“NO. THIS IS YOUR PARTY. Hindi magandang iwanan mo ang mga kaibigan mo,” sabi ni Genis sa babae, nilapitan niya ito at hinalikan sa nuo, “Just enjoy the party and don’t worry about me, okay? Tumatanda na siguro ako kaya hindi na ako nag-eenjoy masyado sa mga ganitong bagay,” pagdadahilan niya sa dalaga. “I think I’ll go ahead. I’ll see you tomorrow, okay?” “Genis?” Nagproprotesta ang mukha nito. Hinawakan niya ang baba ni Carina at itinaas ang mukha nito paharap sa kanya, “Sweetheart, it’s your special day. Pasensya ka na kung killjoy ako. Talaga lang hindi maganda ang gising ko ngayon kaya as much as I want to, hindi ko na kayang makipagsabayan. I’ll see you tomorrow, okay?” aniya at muli itong hinalikan, this time sa mga labi. Buong init naman siyang ginantihan ng halik ni Carina. Ngunit bago pa makarating sa kung saan ang halik na iyon ay mabilis na siyang kumalas ditto, “Baka hinahanap ka na ng mga friends mo. Hindi na ako magpapaalam sa
“ILANG BESES ko bang kailangang ulit-ulitin saiyo ang lahat bago mo maintindihan Mrs. Locsin?” Singhal ni Genis sa kanyang bagong sekretarya saka napipikong lumabas ng kanyang opisina at nagpahatid kay Mang Doy sa bagong pub house na ipinatatayo niya. Kahapon pa niya gustong makita si Gertrude ngunit may kailangan siyang tapusin na trabaho kahapon kaya nangako na lamang siya na manunuod sila ng sine ngayon. Ngunit nagkaproblema nga sa mga dokumentong kailangan niyang pirmahan kaya napasugod siyang bigla sa opisina. Ngayon naman ay kailangan niyang tingnan ang construction ng pub house since may mga nilabag raw ang construction ng kanilang building ayon sa city engineer na nag-inspect ditto. Alam naman niyang humihingi lang ito ng karagdagang lagay. Kabisadong-kabisado na niya ang mga kalakarang ganito. Hanggang nawala na sa isip niya ang usapan nila ni Gertrude dahil sa dami ng trabahong kinaharap niya. Alas-kuwatro na ng hapon nang maalala niya ang usapan
NATIGILAN sa pagsubo ng pagkain si Tom nang marinig ang sinabi ni Gertrude. Hindi naman niya kung paano sasawayin ang anak sa pagkwekwento nito sa binata. Pakiramdam niya ay masisira ang date nila nang tingnan siya ng masama ni Tom, “Your Dad was in your Mommy’s room?” halata ang tension sa boses ni Tom nang tanungin si Gertrude na wala namang kamali-malisya habang nagkwekwento ditto. “Yes Tito Tom!” bulalas ng bata, “And I think Mommy is still in love with Daddy,” tuwang-tuwa pang sabi nito sa lalaki. Napalunok siya. Patay kang bata ka. Alam niyang away na naman ito mamaya kapag inihatid sila nito sa bahay. “Really? Don’t you know that were going to get married soon?” Tila naiirita nang sabi ni Tom sa bata, waring pati si Gertrude ay nais pa nitong patulan. “But Mommy and Daddy are still married, right?” Sagot naman ni Gertrude. Napahinga siya ng malalim. Daig pa nito ang isang abogada kung magsasagot. Hindi niya alam
NAGBAKE NG CAKE si Amanda. Ang balak niya ay sopresahin si Tom para sa birthday nito kaya kinuntsaba niya ang maid na huwag ipaalam sa binata na darating siya. It’s about time na bumawi naman siya. Narealize niyang Malaki ang nagging pagkukulang niya rito. Sa loob halos ng isang taon nilang relasyon ay ito ang palaging nagbibigay at umuunawa sa kanya. Si Tom ang kasama niya and yet si Genis ang palaging laman ng puso at isipan niya. It’s about time na pag-ukulan niya ito ng pansin or else pati ito ay mawala na rin sa kanya. “Nasaan si Tom?” Mahinang tanong niya sa maid nang pagbuksan siya nito ng pinto. “Nasa kusina po. Dumating si Ma’m Carina, may dala ring mga pagkain,” sagot ng maid. “Sandali lang ay tatawagin ko ho. . .” “Shh, ako ng bahala,” nakangiting sabi niya sa maid saka dumiretso na sa kusina ngunit natigilan siya sa may bukana nang marinig ang pagtatalo ng magpinsan. “Nagpapanggap ka lang na may sakit ka?” Narinig niyan
“WALANG PUWANG sa akin ang traydor na kagaya mo,”Itinutok ni Genis ang baril sa ulo ng kanyang traydor na tauhan. Muli ay naalala niya ang kanyang Ninong Ben sa katauhan nito. Mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman niya. Ipuputok n asana niya ang baril ditto ngunit naalala niya ang bunsong anak nito. Kasing edad ni Gertrude ang bunso nito kaya parang hirap siyang iputok ditto ang hawak nab aril. Huminga siya ng malalim. “Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon alang-alang sa pamilya mo. Ngunit sa oras na lokohin mo pa akong muli, hidni na kita mapapatawad pa,” sabi niya saka tumalikod na rito. Ngunit naramdaman niyang bumunot ito ng baril. Bago pa iyon maiputok ng lalaki ay inunahan na niya ito. “Gago ka! Pinagbigyan na kita pero wala ka ng pag-asa kaya pasnsya na,” sabi niya habang nakatingin sa nakahandusay na katawan nito hanang umaagos ang dugo sa ulo nito. Dinuraan pa niya iyon saka senenyasan kanyang mga tauhan na ligpitin ang bangkay.
