakapatong sa maliit na marble table na nasa isang tabi. Pasado alas singko ng hapon. Mapait siyang napangiti. Dahil sa pagbabalik-tanaw ay hindi na niya namalayan ang oras. "Miss Tori, tumawag po si Miss Ember, pinapa-remind po niya na tawagan daw po ninyo siya ngayon din daw po," Tinig iyon ni Anna, ang kasambahay na ipinadala sa kanya ng manager niyang si Ember. "Okay," maikling tugon niya habang nilalaro ang mga bula na nakabalot sa katawan niya. Habang ginagawa iyon ay isang image ang biglang rumihestro sa kanyang isipan. 'Damn you, Taj...' Ani ng isang bahagi ng isipan ni Tori.Ilang araw pa lang siyang nakakabalik ng bansa pero nagawa na kaagad nitong guluhin ang mundo niya. Kumuyom ang mga palad niya kasabay ng pagdaloy ng isang particular na alaala sa kanyang isipan. "Tori, gaano katotoo ang balitang kasal ka
"Sigurado ka na ba talaga rito, bud?" hindi kumbinsindong untag ni Landon sa kaibigang si Taj na kasalukuyang nakaupo sa swivel chair nito. "I have never been this sure—""Sinabi mo na rin sa akin 'yan noong pakasalan mo si Tori." putol ni Landon sa iba pang sasabihin ni Taj. Tumiim ang anyo ni Taj. "This is different." tipid niyang turan sa kaibigan. "Care for a drink?" Tanong niya kay Landon bago lumapit sa mini-bar na naroon din sa mismong loob ng kanyang opisina. Lunes ngayon kaya nasa main office ng Consunji Real Estate and Construction Company sa Ortigas si Taj. Once a week ay lumuluwas siya ng Manila para asikasuhin ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Bumabalik din kaagad siya sa Guimaras kinabukasan dahil mas gusto niya ang buhay doon. Isa pa ay gusto rin niyang personal niyang naasikaso ang mga pananim na mangga sa kanyang plantation lalo na ngayong panahon ng anihan. Napa-iling na lamang si Landon. Mukha nga'ng desidido na talaga si Taj. At naiintindihan naman n
TATLONG MAHINA at sunod-sunod na katok ang narinig ni Taj mula sa nakasaradong pinto ng kanyang opisina. Sandali siyang nag-angat ng paningin mula sa binabasang papeles at bahagyang umangat ang isang sulok ng kanyang mga labi bago isinandal ang likod sa kinauupuang swivel chair. Inaasahan na niyang darating si Tori pero hindi niya naisip na ganoon kabilis na susulpot sa Guimaras ang babae. "Come in," pormal ang tinig na aniya bago muling ibinalik ang pansin sa hawak na papeles. Dinig niya ang mahinang tunog ng bumukas na pinto kasunod niyon ay napuno ang loob ng kanyang opisina ng pamilyar na pabangong minsan na rin niyang kinabaliwan. Nang muling magsara ang pinto ay sunod niyang narinig ang tunog ng papalapit na magaang mga yabag. Tumigil iyon sa harapan ng kanyang mesa at tila walang balak na umupo ang babae kaya bagot na nag-angat ng paningin si Taj. Kunot ang noong tiningnan niya si Tori na nakatayo lang sa harapan niya. Nakatitig ito sa kanya at hindi nakatakas sa pansin niya
BLANGKO ang anyong tinitigan ni Taj ang annulment papers na nakapatong sa ibabaw ng kanyang working table. "You really never fail to surprise me, Tori," usal niya bago nangalumbaba. At nasa ganoong sitwasyon si Taj nang umalingawngaw sa loob ng kanyang opisina ang tatlong sunod-sunod na katok mula sa nakasaradong pinto. Umangat ang mga kilay niya."Come in!" walang emosyong turan niya bago isinandal ang likod sa upuan habang nilalaro sa kanyang mga daliri ang hawak na ballpen.Nang tuluyang bumukas ang pinto ay bumungad mula roon ang nakangiting mukha ni Landon habang hawak sa kamay ang isang folder. Dumating ito kanina para ihatid ang annulment papers niya. Lumuwas ng bansa ang abogado niya kaya ang kaibigan niya ang nagdalaw bukod pa sa may papipirmahan daw itong papeles sa kanya. "What's up?" tanong ni Taj sa kaibigan. Itinaas naman ni Landon ang hawak niyang folder bilang sagot."I need you to sign this. Nakalimutan ko pala kanina na isama ito sa pipirmahan mo." Umangat ang