WALANG nagawa si Amanda kundi dalhin si Genis sa kanyang kuwarto at ihiga sa kama. Hindi naman niya ito pwedeng pabayaan sa labas. Hindi niya ito kayang tikisin kung kaya’t napilitan na rin siyang linisan ito ng katawan. Pinupunasan niya ang katawan nito nang magmulat ito ng mga mata. “Amanda,” sabi nito sa mahinang tinig. Nagulat siya nang hatakin siya nito pahiga at siilin ng halik sa mga labi. “Damn Genis, what the hell are you. . .” napalunok siya nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng suot niyang lingerie. Nagdulot iyon ng pagkataranta sa kanyang buong katauhan. Heto na naman siya, sa loob-loob niya habang pilit na pinaglalabanan ang nararamdaman. And yet mas matimbang ang nararamdaman ng kanyang puso kaya parang nanghihinang nagpaubaya na lamang siya sa mga halik na iyon ng dating asawa. Pinabayaan na lamang niyang galugarin nito ang kanyang buong katawan. Hinayaan na lamang niyang magpakatotoo sa kanyang nararamdaman ng mga sandalin
“GENIS, if you don’t mind, gusto kong magkasama-sama tayo ng anak mo, kahit isang araw lang,” mahinang sabi ni Carina sa kanya, “Gusto ko siyang maka-bonding k-kasama nina Tom at Amanda. Gusto kong maramdaman nya na welcome sya on both sides, lalong lalo na sa akin,” nakikiusap na sabi pa nito, “Bago man lang ako mamatay.” “Stop saying that, Carina!” Saway niya rito. May pait sa mga labing ngumiti ito, “We can’t escape the truth, Genis. Darating at darating ang araw na mamatay rin ako,” malungkot na sabi nito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng guilt nang maisip ang namagitan sa kanila ni Amanda kagabi. Habang siya ay nagpapakaligaya, heto si Carina at nahihirapan sa sakit nito. Damn, anong klaseng nobyo ba siya? Wala na siyang ginawang tama. Nangako siya sa sariling pag-uukulan na lamang ito ng pansin and yet ibang babae naman ang nasa isip niya. Ginagap niya ang isang kamay ni Carina at hinalikan, “I’m sorry,” halos paanas lamang n
NAPILITAN pa rin si Amanda na pagbigyan ang kahilingan ni Carina kahit na alam niyang palabas lamang naman nito ang lahat. Pumayag na rin siyang lumabas silang apat kasama ni Gertrude. “I love kids so much. Sayang nga lamang at di ako mabiyayaan ng anak d-dahil na rin siguro sa kalagayan ko,” nakangiti pang sabi nito habang nakatitig kay Gertrude. “Kaya thankful ako saiyo, Amanda na pinagbigyan moa ng hiling ko na magkasama-sama tayo k-kasama ng anak mo. Gusto kong iparamdam sa kanya na pwede niya akong maging mommy. B-but of course alam ko namang hindi kita pwedeng palitan sa buhay nya. . .but at least gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako, kami ni Genis. . .” Hindi niya alam kung ano ang isasagot habang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi nito. Para siyang matatawa na maiinis sa drama nito. Bahagya pang napaghigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang kutsara at tinidor. Parang di na niya kayang sakyan ang palabas na ito. Para siyang masusuka na ewan.
“KAPAG HINDI KA NAGSABI ng totoo, tatamaan ka sakin!” galit na galit na sabi ni Genis kay Jericho nang mahuli ito ng mga pulis. Napangisi ang lalakii, tiningnan siya na waring nakakaloko,”May mapapala ba ko kung magsabi ako ng totoo? Ipakukulong nyo pa rin naman ako hindi ba? So mas mabutiing manahimik na lang ako.” Kwenelyuhan niya ito at akmang susuntukin na ngunit maagap siyang napigilan ng mga pulis. “Putang ina mo, ginagago mo ba ako? At ano bang napala mo sa pagpapakalat ng walang kwentang mga [ictures na iyon?” Tanong niya rito. Tipid na ngiti lang ang itinugon nito sa kanya. Iyong ngiting tila gustong-gusto siyang galitin. Pikon na pikon siya kung kaya’t di na siya nakapagpgil pa, mabilis niya itong nasuntok. Pupuruhan sana niya ito ngunit kaagad nahawakan ng dalawang pulis ang mga kamay niya. “Boss kami ng bahala sa kanya,” bulong pa sa kanya ng hepe ng pulis saka senenyasan ang mga tauhan n
NAPAKAGAT LABI SI AMANDA, alam naman niyang ginagawa nito ang lahat para makabawi sa lahat ng naging atraso nito sa kanilang mag-ina. At alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang hindi magduda. “Pinipilit ko namang kalimutan ang lahat. I’m sorry kung minsan, hindi ko pa rin maiwasang hindi magduda,” sabi niyang ginagap ang isang kamay nito, muli na naman siyang napaiyak. Hangga’t maari ay ayaw na niyang magkaroon pa sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit mahirap rin naman sa parte nya na ibigay ang buong tiwala niya lalo pa at ilang beses na rin naman siya nitong binigo. “Gusto kong magwork ang relasyon nating ito. Hindi ko na yata kakayanin kapag naghiwalay tayong muli pero sana naman, bigyan mo ako ng chance na maging isang mabuting asawa saiyo at mabuting ama kay Gertrude. Nagsusumikap naman ako pero bakit parang hindi pa rin sapat?” Tanong nito sa kanya, ramdam nya ang sama ng loob sa bawat katagang binibitiwan nito.
PINAKARIPAS NI GENIS ANG PAGPAPATAKBO ng sasakyan. Gusto niyang komprontahin si Charlene. Hindi niya alam kung anoa ng pakana nito sa buhay ngunit may kutob na siya ngayong sinadya nito ang nangyari. “Magkita tayo sa coffee shop sa ibaba ng building,” seryosong sabi niya kay Charlene nang tawagan niya ito. Napipikon siyang ayaw siyang bigyan ng pagkakataon ni Amanda na magpaliwanag. Ganitong-ganito ang nangyari nuon sa kanila at hindi na niya papayagang maulit pang muli iyon kaya kailangan niyang maresolba ang issue na ito sa lalong madaling panahon. Nasa coffee shop na si Charlene nang dumating siya. Kaagad itong tumayo at akmang yayakap na naman sa kanya ngunit mabilis niya itong naitulak palayo. Seryoso ang mukha niya nang tingnan ito, “Hindi ko alam kung anong kalokohan ito, Charlene pero sigurado akong hindi ka inosente tungkol sa bagay na ito,” aniyang walang kangiti-ngiti habang nakatingin dito, “Paano tayo magkakaron ng intimate na mga lar
NASA LOOB NA SILA ng kotse nang hawakan ni Genis ang isang kamay niya at dalahin sa bibig nito para halikan, “I love you,” pagbibigay assurance nito sa kanya. Nahalata nito marahil na may katiting pa rin siyang selos na nararamdaman pagdating kay Charlene. “I love you too,” sagot niya rito. “Pero sana alam ni Charlene ang limitasyon nya.” “I know, hindi ako dapat ang tinatawagan niya ng ganitong oras,” sabi nito sa kanya, “Nawala lang siguro sa isip nya. Kahit naman kasi paano ay naging close na kami sa isa’t-isa, I hope ypu don’t mind,” anito sa kanya. “I understand. Pero sana next time marealize niya kung saan siya dapat na lumugar,” prangkang sabi niya rito, “Besides, bakit kailangan ka pa nyang tawagan eh obvious namang natawagan na niyang lahat ng mga kaibigan niya, pati mga pulis.” Aniya rito. Nagkibit balkat lang si Genis saka pina-andar na ang sasakyan. Hanggang sa makauwi sila ng bahay ay palai
NAPAUNGOL SI AMANDA nang hagurin ng mga labi ni Genis ang kanyang buong katawan, nagtagal iyon sa kanyang maumbok na mga dibdib, nilaro-laro nito ang dungot niyon kaya bahagya siyang napaigtad. “Genis,” daing niya habang hindi malaman kung saan ipipiling ang kanyang ulo. Napasabunot siya rito saka kagat ang pang-ibabang labi na ipinuloupot niya ang kanyang mga binti sa katawan nito, “Ohhh. . .Genis. . .” Nilamas nito ang isang suso niya habang ang dila nito ay nagpapaikot-ikot naman sa kabilang boobs niya. Ramdam niya ay pangangatas ng maselang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita dahil sa sensasyong inihahatid sa kanyang katawan ng ginagawang iyon ng asawa. Nuong kasintahan niya si Tom ay ilang beses siya nitong tinangkang makuha ngunit ewan ba niya kung bakit kahit anong panunuyo ang gawin nito ay hindi niya maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam kung kaya’t hindi siya natuksong ipagkaloob dito ang kanyang pagkababae.