"THAT was great, Tori!" malapad ang ngiti sa mga labi na puri kay Tori ng manager niyang si Ember. Nakasunod ito sa kanya at ang iba pang staffs habang naglalakad sila palabas ng studio ni Crizzan, ang kilalang TV host at siya ring publicist ni Tori simula nang bumalik siya sa Pilipinas a month ago. "Just take me back to my house, please," walang ganang sabi ni Tori sa manager na kaagad namang natigilan. "I'm tired, Ember." dugtong niyang pilit na pinapatatag ang boses kahit ang totoo ay kanina pa niya gustong bumigay. Naroon sila sa R4 network dahil kailangan ni Tori na sagutin ang lahat ng mga katungang ibinabato sa kanya ng marami. At kagaya ng inaasahan ay tila kabuteng biglang nagsulputan ang mga bashers niya na mabilis na sinamantala ang pagkakataon. Ah, para siyang ibinalik sa eskandalong kinasangkutan niya limang taon na ang nakakaraan."Okay, okay..." sang-ayon ni Ember habang nakasunod pa rin kay Tori. Nang tuluyang makalabas ng dumiretso na sila sa elevator at bumaba sa
ISANG LINGGO BAGO ang kasal ni Tori at Taj ay dumalaw sila sa libingan ni Wanji. Nais ng una na magpaalam at magpasalamat sa namayapang kaibigan dahil sa dami ng ginawa nito para sa kanya. Oo, kaibigan. Alam ni Tori na naging unfair siya kay Wanji noong nabubuhay pa ito. Ipinakita at ipinaramdam sa kanya ng lalaki kung gaano siya nito kamahal sa kabila ng katotohanang alam nito na walang kasiguraduhan na matutumbasan niya ang pagmamahal nito. He was always there for her. Hindi siya iniwan ni Wanji kahit pa ang ibig sabihin ng pagpili nito sa kanya ay magagalit ang pamilya nito.Tinanggap ni Tori si Wanji dahil umaasa siya na darating ang araw na matutumbasan at matututunan niya rin ang pagmamahal nito sa kanya pero mali siya. Hindi nangyari ang inaasam niya dahil kahit minsan ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para kay Taj. Nasaktan siya sa nangyari sa kanila at ang sakit na iyon ang pansamantalang bumalot sa puso niya. At kung kung hindi niya nakilala si Wanji, hindi alam ni T
ILANG MINUTO na lang at papatak na ang alas dose ng gabi. Bagong taon na naman. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong mga pagsubok. Sana lang magsimula ang taong ito na maayos at matapos na walang mabigat na problema.Inayos ni Tori ang suot niyang kulay pulang bestida na umabot lamang hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba. At dahil masuwerte daw ang bilog sa pagpasok ng taon ay polka dots ang design niyon. Sandali din niyang pinasadan ng tingin sa kaharap na salamin ang kanyang mukha at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay nagpasya na siyang bumaba. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama bago nagsimula nang maglakad palabas ng silid nila ni Hajie. Tanging sila lamang mag-ina ang sasalubong ng bagong taon dahil bumalik na sa Pilipinas si Taj kasama ang pamilya nito pagkatapos ng pasko. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tori habang siya ay dahan-dahang bumababa sa hagdan. Oo, magkasama sila ni Taj na nag-celebrate ng pasko. Alam niyang nang
TANGHALI NA nang magising si Tori kinabukasan. Napabalikwas pa siya ng bangon nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.“Shit! Shit!" natatarantang bulalas ni Tori habang nagmamadaling bumaba sa kama. Kaagad siyang pumasok sa banyo na nasa loob ng silid nila ni Hajie para maghilamos at mag-sipilyo. Nagkukuskos na siya ng kanyang ngipin nang bigla siyang matigilan. Wala sa loob na napatitig sa kaharap na salamin si Tori. “Ano na naman ang ginawa ko?" tanong niya sa sarili habang sinasariwa ang nangyari sa kanila ni Taj nang lumipas na gabi. Pulang-pula ang buong mukha pati ang puno-tainga na napangiwi na lamang si Tori. ‘Akala ko ba gusto mong makalimot kaya ka umalis ng Pilipinas at lumipat dito sa Italy?’ naka-ismid na usig ng isang bahagi ng isipan ni Tori. Yeah, right. Bakit ba palagi siyang nakakalimot kapag kaharap na niya ang dating asawa? Bakit ba napakarupok niya pagdating kay Taj?‘Kasi nga, mahal mo pa rin siya!’ muling sabad ng atribidang parte ng pagkatao ni Tori.
MALALIM NA ANG GABI at tulog na rin ang lahat ngunit nanatiling dilat ang mga mata ni Tori.Hindi na nakabalik sa hotel na tinutuluyan ang pamilya ni Taj dahil sa kagustuhan ni Hajie na makasama ag mga ito. Tatlo ang silid sa bahay ni Tori at sa awa ng Diyos ay nagkasya naman ang lahat. Magkasama sa isang silid sina Claudia at Maddie samantalang solo naman sa isa ang ina ng mga ito na si Alyssa samantalang gamit naman ni Tori at ng anak na si Hajie ang isa pa. Si Taj naman ay nagpasyang sa sofa na lamang matulog.Dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga si Tori. Inayos niya muna ang comforter ng anak na si Hajie bago siya nagpasyang bumaba na lamang para uminom ng gatas. Ingat na ingat si Tori habang bumababa siya ng may labing-dalawang baitang na hagdanan. Ayaw niyang gumawa ng ingay dahil nag-aalala siyang baka biglang magising si Taj na sa salas lamang natutulog. Patay na ang ilaw sa ibaba at tanging ang nakasinding ilaw sa maliit na altar lamang na nasa itaas ng hagdan ang nags
NANG TULUYANG tumapat si Tori kay Taj ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkalito. Dahil kasi sa lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi na alam kung ano ang kanyang gagawin. “Hi," bati ni Taj kay Tori na sandali pang napapitlg. Kumurap-kurap ang mga mata ni Tori pagkuwa’y mahinang nagsalita. “Hello?" alanganin na tugon niya sa dating asawa. Napakamot sa kanyang batok si Taj. Kagaya ni Tori ay nalilito din siya at kinakabahang hindi niya mawari. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang tumapat sa kanya ang dating asawa.Napalunok pa si Taj ng laway at mahinang tumikhim. Jesus Christ pero pakiramdam niya ay para siyang teenager na nabigyan ng pagkakataong masilayan ang crush niya. At kagaya niya ay nakatitig din sa kanya si Tori. “Ehem!" nanunuksong ani ni Maddie na nasa likuran ni Taj. “Nakalimutan mo yatang kasama mo kami, Kuya." nakangising turan naman ni Claudia na nakahalukipkip pa. Sabay na nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa ang dalawa. Saka pa lamang din napansin ni Tori ang
IT’S BEEN five months since Tori decided to go back to Los Angeles kasama ang anak nilang si Hajie at isang linggong mahigit na rin ang nakalipas nang huli silang nag-usap ni Taj. Nalaman ng huli na lumipat sa France ang babae at balak ni Taj na dalawin si Hajie sa susunod na araw. Tatapusin lamang niya ang ilang meetings na hindi na niya maaaring ipa-kansela. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Taj habang hawak sa kanang kamay ang basong may lamang alak. Kasalukuyan siyang nasa labas ng mansion na pag-aari ng asawa ng Mommy niya. Namanhikan kasi ang fiancee ng kapatid niyang si Claudia kaya kompleto silang lahat. Tumingala sa madilim na kalangitan si Taj. Pasado alas onse na ng gabi at nakauwi na din ang pamilya ng fiancee ni Claudia. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa magkabilang sulok ng mga labi ni Taj. Napakapayapa ng gabi at maging ang kalangitan ay kay gandang pagmasdan dahil sa mga bituing nakakalat. Malamig ang simoy ng hangin palibhasa magpapasko na. Is