“WHAT’S WRONG?” Tanong ni Genis nang lapitan si Amanda, ramdam niyang may sama ito ng loob sa kanya kaya nahiga na ito kaagad sa kama. Hinaplos niya ang mukha nito, saka hinalik-halikan ngunit nanatiling nakapikit si Amanda, bahagya pang umisod para lumayo sa kanya. “Tell me, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” Clueless na tanong niya sa asawa. Nagmulat ito ng mga mata, “May nagawa ka bang hindi ko dapat magustuhan?” Balik tanong nito sa kanya. Bahagya siyang napatawa, “As far as I know, wala naman akong ginagawang masama kaya nga tinatanong kita. . .”sabi niya rito, ginagap niya ang isang kamay nito at dinala sa kanyang bibig, “baka naman pinaglilihian mo ako?”Pabirong sabi niya rito. Humaba ang nguso nito. “Amanda, kung may gusto kang linawin, please magsalita ka, hindi ganitong mananahimik ka lang,” Pakiusap niya sa asawa. Tinitigan siya nito ng matiim, “Ikaw, may gusto ka bang linawin sakin?” T
SINIGURADO muna ni Amanda na naihanda na niya ang almusal ni Gertrude bago siya gumayak patungong pilates session niya. Naging kaibigan kaagad niya ang ilan sa mga enrolees duon na sina Emily at Nicole. Kaya naman after ng kanilang session ay naisipan nilang mag-bonding sa isang coffee shop na malapit rin lang sa studio na pinagdausan ng kanilang pilates. “There was even a time na halos hindi na sya umuuwi sa bahay. Mas madalas pa nga niyang nakakasama ang secretary niya kesa sakin,” maktol pa ni Emily. “Nuong una, akala ko talaga trabaho lang, then isang araw, bigla akong nag-surprise visit, ayun nahuli ko ang husband kong nakapatong sa kanyang sekretarya!” “Naku, never trust your husband’s secretary lalo na kung batang-bata at maganda,” sabi naman ni Nicole na kakahiwalay lang sa asawa. Parang may sumipa na kung ano sa kanyang sikmura habang naiisip si Genis na nasa ibabaw ng maganda at batang-bata nitong sekretarya. Subukan lang n
“DO YOU ALWAYS MONITOR GENIS?” Pabirong tanong ni Charlene sa kanya ngunit malaman as if gusto nitong sabihin sa kanya na halatang insecure na insecure siya. Pilit na ngumiti si Amanda, “H-hindi naman. Naisipan ko lang pasyalan sya ngayon p-para sana tanungin kung gusto nyang mag-dinner na lang kami sa labas. Minsan rin mainam na mag-surprise visit,” pahayag niya rito. Nahuli niyang nag-angat ito ng isang kilay saka gumuhit ang pilyang ngiti sa mga labi nito. ‘’Well, hindi na ako magtatagal, ipaalala mo na lang kay Genis iyong dinner naming bukas, tutal naman nakapag-usap na kami in between meetings,” sabi nito sa sekretarya saka muling bumaling sa kanya, “I’ll go ahead, Amanda. . .” anitong akmang tatalikod na nang may maalalang sabihin sa kanya, “By the way, are you pregnant? Parang malaki ang itinaba mo ngayon,” nakangising sabi nito saka tumalikod na nakangisi. Pinamulahan siya ng mukha. Kulang na lamang ay sabihin ntong mag-gym
“Mommy, fake news yan. Pati ba naman po kayo nagpapaniwala sa mga tsismis,” sabi ni Amanda sa ina nang tawagan siya nito at kausapin tungkol sa larawan nina Genis at Charlene na lumabas sa diyaryo, “Pinik up lang yan ng mga reporter para umingay ang pangalan ni Charlene. May bago kasi siyang program na lalabas.” Paliwanag niya sa ina. “Ke totoo o hindi ang tsismis, aba’y dapat huwag kang pakampante,” anang Mommy niya sa kanya, “Hindi porke’t mahal ka ni Genis ay hindi mo na aalagaan ng husto ang sarili mo,” Paalala nito sa kanya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa, “Kailan mo ba huling pinamper ang sarili mo?” “Mukha na ba akong losyang, ‘ma?” tanong niyang muli na namang nakaramdam ng insecurities sa katawan. Kaninang magising siya ay napansin niyang tumataba siya at medyo dry ang kanyang buhok. May kamahalan naman kasi ang magpapa-parlor sa Ireland kaya madalang na madalang siyang pumapasok ng parlor duon. Nangunot ang nuo nito,