KASABAY NG pagkakulong ni Kara ay hinuli naman ng mga pulis ang ama nito. At dahil sa matinding kahihiyan ay hindi iyon nakayanan ng ina ng babae, nagpakamatay ito pagkatapos dakpin ng mga otoridad si Mr. Alvarez. Maayos na naisilang ni Kara ang anak nila ni Landon ngunit pagkaraan lamang ng isang linggo ay binawian ng buhay ang sanggol. At labid iyong dinamdam ng babae. Mabilis namang gumulong ang kaso laban sa mag-ama at dahil sa matibay na mga ebidensiyang nakalap ng kampo nina Taj at Tori kaya kaagad na bumaba ang hatol ng korte laban sa mag-amang Alvarez. At dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi iyon nakayanan ni Kara. Pagkalipas ng isa pang buwan pagkatapos mapatunayang nawala sa katinuan ang babae ay ipinasok ito sa mental hospital. Nabigyan na ng katarungan ang pagkamatay ni Wanji at sa hindi inaasahang pangyayari ay kinausap si Tori ng mga magulang ng una. All is well ngunit dahil sa mga nangyari ay malaking bahagi rin ng pagkatao ni Tori ang nawala. At isa la
“HINDI TOTOO ‘YAN!" patiling sigaw ni Kara na mas lalo pang nagwala dahil sa galit. No, hindi siya makakapayag na masira ang lahat.“Alam mong totoo ang sinasabi ko, Kara. Stop using him. Nasira mo na siya. Ano pa ba ang gusto?" puno ng poot sa mga mata na sabi ni Taj. “Hindi!" tigas na pagtanggi na sigaw ni Kara. Itinutok niya ang mga mata kay Landon na sandali namang natigilan. “Landon, hon, listen to me. Look at me, honey. Huwag kang makinig sa kanya. Sa akin ka lang makinig. Mahal kita, Landon. Narinig mo ba ako? mahal kita.” malakas ang boses na sabi niya. Hindi niya pinansin ang biglaang pagkirot ng kanyang tiyan. “Nagpa-imbestiga ako, Kara. Hawak ko ang mga ebidensiya pati na ang litratong magpapatunay na may relasyon kayo ni Landon. Ang galing mo. Nagawa mo kaming paglaruan lahat. Hindi lang si Landon ang sinira mo. You ruined me—my marriage! I’ll make you pay ten times." Sandaling tumahimik si Kara habang si Landon naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin kay
NANININGKIT ANG MGA mata ni Kara habang pinagmamasdan niya si Tori na kausap ang kibigan nitong sina Lorie at Cynthia. No, hindi siya makakapayag na maging masaya ito. Hindi p’wede!Humigpit ang pagkakahawak niya sa manubela ng kanyang sasakyan nang makita niyang sabay na pumasok sa katapat na coffee shop ang tatlo. Nang tuluyang makapasok sa loob ang mga ito ay mabilis na binuksan ni Kara ang pinto ng kanyang kotse. Bumaba siyaat nagmamadali ang mga hakbang na pumasok din sa coffee shop. “Good morning, Ma’am," bati kay Kara ng isang staff na nakasalubong niya. Hindi pinansin ni Kara ang staff na nagkibit-balikat lang naman.Sandaling umikot sa paligid ang paningin ni Kara para hanapin kung nasaan si Tori. At nang makita niya itong nakaupo sa sulok na bahagi ay pinili niyang umupo naman sa mesang ilang dipa lang ang layo mula rito at sa mga kaibigan nito. May suot siyang baseball cap kaya kampante siyang hindi siya mapapansin ng babae. Yumuko din siya para mas makasiguro at nagkunwa